You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. nasasagot ang tanong tungkol sa binasang akda

b. naiguguhit ang larawan sa kabanata 1: Isang handaan

c. nakapagbabahagi ng sariling karanasan at pananaw sa buhay

II. NILALAMAN

Panitikan: Noli Me Tangere

Paksa: Kabanata 1: Isang Handaan

Kagamitan: PowerPoint presentation, picture, video presentation

Learning Code:

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Gawaing rutinari

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat at magdasal muna (Tatayo ang mag-aaral at magdarasal)


tayo.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

2. Pagbati

- Magandang Umaga sa inyong lahat. Magandang Umaga po Bb. Erica

- Kumusta kayo? Mabuti naman po.

- Maaring bang pakipulot ng basura sa (Mamumulot ng basura ang mga mag-aaral)


tapat ng inyong upuan?

- Maaari ng umupo ang lahat.


Salamat po ma'am.

3. Pagtatala ng liban

- Mayroon bang lumiban?


Wala po ma'am.
4. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin Meron po ma'am.

- Mayroon bang takdang Aralin? (Ipapasa ng mga mag-aaral)

- Sige makikipasa ng talagang aralin

5. Balaik-Aral

- Noong nakaraang linggo ating tinalakay ang


tungkol sa buhay ni rizal at ang kaligiran ng Nolie
Me Tangere.

- Ano nga ba ulit ang buong pangalan ni


Rizal?
Jose Portacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

- Mahusay!

Ang kaunahang sumulat ng talambuhay ni Rizal ay


- Sino naman ang kauna-unahang sumulat si Wenceslao Retana
ng talambuhay ni Rizal?

- Mahusay!

Ang kauna-unahang nobelng isinulat ni Rizal ay ang


-Ano nga ulit ang kauna-unahang nobelang Noli Me Tangere.
isinulat ni Rizal?

- Tama, magaling!

- Magbigay ka nga ng isang tauhan sa Noli


Me Tangere.
Isa sa mga tauhan sa Noli Me Tangere ay si Don
(Tatawag ang guro ng sasagot)
Crisostomo Ibarra.

- Sino nga ulit si Don Crisostomo Ibarra?


Si Don Crisostomo Ibarra ay isang binatang nag-aral
sa Europa na ngarap magpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan
ng San Diego

- Mahusay!

- Bago tayo dumako sa kabanata 1 ay (Kukuha ng papel ang mga mag aaral)
kumuha ng papel at mayroon tayong quiz.

Motibasyon:
Mungkahing Estratehiya: TINGNAN MO AKO!

(Ipakikita ng guro ang larawan)

- Ano ang inyong nakikita sa larawan?

(Tatawag ang guro ng sasagot)

Makikita sa larawan ang isang pagtitipon o salo-


salo.

- Mahusay!

- Bago natin simulan ang pagtatalakay, atin


munang alamin ang mga salitang malalim na ating
mababasa sa akda. Narito ang ang mga salita na
nais kong inyong masagot.

(Ipapakita ng guro ang PowerPoint presentation)

Buohin Natin!

Panuto: Ayusin ang mga letra ng salitang


kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit.

Halimbawa: Ipinapahiwatig ni Don Santiago de los


Santos na nav-iimbita siya sa mga panauhin sa
isang hapunan sa kanyang bahay.

ISBASANI

Sagot: SINASABI
1. PAGTINGIN
1. Sa pagmamasid sa kapaligiran ng bahay ni
Kapitang Tiago kapuna-puna ang mga antik na
larawan.

GINPANGIT

Sagot: ___________
2. PALABAN
2. Ayaw niya ang mga taong mapaghimagsik at
nangangalakal.

BAPANAL

Sagot: ___________
3. KAHIRAPAN
3. Sa panahon ng kagipitan si Kapitan Tiago ay
madali mong malalapitan.

RIHANAPAK
Sagot: __________ 4. MAKIHALUBILO

4. Si Padre Sibyla ay pormal makitungo sa mga


panauhin.

LABULAMOHIKA

Sagot: ___________
5. KALONGKUTAN
5. Siya ay namighati sa sinabi ng mga tao hinggil sa
paring pumalit.

