You are on page 1of 7

SCENE 1: (SA BAYAN NG ____)

(Kasalukuyang nagaganap ang “Gift giving and feeding Program 2020” sa bayan ng
____ na pinangunahan ni Mayor Isko, at naroon rin sina Lucas, at Safira upang
tumulong sa naturang programa)
Lucas: Ako si Lucas, isang gwapong lalaki pero may malambot na puso at malambot
kumilos. Inililihim ko sa aking ama ang katotohanang ito dahil baka hindi niya ako
matanggap dahil siya ang simbulo ng kalakasan at kapangyarihan sa aming
bayan. Nais kong maglingkod sa Panginoon dahil nararamdaman kong tinatawag
ako ng Diyos. Ngunit gusto ni daddy na sundan ko ang kaniyang yapak. Paano
ko haharapin ang pagsubok na ito kung ang aking sariling ama ang
humahadlang? (voice over)
Safira: Ako naman si Safira, isang muslim ngunit nais maging misyonaryo at
maglingkod sa Diyos dahil alam kong tinatawag Niya ako. Ngunit paano ako
makatutugon sa Panginoon kung kaakibat nito’y pagtalikod ko sa aking relihiyon?
(voice over)
(Dumating si Jennilyn, ang matalik na kaibigan nina Lucas at Safira)
Jennilyn: Bess!! Pasensya na medyo nahuli ako ahh?
Lucas: Naku Jenn, ayos lang, buti nga nakarating ka.
Safira: Kaya nga! Sige picture muna tayo!
Jennilyn: Sige, sige! I-tag mo kami ahh.
(Lumapit sa kanila si Mayor Isko)
Mayor Isko: Oh Safira, Jennilyn, salamat sa pag-volunteer dito sa program.
Safira at Jennilyn: Wala po yun Mayor!
(Maya-maya ay lumapit ang dalawang mamamayan at kinausap si Mayor)
Mamamayan 1: Mayor salamat po, malaking tulong po ito.
Mamamayan 2: Kaya nga po Mayor, tuwang-tuwa din ang mga bata,
napakaresponsable niyo po talaga.
Mayor Isko: Naku po, ‘wag po kayong magpasalamat, ginagawa ko lang ang aking
trabaho bilang Mayor sa bayan natin. Sige at may aasikasuhin muna ako sandali.
Lucas, ikaw na muna bahala rito ah? Babalik rin ako agad.
Lucas: Sure Dad!
Mayor Isko: Okay! Guard let’s go. Guard? Guard?
Manong Guard: (kinalabit si Mayor). Sir nandito po ako.
Mayor Isko: Ay sorry, di kita napansin, sabi ko kasi sayo magsuot ka ng puti eh. (At
umalis na sila)
(Samantala nag-umpisa ng mamigay ng mga regalo sina Lucas sa mga bata)
Jennilyn: (tinawag ang mga bata) Oh kids, may mga regalo naba kayo?

Bata 1: Wala pa po.

Safira: Oh sige pumila kayo at mabibigyan kayong lahat.


(Inabutan nina Safira, Lucas at Jennilyn ng regalo ang mga bata, at natuwa ang mga
bata)

Lucas: Oh buksan niyo na dali!

(Akma ng bubuksan ng mga bata ang mga regalo na kanilang natanggap)

Lucas: Feeling ko alam ko na kung anong laman niyan.

Safira at Jennilyn: Ano?

Lucas: Feeling ko barbie yan. Sige nga buksan niyo nga.

(Nang buksan na ng mga bata ang regalo ay manika nga ang laman nito)

Lucas: Sabi ko na!!! Sabi ko na barbie eh!

Jennilyn: Uy! Marinig ka ng daddy mo. (ani Jennilyn habang tumatawa)

(At nagtawanan ang mga bata at silang magkakaibigan)

SCENE 2: (SA ESKUWELAHAN)

Jennilyn: (Tahimik na nakaupo habang hinihintay na dumating sina Lucas at Safira)

(Dumating si Lucas at agad pinansin ng mga masusungit niyang kaklase)

Kaklase 1: Ay anjan na si bakla! Yung future mayor daw pero lalambot-lambot!


