You are on page 1of 23

Mga Uri at Kategorya

ng Mga Batas
“Kung walang pagtalima, wala ring
mabuting katangian."
- PIO NG ETRELCINA
Pio ng Pietrelcina
Siya ay namuhay nang may
pagpapakumbaba at pagtalima.
Kahit maraming humiling na siya
ay opisyal na kilalanin bilang
isang hindi pangkaraniwan at
banal na tao. Siya ay nagpahayag
ng matapat na pagtalima sa batas
ng kanilang konggregasyon at
mga utos ng nakatataas sa kanya
hanggang sa kanyang mga huling
hininga.
Ang Natural na Batas
Ang respeto o paggalang ay mahalaga sa bawat relasyon ng tao. Ito
ay isang pagkilala na ang kapwa ay singhalaga natin. Dapat itong
ipagkaloob sa sinumang tao dahil siya ay nilikha ng diyos.

Ang pagpapakatao ay isa sa mismong batas.

Ang Natural na Batas ay dumadaloy sa iba pang takdang moral na


pagpapahalaga na pareho sa lahat ng mga tao anuman ang panahon,
ang kanilang lahi, relihiyon, paniniwala, at kultura. Ang mga
pagpapahalaga ng ito ang gabay sa ating pakikipag-ugnayan sa
ating sarili, sa mundo, sa ating kapwa sa pamayanan, at sa Diyos.
Mga
pagpapahalaga
para sa sarili

DAPAT NATING SUNDIN ANG


MGA PANDAIGDIGANG
MORAL NA PAGPAPAHALAGA
KUNG PAANO NATIN
TINATRATO ANG SARILI.
Mga pagpapahalaga para sa ating
pakikipag-ugnayan sa kapwa
Pag sinabi nating pakikipag ugnayan sa kapwa, tinutukoy natin ang
lahat ng tao na ating nakasasalamuha, tuwiran man o di-tuwiran.
Hindi na dapat ikagulat na dahil sa teknolohiya, mayroon kang
naipadadamang koneksiyon at impluwensya sa buhay ng mga tao sa
labas man ng iyong bansa. Ito ang tinatawag na "globalisasyon".

Ang cell phone ay nagiging isang pangangailangan sa ating pakikipag-


ugnayan sa kapwa. Ang kawalan ng cell phone ay maaring magdulot
ng "social paralysis" o pagkaparalisa sa lipunan.
PAGPAPAHALAGA SA
1 KATUNGKULAN AT PAMILYA;

PAGPAPAHALAGA SA BUHAY NG
Talaan ng pandaigdigang mga 2 TAO;
moral na pagpapahalaga na
PAGPAPAHALAGA SA
katangian ng isang mabuting 3 SEKSUWALIDAD;
pakikipag-ugnayan sa kapwa:
PAGPAPAHALAGA SA
4 KATARUNGANNAT KABUTIHANG
PANLAHAT;

PAGPAPAHALAGA SA
5 KATOTOHANAN.
Ang pagpapahalagang ito ay
nakabatay sa kung sino tayo
bilanh tao sa konteksto ng
ating pakikipag-ugnayan.
Sa paggalang at pagtataguyod
ng mga pagpapahalagang ito,
tayo ay nagiging tunay na
taonat ganap na malaya.
Mga pagpapahalaga para sa
ating pakikipag-ugnayan sa
mga materyal na bagay at sa
iba pang mga nilikha
Tayo ay nabibilang sa mas malawak na
pagkakaugnay-ugnay ng mga nilikha.
Kung titingnan ang Prinsipyo at
Pundasyon ni Ignatius ng Loyola, ang
iba pang mga nilikhang ito ay nilikha
upang tulungan tayong matamo ang
ating nag-iisang layunin sa buhay ra
makilala, mahalin, paglingkuran, at
purihin ang Diyos-"ang mabuhay
kasama ng Diyos sa habampanahon."
1.) ANG HINDI MAPAPALITANG PAPEL
NG BAWAT NILIKHA SA ECOSYSTEM;

