You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE


Santiago Campus
Santiago, Ilocos Sur

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO


I. Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala at natutukoy ang mga pangatnig sa hugnayang pangungusap.
B. Nagagamit ang mga pangatnig sa hugnayang pangungusap.
C. Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga pangatnig.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Gamit ang Pangatnig sa Hugnayang Pangungusap
B. Sanggunian: Bagong Likha 5 Wika at Pagbasa pp. 430-431, Alab ng Wikang Filipino 5 pp. 312-313, at
Ikalawang Edisyon Pluma Wika at Pagbasa para sa Batang Pilipino pp. 343-344
C. Kagamitan: Larawan ni Lapu-lapu, Laptop, Projector, Biswal Eyds, Cut-outs, maliit na bola.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin

Ginoong Presidente ng silid-aralan, pangunahan mo Opo Sir, hinihingi ko sa lahat na tayo’y magsitayo at
ang ating panimulang panalangin sa araw na ito. tayo’y manalangin. Sa Ngalan ng Panginoon, ang
Mahabagin, ang Maawain (babanggitin ang
panala………………. Amen.

Salamat ginoo! Bago kayo magsiupo mangyaring (Pinulot ng mga mag-aaral ang mga plastik at papel sa
makipulot ang mga plastik at papel sa inyong mga kani-kanilang ilalim at kanilang inayos ang kaniilang
ilalim at pakiayos ang inyong mga upuan. mga upuan at sila’y nagsiupo)

2. Pagbati

Magandang buhay sa lahat! Magandang buhay po Ginoong Jusof Cariaga,


magandang buhay rin mga kaklase, ikinagagalak
naming makita kayo, Mabuhay!

Kumusta kayo aking mga giliw? Mabuti Ginoong Cariaga!

3. Pagtala ng Liban

Ngayon, nais kong malaman kung sinu-sino ang mga (tatayo ang sekretarya) Sir! Kinagagalak kong iulat sa
lumiban ngayong araw. Tinatawagan ko ng pansin lahat na wala pong lumiban sa araw na ito.
ang sekretarya at iulat kung sinu-sino ang mga
lumiban.

Wow! Nakakagalak naman at walang lumiban sa


araw na ito.

B. PAGBABALIK ARAL

Ngayon naman, maglalaro muna tayo. Ang gagawin


ninyo ay ipapasa ang ang maliit na bolang ito kasabay
ang saliw ng musika, at kapag ito’y huminto, ang
studyanteng mayhawak ng bolang ito ay tatanungin
patungkol sa nakaraang leksyon. Handa na ba kayo? Opo Sir! (sinagawa ng mga mag-aaral ang laro)

Ito ang katanungan ginoong ______. Ano ang huling Sir, tungkol po sa pang-ugnay.
tinalakay natin noong nakaraang leksyon?
Magaling, ano naman ang gamit nito? Sir, ang pang-hugnay ay ginagamit sa pag-uugnay ng
dalawang o higit pang pangungusap.

Napakagaling Ginoong _____.

Magsiupo na ang lahat. (nagsiupo ang lahat)

C. PANLINANG NA GAWAIN

1. Pagganyak

(Magpapakita ng Larawan ni Lapu-lapu)


Mga mag-aaral, kilala ba ninyo kung sino ang nasa Opo Sir
larawan? Hindi po Sir

Sa mga nakakaalam kung sino ito, anu-ano ang mga


impormasyon na nalalaman niyo tungkol sa kanya?

Ikaw Binining _______. Siya po ang tinuturing ng karamihang Pilipino bilang


kauna-unahang bayani ng ating bayan.
Magaling!

Oh ikaw naman Ginoong ______. Siya po ang pumatay sa mananakop na kastila na si


Ferdinand Magellan.
Tama! Magaling!

Para higit nating makilala si Lapu-lapu, may


ipapanuod ako sa inyo na video presentation. (11
minuto).

Pero bago ang lahat, huwag kalimutan ang mga


panuto habang nanunuod, anu-ano ang mga ito?

Oo Ginoong _____. Sir, ang mga panuto ay ang mga sumusunod:


1. Manuod po ng mabuti.
2. Hindi po nakikipagkwentuhan sa katabi.
3. Hindi po mag-iingay.
Tama yan Ginoong _____.

Bago yan, basahin muna natin ang mga dapat


isaalang-alang habang nanunuod.

Makibasa Binibining ______. F. Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong


kastila na lumaban sa mga nanakop na Pilipino
upang manatili ang lahing kastila sa lupang
pinangako.
G. Si Ferdinand Magellan ang unang pangkat ng
mga kastilang nagtangkang sumakop sa kapuluan
at ipalaganap ang krus at espada.
H. Ang pagdating ni Magellan kasama ang kanyang
sundalo sa Mactan para sakupin at matayin ang
mga maharlikang hindi sumunod sa kanilang mga
batas.
I. Tinanghal na mamamatay tao si Lapu-lapu
sapagakat kanyang napatay si Magellan.
J. Si Lapu-lapu ay may matatag na magmamahal sa
bayan kaya dapat tularan ng mga kabataan.

Magaling Binibining ______.


Ngayon, uumpisahan na nating panuorin ang (manunuod ang mga mag-aaral)
talambuhay at sakripisyo ni Lapu-lapu.
Mga mag-aaral, anu-ano ang inyong masasabi kay
Lapu-lapu?

Oo Ginoong ______. Sir, si Lapu-lapu ay napakatapang at dapat po siyang


tularan ng mga kabataan sa kanyang magmamahal sa
bayan.

Magaling Ginoong ______.


Tama!

