You are on page 1of 3

Pag sakop ng bansang Espanya sa bansang Pilipinas

(ending)

Mga Tauhan

Ferdinand Magellan -
Datu Lapu-lapu -
Raja Kulambo -
Raja Siagu -
Raja Humabon -
Kawal na kastila -
Tagapagsalaysay -

((TAGAPAGSALAYSAY) Nuong ika-27 ng Abril, taong 1521 Dumaong ang


manlalayag na kastila sa dalampasigan ng Mactan. At dito naganap ang labanan sa
pagitan ng mga katutubong mandirigma sa pamumuno ni Datu Lapu-lapu, att sa isang
pwersang kastila na nakikipaglaban para kay Raja Humabon ng Cebu sa ilalim ng
utos ng Portuguese na manlalayag na si Ferdinand Magellan. At dito sumiklab ang
maduguang labanan sa kapuluan ng kabisayaan. Ito ang labanan sa Mactan.

Nuong ika-16 ng Marso taong 1521. Ang navigator na Portuguese na si


Ferdinand Magellan ay nakarating sa kapuluan ng PIlipinas. Ngunit aksidente nya
lang natagpuan ito. Dahil ang kanya talagang pakay ay ang isla ng Moluques sa
Indonesia.))

Ferdinand Magellan: Mira, encontramos una isla rica

Kawal na kastila: Tama pinuno, y seria un honor si pudieramos conquistarlo.

((TAGAPAGSALAYSAY) Nang sumunod na araw inutos ni Magellan na iankla


ang kanilang barko sa isang isla ng Homonhon at doon kinaibigan nya sila Raja
Kulambo at Raja Siagu na pinuno ng Limasawa at sila ang gumabay sa kanya patungo
sa kapuluan ng Cebu.))

Raja Kulambo: Kaibigan, tayo ay tutungo ngayon sa kapuluan ng Cebu. Ito ang
lugar kung saan ibat ibang pangkat o tribo ang inyong makikita.

Raja Siagu: Oo at doon ay ipapakila ka namin sa isa pang magiting na Raja.

Ferdinand Magellan: Isa itong karangalan mula sa aking mga kaibigang Raja.

((TAGAPAGSALAYSAY) Pagdating nila Magellan sa Cebu doon ay nakilala niya


sila Raja Humabon at Datu Sula. At doon ay nagdaos ng misa ang pangkat ni
Magellan at agad na nabautismohan ang nasa 800 na Cebuano upang maging isang
ganap na Katoliko at dito naging malapit ang relasyon nila Magellan at Raja
Humabon tungo sa pagkakaroon ng isang alyansa.))
Raja Kulambo: Narito na tayo sa kapuluan ng Cebu kaibigang Magellan, kung
mararapatin mo kaibigan ako ay aalis at may gagawin lang saglit.

Raja Siagu: Ako man kaibigang Magellan tutulungan ko si Raja Kulambo sa


kanyang gagawin.

Ferdinand Magellan: Raja Humabon kaibigan, kung ikaw ay lalaban sa isang tribo
kausapin mo lang ako tataunin ko sila at pasusukuin ko sila.

Raja Humabon: Salamat aking kaibigan, ako ay natutuwa sa mga iyong binigkas.

((TAGAPAGSALAYSAY) Dahil sa impluwensya ni Magellan kay Humabon.


Iniutas ni Humabon sa bawat isa sakanila ay magbibigay ng supply ng pagkain para sa
mga barko ng Kastila. At pagkatapos nito ay gagawin nilang mga Kristiyano, lahat ng
mga Raja ay sumunod sa mga ito, maliban lamang kay Datu Lapu-lapu na
pangunahing Datu ng Mactan, nagiisang tumututol.

Datu Lapu-lapu: Hindi ako papayag na magpapasakop tayo sa mga kastila.


Ipaglalaban natin ang kalayaan nating mga mamamayang Mactan.

((TAGAPAGSALAYSAY) Kaya naman iminungkahi ni Raji Humabon kay


Magellan na pumunta sa Mactan upang puwersahin ang pangkat ni Lapu-lapu na
sumunod sa kanyang mga kautusan.

Raja Humabon: Kaibigang Magellan, mukhang kinakailangan na nating pumaroon


sa Mactan, upang personal mong makita at makausap si Datu Lapu- lapu.

At lumayag na nga ang mga barko ni Magellan patungong Mactan at dito hinikayat
niya si Datu Lapu-lapu na sumuko at magpasakop, ngunit hindi ito nangyari.
Gumamit na ng pananakot si Magellan sa pamamagitan ng pagsunog sa mga bahayan
ng mga katutubo.)

Ferdinand Magellan: Ah ganun, matigas ka Lapu-lapu tignan ko lang kung hindi ka


pa susuko!!

Ferdinand Magellan: Sunugin ang mga kabahayan!!!

((TAGAPAGSALAYSAY) Ang pangyayaring iyon ang naging dailan kung bakit


mas naglint si Lapu-lapu at ang kanyang mga mandirigma.)

Datu Lapu-lapu: Magbabayad ka Magellan! Sugod mga mandirigma!!

((TAGAPAGSALAYSAY) At doon na nga naganp ang madugong labanan sa


baybayin ng Mactan. Isang kampilan ang sumugat sa binti ni Magellan at sinugatan sa
braso ng malaking sibat na naging resulta ng knyang pagkamatay.

At dito na nga nagtapos ang labanan sa pagitan ng mga katutubong sila Lapu-
lapu at ng mga kaaway na kastila. Naging daan ang labanan na iyon upang umalis sa
kapuluan ng bansa ang mga Espanyol. At itinuring si Lapu-lapu na ating pinaka unang
bayani.)
Datu Lapu-lapu: Mabuhay ang mga katutubong Pilipino, Mabuhay ang Pilipinas!!!

Wakas

You might also like