Hahahaha.

Kaklase 2: Trueee! Pero may nagsasabi gusto niya daw magpari. Naku baka masunog
ka lang dun! ‘Di ka bagay dun no!

(Tahimik lang na dumaan si Lucas at umupo sa tabi ni Jennilyn kahit pinagtatawanan


na siya ng kaniyang mga kaklase)

(Maya-maya ay dumating na rin si Safira at agad ding nilait ng kaniyang mga kaklase)

Kaklase 1: Ay tingnan mo! Anjan na yung taga-tinda ng mga pirated Cd’s!! San
puwesto niyo?

Kaklase 2: Pabili nga po! Hahahahaha

(Hindi ito pinansin ni Safira at umupo na lamang sa tabi nina Jennilyn at Lucas)

Jennilyn: (Tiningnan niya ang mga kaibigan niya at sinabihang ayos lang iyon) Oh,
‘wag niyo na silang pansinin. Ayos lang yan.

Lucas: Palagi na lang ganito eh! Lagi nalang nila akong hinuhusgahan.
Nakakapangbaba! Parang hindi ko kayang panindigan ang kagustuhang
maglingkod sa Diyos.

Safira: Kaya nga! Pasensya na pero pakiramdam ko hindi ako deserving na


maglingkod sa Diyos.

Jennilyn: Ano bayan! Tumigil nga kayo! (agad niyang kinuha ang bibliya sa kaniyang
bag at ibinigay kila Safira at Lucas)
Lucas at Safira: Anong gagawin namin dito?

Jennilyn: Sige, buklatin niyo ‘yan! Maghanap kayo diyan na nagsasabi na kailangan
perpekto ka, kailangan lalaking-lalaki ka kumilos, kailangan wala kang bahid ng
kapintasan para maglingkod sa Diyos! ‘Di ba wala? Dahil hindi niya naman
kailangan ng perpektong tao, kaya nga tinatawag kayo ng Diyos dahil pinili niya
kayo, kayo mismo! Hindi dahil sa katauhan o relihiyon niyo.

Safira: Tama siya Lucas.

Lucas: Oo naiintindihan ko, kaya lang kasi maski si Daddy alam kong hindi ako
susuportahan sa gusto ko, baka nga hindi niya pa ako matanggap. Lahat nalang
hinuhusgahan ako!

(Inawitan nina Jennilyn at Safira si Lucas upang palakasin ang loob nito)

Lucas: Tama kayo, susubukan ko nang kausapin si Daddy tungkol dito.

Jennilyn: Sigurado maiintindihan ka rin ng Daddy mo. Kaya mo yan.

SCENE 3: (MAYOR’S OFFICE)

Lucas: (Pumasok sa opisina ng kaniyang ama) Dad?

Mayor Isko: Oh, Lucas, sakto ang dating mo, ito na yung mga libro na gusto ko
ipabasa sayo. Makakatulong ‘to para sayo someday kapag magma-mayor kana
rin.

Lucas: Ah, Dad, yun nga po ang sadya ko, gusto ko pong sabihin na hindi ko po
gustong maging mayor.

Mayor Isko: Kalokohan! Ano bang pinagsasasabi mo?

Lucas: Dad, gusto kong magpari! Tinatawag ako ng Diyos.

Mayor Isko: Are you out of your mind?! Ano nalang sasabihin ng mga padrino ko? ‘Di
mo ba alam na pinag-uusapan ka na nga ng mga tao dito, na babakla-bakla ka
raw? Kaya nga kita pinagma-mayor para mapatunayan na malakas ka, na kaya
mong mamuno.

Lucas: Oo na aaminin ko na! Hindi ako tulad ng iniisip niyo Dad! Weak nga yung
personality ko eh, anong magagawa ko?

Mayor Isko: Ano? San ba ‘ko nagkulang anak?

Lucas: Hindi ka nagkulang Dad! Sumobra ka pa nga eh! Kasi pati pangarap ko
pinapalitan mo whithout knowing if gusto ko ba talaga. Dad, your approval is
the only thing I need.

