You are on page 1of 14

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Petsa: Ika-15 ng Mayo 2023

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang katangian ng iba’t ibang tauhan sa nobelang Noli Me


Tangere;
b. napahahalagahan ng bawat tauhan sa nobela; at
c. nakaguguhit ng isang tauhan sa nobelang Noli Me Tangere.

II. NILALAMAN

Panitikan: Noli Me Tangere

Paksa: Mga Mahahalagang Tauhan

Kagamitan: Biswal na kagamitan,Powerpoint

Sanggunian: LEAP PIVOT 4A

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A.Gawaing rutinari

1. Panalangin

“Lahat ay tumayo at manalangin sa (Ang mga bata ay tumayo at


pangunguna ni ______” nanalangin sa pangunguna ni _____)

Amen.
2. Pagbati

“Magandang umaga sa inyong lahat!” “Magandang Umaga din po, Ma’am!”

“Bago kayo maupo, pakitingnan ang


ilalim ng inyong upuan kung may papel, (Pupulutin ng mga mag-aaral ang
plastic o anumang klase ng basura” mga basura)

3. Pagtatala ng liban

“Sa pagbanggit ng inyong pangalan itaas


lamang ang kamay.”

“Maliwanag ba?” “Opo Ma’am”

4. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

“Mayroon ba ako sainyong iniwan na


takdang aralin?” “Wala po Ma’am”

5. Balik -Aral

“Kung gayun tungkol saan ang pinag- “Ma’am, ang pinag-aralan po natin
aralan natin kahapon?” kahapon ay ang buod ng Noli Me
Tangere.”
“Tama! Sino ang sumulat ng Noli Me
Tangere?” “Ma’am, si Dr. Jose Rizal po.”

“Mahusay! Sino ang pangunahing tauhan


sa kwento?” “Ma’am, si Crisostomo Ibarra at Maria
Clara po.”
“Magaling!”

“Saan naman umiikot ang buod ng


nobela?” “Umiikot po ito sa pinagdaanan ni
Crisostomo Ibarra dahil kay Padre
Damaso at sa kanilang
pagmamahalan ni Maria Clara.”
“Mahusay, naunawaan niyo nga ang
ating pinag-aralan kahapon.”

6. Motibasyon
“Class mayroong tayong tatlong mukha
(emoji), kapag nakita ninyo ang
masayang mukha magshishake hands,
kapag nakita ninyo ang naiyak na mukha
ay kinakailang ninyong mag-inhale at
ang huli ay ang cool na mukha na
kinakailangan ninyong mag-exhale.”

“Naunawaan ba mga bata?” “Opo Ma’am”

(Isasagawa ng mga mag-aaral ang


binanggit ng guro)

“Ngayon handa na ba kayo sa ating


panibagong aralin?” “Handa na po”

B. PRESENTASYON NG ARALIN

“Bago tayo magsimula sa ating aralin,


akin munang babasahin ang mga layunin
para sa aralin natin ngayong araw na ito”

Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga

mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang katangian ng iba’t


ibang tauhan sa nobelang Noli Me
Tangere;

b. napahahalagahan ang bawat tauhan


sa nobela;at

c. nakaguguhit ng isang tauhan sa


nobelang Noli Me Tangere.

Sa bahaging ito ay mayroon tayong


gawain bago tumungo sa talakayan:

1. AKTIBITI
Panuto: “Upang mas madagdagan pa ang
inyong kaalaman sa ating talakayan,
muli ay magkakaroon tayo ng gawain at
ito ay pinamagatang “Crack the Code”

Mekaniks ng gawain

Unang hakbang: Ang bawat indibidwal


ay bibigyan ng coding sheet.

Pangalawang hakbang: Lutasin ang


problema sa pamamagitan ng pagpalit sa
numero gamit ang katumbas na letra.

Ikatlong hakbang: Tatawag ng isang


bata na sasagot at magbibigay ng
katangian tungkol sa tauhang nabuo
mula sa coding sheet.”

Ika-apat na hakbang: Meron lamang


kayong 5 minuto upang matapos ang
gawain

“Maliwanag ba?” “Opo ma’am.”

“Ang inyong limang minuto ay


magsisimula na ngayon” (Ang mga bata ay nagsimula na sa
gawain)
“Tapos na ang limang minuto”

“Tsitsekan na natin ang inyong mga


coding sheet.”

(Tatawag ng isang bata para sagutan ang


isang malaking coding sheet sa unahan.)

“Sino ang nais sumagot?”


“Ma’am, ako po”
“Ano ang iyong sagot?”
“Padre Damaso po”
“Tama! Ano ang katangian ni Padre
Damaso?” “Ma’am, ang katangian po ni Padre
Damaso ay malupit”
“Magaling! Sino ang nais sumagot para
sa pangalawang coding sheet?”
“Ma,am”
“Ikaw ____ ano ang iyong sagot?”
“Ma’am, Crisostomo Ibarra po”
“Tama! Ano naman ang katangian ni
Crisostomo Ibarra?” “Ang katangian po ni Crisostomo
Ibarra ay isang binata na nag-aral sa
Europa, nangarap na makapagpatayo
ng paaralan upang matiyak ang
kinabukasan ng mga kabataan sa
San Diego.”

