Panuto: punan ang talaan ng mga titulo at manunulat sa panahon ng amerikano at magbigay ng impormasyon tungkol sa kwento. Titulo May-akda 1. Banaag at Sikat Lope K. Santos Impormasyon: Kuwento ng pag-iibigan ng isang mahirap na lalaki at mayamang babae ang iniikutan ng Banaag at Sikat.
2. Isang Punongkahoy Jose Corazon De Jesus (Huseng Batute)
Impormasyon: Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus ay naghahalintulad sa kanya sa isang punong kahoy na malapit nang mawalan ng lakas o malapit nang mamatay. Kung inyong matatandaan ang tula na ito ay isinulat ni Jose Corazon De Jesus noong mga huling araw na nya, taglay ang pagsisisi at pagdurusa sa mga bagay na kanyang ginawa o mga bagay din na hindi nya nagawa. 3. Ang Lumang Simbahan Florentino Collantes (Kun til Butil) Impormasyon: Ang akdang “Ang Lumang Simbahan” ay sinulat sa anyong tulang pasalaysay ito ay nag lalaman ng bakas ng kolonyalismo sa ating bansa mababasa rin nating sa akda ang impluwensyang naiwan ng mga banyaga na kalaunan ay naging parte nan g pamumuhay ng mga Pilipino. 4. Isang dipang langit Amado V. Hernandez Impormasyon: Ito ay tungkol sa mga bilanggo na wari’y nagdudusa sa lungkot. Sila ay ang hindi tunay na may sala sumakatuwid sila lamang ay pinaratang ng walang malay sapagkat sila ay isang api at nasa baba. 5. Walang Sugat; Ang Kalupi Severino Reyes (Ama ng Dulang Tagalog; Ama ng Sarswelang Tagalog) Impormasyon: Ang sarsuela ni Severino Reyes na pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan. 6. Kahapon, Ngayon at Bukas Aurelio Tolentino Impormasyon: isang drama simbolika at pinakasikat sa mga dulang sedisyoso noong panahon ng Amerikano. 7. Anak ng Dagat Patricio Mariano (Anak ng Pahayagang Tagalog) Impormasyon: Ito ay Sarswela na itinanghal sa Teatro Zorilla noong 1921, tungkol ito sa isang babae na iniligtas ang isang mangingisda at ang kanyang asawa. 8. Luha ng Buwaya Amado V. Hernandez Impormasyon: umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilongilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. 9. Ang Panday Amado V. Hernandez Impormasyon: kontemporaryong akda ni Amado ito ay tumutukoy sa mga isyu na nagaganap salipunan. 10. Ang Kalupi Severino Reyes Impormasyon: Ang Kalupi ay isang maikling kuwento. Ito ay nagpapakita ng realidad na may mga bagay na hindi nabibigyang hustisya sa lipunan.