You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

Inihanda ni: Rj A. Banluta BEED II

I. Layunin
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga bata sa ika - anim na baiting ay inaasahang:
1. Matatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at ang konsteksto nito kaugnay sa
pananakop ng Spain sa Pilipinas;
2. Maipaliwanag ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol;
3. Makabubuo ng timeline ng mga paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas hanggang
sa pagkakatatag ng Maynila at mga unang mga Espanyol at Filipino; at
4. Masusuri ang iba’t ibang perspektibo ukol sa pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa
Pilipinas.

II. Nilalaman
A. Paksa: Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
B. Sanggunian: Cruz, M. B., et al. (2007). Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 6.
EdCrisch International, Inc. p 105-119
C. Kagamitan: chart o larawan ng mga patapon na basura o gamit na magagamit pa,
chalkboard, chalks at aklat sa Araling Panlipunan
D. Pagpapahalaga: Pagpapakita ng kaalaman sa klase.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad/Panalangin

Magandang hapon mga bata! Magandang hapon din po, Sir!

Bago tayo mag simula sa ating aralin,


magsitayo muna tayo para sa ating dasal.
Panguluhan mo Joseph. Joseph: Sa ngalan ng ama, sa anak at sa
espirito santo, Amen…

Lahat:
Our father who art in heaven, hallowed be thy
name, thy kingdom come, thy will be done on
earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread, and forgive
those who sin against us; and lead us not into
temptation, but deliver us from evil, Amen.

Magsi – upo tayong lahat.


2. Pagtatala ng liban

Mga bata, sino ang liban ngayon? Lahat: Wala po, Sir.

Magaling mga bata!


Ipagpatuloy ninyo yan.

3. Pagbabalik Aral

Mga bata, natatandaan nyo pa ba ang nakaraan


nating leksyon? Lahat: Opo, Sir.

Ano ba iyon? (at nagsitaasan sila ng kamay)

Ikaw Ana. Ana: Ang nakaraan po na leksyon natin ay


tungkol sa mga yaman ng ating bansa po.

Mgaling!
Sino ang makapagbibigay ng mga yaman natin
ditto sa Pilipinas? (at nagsitaasan sila ng kamay)

Mary Kris? Mary Kris: Ang mga yaman natin ditto sa


Pilipinas ay ang yaman ng lupa tubig at
mineral.
Magaling, Mary Kris!

4. Pagganyak

(nagkabit ng larawan ng mga pananakop ng


Espanyol)

Sa larawang ito, ano ang nakikita ninyo? Lahat: Mga tao po, Sir.

Magaling!
May nakikilala ba sa mga taong ito?
Daphne? Daphne: Ang mga tao na nasa larawan ay ang
mga mananakop na Espanyol.
Magaling Daphne!
Sa tingin nyo mga bata, ano ang leksyon natin
ngayon? (at nagsitaasan sila ng kamay)

Joseph? Joseph: Ang leksyon po natin ngayon ay


tungkol po sa Pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas.
Magaling Joseph!
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Buksan ang mga aklat ninyo sa Araling


Panlipunan sa pahina 105. (at binuksan ng mga mag-aaral ang kanilang
aklat sa paghina 105)

Basahin ninyo ng tahimik ang sa loob ng


limang minuto.
Lahat: Opo, Sir.
Magsimula na kayo.
(at nag simula na silang magbasa ng tahimik)
(Pagkatapos nilang magbasa)

Sa binasa ninyo, sino ang mananakop na


dumating sa Pilipinas?
(at nagsitaasan sila ng kamay)
Dianne?
Dianne: Ang mga nanakop na dumating dito sa
Pilipinas ay ang mga Espanyol po, Sir.
Magaling Dianne!

2. Pagtatalakay

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng


kahulugan ng kolonyalismo? (at nagsitaasan sila ng kamay)

Ysa? Ysa: Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa isang


patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas
na bansa sa isang mahinang bansa.
Tama, Ysa!

Ang mga Espanyol noon ay sinakop tayo dahil


hindi pa tayog ang ating bansa noon. Mahina
pa ang ating bansa kaya sinakop tayo ng mga
Espanyol.

Sino sa inyo ang ang makapagbigay ng


kahulugan ng imperyalismo? (at nagsitaasan sila ng kamay)

Dianne? Dianne: Ang imperyalismo naman ay


tumutukoy sa pakikialam o tuwirang
pananakop ng makapangyarihang bansa sa
ibang lupain upang isulong ang mga
pansariling interes nito.
Magaling!
Ano ang tawag sa panahong naganap mula sa
ika-15 hanggang ika-17 siglo? Anna: Ang panahong ito ay tinatawag po na
Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas.
Magaling!
Anu-ano ang mga kagamitan ng mga
manglalakbay na makarating sa ibang bahagi
ng bansa?
Daphne? Daphne: Ang mga kagamitan nila na ginagamit
ay ang compass na tumutukoy sa direksyon ng
isang lugar at caravel o barkong higit na
mabilis at may kakayahang makapaglayag sa
kabila ng malakas na alon ng dagat.
Magaling!
Nagkakaroon ng kompetisyon sa pagitan ng
Spain at Portugal sa pagtuklas ng mga bagong
lupain.
Basahin ang tatlong pangunahing dahilan ng
mga Espanyol sa pagsusmikap na makatuklas
ng mg lupain.