TOKGUNLAN

Sagot: __________

(Tatalakayin ng guro ang mga Di-pamilyar na salita)

B. PRESENTASYON NG ARALIN

Pagtatalakay sa Kabanata 1: Isang Handaan

Pagbabasa ng layunin ng aralin:

a. nasasagot ang tanong tungkol sa binasang akda

b. naiguguhit ang larawan sa kabanata 1: Isang


handaan
(Makikinig ang mga mag aaral sa talakayan)
c. nakapagbabahagi ng sariling karanasan at
pananaw sa buhay

(Ipapanood ng guro ang video presentation)

(Magbabahagi ng talakayan)

- Ngayon ay dadako na tayo sa gawain.

1. AKTIBITI

Panuto: Pumili ng isang tauhang nabanggit sa


kabanata I at ihalintulad ito sa taong kakilala mo,
maaaring guro, kapatid, magulang at iba pa.
(Tahimik na mag-iisip ang mga mag-aaral)

2. ANALISIS

Sagutin Natin!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na


tanong tungkol sa binasang kabanata.

1. Ilarawan ang handaang tinutukoy sa kabanata.


Masasabi mo bang ito ay masaya at mahalagang
Ang handaang tinutukoy sa kabanata ay ang isang
piging?
hapunan na isinagawa ni Kapitan Tiago bilang
malapit na ang pagtatapos ng Oktubre. Masasabi
kong masaya ang piging na ito sa pagkat
nagkakatuwaan at sumasabaw sa musiko ang mga
bisita rito, masasabi ko namang mahalaga ang
piging na ito sapagkat bukod sa ipinagdiriwang nila
ang pagtatapos ng Oktubre ay nagkaroon sila ng
pagkakataon upang magkasama-samang muli.
Subalit nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan sa
pagita ng mga bisita.
- Mahusay!

- Si Don Santiago delos Santos o kilala rin bilang


Kapitan Tiago ay nagsagawa ng isang hapunan
bilang paggunita sa nalalapit na pagtatapos ng
buwan ng Oktubre.

2. Sino-sino ang mga tauhang nakilala sa handaan?


Isa-isang ilarawan o ipakilala ang bawat isa.

•Kapitan Tiago - siya ay ang asawa ni Tiya Isabel na


ama-amahan ni Maria Clara. Siya ay kilala bilang
mayaman, matulungin, maka-Diyos, at maginoo.

•Padre Damaso - siya ay dating kura paroko ng


bayan ng San Diego at tunay na ama ni Maria Clara.

•Padre Sibyla - siya ang paring Dominikano at kura


ng simbahan. Siya ay lihim na sumusubaybay sa
mga aksyon ni Crisostomo Ibarra.

•Tenyente Guevarra - isang tenyente at dumalo sa


libing ni Do Rafael Ibarra na ama ni Crisostomo
Ibarra. Nirerespeto niya ang pamilya ni Crisostomo
Ibarra.

•Crisostomo Ibarra - isang mayaman, ngunit


matulungin at mapagpakumbaba. Matalino rin siya
at kasintahan ni Maria Clara.

•Doctor Tiburcio de Espadaña - asawa ni Doña


Victorina. Isa siyang pilay at bungal na Kastila.
Napadpad siya Pilipinas dahil sa paghahanap ng
magandang kapalaran.

•Donya Victorina - siya ay asawa ni Don Tiburcio at


nagpapanggap na isang Mestisang Kastila.

•Kapitan Tinong - siya ay kaibigan ni Kapitang Tiago


at matalik na kakilala ng ama ni Crisostomo Ibarra.

- Mahusay!

- Kayo ay nagiging pamilyar na sa mga tauhan.


3. Ano-anong mga katangian ang namalas mo sa
dumalo sa pagtitipon partikular sina Padre Damaso,
Kapitan Tiago, Padre Sibyla, at ang tenyente? Para sa akin, si Padre Damaso ay isang
maoanlinlang na tao, si Kapitan Tiago naman ay
isang matulungin, si Padre Sibyla naman ay
kakikitaan ng pagiginh makasarili at ang tenyente
- Mahusay! ay higit na marespeto lalo na sa pamilya Ibarra.

