You are on page 1of 1

Lapu-Lapu

https://tl.wikipedia.org/wiki/Lapu-Lapu

Si Lapulapu (aktibo noong 1521) ay isang Datu sa pulo ng Mactan sa Cebu, Pilipinas, na nakilala


bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa mga taga-Europa. Siya rin ang dahilan
ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya bilang pinakaunang
bayaning Pilipino. Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu, Si Lapu-Lapu, Salip
Pulaka, at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco),  subalit
pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.
Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay pinaniniwalaan na si Lapulapu ay
isang Muslim na nagmula sa mga Tausug Pinaniniwalaan din na si Lapulapu at Rajah
Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.
Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapulapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang
patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay
Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapulapu, subalit
kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa
ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari
ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at angkan ni Lapulapu. Labis na ikinagalit ni
Magellan ang pagtanggi ni Lapulapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway ni Lapulapu, ang pumanig kay Magellan at
kanilang binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril, taong 1521,
nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit sa isang libo ay naglayag upang
lusubin ang Mactan. Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapulapu noon at sampu sa kanyang
mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni
Lapulapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang
hukbo ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Sa bandang huli ay nagapi ni
Lapulapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa
at dito na siya tuluyang pinatay ni Lapulapu.

You might also like