You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino V

I. Mga Layunin

Sa loob ng 60 minutong aralin sa Filipino V, ang mga bata ay inaasahang:

a. Nakikilala at natutukoy ang mga pangatnig sa hugnayang pangungusap;


b. Nagagamit angmga pangatnig sa hugnayang pangungusap, at
c. Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga pangatnig.

II. Paksang Aralin

 Paksa: Gamit ng pangatnig sa Hugnayang pangungusap

 Sanggunian: Bagong Likha 5 Wika at Pagbasa pp. 430-431, Alab ng Wikang Filipino pp. 312-313, at Ikalawang
Edisyon Pluma Wika at Pagbasa para sa Batang Pilipino. 343-344.

 Kagamitan: larawan ni San Pedro Calungsod, cut-outs, biswal eyds, laptop, video screen

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin  Opo ma’am (sa ngalan ng ama, ng anak, at espirito


_______________, pangunahan mo ang atng santo , Amen……)
panimulang panalangin sa araw na ito.

2. Pagbati

Magandang umaga mga bata!  Magandang umaga rin po ma’am!

3. Pagtala ng mga pumasok at lumiban


(tatawagin ng Guro ang Class monitor)  Wala po ma’am.
_______ may lumiban bas a araw na ito?

B. Paglinang ng Gawain

1. Pagganyak

(magpapakita ng Larawan ni San Pedro Calungsod)


Mga bata, kilala ba ninyo kung sino ang nasa larawan?  Opo/Hindi po.

Anu-ano ang mga impormasyon sa nalalaman nyo  Siya po ay hinirang na pangalawang Pilipinong
tungkol sa kanya? Santo.

 Inaalay po niya ang kanyang buhay para


maglingkod sa panginoon.

 Isa po siyang mabuting tao.

Magaling!

Para higit nating makilala si San Pedro Calungsod, may


ipapanuod ako sa inyo na video presentation. (11
minuto)

Habang nanonood, anu-ano ang mga dapat gawin?  Manuod po ng Mabuti.


 Hindi po makikipag-kwentuhan sa katabi.
 Hindi po mag-iingay.
Tama yan.

Bago yan, basahin natin ang dapat isaalang-alang


habang nanunood.

_____ 1. Si Pedro Calungsod ay isa sa mga batang


katekistong nagpunta sa Kanlurang Pasipiko upang
ipahayag ang mabuting balita sa mga katutubong
Chamorro.
______ 2. Ang masigasig na Heswitang superior na si
Padre Diego Luis de San Vitore ay tumugon sa espesyal
na tawag at nagsimula ng baying migyon kasama ng 17
na lalaki.

______ 3. Ang mabuting pakikitungo ng mga katutubo


ay naging poot sapagkat ang mga misyonero ay
nagsimula ng mga pagbabago sa nakaugalian ng mga
Chamorro na hindi angkop sa Kristiyanismo

______ 4. Kumaripas ng takbo si Pedro para iligtas ang


kanyang buhay ng sumusugod ang mga Chamorro

______ 5. Si Pedro Calungsod ay may matatag na


pananampalataya kaya dapat tularan ng mga kaalaban.

Ngayon, uumpisahan na nating panuorin ang


talambuhay ni San Pedro Calungsod. (manunuod ang mga bata)

Mga bata, anu-ano ang inyong masasabi kay Pedro  Siya po ay isang mapalad na bata.
Calungsod?  Dapat pong tularan si Pedro dahil sa kanyang mga
nagawa.
 Si pedro po ay handang ialay ang kanyang buhay
para sa panginoon.

Magaling! Tama!

Naintindihan niyo ba ang talambuhay ni Pedro


Calungsod kung bakit hinirang siyang Santo? Opo ma’am.

Balikan natin ang mga pangungusap tungkol sa


pinanuod niyo. Lagyan ng masyang mukha () ang
patlang kung nagsasaad ito ng tama at malungkot na
mukha () naman kung mali.

Naintindihan ba mga bata?  Opo ma’am. Naiintindihan po naming.

_____ 1. Si Pedro Calungsod ay isa sa mga batang


katekistong nagpunta sa Kanlurang Pasipiko upang
ipahayag ang mabuting balita sa mga katutubong
Chamorro.
______ 2. Ang masigasig na Heswitang superior na si
Padre Diego Luis de San Vitore ay tumugon sa espesyal
na tawag at nagsimula ng baying migyon kasama ng 17
na lalaki.

