You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I - Layunin
1. Mailarawan ang pinagmulan ng digmaan.
2. Matutukoy kung sino-sino ang mga tao na kasali sa digmaan.
3. At ano ang naging resulta sa digmaan at ano ang epekto nito ngayon sa atin.

II - Paksang Aralin
Paksa: Ang digmaan sa mactan.
Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=Gyp11NcAftQ
Kagamitan: Biswal na pantulong at mga larawan.

III - Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga din po sa inyo sir!
b. Pagdarasal
Maari bang tumayo tayong lahat para sa ating
panalangin na pangungunhan ni ginoong _______.
(Binibigkas ang panalangin)
Amen. Amen.

c. Pagtsek ng mga Lumiban


Bago ang lahat gusto ko lang malaman kong
kumpleto ba tayong lahat ngayon at inaasahan
ko na nalista na ng naatasan kung sino man ang
lumiban ngayon sa ating klase.
Wala pong lumiban ngayung araw sir!
d. Balik Aral
Okay! Ngayon nais kong balik kung ano ba ang
paksa natin kahapon maari bang may mag sabi
kong ano yon?
Ako po sir!
Yes____! Ikaw ay tumayo at ipahayag ano yon.
Ang paksa na tinalakay natin kahapon ay
tungkol sa Relatibong lokasyon.
Ipaliwanag mo ________ kung ano ang relatibong
lokasyon para sayo?
Ang relatibong lokasyon ay _____________________.
Magaling ______!
Ako'y natutuwa dahil kayo ay may natutunan sa
ating talakayan kahapon.

B. Pagganyak
Bago natin pormal na simulan ang ating
talakayan ngayon ay meron akong hinandang
laro na tinatawag kong "Ice, Nice Baby” simple
lamang ang larong ito kapag sinabi konge Ice
Lumundag lamag at humarap sa kaliwa at pag
Nice naman ay haharap sa kanan at sa panghuli
sa baby naman ay humarap papunta dito sa
pisara.
Opo sir!
Maliwanag ba?
Handa na!
Handa na ba kayo?
Simulan na natin!

ICE! NICE! BABY! BABY! NICE! NICE! BABY!

Mahusay! Akoy natutuwa dahil nasiyahan kayo


sa ating laro
Okay po sir
Okay class, simulan na natin ang ating bagong
paksa.

C. Pagtatalakay
Ang ating paksa ngayong umaga ay tungkol sa
digmaan sa mactan.
Inaasahan ko kayong makinig ng mabuti dahil
pagkatapos ng ating talakayan ay magkakaroon
tayo ng pasulit. Maliwanag ba?
Opo sir!
Okay.

Noong ika-labinglimang siglo ayon sa aklat ng


kasaysayan ni Pigafetta
ang pinakadakila at bantog na sagupaan sa
pagitan ng pinuno ng isla ng mactan na si datu
lapu-lapu at Ferdinand Magellan na
pinangalanang "Labanan sa Mactan" na
binansagan ng iba na "Kadaugan sa Mactan" ay
naganap.
Nagsimula ang lahat ng ang barkong galyon ni
Ferdinand Magellan na naatasan maglayag sa
pangkaragatang ekspidisyon na nagmula sa
espanya ay dumating sa cebu.
Kinaibigan ni Magellan si Rajah Humabon, ang
pinuno ng tribo at nakisalamuha at
nakipagkaibigan sa mga katutubo ng tribo.
Nagawang mahikayat ni Magellan ang
pamayanan ng tribo sa Cebu.
Upang sila ay mabinyagan sa Kristiyanismo.
Bilang alinsunod sa kahilingan ni Magellan sa
pagkalat ng kristiyanismo sa cebu gayun din sa
ibang kalapit na mga isla.
Si Magellan, sa hangaring yon, ay inutusan si
Rajah Humabon na hikatayin ang dalawang datu
na namumuno at nagunguna sa Isla ng Mactan
na mabinyagan ng kristiyanismo at magbigay ng
katapatan sa haring ng espanya. Ngunit si Datu
Zula lamang ang sumunod sa kahilingan ni
Humabon.
Si Datu Lapu-lapu ay nangibabaw at gumawa ng
isang matibay na paninindigan na tanggihan ang
kahilingan ni Rajah Humabon.
Ito ang nag-udyok kay Rajah Humabon na
humingi ng tulong kay Magellan upang lumaban
mula kay Datu Lapu-lapu dahil sa kanyang
matinding pagtutol sa utos ni Humabon at ni
Magellan. At dahil dito nagdulot ito ng galit at
pagkamuhi sa pagitan ng mga sundalo ni
Ferdinand Magellan at ng mga katutubong
mandirigma ni Datu Lapu-Lapu at kung saan
ang kanilang mga kaakuhan ay naantig.

