You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I - Layunin
1. Mailarawan ang pinagmulan ng digmaan.
2. Matutukoy kung sino-sino ang mga tao na kasali sa digmaan.
3. At ano ang naging resulta sa digmaan at ano ang epekto nito ngayon sa atin.

II - Paksang Aralin
Paksa: Ang digmaan sa mactan.
Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=Gyp11NcAftQ
Kagamitan: Biswal na pantulong at mga larawan.

III - Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimukang Gawain
a. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po sa inyo sir!

b. Pagdarasal
Maari bang tumayo tayong lahat para sa ating (Binibigkas ang panalangin)
panalangin na pangungunhan ni ginoong
_______.

Amen. Amen.

c. Pagtsek ng mga Lumiban


Bago ang lahat gusto ko lang malaman kong Wala po sir!
kumpleto ba tayong lahat ngayon at inaasahan
ko na nalista na ng naatasan kung sino man
ang lumiban ngayon sa ating klase.

d. Balik Aral
Okay! Ngayon nais kong balik kung ano ba ang Ako po sir!
paksa natin kahapon maari bang may mag sabi
kong ano yon?

Yes____! Ikaw ay tumayo at ipahayag ano yon. Tungkol kay Ferdinand Magellan sir.

Ano ang mayroon kay Ferdinanand Magellan Siya po ay isang eksplorador na Portuges na


______? naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-
unahang nakapaglayag mula
sa Europa pakanluran patungong Asya, ang
unang Europeo na nakatawid ng Karagatang
Pasipiko.

Magaling ______!
Ako'y natutuwa dahil kayo ay may natutunan
sa ating talakayan kahapon.

B. Pagganyak
Bago natin pormal na simulan ang ating
talakayan ngayon ay meron akong hinandang
laro na tinatawag kong "Ice, Nice Baby” simple
lamang ang larong ito kapag sinabi konge Ice
Lumundag lamag at humarap sa kaliwa at pag
Nice naman ay haharap sa kanan at sa panghuli
sa baby naman ay humarap papunta dito sa
pisara.
Opo sir!
Maliwanag ba?
Handa na!
Handa na ba kayo?
Simulan na natin!

ICE! NICE! BABY! BABY! NICE! NICE! BABY!

Mahusay! Akoy natutuwa dahil nasiyahan kayo


sa ating laro
Okay po sir
Okay class, simulan na natin ang ating bagong
paksa.

C. Pagtatalakay
Ang ating paksa ngayong umaga ay tungkol sa
digmaan sa mactan.
Inaasahan ko kayong makinig ng mabuti dahil
pagkatapos ng ating talakayan ay Opo sir!
magkakaroon tayo ng pasulit. Maliwanag ba?

Okay.

Noong ika-labinglimang siglo ayon sa aklat ng


kasaysayan ni Pigafetta
ang pinakadakila at bantog na sagupaan sa
pagitan ng pinuno ng isla ng mactan na si datu
lapu-lapu at Ferdinand Magellan na
pinangalanang "Labanan sa Mactan" na
binansagan ng iba na "Kadaugan sa Mactan" ay
naganap.
Nagsimula ang lahat ng ang barkong galyon ni
Ferdinand Magellan na naatasan maglayag sa
pangkaragatang ekspidisyon na nagmula sa
espanya ay dumating sa cebu.
Kinaibigan ni Magellan si Rajah Humabon, ang
pinuno ng tribo at nakisalamuha at
nakipagkaibigan sa mga katutubo ng tribo.
Nagawang mahikayat ni Magellan ang
pamayanan ng tribo sa Cebu.
Upang sila ay mabinyagan sa Kristiyanismo.
Bilang alinsunod sa kahilingan ni Magellan sa
pagkalat ng kristiyanismo sa cebu gayun din sa
ibang kalapit na mga isla.
Si Magellan, sa hangaring yon, ay inutusan si
Rajah Humabon na hikatayin ang dalawang
datu na namumuno at nagunguna sa Isla ng
Mactan na mabinyagan ng kristiyanismo at
magbigay ng katapatan sa haring ng espanya.
Ngunit si Datu Zula lamang ang sumunod sa
kahilingan ni Humabon.
Si Datu Lapu-lapu ay nangibabaw at gumawa
ng isang matibay na paninindigan na tanggihan
ang kahilingan ni Rajah Humabon.
Ito ang nag-udyok kay Rajah Humabon na
humingi ng tulong kay Magellan upang
lumaban mula kay Datu Lapu-lapu dahil sa
kanyang matinding pagtutol sa utos ni
Humabon at ni Magellan. At dahil dito nagdulot
ito ng galit at pagkamuhi sa pagitan ng mga
sundalo ni Ferdinand Magellan at ng mga
katutubong mandirigma ni Datu Lapu-Lapu at
kung saan ang kanilang mga kaakuhan ay
naantig.

