You are on page 1of 1

TALAMBUHAY NI LAPU-LAPU

Si Lapu-Lapu ay itinuturing na isa sa pinakadakilang pigura ng sinaunang


kasaysayan ng Pilipinas. Si Lapu-Lapu (1491-1542) ay kilala rin sa pangalan na
Kolipulako. Ang bayani ng Mactan at manlulupig ni Magellan, ay inilarawan bilang
strikto, matalino, at hindi nagpapatinag. Siya ay tuluy-tuloy na nakipagdigma laban sa
makapangyarihang pinuno ng Cebu, na noon ay mas higit na malaking kaharian kaysa sa
kanyang maliit na isla ng Maktan.
Ayon sa kasaysayan, ang Isla ng Maktan bagaman maliit ay isang maunlad na
komunidad nang ang dakilang si Magellan ay dumating sa Cebu. Bilang isang matapang
na manlalayag at sundalo ng Espanya, sinunog ni Magellan ang isang nayon nang
malaman na ang ilang mga naninirahan sa maliliit na isla ng Cebu ay tumangging kilalanin
ang Hari ng Espanya. Si Lapu-Lapu ay isa sa mga katutubong lider na tumangging
kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya sa mga isla. 
Nang maglakbay si Magellan papunta sa isang pinuno ng isla dala ang tatlong
barkong puno ng mga Kastila at dalawampung barko ng mga Cebuano, sinalubong sila ni
Lapu-Lapu at ng kanyang mga tauhan na armado ng mga katutubong elemento ng
pakikipaglaban gaya ng kahoy na kalasag, mga pana at mga sibat. Ang mga mananakop
na mga Espanyol at ang mga Cebuanong kasama nila ay napabalik sa kanilang mga
bangka, subalit ang kanilang pinuno na si Magellan ay nakatagpo ng kamatayan sa kamay
ni Lapu-Lapu. 
Ang labanan sa pagitan ni Lapu-Lapu at ng dayuhang mananakop na si
Ferdinand Magellan ay naganap noong Abril 27, 1521. Sa pinaniniwalaang eksaktong
lugar kung saan napatay si Magellan, ngayon ay nakatayo ang isang kahanga-hangang
monumento sa karangalan ni Lapu-Lapu. Inilalarawan nito ang bayani na may hawak na
tabak sa isang kamay at isang kalasag sa kabilang banda, ang mga armas ay
pinaniniwalaang ginamit sa kanyang pakikipaglaban kay Magellan. Ang monumento na ito
ay isang paalala sa katapangan ng mga Pilipino.

You might also like