You are on page 1of 7

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 7

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Luzon

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong


panturismo

Kasanayang Pampagkatuto: Naisusulat ang iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian


ng pangunahing tauhansa Epiko (F7Pu-Id-e-3).

I. MGA LAYUNIN

Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral sa Filipino 7 ay inaasahang :

a. Natutukoy ang mahahalagang detalye sa tekstong nabasa mula sa Epiko ng Luzon.

b. Nakikilala ang katangian ng mga pangunahing tauhan.

c. Nakakasulat o nakabubuo ng iskrip ng informance o mga kauri nito.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Ang Epiko ng Biag ni Lam-ang

Sanggunian: Gangsa, Interaktibong Aklat sa Filipino I : Wika at Panitikan, p.35-38

Kagamitan: Larawan, Biswal Eyds, Panulat

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

a. Pagbati

• Magandang araw sa inyong lahat mga mag-aaral sa • Magandang araw din po, Bb. Jizamay at sa kapwa
ika-pitong Baitang sa Filipino! mag-aaral!

b. Pagpanalangin

• Tumayo ang lahat at tayo ay manalangin na • Ipikit ang ating mga mata at damhin ang presensya ng
pangungunahan ni April. ating Panginoon.....
c. Pagtatala ng Lumiban

• Maupo na ang lahat • ( Naupo na ang lahat)

• Mayroon bang lumiban ngayong araw? • Wala po, Bb.

d. Pagbabalik-aral

• Ngayon klas, bilang pagbabalik aral, ano nga ang • Ang tinalakay po natin kahapon ay tungkol sa Epiko,
tinalakay natin kahapon? mga katangian at halimbawa nito.

• Tama!

• Ano nga ang Epiko? • Ang epiko ay isang mahabang tulang pasalaysay na
inaawit o binibigkas nang mataimtim at nahihinggil sa
mga mahiwagang pangyayari o kabayanihang
kinapapalooban ng mga paniniwala, kaugalian,
huwaran, at sukatan sa buhay ng mga sinumang
mamamayan ng isang bayan. Ito ay nagpasalin-salin sa
bibig bago naitala nang dumating ang mga kastila.

- Pagkakaroon ng kaisahan ng banghay


• Magaling!
- Mabilis na aksiyon
• Magbigay ng ilang katangian ng Epiko?
- Paggamit sa istorya ng mga kababalaghan

- Nakatitinag-damdamin at dakilang paksa

- Hudhud : Kwento ni Aliguyon ( Ifugao)


• Mahusay!
- Ibalon (Bicol)
• Magbigay ng ilang halimbawa ng Epiko?
- Kumintang

• Magaling!

e. Pagganyak

• Magpapakita ng mga larawan.


• Ang mga pangunahing tauhan po sa Encantadia!
• Mga gabay na tanong: ( Danaya,Perena,Amihan at Alena)
- Sino-sino ang nasa unang larawan? • Si Darna po!
• Tama!

- Sino ang nasa unang larawan? • Ako po Bb.


• Magaling! • Lahat po sila nagtataglay ng kapangyarihan na
ginagamit po nila sa pagtatanggol at sa paggawa ng
• Sa inyong palagay, ano ang pagkakapareho ng nasa
mabuti.
dalawang larawan?

• Sige po

• Mahusay!

Paghahawan ng Sagabal

• Bago natin talakayin ang isang epikong ilokano, atin


munang bigyang pansin ang mga salita sa ibaba:

• Pias - Kamias

• Daligan - Balimbing

• Kamalig - Bahay imbakan

• Luklukan - Trono, upuan

• Dote - Handog, alay

• Berkakan - Isang uri ng pating

• Longgangan - Isang uri ng gong

B. PANLINANG NA GAWAIN

a. Paglalahad
- Bago tayo dumako sa ating bagong aralin ngayong
araw, ang naipakitang larawan ng mga tauhan ay may
kanya-kanyang gampanin sa kapaligiran, nagtataglay
sila ng kakaibang katangian na higit sa normal na tao. At
ang mga ito ay may kaugnayan sa ating tatalakayin
ngayong araw na ito na nagtataglay din ng kakaibang
katangian.

