Professional Documents
Culture Documents
Sildora
BSHM-CM/ TTH 2:30-4:00 PM
FINAL EXAMINATION
• Alunsina
-Ang bathalang babaing napangasawa ni Datu Paubari
- Ina ng tatlong prinsipe
- Lubos na mahal ang kanyang pamilya at handing magsakripisyo
• Haring Kaptan
- Ang hari ng mga bathala
- Ang nagnanais na magpakasal na si Alunsina
• Suklang Malayon
- ang kapatid ni Alunsina na tumulong sa kanilang mag-asawa.
• Uyutang
- Isang halimaw na nakatunggali ng isa sa mga prinsipe.
•Manalintad
- Ang halimaw ng Handug na ginapi ni Labaw Donggon bilang kapalit ng pagpapakasal kay
Angoy Gibintinan na anak ng pinuno ng Handug.
MARAGTAS
Mga tauhan
• Sultan Makatunao- isang malupit at masamang sultan.
• Pabulanan- asawa ni Datu Paiborong.
• Datu Paiborong- nagbalak manlaban kay Sultan Makatunao.
• Ilehay at si Ilohay- mga anak ni datu Paiborong at Pabulanan.
• Datu Sumakwel- isang datu na mabait, magalang at matalino.
• Datu Bangkaya- nagbalak din na manlaban kay Sultan Makatunao.
• Datu Puti- punong ministro ni Makatunao.
• Pinampangan- asawa ni datu Puti.
• Kapinangan- asawa ni datu Sumakwel.
• Datu Bangkaya- asawa ni Katorong.
• Katorong- kapatid ni Sumakwel.
• Balinganga- anak nina datu Bangkaya at Katorong.
• Datu Domangsol- isang datu na may asawa.
• Kabiling- asawa ni datu Domangsol.
• Datu Padihinog- isang datu na may asawa.
• Ribongsapaw- asawa ni datu Padihinog.
• Datu Domingsel- binatang datu
• Datu Balensuela- binatang datu.
• Datu Dumalogdog- binatang datu
• Datu Lubay- binatang datu.
• Ati- katutubo sa pulo ng Aninipay.
• Marikudo- hari ng Aninipay at isang mabuting pinuno.
• Maniwantiwan- asawa ni haring Marikudo.
MARAGTAS
- Nakapaloob sa “Maragtas” ang etnograpikong deskripsiyon ng pamumuhay at kultura ng mga
Ati, ang naunang nanirahan sa isla ng Panay, at gayundin ng mga dumating sa isla na taga-Borneo
sa pamumuno ni Datu Puti. Bahagi din ng “Maragtas” ang naratibo ng pangyayari sa buhay ng
pangunahing datu at kanilang mga asawa partikular na ang kina Sumakwel at Kapinangan/Aloyon
at Datu Bangkaya at Katurong. Sa huling bahagi rin ay ang lista ng mga naging pinuno ng mga
banwa at ang mga naunang dumating na mga Kastila sa Isla.
HINILAWOD
- Bahagi lamang ito sa naitalang epiko na tinatayang isa sa pinakamahabang epiko sa Sulod, "mga
grupo ng tao sa kabundukan ng Gitnang Panay" isa itong bahagi ng ritwal pangrelihiyon ng mga
Sulod at hindi isang piyesang lamang. Mapapansin sa teksto na nagtataglay ito ng mga sargadong
bahagi ng kanilang ritwal sa pagngangamot. Ang pagiging banal ng epiko ay dahilan kung bakit
pinakikinggan ang epiko kahit mahaba ito. Ngunit maaaring naaakit din ang mga tagapakinig sa
paghalo ng banal at secular. Inaawit ang epiko sa iba’t ibang okasyon: sa lamayan, sa kasalan, sa
pagganap ng iba’t ibang ritwal.
MARAGTAS
- Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang
espiritu, kaya't upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain
sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na
mahalaga sa kanila sapagka't lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May
ibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, ito'y patayong nakabaon sa lupa nang
may salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay
ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman.
D. Kabayanihan at pakikipagsapalaran
HINILAWOD
- Maituturing na epiko ang akdang Hinilawod sapagkat pumapaksa ito sapakikipagsapalaran at
kabayanihanng pangunahing tauhan. Nag-iiwan din ito ng aral na maaaring magamit sa pang-
araw-araw na buhay.
MARAGTAS
- Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan
Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng
dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.
Palihim na nagpulong ang sampung datu at napagusapan nilang kalabanin ang sultan
e. Katapangan at kahinaan
Nakasaad sa dalawang epiko na lubhang matatapang ang mga kalalakihan at walang inuurungang
labanan, ngunit ang kanilang kahinaan ay ang kanilang mga kasintahan. Ipinamalas ng mga
tauhan ang kanilang kabayanihan para sa kanilang nasasakupan at maging minamahal na nagiging
sanhi din ng minsan nilang pagbagsak.
B. Ayon sa alamat ano ang mga dahilan at naging mga maliliit na isla ang mga sundalo?
(ipaliwanag)
- Ang mga patay na mandirigma na palutang-lutang sa karagatan ay unti-unting naging mga pulo.
Halos isandaan ang mga nasawi sa nasabing digmaan para sa perlas na nagdudulot ng
masaganang huli. Ito ngayon ang naging tanyag na isandaang mga pulo ng Alaminos.
C. Kung tunay ang pakikipaglaban ng ating mga sundalo sa kasalukuyan nating panahon,
ano ang mga aral na ibinabahagi at natutuhan sa alamat na ito?
- Bagamat ang mga sundalo ay kilkala ng iba bilang pumapatay sa walang dahilan nginit mali,
sila ang nagpoprotekta sa mga tao, kaya nararapat lamang natin na pahalagahan ang mga
sundalong handang magbuwis ng kanilang buhay para sa ating kaligtasan mula sa mga
pamansamantalang mga tao. Lumalaban sila upang manatiling ligtas tayo kahit kapalit nito ay
kanilang buhay.
D. Sa iyong palagay, tama ba ang naging pasya ng mga namuno na salubungin ang mga
kaaway sa gitna ng dagat? (Pangatwiranan)
- Oo, dahil nais lamang nilang protektahan ang anak ng diwata. Tungkulin nilang protektahan
ang mga diwata mula sa mga kaaway bago makarating sa pangpang.
C. Ano ang naging kahalagahan o gamit ng mga epiko sa ating mga ninuno? (Ibigay ang
sariling opinyon)
- Ang mga epikong ay nagpapakita ng katangian ng ating mga ninuno noong unang panahon,
makikita dito ang kanilang kagitingan at katapangan sa pakikipaglaban para sa nasasakupan. Ang
mga epikong ito ang nagiging basihan ng kanilang kultura at pamumuhay.