You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3

I. Layunin
a. Naalala ang mga kuwento ng ilang makasaysayang pook at pangyayari sa sariling
rehiyon.
b. Nailalahad ang mga kuwento ng mga makasaysayang pook at pangyayari sa
kinabibilangang rehiyon.
c. Naiuugnay sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao ang kuwento ng mga
makasaysayang pook at pangyayaring nagpapakilala sa sariling lungsod at
kinabibilangang rehiyon.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Ang mga Kuwento ng kasaysayan at mga makasaysayang Pook sa Ating
Lalawigan at kinabibilanganng rehiyon
b. Sanggunian: Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag- aaral
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Larawan , Cartolina, at Pentelpen

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gagawin ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawin
a. Panalangin

Maari bang tumayo ang lahat para sa


panalangin. Sino ang maaring maging lider? (Tumayo at Nanalangin)

b. Pag-tesk ng lumiban at hindi


lumiban

Mayroon po bang lumiban ngayon araw?


Magaling!
Bago po umupo ayusin at pakipulot ang mga Wala pong lumiban ngayong araw.
dumi sa inyong paligid at ilalim ng upuan.
B. Balik- Aral

Mga bata bago tayo dumako sa aralin ngayong


araw, balikan po muna natin ang talakayan
kahapon. Ano nga po ang ating talakayan Pinagmulan ng lalawigan sa
kahapon? kinabibilangang Rehiyon.

Tama! Sa nakaraang aralin natutunan niyo ang


tungkol sa Pinagmulan ng lalawigan sa
kinabibilangang Rehiyon.
C. Pagganyak
Ngayon mga bata susubukin natin kung ano
inyong kaalaman sa mga lugar na ito at meron
si Maam Blaize na inihandang laro para sainyo.

Mga bata gusto niyo po bang maglaro?


Opo
Ang ating lalaruin ngayon ay Tara Sama ka?
PAANO MAGLARO
Meron tayong tatlong iba’t ibang laro.
Sagutin ang Tanong, Pumili ng Tamang Sagot
at Punan ng Letra ang Salita.
Malinaw po ba?
Opo Ma’am.
Handa naba ang lahat?
Opo Ma’am.
Sagutin ang tanong.
1. Sino ang nasa Monumento?
Magaling ito ay Monumento ni Simeon Ola.
Simeon Ola
2. Ito ay simbahan na gawa sa batong
galing sa Bulkang Mayon. Ano
pangalan ng simbahan na ito?
Magaling ito. ay St. John The Baptist Church
- Camalig, Albay St. John The Baptist Church - Camalig,
Albay
Pumili ng tamang sagot.

3. Saan matatagpuan ang Simbahan ng


Nuestra Señora de la Porteria?
a. Legazpi, Albay
b. Camalig, Albay
c. Polangui, Albay d. Daraga, Albay
d. Daraga, Albay

4. Ito ay Hugis L tunnel na makikita sa


Camalig, Albay?
a. Japanese Tunnel
b. Chinese Tunnel a. Japanese Tunnel
c. American Tunnel
d. Taiwanese Tunnel

Punan ng Letra ang Salita.

5. C _ G _ _ W _ R_ I _ S
6. L _ B _ R T _ B_LL
CAG SAWA R U I N S

LIBERTY BELL
D. Paglalahad
May napuntahan na ba kayo sa mga pook na
ito?
Opo.
Alam niyo ba ang mga naiambag ng mga
makasaysayang pook na ito sa kasaysayan ng Hindi po.
iyong lalawigan?

Ang Pag alam sa mga makasaysayang pook at


pangyayari sa sariling kinabibilangan na
rehiyon o ang Bicol ay dapat matutunan ng
isang batang katulad mo.

Ito ay upang mas higit na maunawaan mo ang


mga pangyayaring nagbibigay daan sa mga
nagaganap sa kasalukuyang pamumuhay ng
mga tao.

Gusto niyo ba iyon? Halika at ating tuklasin Opo.


ang mga kuwento ng kasaysayan at
makasaysayang lugar sa Albay.

E. Pagtatalakay

MGA KUWENTO NG KASAYSAYAN AT


MAKASAYSAYANG LUGAR SA ALBAY

Ang Simbahan ng Nuestra Senora de la


Porteria

Ang Simbahan ng Nuestra Señora de la Porteria


(Our Lady of Gate Parish Church) o mas kilala
sa pangalang Daraga Church ay makikita sa
tuktok ng burol sa bayan ng Daraga na kung
saan mula rito ay matatanaw ang Bulkang
Mayon.
Naiiba ang simbahang ito sa buong bansa dahil
sa pambihirang disenyong arkitektural nito,
kung saan ang mga imahen ng mga
pransiskanong Santo at ang imahen ni Nuestra
Señora de la Porteria ay nakaukit sa bato.

Cagsawa Ruins

Ito ay unang itinayo noong 1587, subalit


sinunog ng mga Puti (Dutch) noong 1636. Ito
ay muling itinayo noong 1724 sa pamumuno ni
Padre Francisco Blanco ngunit ito ay nawasak
ng malakas na pagsabog ng Bulkang Mayon
noong Pebrero 1, 1814. Tanging ang
kampanaryo ng simbahan ang natirang bahagi
nito.

Ang salitang Cagsawa ay hango sa salitang


“kagsawa” na ang ibig sabihin ng “kag” ay may
ari; ang “sawa” nangangahulugan ay ahas. Kaya
ang kahulugan ng Cagsawa ay “paradakop
halas” o manghuhuli sa ahas.