Mayor Isko: Kung ganon, simulan mo ng iimpake ang mga gamit mo.

Lucas: Dad, ‘wag mong gawin ‘to.

Mayor Isko: Ayusin mo na rin mga papers mo sa school. Para makapasok kana sa
semenaryo.
(nagulat si Lucas sa sinabi ng kaniyang Ama, at naging masaya siya dahil sa wakas ay
pumayag na ang kaniyang ama)

SCENE 4: (SA TAHANAN NINA SAFIRA)

(Kapapasok pa lamang ni Safira ay agad siyang sinampal ng kaniyang Ina)

Salida: Bakit ka sumasama sa mga ‘yon, alam mong magka-iba kayo ng relihiyon diba?

Safira: Ngunit Ina, mababait sila, mga matatalik ko silang kaibigan.

Salida: Ayan! Kaya pala pinipilit mong payagan kita na maging christian missionary!
Ayan ba ang mga natutunan mo sa mga kaibigan mo? Ang sumuway sa
magulang at talikuran ang sarili mong relihiyon?

Safira: Nagkakamali ka Ina, Tinatawag ako ng Diyos! And I have to say yes!

Salida: Stop that nonsense Safira! Iwasan mo na ‘yang mga kaibigan mo! Or else wala
ka nang kikilalaning Ina!

(Pumasok na sa silid si Salida at naiwang mag-isa si Safira. Nasaktan siya sa sinabi ng


kaniyang Ina at hindi niya alam ang kaniyang gagawin)

SCENE 5: (SA ESKWELAHAN)

(Nagkwekwentuhan sina Lucas at jennilyn nang dumating si Safira)

Jennilyn: Oh, Safira, andiyan ka na pala.

Safira: ( Diretso lang ang lakad at tila walang narinig)

Lucas: Safira! Hala, attitude ka girl?

Jennilyn: Naku, baka may problema siya. Sandali lang ah.

(Nilapitan ni Jennilyn si Safira)

Safira: (Sinubukan niyang iwasan si Jennilyn)

Jennilyn: Safira, may problema ka ba? Bakit mo kami iniiwasan?

Safira: Jenn hayaan niyo na lang ako.

Jennilyn: Safira? (sabay kawak sa kamay ni Safira)

Safira: Bitiwan mo’ko!

Jennilyn: Please naman ‘wag mong gawin ‘to. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi
makakatulong kung iiwas ka lang, nandito lang kami para sayo.

Safira: (hindi napigilang mapaiyak)

(Kinantahan nina Jennilyn at Lucas si Safira upang mapalakas ang loob nito)

(Pagkatapos nito ay napansin ni Jennilyn na may mga sugat si Safira sa kaniyang


palapulsuhan)
Jennilyn: Teka, ano ‘to! Safira anong nangyari?

Safira: Halos ‘diko na kasi kayanin yung bigat. Ayaw ni Ina na nakikisama ako sa inyo,
ayaw niya na gawin ko ang gusto ko. Gulong-gulo na ang isip ko eh! I almost ended my
life. This grief has gravity it keeps pulling me down.

Jennilyn: I’m sorry Safira! Hindi namin alam na ganyan na pala ang nararamdaman
mo. Heto, naghanap ako ng picture ng Mama mo. Sa oras na sukong-suko ka na,
tingnan mo lang to. Isipin mo kung papaano siya ‘pag nawala ka.

Lucas: Pasensya na kung wala kami sa oras na kailangan na kailangan mo kami. Pero
makakaasa ka, nandito lang kami, just let us know.

Safira: Salamat. Maninindigan ako at ipaglalaban ko’tong sinisigaw ng puso ko. I will
protect what I want and I’m ready to pay for the consequences.

SCENE 6: (SA TAHANAN NINA SAFIRA)

(Pagkauwi ni Safira ay agad siyang sinalubong ni Salida)

Salida: Anak, pasensya ka na kung napagbuhatan kita ng kamay kagabi, ‘wag mo na


kasing babanggitin ‘yun ha?