4. May kilala ka ba sa kasalukuyang nagtataglay


ng mga katangiang tulad ng kay Padre Damaso,
Kapitan Tiago, at Padre Sibyla? Patunayan ang
iyong sagot.
Meron, sa kasalukuyan ay maihahalintulad ko sila
sa mga nakaupo sa gobyerno kung saan makikita
natin ang hindi patas pagtingin ng mga pinuno sa
mga mamamayan, at hindi na rin natin alam kung
sino pa ang totoo at nagbabalatkayo sa ating
- Magaling!
lipunan.

5. Ano-anong mga katangian at kapintasan ng mga


Pilipino ang inilarawan ni Jose Rizal kabanatang ito?
Inilalarawan ni Jose Rizal sa kabanatang ito na ang
bawat Pilipino ay may mga kapintasan katulad na
lamang ng pagiging makasarili ng mga tao,
mayroon namang pagiging matulungin at
- Mahusay! mapagmataas.

3. ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: GUMUHIT NA!

Panuto: Iguhit ang larawan sa kabanata I - ISANG


HANDAAN.

(Magbabahagi ng bond paper ang guro)

4. APLIKASYON

May kasabihang, "Ang buhay ay parang gulong.


Minsan ay nasa ibabaw, minsan ay naa ilalim."
Nangangahulugan itong ang buhay ay may
tagumpay at kasawian. Ang tagumpay ay panahong
tila tayo ay nasa itaas at masayang nabubuhay.
Samantalangang kasawian ay panahong nasa
mababang bahagi tayo ng buhay na para bang
naaapakan, naaapi, at puno ng kapighatian.
Panuto: Ibahagi mo ang iyong karanasan at (Tahimik na gagawa ang mga mag-aaral)
pananaw ukol dito gamit ang graphic organizer na
makikita sa blackboard. Isulat ito sa isang buong
papel.

5. PAGLALAHAT

- Upang mas maunawaan ang ating tinalakay,

• Bilang isang mag-aaral, bakit nga ba kailangan pa


nating basahin at pag-aralan ang bawat kabanata
ng nobela?

(Magtatawag ang guro)

Bilang isang mag-aaral, kailangan nating basahin at


pag-aralan ang bawat kabanata ng nobela uoang
mas higit nating maunawaan ang daloy ng kwento.

Para sa akin, tama lamang na ating irespeto at


pahalagahan ang mga nobela hindi lamang ang
gawa ni Rizal sapagkat ito kanilang pinaghirapan at
- Mahusay! kapupulutan ng aral. Dito nila iginugul ang kanilang
oras upang makabuo ng napakagandang kwento.

• Saiyong palagay, tama bang irespeto at


pahalagahan natin ang bawat nobelang ating
binabasa hindi lamang ang nobelang isinulat ni
Rizal? Ipaliwanag.

(Magtatawag ang guro)

Si Tiya Isabel

- Magaling!

• Sino naman ang nagsabi ng mga katagang ito,


"Mga walang ingat! Ano ba ang nangyayari?"

(Magtatawag ang guro ng sasagot)


- Tumpak! Mahusay kayong lahat!

Maraming salamat sa inyong pakikilahok sa


talakayan ngayong araw na ito.

IV. EBALWASYON

Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. Piliin ang titik ng angkop na sagot. Isulat ito sa
iyong notebook.

Quiz..........

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na sasagot sa katanungan sa ibaba. Isulat sa isang buong
papel.

• Paano maiwawaksi sa kasalukuyan ang mga negatibong pagpapahalagang naging bahagi ng


kultura at paniniwala ng mga Pilipinong nabanggit sa akda?

VI. REPLEKSYON

Panuto: Sumulat ng repleksyon tungkol sa mga natutunan mo sa pagtatalakay sa araw na ito.


Isulat ito sa isang buong papel.

Inihanda ni:

ERICA M. BALANE
Gurong nagsasanay

You might also like