______ 3. Ang mabuting pakikitungo ng mga katutubo


ay naging poot sapagkat ang mga misyonero ay
nagsimula ng mga pagbabago sa nakaugalian ng mga
Chamorro na hindi angkop sa Kristiyanismo

______ 4. Kumaripas ng takbo si Pedro para iligtas ang


kanyang buhay ng sumusugod ang mga Chamorro

______ 5. Si Pedro Calungsod ay may matatag na


pananampalataya kaya dapat tularan ng mga kaalaban.

2. Paglalahad ng Paksa

Balikan muli natin ang mga pangungusap. Pansinin


ninyo ang mga nakasalungguhit na salita.

Basahin nga natin ang mga nakasalungguhit na salita.

Upang  Upang
At  At
Sapagkat  Sapagkat
Para  Para
Kaya  Kaya

Ano ang inyong napapansin sa mga ito?  Pinagdurugtong po ang mga pangungusap.

Magaling!  Ang mga nakasalungguhit po na mga salita ay mga


pangatnig.
Tumpak!
 Pinag-uugnay po ang sugnay na makapag-iisa at
Magaling! sugnay na di makapag-iisa.

3. Pagtatalakay

Ang inyong mga sagot ay tama, ang aralin natin ngayon  Pang-ugnay
ay?

Tumpak!

Ano ang inyong ideya sa pang-ugnay gamit ang mga  Ang pang-ugnay ay ginagamit upang mabuo ang
pangungusap sa pisara. isang pangungusap.
Magaling!
 Ang pang-ugnay ay mga pangatnig upang
ipagdugtong ang pangungusap.

Tumpak!

Ang mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang


nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, o ng
dalawang parirala, o ng dalawang sugnay.

Ang unang pang-ugnay ay ang Pangatnig.

1. Ang pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-


uugnay sa mga salita, parirala, sugnaay at
pangungusap.

 Hugnayan- pangungusap na binubuo ng


isang sugnay na makapag-iisa (SM) at
sugnay na di makapag-iisa (SDM).

Halimbawa ng pangatnig:

Ni, kaya, man, o, at, maging , datapwat, bagaman,


samantala , maliban, kahit kung, kapag, dahil, sapagkat,
kasi, kaya, upang.

Magbigay ng pangungusap gamit ang pangatnig.  (Pupil A)


 (Pupil B)
 (Pupil C)

Biilang isang mag-aaral paano mo tutularan ang ginawa


ni Pedro Calungsod gamit ang pangatnig sa hugnayang  (Pupil D)
pangungusap?  (Pupil E)
 (Pupil F)

4. Paglalahat

Ano nga ba ang pang-ugnay?  Ang mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, o ng
Ang pangatnig ay? Ang hugnayan ay? dalawang parirala, o ng dalawang sugnay.

 Ang pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-


Mahusay! uugnay ng mga salita, parirala, sugnay at
pangungusap.

Magaling!  Hugnayan- pangungusap na binubuo ng isang


sugnay na makapg-iisa (SM) at sugnay na di-
makapag-iisa (SDM).
Mahusay!

5. Paglalapat

IV. Pagtataya

pangkatang gawain: (4 na pangkat) Ilagay ang tamang


pangatnig upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap.

1. Ang pagkakasundo _________ pagkakaibigan


ng mga bansa ay kailangan.
2. _________ may mga bagay na hindi
mapagkakasunduan, dapat mapag – usapan ang
mga ito nang maayos.
3. Ang united nations _______ UN> ay samahang
kumakatawan sa mga nagkakaisang bansa sa
daigdig.
4. Itinatag ito ________lutasin ang mga suliranin
pandaigdig.
5. Maraming bansa na ang kaspi nito _______ na-
katutulong ito sa buong samahan.
6. Ang malalaki _____maliliit na bansa ay may
pantay na mga karapaan.
7. Pinauunlad ang kalagayang
8. _______ ito’y naitatag, nagkaroon ito ng
maraming sangay.
9. Ang isang bansa ay nagiging matatag ______
nagiging kasapi nito.
10. Nananatili ang Kalayaan ng bansa _________
kasapi ito ng samahan.

V. Takdang – Aralin

Bumuo ng limang pangungusap gamit ang pangatnig sa


hugnayang pangungusap.

1.
2.
3.
4.
5.

You might also like