You are on page 1of 1

1. Ang relasyon ng tao at kalikasan ay mahalagang ugnayan na di dapat ipag-alinlangan lamang.

Hinuhubog ng kalikasan ang lipunan at kultura ng lipunan, sa parehong paraan hinuhubog ng lipunan at
kultura ng lipunan ang kalikasan.

Ang tao (lipunan at kultura nito) ay maihahalintulad sa isang katawan na kung ang isang bahagi nito ay
masasaktan, apektado ang lahat ng bahagi ng nasabing katawan.

Ang kalikasan at ang tao ay nakadepende sa isat-isa.

2. Ang kalikasan ay naging panangkap para sa pangunahing pangangailangan ng tao gaya ng pagkain,
damit, gamot at tirahan. Ginhawa ang ibinibigay ng kalikasan ngunit nagdudulot naman ito ng sakuna
gaya ng landslide, matinding pagbaha at phenomenon kung ito ay aabusuhin. Sa kabilang banda ang
kalikasan ay nakadepende din sa lipunan. Ang kasiraan ng kalikasan ay dahil sa lipunan ngunit kung
matututo ang lipunang pahalagahan ang kalikasan, magandang kinabukasan ang naghihintay sa lipunan
at kalikasan.

3. Ang panitikang patungkol sa kalikasan ay magmumulat sa lipunan. Hindi lamang ito magbibigay aliw
sa mambabasa ngunit higit sa lahat magbibigay aral din. Ito ang magsisilbing boses ng kalikasan, na
syang mamumuna, manghamon at magbago sa uri ng relasyon ng tao sa kalikasan.

You might also like