You are on page 1of 1

Pagdating ng mga Dayuhan sa Pilipinas (Panahon ni Lapu-Lapu)

Narrator: Noong ika-labinlimang siglo, nagkaroon ng mahahalagang


pangyayaring pulitikal at pangkabuhayan sa Europe. Ginusto ng mga bansa sa
Europe na maging pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa buong
mundo.

Ferdinand Magellan: Ako si Ferdinand Magellan, isang Portuges na nagbalak


maglayag sa Silangan sa pamamagitan ng paggamit ng ruta sa Kanluran.
Ngayon taong 1521, tumulak ang aking ekspedisyon na binubuo ng limang
sasakyang pangdagat.

Kawal 1: Kami ay lulan ng limang sasakyang pandagat na nagngangalang


Victoria, Concepcion, Santiago, Trinidad, at San Antonio.

Kawal 2: Mga kasama, ngayon ay Marso 17, 1521 at tayo ay narito ngayon sa
Homonhon, na nasa bukana ng Golpo ng Leyte.
Ferdinand Magellan: Tayo na at pumunta sa Limasawa at makipagkilala sa
mga hari ng Butuan.

Lapu-Lapu: Ako si Lapu-Lapu, isang mandirigmang Pilipino. Magaling ako sa


pakikipaglaban at handa kong ipaglaban ang aking bansang Pilipinas!

Mandirigma 1: Tahimik at matiwasay tayong namumuhay dito sa ating bansa


kaya hindi tayo makapapayag na gambalain tayo ng mga dayuhan!

Narrator: Nakipagkita nga ang pangkat ni Magellan kina Raha Kulambu at Raja
Siagu, at nagkaroon ng Sanduguan, isang ugaling Pilipino na nagpapakita ng
kanilang pakikipagkaibigan.

Mandirigma 2: Mahal na Lapu-Lapu, abala si Magellan sa pagpapalaganap ng


Kristiyanismo
Lapu-Lapu: Hindi natin ito kikilalanin! Sila ay mga dayuhang lamang sa ating isla!

Mandirigma 3: Masamang balita mahal na Lapu-Lapu, subalit nandyan na sila


Magellan at sa tingin ko ay mayroon siyang hukbo na hindi bababa sa
animnapung dayuhan lulan ng tatlong barko. Kasama nila ang mandirigmang
katutubo na sakay naman ng walumpung Bangka!

Narrator: At sa araw ding yaon, Abril 18, 1521, nagkaroon ng labanan. Sinalakay
ng mga Espanyol ang Mactan. Lingid sa kanilang kaalaman ay naging handa
sina Lapu-Lapu.

Lapu-Lapu: Gamit ang ating mga patibong, sibat, pana, bolo, itak at
panangga sa mga sandatang pumuputok na dala-dala ng Espanyol, buong
tapang natin silang haharapin! Sugod!

Narrator: Tuluyan na ngang naganap ang labanan sa Mactan at napatay ni


Lapu-Lapu si Magellan. Dahilan din ito upang panghinaan ng loo bang mga
Espanyol at tuluyan nang umatras.

You might also like