Naintindihan niyo baa ng talumbuhay ni Lapu-lapu Opo Sir!


kung bakit hinirang siyang kauna-unahang bayani ng
bayan?

Balikan natin ang mga pangungusap tungkol sa


pinanuod niyo. Lagyan ng masayang mukha() ang
patlang kung nagsasaad ito ng tama at malungkot na
mukha () naman kung mali.

Naintindihan ba mga mag-aaral ang panuto? Opo Sir!

1. Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong 


kastila na lumaban sa mga nanakop na Pilipino
upang manatili ang lahing kastila sa lupang
pinangako.

2. Si Ferdinand Magellan ang unang pangkat ng 


mga kastilang nagtangkang sumakop sa
kapuluan at ipalaganap ang krus at espada.

3. Ang pagdating ni Magellan kasama ang kanyang 


sundalo sa Mactan para sakupin at matayin ang
mga maharlikang hindi sumunod sa kanilang
mga batas.

4. Tinanghal na mamamatay tao si Lapu-lapu 


sapagakat kanyang napatay si Magellan.

5. Si Lapu-lapu ay may matatag na magmamahal sa 


bayan kaya dapat tularan ng mga kabataan.

D. PAGLALAHAD NG PAKSA

Balikan muli natin ang mga pangungusap. Pansinin


ninyo ang mga nakasalungguhit na salita.

Basahin nga natin ang mga nakasalungguhit na salita.

Upang Upang
At At
Para Para
Sapagkat Sapagkat
Kaya Kaya

Ano ang inyong napapansin sa mga ito?

Binibining _____. Pinagdurugtong po ang mga pangungusap.

Mahusay Binibining _______.


Ano pa? Ginoong _____ Ang mga nakasalungguhit po na mga salita ay mga
pangatnig.
Magaling Ginoong_____

Mayroon pa isa? Ano yun Binibining _____. Pinag-uugnay po ang sugnay na makapa-iisa at sugnay
na di makapag-iisa.
Tumpak na tumpak Binibining ______!

1. Pagtatalakay

Ang inyong mga sagot ay tama, ang aralin natin


ngayon ay?

Oo Binibining _____. Pang-ugnay Sir!

Tumpak!

Ano ang inyong mga ideya sa pang-ugnay gamit ang


mga pangungusap sa presentation?

Sige Ginoong _____. Ang pang-ugnay ay ginagamit upang mabuo ang isang
pangungusap at ang pang-ugnay ay may pangatnig
upang ipagdugtong ang pangungusap.
Napakagaling Ginoong ______. YES ako sayo!

Ang mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang


nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, o ng
dalawang parirala, o ng dalawang sugnay.

Ang unang pang-ugnay ay ang Pangatnig.

1. Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-


uugnay ng mga salita, parirala, sunay at
pangungusap.
 Hugnayan – pangungusap na binubuo
ng isang sugnay na makapag-iisa(SM) at
sugnay na di makapag-iisa(SDM).

Halimbawa ng pangatnig:
ni, kaya, man, o, at, maging, datapwat, bagaman,
samantala, maliban, kahit kung, kapag, dahil,
sapagkat, kasi, kaya, upang.

Magbigay ng pangungusap gamit ang pangatnig.

Ginoong _____. Pinaglaban ko ang aming magmamahal sapagkat ang


aking puso’t isipan ay tanging siya lamang ang
nagbibigay buhay.
Humuhugot si Ginoong _____. Mahusay!

Bilang isang mag-aaral paano mo tutularan ang Ipaglalaban ko hanggang kamatayan ang aking bayan
ginawa ni Lapu-lapu gamit ang pangatnig sa upang bayan ko’y hind imaging alipin ng dayuhan.
hugnayang pangungusap?

E. PAGLALAHAT

Ano nga ba ang pang-ugnay?

Binibining ______. Ang mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang


nagpapakita ng relasyon ng dalang salita, o ng parirala,
o dalawang sugnay.
Mahusay!

Ang pangatnig ay?

Ginoong______. Ang pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay


ng mga salita, parirala, sugnay, at pangungusap.
Magaling!

Ang hugnayan ay?

Binibining _______. Ang hugnayan ay pangungusap na binubuo ng isang


sunay na makapag-iisa (SM) at sugnay na di makapag-
iisa (SDM).
Tumpak!

IV. Pagtataya
Pangkatang Gawain: (4 na pangkat) Ilagay ang tamang pangatnig upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.
1. Ang pagkakasundo ______ pagkakaibigan ng mga bansa ay kailangan,
2. ______ may mga bagay na hindi napagkakasunduan, dapat pag-usapan angmmga ito nang maayos.
3. Ang United Nations ____ U.N. ay samahang kumakatawan sa mga nagkakaisang bansa sa daigdig.
4. Itinatag ito _____ lutasin angmga suliraning pandaigdig.
5. Maraming bansa na kasapi nito _____ nakatutulong ito sa buong samahan.
6. Ang malalaki ______maliliit na bansa ay may pantay na mga karapatan.
7. Pinauunlad ang kalagayang pangkabuhayan, pangkapayapaan, _____ pangkultura ng mga kasaping bansa.
8. _____ ito’y naitatag, nagkaroon ito ng maraming sangay.
9. Ang isang bansa ay nagiging magtatag ______ nagiging kasapi nito.
10. Nananatili ang kalayaan ng bansa _____kasapi ito ng samahan.

V. TAKDANG-ARALIN

Bumuo ng limang pangungusap gamit ang pangatnig sa hugnayang pangungusap.


1.
2.
3.
4.
5.

Prepared by:
JUSOF CARIAGA
BTTE - II

You might also like