- Ngayon klas, atin ng simulan!


• Opo, Bb.
b. Pagtatalakay

Ngayon dumako na tayo sa ating tatalakayin, ito ay


tungkol sa isang epikong ilokano na mayroong pamagat
na "Biag Ni Lam-ang".

( Tinalakay ng guro at ipinaliwanag ang bawat


pangyayari)

• (Tahimik na nakikinig at inunawa ang bawat


pangyayari sa tinatalakay na epiko ng guro)

• Ang galing naman po Bb. kakapanganak pa lamang


kay Lam-ang marunong na agad siyang magsalita at siya
pa po mismo ang pumili ng kanyang magiging pangalan
at magiging ninong!

• Isang kamangha-mangha talaga ang nangyari kay Lam-


ang at sa kanyang buhay.

• Ngayon klas, naunawaan nyo ba ang ating tinalakay ( Nagpalakpakan)


ngayon na epiko?
• Opo, Bb!
• Mabuti naman kung gayun, mahusay!

c. Paglalahat

• Ngayon naman klas, tatanungin ko kayo kung


naunawaan nyo talaga ang ating tinalakay mayroon
akong inihandang mga katanungan dito na inyong
sasagutin.

• Tungkol saan ang ating tinalakay?

• Sige, Lea
• Ako po Bb!
• Magaling!
- Tungkol po sa Epikong ilokano na pinamagatang Biag
• Ilang tauhan ang nabanggit sa Epiko? Ni Lam-ang!

• Tama! • Labing isa po Bb!

• Sino-sino naman ang mga tauhang nabanggit?

- Don Juan ( Ama ni Lam-ang)

- Namongan (Ina ni Lam-ang)

- Lam-ang ( Pangunahing tauhan)

- Marcos ( Matandang maninisid)

- Gibuan ( Ninong ni Lam-ang)

- Igorot ( Kaaway nina Lam-ang)

- Donya Ines Kanoyan ( Ang niligawan at napangasawa


ni Lam-ang)

- Mga magulang ni Donya Ines

- Sumarang ( Ang malaheganti na nakaaway ni Lam-ang)

- Unnayan ( Kapatid ni Donya Ines)

d. Pagpapahalaga
• Ako po Bb!
• Bakit nga ba mahalagang pag-aralan ang isang epiko?
- Mahalagang mapag-aralan po natin ang Epiko
• Sige Ann! sapagkat ito ay nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa
ng tradisyon, kultura, literatura, relihiyon, paniniwala,
lingguwahe at pagkakakilanlan ng isang bansa o lugar.
Nagtataglay din ito ng mga kabayanihan at iba pang
positibong aral na maaari nating maging gabay sa ating
buhay.

• Mahusay!

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON

I. Panuto: Kumuha ng isang buong papel at sagutin ang


mga sumusunod na mga katanungan.

1. Bakit wala ang ama ni Lam-ang nang siya ay


ipinanganak?

2. Anong mga kaugalian ukol sa panganganak,


panliligaw, at kasal ang malinaw na ipinakita sa epiko?
Sinusunod pa ba ito ngayon?

3. Anong paglalarawan ang nabuo mo sa iyong isipan


habang binabasa ang epiko? Aling tauhan, pangyayari, o
tagpuan ang sa palagay mo'y katawa-tawa? Bakit?

4. Anong katangian ni Lam-ang ang malinaw na inilahad


sa salaysay? Magbigay ng mga halimbawa ng kanyang
mga ginawa o sinabi upang mapatunayan ang iyong
sagot.

5. Ano ang ipinahihiwatig ng epikong ito tungkol sa


pamumuhay ng mga Pilipino noong unang panahon?
Ipaliwanag.

II. Panuto: Kumuha ng isa pang buong papel at gumawa


o bumuo ng iskrip mula sa binasang epiko.

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng epiko


mula sa ibat'-ibang lugar sa Asya. Pagkatapos, tukuyin
ang mga natatanging katangian ng mga pangunahing
tauhan.

Inihanda ni: Jizamay P. Barroga

BSED-FILIPINO 2

Nabatid

FARRELL DL. ALTAMARINO, MAEd.


Instructor

You might also like