You are on page 1of 1

REAKYSYON SA MOVIE NA LAPU LAPU

Magiting, matapang, at may malasakit na pinuno si Raja Lapu Lapu (Lito Lapid) ng Pulo ng Mactan. Dahil sa likas na yaman nitong pulo marami ang may nais na sumakop dito. Isa na si Rajah Humabon (Vic Vargas) at ang kanyang alagad na si Datu Zula (Roi Vinzon). Maraming beses na sinubukan sakupin ng mga kawal ni Raja Humabon ang pulo subalit sila ay laging bigo dahil sa pagkakaisa at pagmamahal ng mga taga Mactan sa kanilang "Isla" na ipinagtatanggol kahit kanilang ikamatay. Nasa tugatog ng kanyang pamumuno si Lapu Lapu ng makilala niya si Prinsesa Bulakna (Joyce Jimenez) at ito ay kanyang naging kabiyak. Ang kanilang pagsasama ay tinanggap na malugod ng mga tao sa pulo. Dumating ang panahon na may dayuhan na galingEspanya na pinamumunuan ni Fernando Magallanes (Dante Rivero), isang Portuguese. Siya ay binigyan ng kapangyarihan ni Reyna Isabela ng Espanya na maghanap ng mga bagong lupa na maaaring angkinin. Unang sinakop nito ang pulo ng Limasawa na pinamumunuan ni Raja Kulambo. Isinailalim ito sa bansang Espanya at bininyagan na maging Kristiyano. Sinamantala naman ni Raja Humabon at Datu Zula ang pagkakataon na magwagi laban kay Lapu Lapu sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa mga kastila na may lakas ng armas para sugpuin si Lapu Lapu. Subalit hindi nagpasakop si Lapu Lapu sa ngalan ng kalayaan. Maraming bagay sa teknikal na aspeto ang hindi kapanipaniwala tulad ng galleon at ang ginamit na tunog ay hindi angkop. Ang diyalogo sa wikang Kastila ay walang translationsa wikang Pilipino kung kaya't hindi naiintindihan ang mensahe nito. Ang nagbigay kulay sa pelikula ay ang magandang pagganap nila Lito Lapid at Joyce Jimenez na ang anyo ay tunay na Prinsesa. Ang istorya ay nagpaalala sa katapangan at kagitingan ng isa nating matatawag na bayani. Maraming magandang aral ang mapupulot sa pelikulang ito tulad ng pagmamahal sa inang bayan, pagmamalasakit at katapangan na ginagamit sa mabuting layunin.

You might also like