You are on page 1of 2

ANG LABANAN SA MACTAN AT ANG PAGKAMATAY NI 

MAGELLAN
by xiaochua
LAPU-LAPU

 Pinuno ng Isla ng Mactan


 Sinasabing ang kanyang tunay na pangalan ay Kalipulako.
 Mas makapangyarihan si Kalipulako sa pag control ng pantalan ng Kabisayaan.

MAGELLAN

 Mananakop
 Ipinapakilala ang Hari at bansang Espanya na bansang pinakamalakas sa buong mundo.

BEFORE THE BATTLE

 Nakipagsundo si Magellan kina Rajah Humahon at Haring Carlos ng Cebu bilang ipakita
ang kaniyang sinsiredad at sinabing kakalabanin niya ang kanilang mga karibal sa isla ng
Mactan.
 April 27, 1521 ng madaling araw, nagpadala ng mensahe si Magellan kay Kalipulako ng
kung susundan at kikilalanin nila ang Hari at si Haring Humabon at magbibigay ng
tribute sa kanila, magiging magkaibigan sila at kung hindi, malalasap ng Mactan kung
paano sumugat ang kanilang mga espada. Sagot ng mga taga Mactan, “Kung may mga
espada kayo, may mga sibat kaming kawayan na pinatigas ng apoy!”
DURING THE BATTLE

 Nagkasundo sila na aatake pagliwanag ang mga Espanyol. Mula sa mga galyon nila,
naglakad ang 49 na sundalong Espanyol sa katubigan dahil hindi makalapit ang barko sa
dalampasigan dahil mabato.
 Ayon kay Pigafetta, isang libo limandaang taga-Mactan ang pumalibot sa kanila sa
tatlong hanay na tila isang tatsulok. Hindi nakayanan ng mga Espanyol ang dami ng pana,
sibat, putik at bato na dumapo sa kanila. 
 Nanatiling lumaban sina Pigafetta kasama and anim o walong kasamahan niya. Sa higit
isang oras na laban, sinibat si Magellan sa mukha ngunit nakalaban at gumanti ng saksak
ng espada.
 Nasugatan pa sa braso at nakampilan sa kaliwang binti. Nang tamaan si Magellan ng
panang may lason sa kanang binti, sinabi niya sa mga kasama na bumalik na sa mga
barko.
 Sa kanyang pagbagsak, pinagtulungan na ng mga taga Mactan.

AFTER THE BATTLE


 Ayon kay Pigafetta na umurong na nang makita ang pagkamatay ni Magellan, “They
killed our mirror, our light, our comfort, and our true guide.”
 Kahiya-hiyang umalis ang mga natitirang Espanyol at ang kanilang mga barko sa
kapuluan at hindi masasakop ito hanggang sa kanilang pagbabalik matapos ang 44 na
taon.  Si Kalipulako ngayon ang kinikilalang unang napangalanang bayaning Pilipino. 
Pinatunayan natin sa dalampasigan ng Mactan na sa manlulupig, hindi tayo pasisiil.

You might also like