Professional Documents
Culture Documents
Battle of Mactan
Battle of Mactan
Adle V-Africa
Labanan sa Mactan
Ang Labanan sa Mactan (Sebwano: Gubat sa Mactan) ay naganap sa Pilipinas noong 27 Abril 1521.
Natalo ng hukbo ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan, ang mga kawal na Kastila sa pamumuno ng
Portuges na kapitan at eksplorador na si Fernando Magallanes. Napatay ng mga tribung sundalo si
Magellan, na nagkaroon ng alitang pampolitika at pagkakaribal kasama si Lapu-Lapu. Noong 16 Marso
1521 (kalendaryong Kastila), natanaw ni Magellan ang mga kabundukan ng ngayo'y Samar habang nasa
isang misyon upang hanapin ang pakanlurang ruta sa mga kapuluang Maluku para sa Espanya.
Nang sumunod na araw, inutos ni Magellan na iangkla ang kanilang mga barko sa mga baybayin ng
Kapuluang Homonhon. Doon ay kinaibigan niya sina Raha Kulambu at Raha Siagu na pinuno ng
Limasawa na gumabay sa kanya sa Cebu. Ang hari ng Cebu na si Raha Humabon at ang kanyang reyna
ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos
ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni
Magellan kay Juana ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa. Dahil sa impluwensiya ni Magellan
kay Raha Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat
isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa
Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapu-Lapu na isa sa
mga pangunahing hepe sa loob ng pulo ng Mactan ang tanging tumutol.
Tumangging tanggapin ni Lapu-Lapu ang kapangyarihan ni Raha Humabon sa mga bagay na ito.
Iminungkahi nina Raha Humabon at Datu Zula kay Magellan na pumunta sa pulo ng Mactan at pwersahin
ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapu-Lapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni
Magellan ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng
rehiyong Bisaya at umayon na pasukuin ang mapanghimagsik na si Lapu-Lapu. Ayon kay Antonio
Pigafetta, tinangka ni Magellan na hikayatin si Lapu-Lapu na sumunod sa mga kautusan ni Raha
Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na
may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng ika-28 ng Abril,
1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magellan na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang
mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay
Lapu-Lapu at kanyang mga mandirigma at sumalakay kay Magellan na nasugatan sa braso ng isang sibat
at sa hita ng isang kampilan.
Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu si Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada.
Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tauhan ni Magellan ay
napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng
mga mandirigma ni Lapu-Lapu. Walang opisyal na mga tala ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit
ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magellan. Ang mga kaibigan ni
Magellan na sina Raha Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magellan
at nanood sila mula sa malayo. Iniulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung
ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng
kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapu-Lapu ay, "Hindi namin ibibigay ang katawan ng
kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng daigdig dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming
pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga kawal na nakaligtas sa
labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Raha Humabon. Si Magellan ay hinalinhan
ni Juan Sebastián Elcano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos
ang pagtataksil ni Humabon. Si Elcano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya
noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng daigdig.