Iginagalang natin 2.) ANG PAGKAKAUGNAY-UGNAY NG


MGA NILIKHA SA ECOSYSTEM;
ang mga 3.) ANG ATING PAPEL BILANG TAO SA

sumusunod: ECOSYSTEM BILANG MABUTING


KATIWALA;

4.) PAGPAPANATILI/PAGPAPATULOY SA MGA


NILIKHA
Ang hindi mapapalitang tugkulin ng
bawat nilikha sa Ecosystem
Bawat nilikha sa ecosystem ay may
tiyak at hindi mapapalitang
tungkulin sa ecosystem. Mas madali
itong mauunawaan sa pamamagitan
ng ating natutuhan tungkol sa mga
"food chain" o "food
web." Gayumpaman, ang tungkulin
ng mga nilikha ay hindi dapat
malimitahan sa pagiging pagkain o
sa pananaw ng mundo kung saan
mas mabuting ikaw ang kumain
kaysa ikaw ang may pagkain.
Bawat nilikha, sa pamamagitan ng Kanyang mga
natatanging gawain oproseso, ay may kakayahang
magdagdag ng mga bagong nilikha sa mundo. Batid
natin na ang mga puno at halaman ay nagbibigay ng
mahalagang hangin (oxygen), hindi lamang para sa
tao kundi pati na rin sa mga hayop at iba pang
nilikha.
Ang hindi maganda sa paningin at matakaw na
higad ay mukhang walang halaga sa puno, subalit sa
paglipas ng panahon kapag ito'y naging isa nang
paruparo, nakatutulong na ito sa pagpaparami ng
mga bulaklak at pananatiling buhay ng mga puno at
ng iba pang mga halaman.
Ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga nilikha
sa Ecosystem
Dahil ang kalikasan ay isang ekolohikal na sistema, ang batas ng kalikasan
ay nagsasaad na ang bawat nilikha ay may idinadagdag sa kabuuan at ang
kabuuan ang nagbibigay ng kaayusan sa lahat. Ang buong ecosystem ay
nagpapakita kung paano nakikipag-ugnayan ang nilikha sa bawat isa. May
ilang mga pamatay-peste na ginawa para pumuksa ng mga insektong
nakasisira sa mga pananim ang may epekto sa natural na kapaligiran.
Tumatagas ang mga kemikal sa mga sapa, nagiging nakalalason ang mga
nilikha sa tubig, at nalalagay sa panganib ang buhay ng mga hayop at tao.
Ang ganitong pagkakaugnay-ugnay ng mga nilikha sa ecosystem ay hindi
nagtatapos sa lokal o pambansang mga hangganan. Kung ano ang ginagawa
natin sa ating mga kagubatan dito sa Asya o kung paano tayong nangingisda
sa ating mga karagatan ay may epekto sa lahat ng tao sa buong planeta.
Ang ating tungkulin
bilang mga Tao sa
Ecosystem
Lahat ng relihiyon, mula sa mga
paniniwala ng mga tribo sa disyerto
ng Africa, hanggang sa mga
ipinahahayag na turo sa ating mga
templo at simbahan, ay nagsasabi
ng ating natatanging tungkulin sa
ecosystem.
Pakikipag-
ugnayan sa
Diyos
Ang ating pakikipag-ugnayan sa sarili, kapwa, at mga
materyal na bagry at sa iba pang mga nilikha ay atin
ding relasyon sa Diyos. Sa pamamagitan ng
pananampalataya nakikilala natin ang Diyos bilang
tunay at tanging Pinagmulan ng lahat ng bagay,
Kahulugan, at Kapalaran ng ating buhay.
Mga Batas Pansibilyan
Ang mga Batas para sa mga Sibilyan ay
aplikasyon ng Natural na Batas sa araw-
araw na pamumuhay ng tao sa konteksto
ng kanyang espesipikong pamayanan,
lungsod, at bansa.
Mga Batas kaugnay ng Relihiyon
Ang mga batas kaugnay ng relihiyon ay
pagpapahayag ng Natural na Batas na
nakapaloob sa Batas ng Diyos na
ipinahayag sa mga partikular na tao, sa
kanilang pagsasabuhay ng
pananampalataya sa konteksto ng
kanilang espesipikong paraan ng
pananalig

You might also like