Maraming mga tao ang namatay sa simbahan


ng Cagsawa nang sumabong ang Bulkang
Mayon dahil nasa loob sila nang mga panahong
iyon.

Sa ngayon, ang kampana ng simbahan ang


piping saksi ng bangis ng pagsabog ng bulkan.
Ngayon, isa na itong parke na dinarayo ng mga
turista.

Liberty Bell

Ang Liberty Bell ay ibinigay ng mg Amerikano


noong taong 1945, matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ito ay makikita sa
Lungsod ng Legazpi. Nakatago ito sa isang
kongkretong lalagyan na may nakaukit na,
“Kun siisay man an gustong mang-api saindo,
dai mag duwa-duwa na patunugon an
kampanang ini,” na ang ibig sabihin ay “ Ang
sinuman na gustong mang-api sa inyo, huwag
magdalawang-isip na patunugin ang
kampanang ito.”

Sagisag ito ng kalayaan ng mga Albayano sa


kamay ng mga mananakop na Hapones.

St. John the Baptist Church - Camalig,


Albay

Isa ang St. John the Baptist Church sa mga


simbahan na itinayo ng mga misyonero na
gawa sa batong galing sa Bulkang Mayon. Sa
ngayon ang mga relikya ng Kuwebang Hayop-
Hayopan ang nakalagay dito. Ang mga lumang
bagay (artifacts) na nahukay sa kuweba ang
nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng
lalawigan ng Albay. Ito ang nagsisilbing taguan
ng mga sundalong Pilipino upang makita nila
ang pagdating ng mga kalabang Amerikano.

Japanese Tunnel

Ang hugis L na tunnel na makikita sa Camalig,


Albay ang ginamit na taguan ng mga Hapon
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. May
lalim itong pitong talampakan.

Monumento ni Simeon Ola

Ito ang monumento ni Hen. Simeon Ola, isang


bayani ng Himagsikang Pilipino na makikita sa
Guinobatan, Albay. Nagpapaalala ito kung ano
ang kaniyang natatanging nagawa sa
rebolusyon bilang isa sa huling heneral na
sumuko sa mga Amerikano noong Setyembre
25, 1903.

Ilan lamang ito sa mga makasaysayang lugar at


pangyayari sa lalawigan ng Albay. Ikaw, kaya
mo bang alamin ang kasaysayan ng mga
makasaysayang pook o pangyayari sa iyong
lalawigan?

F. Paglalapat
Bago tayo dumako sa ating Pangkatang Dapat po huwag maingay kapag
Gawain, ano ano ang mga dapat at di-dapat nagkakaroon ng Pangkatang Gawain.
gawin kapag nagkakaroon ng pangkatang
Gawain?

Tama! Huwag masyado maingay kapag tayo ay


gumagawa ng pangkatang Gawain. At ang lahat
ay makipag kooperasyon.

Ngayon mga bata, Hahatiin ko kayo sa tatlong


pangkat. Bibigyan ko lamang kayo ng sampung
minuto upang tapusin ang pangkatang Gawain.

Narito ang panuto sa ating pangkatang Gawain.

Sa pamamagitang ng paguhit iugnay sa


kasalukuyang pamumuhay ng mga tao ang
kuwento ng mga makasaysayang pook o
pangyayaring nagpapakilala sa sariling lungsod.

Narito ang rubriks para sa ating pangkatang


Gawain

Opo!
Tapos na po ba mga bata?

Pangkat 1 (Presentasyon)
Pangkat 2

Pangkat 3

Opo!
Magaling mga bata! Nasiyahan po ba kayo sa
ating ginawa?

Bigyan ang bawat pangkat ng 5 palakpak.

G. Paglalahat
Tandaan natin!

Ang lalawigan ng Albay ay nasa hilagang


bahagi ng Camarines Sur. Nasa Timog na
bahagi naman nito ang Sorsogon. Ang
Karagatang Pasipiko ay nasa silangan, at Burias
Pass sa Kanluran.

Ito ay may apat na pulo: Rapu-rapu, Bataan,


Cagraray at San Miguel at mayroong din itong
tatlong lungsod: Legazpi, Tabaco, at Ligao.

Ang Bulkang Mayon naman ang


pinakilalang anyong lupa dahil sa halos
perpektong hugis apa nito.

Naintindihan po ba mga bata?

Magaling mga bata. Opo Maam.


IV. Pagtataya

Gumuhit ng 😊 kung sumasang-ayon ka sa pahayag at naman kung hindi ka sumasang-


ayon sa pahayag.

_____1. Ang nakatayong Monumento sa Guinobatan, Albay na isang bayani ay si Andres


Bonifacio.
_____2. Ang Liberty Bell ay ibinigay ng mga Amerikano noong taong 1945.
_____3. Ang kahulugan ng Cagsawa at “paradakop ayam” o manghuhuli ng aso.
_____4. Ang Japanese Tunnel ay hugis bilog na na makikita sa Camalig, Albay.
_____5. Kakaonti lamang ang namatay sa Simbahan ng Cagsawa nang sumabog ang Bulkang
Mayon.
V. Takdang Aralin

Gumawa ng isang dula-dulaan tungkol sa mga kuwento ng mga makasaysayang pangyayari sa


inyong bayan.

Prepared by:

JENEVIEVE BLAIZE G. REGONDOLA


BU-POLANGUI Field Study Student

You might also like