You are on page 1of 4

PAGTANGGAP NG MGA KATUTUBO SA MGA ESPANYOL

Sa pagdating ni Magellan at legazpi sa bansa, nagambala ang dating tahimik na


pamumuhay ng mga pamayanang katutubo. Isang malakas at makapangyarihang
dayuhang bansa ang bumago sa nakagisnan nilang uri ng pamamahala.

Dalawang uri ang pagtanggap na ipinakita ng mga katutubong pinuno sa mga dayuhan. Tinanggap
sila ni Rajah Kolambu nang buong puso, ang pinuno ng pulo kung saan unang dumaong si
Magellan. Itinuring silang kaibigan gaya ng nakagawian ng mga katutubo sa mga dayuhang
mangangalakal na dumating sa pulo. Nagdaos ng misa sa pulo ang mga dayuhan.

Sa Sugbu (Cebu), gayundin ang nagging pagtanggap ni Rajah


Humabon. Pumayag pa ito na magpabinyag bilang kristiyano.
Binigyan siya ng pangalang Carlos at ang kanyang asawa ay tinawag
na Juana. Nanumpa si Rajah Humabon ng katapatan at paglilingkod
sa Hari ng Espanya.
Ngunit iba ang pagtanggap ni Datu Lapulapu ng Mactan. Tumanggi
siyang magpasakop kay Magellan. Ipinaglaban niya ang kanilang
kalayaan at karapatang mamuhay sa kanilang sariling teritoryo. Sa
Mactan napatay si Magellan

Nang pinasok ni Martin de Golti ang Maynila, ipinaglaban din ni


rajah sulayman ang kalayaan ng kanyang komunidad. Natalo si
Sulayman laban sa mas malakas na armadong puwersa ng mga
Espanyol at napilitang umurong sa kabila ng ilog Pasig matapos
sunugin ang Maynila (Intramuros), Sa bandang huli, napasuko rin si
Sulayman nang pangakuan sila ng gobernador na si Miguel Lopez
de Legazpi na mailbre sa buwis at hindi sila oobligahin o
pananagutin sa sapilitang paggawa o polo y servicios.
Maraming Salamat sa pagkikinig sa aming talakayan!
ito ay iniulat ni Ashyanna Kate R. Cabunoc at shekinah
cailing.

You might also like