Safira: Ina, pakiusap naman oh. (sabay luhod)

Salida: Naku, Safira ano bang ginagawa mo, tumayo ka nga diyan!

Safira: Inaaaa!!

Salida: Anak, ano ‘to? San mo nakuha ‘to?

Safira: Kasi Ina, kapag sinunod ko yung gusto ko, sabi mo kalimutan na kita, eh paano
yun? Hindi ako makakapili doon dahil parehong importante. Kaya wala, nawala
na’ko sa sarili ko.

Salida: Naku anak, patawarin mo ako, akala ko napoprotektahan kita, pero mas lalo pa
pala kitang naipapahamak. Kung ‘yan talaga ang gusto mo, sino ba naman ako
para pigilan ka?

Safira: Ina! Maraming salamat!

(Nagyakapan silang mag-ina at bumuhos ang mga emosyon)

SCENE 7: (SA ESKWELAHAN)

(Mag-isang nakaupo si Jennilyn habang hinihintay ang kaniyang mga kaibigan. Maya-
maya ay dumating na rin sila)

Jennilyn: Uy! Kanina ko pa kayo hinihintay.

Safira: (agad niyang hinagkan si Jennilyn)

Jennilyn: Teka bakit?

Safira: Jennilyn, sobrang saya ko, dahil sa wakas pinayagan na ako ni Ina.
Jennilyn: Talaga? Naku sobrang saya ko para sayo.

Lucas: At Jennilyn, alam mo ba papasok na ako sa semenary, suportado na ako ni


Daddy, salamat sa tulong ah?

Jennilyn: (hindi napigilang umiyak dahil sa sobrang saya) Sobrang saya ko! Thank you
Lord! Mission accomplished!

SCENE 8: (SA TAHANAN NINA JENNILYN)

Safira: Makalipas ang ilang buwan ay nakapasok na ako sa monasteryo at nasa


seminaryo na rin si Lucas.

Lucas: Konting hakbang nalang ay malapit na naming matupad ang aming pangarap
na maglingkod sa Diyos habang buhay.

Safira: Napagkasunduan naming bisitahin si Jennilyn dahil nangungulila na rin kami sa


kaniya.

(Pagkarating nila sa tahanan nina Jennilyn ay pinagbuksan sila ng pinto ng Ina ni


Jennilyn)

Lucas at Safira: Mano po.

Gina: Naku kayo pala. (sabay hinga ng malalim)

Lucas: Tita, asan nga po pala si Jennilyn?

Gina: Ahhh, wala na si Jenn. Noong nakaraang buwan lang.

Lucas at Safira: (nagulat sila at nanlumo nang mabatid ito)

Safira: (halos mahimatay) Hindi po ‘yan totoo, ‘wag naman pong ganyan.

Lucas: (matatahimik at manlulumo) Napakabait niya. Ano pong dahilan ng kamatayan


niya?

Gina: May cancer kasi si Jenn, matagal nang may taning ang buhay niya. Tulad niyo,
nasa puso niya rin ang paglilingkod sa Diyos, pero dahil nga sa sakit niya, hindi
niya na rin kinaya, kasi hindi na siya makatayo ng matagal, madali na siyang
mapagod.

Safira: Sigurado po ako na napakasit nito para sa inyo.

Gina: Naku, sabi niya sa akin ‘wag akong malulungkot kasi uuwi na siya sa Panginoon.
Masaya pa nga siya dahil sabi niya, marahil iyon daw ang pinaka gampanin niya
sa mundo. Na maging daan para maiakay kayo sa Panginoon. At para sa kaniya
natupad niya ito.

SCENE 9: (SA SIMBAHAN)

Safira: Minsang kaming tinawag ng Diyos. Maraming balakid at pagsubok ang hinarap.

Lucas: Ngunit dahil sa isang kaibigan na nagsilbing anghel para sumunod sa tawag ng
Diyos, ay sa wakas handa na kaming tumugon.

Safira at Lucas: And we say YES to God!


All: “QUOTATION”

You might also like