“Magaling! Para sa huling coding sheet,


sino ang nais sumagot?” “Ma’am”

“Ikaw _____ ano ang iyong sagot?”


“Ma’am, Maria Clara po”
“Tama! Ano ang katangian ni Maria
Clara?” “Ang katangian po ni Maria Clara ay
mayuming kasintahan ni Crisostomo
at sinasabing anak nina Donya Pia
kay Padre Damaso.”
“Magaling!”

2. ANALISIS
Panuto: Ang bahaging ito ay ang
pagtatalakay sa ating aralin.
“Upang mas maunawaan ang nobela na
isinulat ni Dr. Jose Rizal atin munang
kilalanin ang mga mahahalagang tauhan
sa nobela.”

“Ayon sa ating nabasang buod, sino - “Sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara
sino nga ang mga tauhan sa Nobelang at Padre Damaso po Ma’am”
Noli Me Tangere? ”

“Magaling!”

“Alamin muna natin kung ano ang Pang-


uri, ito ay pagbibigay deskripsyon o
turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba ”

“Halimbawa nito ay ang maganda,


masipaga at iba pang salita na
naglalarawan.”

“Nauunawaan ba?”
“Opo Ma’am!”
“Ngayon atin nang talakayin ang mga
tauhan at kanilang mga katangian.

Crisostomo Ibarra
Isang binata na nag-aral sa Europa,
nangarap na makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang kinabukasan ng mga
kabataan sa San Diego.

Halimbawa:
“Si Crisostomo Ibarra ay may mabuting
puso”

Anong katangian ang nabanggit sa


pangungusap?

(Tatawag ng pangalan ng mag-aaral)


“Ang katangian po na nabanggit ay
may mabuting puso”
Maria Clara
Isang mayuming kasintahan ni
Crisostomo at sinasabing anak nina
Donya Pia kay Padre Damaso.

“Si Maria Clara ay isang babaeng


mahinhin at maganda.”

Ano ang katangian na mayroon si


Maria Clara? “Mahinhin at maganda po Ma’am.”

“Tama”

Padre Damaso
Isang kurang pransiskano na napalipat
ng ibang parokya matapos maglingkod
ng matagal sa Bayan ng San Diego at
tunay na ama ni Maria Clara.”

“Si Padre Damaso ay isang malupit na


pari”

“Ano ang katangian na mayroon si Padre


“Siya po ay isang malupit na pari.”
Damaso?”
(Tatawag ng pangalan ng mag-aaral)

“Tama! Siya ay isang malupit na pari.”

Kapitan Tiago
Isang mangangalakal na tiga-binondo at
ama-amahan ni Maria Clara”

“Siya ay mabait na ama kay Maria Clara”


Elias
Isang bangkero at magsasakang
tumulong kay Ibarra”

“Tinulungan niya si Crisostomo noong ito


ay nanganganib angbuhay”

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging
kasalanan lang ay ang pagkaroon ng
asawang pabaya at malupit.

“ Isang mapagmahal na ina”

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sila ang
sakristan at tagatugtog ng kampana sa
simbahan ng San Diego.

“Sila ay masipag at matulungin sa


magulang”

Pilosopo Tasio/Tasyo, ay
maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San
Diego.

“Siya ay matalinong tao”

Donya Victorina, ay isang


babaing nagpapanggap na mestisang
Kastila kung kaya abot-abot ang kolorete
sa mukha at maling pangangastila.

Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso,
nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay
Maria Clara.

“Isang malupit na pari”

Donya Consolacion,
napangasawa ng alperes: dating
labandera na may malaswang bibig at
pag-uugali.

Linares
Matalinong binata at malayong
pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng
inaanak ni Padre Damaso na napili niya
para mapangasawa ni Maria Clara.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa
pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba


Masimbahing ina ni Maria Clara na
namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang.

“Siya ay sumisimbolo sa mga


kababaihang naabuso ngunit itinago
na lang ang nangyari dahil sa
nahihiya”

Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas;
lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra


Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang
labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman
kung kaya nataguriang erehe

“Ngayon class sino ang mga


mahahalagang tauhan sa nobela?”
“Sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara
at Padre Damaso po Ma’am”

“Tama! Sino pa?”

(Tatawagin ang mag-aaral na nagtaas ng


kamay) “Sina Elias, Sisa, Crispin at Basilio po
Ma’am!”
“Tama!”

“Sa inyong mga nasabing tauhan, ano-


ano naman ang kanilang mga
katangian?”