 Ayon kay  Antonio Pigafetta, tinangka ni


Magellan na hikayatin si Lapulapu na sumunod
sa mga kautusan ni Raha Humabon sa gabi bago
ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magellan ay
nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada,
kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa
Mactan sa umaga ng ika-28 ng Abril, 1521.
Pagkatapos ay tinangka ni Magellan na takutin
ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng
ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit
kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang
nagpagalit kay Lapulapu at kanyang mga
mandirigma at sumalakay kay Magellan na
nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng
isang kampilan.
Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapulapu si
Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at
espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na
makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga
tauhan ni Magellan ay napatay sa labanan at ang
ilang mga katutubong naging Kristiyano na
tumulong sa kanila ay napatay ng mga
mandirigma ni Lapulapu. Walang opisyal na
mga tala ng bilang ng mga namatay ngunit
binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3
Kristiyanong sundalo kabilang si Magellan. Ang
mga kaibigan ni Magellan na sina Raha
Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa
labanan dahil sa kautusan ni Magellan at
nanood sila mula sa malayo. Iniulat ni Pigafetta
na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung
ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan
ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay
bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin
nila. Ang tugon ni Lapulapu ay, "Hindi namin
ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat
ng mga kayamanan ng daigdig dahil ang
kanyang katawan ay tropeo ng aming
pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming
baybayin". Ang ilan sa mga kawal na nakaligtas
sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa
pistang ibinigay ni Raha Humabon. Si Magellan
ay hinalinhan ni Juan Sebastiá n Elcano bilang
komander ng ekspedisyon na nag-utos ng
mabilis na paglisan matapos ang pagtataksil ni
Humabon. Si Elcano at kanyang armada ay
naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya
noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng daigdig.

D. Paglalahad
Ako ay magtatanong kung meron ba kayong
natutunan sa paksang tinalakay ngayon.

Ikaw____ pwede ba ikaw ay tumayo at sabihin


mo sakin kung sino ang datu na tumutol sa
gusto ni Magellan?
Ito po ay si Datu Lapu-lapu.
Mahusay!

Ikaw _____maari ka bang tumayo at sabihin kung


sino ang pumanig kay Magellan sa digmaan sa
mactan
Ito po ay si Rajah Humabon.
Napakahusay!

Sa tingin ko ay handa na kayo sa ating pasulit


ngayon.
Opo sir.
Kumuha ng sangkapat na bahagi ng papel.
Lagyan niyo ng bilang isa hanggang sampo.
Bibigkasin ko lang ng dalawang beses ang
tanong. Iwasan ang pagbura. Kung merong
pagbura ito ay mali na. Maliwanag ba?

IV - Pagtataya
Panuto: Ilagay ang tamang sagot
Kumuha ng sangkapat na bahagi ng papel. Lagyan niyo ng bilang isa hanggang sampo. Bibigkasin ko
lang ng dalawang beses ang tanong. Iwasan ang pagbura. Kung merong pagbura ito ay mali na.
Maliwanag ba?
1. Ang Labanan sa Mactan (Sebwano: Gubat sa Mactan) ay naganap sa Pilipinas noong?
2. Ano ang pangalan ng dalawang datu na namumuno at nagunguna sa Isla ng Mactan?
3. Sino ang pinakausapan ni Magellan na puntahan ang dalawang datu at namumuno ng cebu?
4. - 5. Sino ang pumatay kay Magellan?

Pag wawasto:
1. Abril 27, 1521
2. Datu Zula
3. Datu Lapu-Lapu
4. Rajah Humabon
5. Datu Lapu-Lapu

V- Takdang Aralin
Gamit ang isang papel ilarawan niyo ang naganap na digmaan sa mactan. Maari kayong maglagay at
gumamit na pangkulay at ipasa sa susunod natin na pagkikita.

Inihanda ni:
Myrwen R. Dingal

You might also like