 Ayon kay  Antonio Pigafetta, tinangka ni


Magellan na hikayatin si Lapulapu na sumunod
sa mga kautusan ni Raha Humabon sa gabi
bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si
Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na
may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at
naglayag para sa Mactan sa umaga ng ika-28 ng
Abril, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni
Magellan na takutin ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga
kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala
noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang
nagpagalit kay Lapulapu at kanyang mga
mandirigma at sumalakay kay Magellan na
nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng
isang kampilan.
Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapulapu si
Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at
espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na
makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga
tauhan ni Magellan ay napatay sa labanan at
ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na
tumulong sa kanila ay napatay ng mga
mandirigma ni Lapulapu. Walang opisyal na
mga tala ng bilang ng mga namatay ngunit
binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3
Kristiyanong sundalo kabilang si Magellan. Ang
mga kaibigan ni Magellan na sina Raha
Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa
labanan dahil sa kautusan ni Magellan at
nanood sila mula sa malayo. Iniulat ni Pigafetta
na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung
ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan
ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay
bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin
nila. Ang tugon ni Lapulapu ay, "Hindi namin
ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat
ng mga kayamanan ng daigdig dahil ang
kanyang katawan ay tropeo ng aming
pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming
baybayin". Ang ilan sa mga kawal na nakaligtas
sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa
pistang ibinigay ni Raha Humabon. Si Magellan
ay hinalinhan ni Juan Sebastiá n Elcano bilang
komander ng ekspedisyon na nag-utos ng
mabilis na paglisan matapos ang pagtataksil ni
Humabon. Si Elcano at kanyang armada ay
naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya
noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng
daigdig.
D. Paglalahad
Ako ay magtatanong kung meron ba kayong
natutunan sa paksang tinalakay ngayon.
Ito po ay si Datu Lapu-lapu.
Ginoong____ pwede ba ikaw ay tumayo at
sabihin mo saki kung sino ang datu na tumutol
sa gusto ni Magellan?

Mahusay! Ito po ay si Rajah Humabon.

Ikaw Binibining_____maari ka bang tumayo at


sabihin kung sino ang pumanig kay Magellan
sa digmaan sa mactan

Opo sir.
Napakahusay!

Sa tingin ko ay handa na kayo sa ating pasulit


ngayon.

IV - Pagtataya
Panuto: Kumuha ng ikaapat na bahagi ng
papel. Lagyan niyo ng bilang isa hanggang
sampo. Bibigkasin ko lang ng dalawang beses
ang tanong. Iwasan ang pagbura. Kung merong
pagbura ito ay mali na. Maliwanag ba?

Kung ganun. Simulan na natin.

1. Ang Labanan sa Mactan (Sebwano: Gubat sa
Mactan) ay naganap sa Pilipinas noong?

2-3. Ano ang pangalan ng dalawang datu na


namumuno at nagunguna sa Isla ng Mactan?

3. Sino ang pinakausapan ni Magellan na


puntahan ang dalawang datu at namumuno ng
cebu?
4-5. Sino ang pumatay kay Magellan?

Time is up!

Atin ng iwawasto ang inyong mga sagot,


maaring magpalitan kayo ng papel ng iyong
katabi.

Ito na ang mga sagot:


1. Abril 27, 1521
2. Datu Zula
3. Datu Lapu-Lapu
4. Rajah Humabon Tapos na po sir.
5. Datu Lapu-Lapu

Tapos na ba? Maari niyo ng ipasa ang papel sa


harapan.

V- Takdang Aralin
Gamit ang isang papel ilarawan niyo ang
naganap na digmaan sa mactan. Maari kayong
maglagay at gumamit na pangkulay at ipasa sa
susunod natin na pagkikita.

Hanggang dito muna. Paalam!

Inihanda ni:
Myrwen R. Dingal

You might also like