(Tatawagin ang mag-aaral na nagtaas ng “Si Crisostomo Ibarra po Ma’am ay


kamay) isang mabait at tapat na mangingibig”

Magaling! Paano mo naman ito nasabi?


“Sapagkat po kahit na anong
ginawang kasalanan sa kanya ay
pinilit pa rin po niyang maging
mabuti sa iba”

“Tama! Sino pa?”


“Si Maria Clara po Ma’am at Padre
Damaso”
“Anong katangian naman nila?”
“Si Maria Clara po ay isang maganda
at mahinhin na dalaga at si Padre
Damaso naman po ay isang malupit
na pare”

Mahusay! Sino pa ang may magandang


katangian? “Si Elias po, sapagkat tinulungan po
niya si Ibarra na makaligtas sa
kapahamakan.”

Magaling!

Ano ang kahalagahan na malaman ang


mga tauhan sa nobelang Noli Me
Tangere? “Mahalaga po itong malaman
sapagkat ito po ang nagpapagalaw o
nagbibigay kulay sa isang nobela.”

“Tama!”

Paano nyo isasabuhay ang mga


magagandang katangian na inyong “Maisasabuhay ko po ang mga
natutunan sa nobela? magagandang katangian sapagkat ito
po ay aking tataglayin sa pang-araw-
araw na buhay at akin din po itong
ibabahagi sa iba pang tao.”
“Mahusay!Bago tayo tumungo sa
ating susunod na gawain, bigyan muna
niyo ang inyong sarili ng limang
palakpak” (Isasagawa ito ng mga mag-aaral)

3. ABSTRAKSYON
Panuto: Bumuo ng pangungusap na
naglalarawan sa tauhan. Sikaping
makagamit ng pang-uri sa
paglalarawan.Pumili lamang ng tatlong
tauhan na nais gawan ng pangungusap.

- MARIA CLARA -CRISOSTOMO


-PADRE DAMASO -PADRE SALVI
-SISA -LINARES
-KAPITAN TIAGO -TIYA ISABEL
-ELIAS -PILOSOPO TASYO
-DONYA VICTORINA
4. APLIKASYON
Panuto: Ang bawat grupo ay guguhit ng
isang tauhan tungkol sa Noli Me
Tangere.Ang guro ay mamamahagi ng
isang buong papel, at lapis.

“Ang magiging grupo ninyo ay hanay ng


inyong upuan.”

“Meron lamang kayong 10 minuto upang


matapos ito”

“Maliwanag ba mga bata?” “Opo Ma’am”

“Bago kayo magsimula narito ang


pamantayan sa inyong pagguhit.”

“Pumunta sa mga kagrupo at inyo nang


sisimulan”

5. PAGLALAHAT

Upang malaman ko kung may natutunan


kayo sa ating talakayan, may ilang
katananungan ako tungkol dito.

“Sino ang mahahalagang tauhan sa


pinag-aralan natin?” “Sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara,
at Padre Damaso po.”
“Mahusay! Ano ang kahalagahan nila sa
nobela?” “Sila po ang nagpapagalaw o
nagbibigay kulay sa isang nobela.”
“Anong katangian ang mga nagustuhan
nyo?”
“Katangian po ni Crisostomo na
mabait, katangian ni Maria Clara na
tapat sa pag-ibig at si Elias po na
matulungin”

“Mahusay mga bata! Tunay ngang


naunawaan ninyo ang ating pinag-
aralan.”

IV. EBALWASYON
PANUTO: Piliin ang letra ng tauhang nasa loob ng kahon upang masagot
ang mga katanungan.

A. Crisostomo Ibarra B. Maria Clara C. Padre Damaso

D. Elias E. Kapitan Tiago

__1. Siya ang ama-amahan ni Maria Clara.

__2. Isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra.

__3. Binatang nag-aral sa Europa, nangarap na makapagpatayo ng paaralan


upang matiyak ang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego.

__4. Isang kurang pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos


maglingkod ng matagal sa Bayan ng San Diego at tunay na ama ni
Maria Clara.”

__5. Isang mayuming kasintahan ni Crisostomo at sinasabing anak nina


Donya Pia kay Padre Damaso.

Susi sa Pagwawasto

1. E 2. D 3. A 4. C 5. B
V. TAKDANG ARALIN

Ibigay ang paboritong tauhan sa Noli Me Tangere. Ipaliwanag.

VI. REPLEKSYON

Aking napagtanto na ___________________________________________________________

- Mayroon pa ba kayong katanungan o nais bigyang linaw? - Wala na po Ma’am!

- Kung wala na,paalam sa inyong lahat! - Paalam po Ma’am!

Inihanda ni: Iniwasto:

KRISTENN MAY Q. AGOT NESTOR D. PANOTES JR.

Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Sinuri: Inaprubahan:

ASELA LOREEN V. DEMDAM DAISY A. ZAMORA

Dalubguro I Katuwang ng Punongguro II

You might also like