(at binasa nila.)

Magaling mga bata!


At sa kanilang paglalakbay ay nagtagumapay
sila sa pag tuklas ng mga lupain sa kanlurang
bahagi ng mundo na pinangungunahan ni
Christopher Columbus at Vasco Nunez de
Balboa.

At sino naman ang isang manglalakbay na


nakarating sa silangang bahagi ng mundo na
nakatuklas ng Spice Islands o Moluccas
Islands?
Sige Anna. Anna: Ang nakatuklas ng Spice Islands sa
silangang bahagi ng mundo ay si Ferdinand
Magellan.
Magaling!
Tama ang sagot ni Anna.
Sa ekspedisyon ni Magellan ay binigyan siya
ng limang barko na nagngangalang Trinidad,
Concepcion, San Antonio, Santiago, at
Victoria.

Ito ang timeline ng pagdating ni Ferdinand


Magellan sa Pilipinas.

Sino sa inyo ang makapagbibigay sa tatlong


ibang ekspedisyon ng mga Espanyol? (at nagsitaasan sila ng kamay)

Mary Kris? Mary Kris: Ang tatlong iba pang ekspedisyon


ay pinamumunuan nina Juan Garcia at Jofre de
Loaisa, Alvaro Saavedra Ceron, at Ruy Lopez
de Villalobos.

Magaling Mary Kris!


Ng mailuklok sa trono si Haring Felipe II ay
nagkainteres siya na sakupin ang lupain ng
Pilipinas na ipinangalan sa kanya. Sa
pamumuno ni Miguel Lopez de Lagazpi ay
nagtagumpay sila sa pakikipaglaban ng mga
Cebuano dahil narin sa kanilang makabagong
kagamitan. Itinakda rin ni Legazpi ang kauna-
unahang pamayanang Espanyol sa Pilipinas at
pinangalanang La Villa del Santisimo Nombre
de Jesus.
At sinundan ito sa pananakop ng karatig lugar
ng bansa. At tuluyan na ding nasakop nila ang
boung bansa.

Naiintindihan ba ang ating leksyon ngayon? Lahat: Opo, Sir!

Magaling!

C. Paglinang

1. Paglalahat

Ngayon mga bata, sino ba ang nanakop sa


ating bansa noong ika-15 hanggang ika-17
siglo? (at nagsitaasan sila ng kamay)

Joseph? Joseph: Ang mga Espanyol po, Sir.

Magaling!
Sino ang kauna-unahang Espanyol na
nakarating sa Pilipinas at nakipaglaban sa mga
katutubo sa Mactan at kay Lapu-lapu?
Anna?
Anna: Si Ferdiand Magellan po, Sir.
Magaling!
Ibigay ang tatlong pangunahing dahilan sa
pagsusumikap ng mga Espanyol na makatuklas
ng bagong lupain?
Ysa? Ysa: Ang tatlong pangunahing dahilan p ong
mga Espanyol ay; ninais ng mga Espanyol na
makuha ang mga kayamanang taglay ng mga
masasakop na lupain; layon ng mga Espanyol na
maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo; at
hinangad ng mga Espanyol na makamit ang
karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang
bansa sa paggalugad ng mga bagong lupain.
.
Magaling!
Naiintindihan nyo ba mga bata? Lahat: Opo, Sir.

2. Aplikasyon

Ngayon mga bata, magbibigay ako ng pangkat


gawaing panggrupo. Magbilang kayo 1 – 5. (at nagsimula silang magbilang)

Magsama kayo sa inyong mga kagrupo.

Makinig kayo mga bata.


Bibigyan ko kayo ng tag-iisang cartolina.
Ang bawat pangkat ay magsaliksik ng
impormasyon tungkol sa mga naitalang
karanasan ng mga manlalayag noong panhon
ng paggalugad at pagtuklas. Tiyaking
mailalahad ang mga kinaharap na hamon at
pagsubok ng mga manlalayag sa paglalakbay
nito. Iuulat ng bawat pangkat ang inyong mga
nasaliksik sa malikhain pamamaraan.
 1 – Magellan
 2 – Loaisa
 3 – Saavedra
 4 – Villalobos
 5 - Legazpi

Naintindihan ba mga bata?


Lahat: Opo, Sir.

IV. Pagtataya

A. Tukuyin ang Konsepto. Tukuyin ang konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Isulat
ang sagot sa papel.

1. Bansang Europeo na sumasakop sa Pilipinas noong 1565.


2. Pulo ng Pilipinas na pinaniwalaang lugar kung saan ginanap ang uanang misa.
3. Pinuno ng mga katutubo sa Mactan na nakipaglaban at nagtagumpay laban sa
mga Espanyol.
4. Pinuno ng mga Espanyol na nagtungo sa Pilipinas at nagwagi sa labanan sa
Cebu at Maynila.
5. Tanyag na manlalayag na unang nagpatunay na bilog ang daigdig at siyang
nakarating sa Pilipinas noong 1521.
B. Gumuhit ng timeline sa isang papel sa pagdating ni Ferdinand Magellan sa bansa at
ilagay ang wastong mga detalye ng petsa at pangyayari.

V. Takdang Aralin

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang inyong sagot. Alin sa mga isinagawa ng mga
katutubong Filipinong nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ang
inyong hinahangaan?

You might also like