You are on page 1of 6

Pagsusuri Sa Pelikulang

Baler
Ipinasa ni: Hananiel E. Demayo Ika-9 Rho

Ipinasa kay: Gng. Helen C. Pagtalunan

Panunuring Pampelikula

I. Ang Pelikula

a) Pamagat: Baler
b) Direktor: Mark Meily
c) Prodyuser:
Vicente del Rosario III
Vic del Rosario Jr.
Veronique del Rosario-Corpus
Erwin Genuino
Hermie Go
June T. Rufino
d) Pangunahing Tauhan:
Anne Curtis - Feliza Reyes
Jericho Rosales - Celso Resurreccion
Philip Salvador - Daniel Reyes
Andrew Schimmer - Lt. Jose Mota
Baron Geisler - Capt. Enrique de las Morenas
Ryan Eigenmann - 2nd Lt. Saturnino Martin Cerezo
Carlo Aquino - Gabriel Reyes
Nikki Bacolod - Luming
Mark Bautista - Lope
Rio Locsin - Azon Reyes
Direktor - Mark Meily
Sumulat - Roy Iglesias
e) Buod:
Nasa kamay ng mga Kastila ang bansang Pilipinas ng mamuo ang
pagmamahalan nina Feliza, isang Pilipino, at Celso, isang Kastilang na
sundalo kalahating Espanyol at kalahating Pilipino.Ang ama ni Feliza na si
Daniel ay galit na galit sa mga sundalong Kastila dahil sa kabastusan at
kahayupan ng mga ito kayat patago ang pagmamahalan nilang dalawa.
Maingat sila sa kanilang pagkikita para walang tao ang maghinala sa
kanilang relasyon.
Sa mga panahong iyon, madugo ang labanan ng mga Kastila at
Pilipino. Dumaan sa maraming pagsubok ang dalawang nagmamahalan.
Hindi humadlang ang kanilang dugo at posisyon sa kanilang
pagmamahalan.
Nang dumating ang isang araw, nilusob ng mga sundalong Pilipino ang mga
Kastila. Nagtago ang mga Kastila sa loob ng simbahan sa mahigit na 300
araw. Maraming namatay sa gutom at sa baril. Dito napatunayan ang walang
hanggang pagmamahal nina Feliza at Celso maging ang kabigan nilang
magkasintahan din na sina Luming at Lope. Matapos sumuko ang Kastila sa
mga Pilipino, dumating naman ang mga Amerikano na siyang bumago sa
buhay ni Feliza at maging sa ibang Pilipino.

II. Ang Mga Elemento


A. Tauhan
Mga Tauhan Mithi Balakid Kapalaran
Celso Gusto ni Hinggil siya Siya ay
Resurreccion Celso na sila ay ay sundalong binaril at namatay
mabuhay ng Espanyol,hindi dahil akala ni 2nd
mapayapa ni maaaring makita Lt. Saturnino
Feliza. sila ni Daniel kasi Martin Cerezo na
Magmahalan ng may malaking gustong tumakas
walang bawal at galit ito sa mga ni Celso sa kampo.
galit. Espanyol dahil sa
kabastusan at
kahayupan ng
mga ito.
Feliza Reyes Gusto ni Siya ay Nagkaanak
Feliza na nabuntis ni Celso, sila ni Celso ng
magmahalan sila natatakot siyang isang batang
ni Celso ng hindi sabihin ito sa lalake.
patago, kanyang ama
kumbaga walang baka siya
may magagalit o mapatay nito.
hahadlang sa
kanila.

-Reaksyon:
Maayos ang pagkakapili ng mga tauhan sa pelikula dahil mga magagaling
at nabibigyan nila ng hustisya ang kanilang karakter na ginagampanan.
Makatotohan silang umarte kaya naiintindihan ng mga manonood ang pelikula
at naaayon ang kanilang mga pananamit dahil makaluma ang mga kasuotang
ginamit ,panahon pa ng kastila ang ginamit. Bagay na bagay sa pelikula ang
mga damit na ginamit at nabigyan nito ng kulay at linaw ang pelikula.

B. Tagpuan
- Kalagayang Pisikal Sa kwentong Baler, ang tagpuan ay malinaw at tiyak
ni inilarawan ng may akda---matatagpuan sa Baler,Aurora.
- Kalagayang Sosyal Sa kwentong Baler, ang mga taong inilalarawan
doon ay nabibilang sa mababang antas ng lipunan (mga Pilipino) at mataas
na antas ng lipunan (mga Espanyol) sa panahong iyon.
- Kalagayang Historikal Ang kwentong Baler ay nangyari noong 1898 ,
Panahon ng digmaan ng 57 Rifleman Batallion ng Espanya at pwersang
Pilipino.

- Reaksyon:
Tamang-tama ang pagkakapili sa lugar na kanilang pinagkunan dahil
sa Baler, Aurora pagkatapos ng 15 araw, idineklara ang kalayaan ng
Pilipinas .Makatotohanan ang mga lugar na ginamit kaya napapaniwala nila
ang mga manonood .

C. Banghay
Panimula Sa kwentong Baler, ang pagsisimula ng kuwento ay may
digmaang Espanyol at pwersang Pilipino. Ipinakita rin dito ang
sekretong pagkikita ni Celso at Feliza.
Saglit na Inalok ni Celso si Feliza na magtanan sa lugar na kung saan
Kasiglahan sila nagkikita at pinupuntahan. At ang pakikipagsanib-pwersa ng
itay ni Feliza at Gabriel sa mga ibang sundalo na ayaw sa mga
Kastila upang dumami ang kanilang bilang.
Tunggalian Lumisan ang mga tao sa labanang mangyayari at ang
pagtakas ni Gabriel sa pamilya patungo sa simbahan. Hindi rin
sumipot si Feliza sa lugar na kung saan silay magkikita ni Celso.
Kasukdulan Ginawang kampo ng mga Kastila ang simbahan nagiipon
sila ng pagkain,tubig at mga sandata nito. Hanggang umatake ang
mga Pilipino sa mga Kastila na kung saan naroroon si Gabriel.
Kakalasan Hanggang naubusan na sila ng pagkain, isinuko ng mga
kastila si Gabriel. Pagkatapos isinuko ng mga kastila si Gabriel,
naglaban-laban ulit ang Pilipino at Espanyol. May planong
tumakas sina Celso at Lope at mga kasama nito, nakatakas ang
iba at naiwan na lamang si Celso at isang sundalong Espanyol na
kastila. Trinaydor niya Celso para lamang tumaas ang ranko nito.
Nang nalaman nito ni 2nd Lt. Saturnino Martin Cerezo, hindi siya
nagdalawang isip na barilin si Celso.
Wakas Sumuko na ang mga Kastila, lahat sila ay lumabas ng
simbahan. Hinahanap ni Feliza si Celso sa mga sundalong
lumabas pero ni-mukha ni Celso ay hindi niya makita. Pumasok
siya sa simbahan at nakita niya si Celso na patay na
nakaluhod.Nagkaanak si Feliza at nabuhay ng mapayapa.

- Reaksyon:
Maayos at malinaw ang daloy ng pelikula , maayos rin itong
paglalahad. Magaling ang pagkaarte at nakukuha nila ang tamang
emosyons. Napapaisip ko tuloy ang mga pangyayari nuon kung ngayun ito
na nangyari.

D. Tema
Ang tema ng pelikulang Baler ay nakatuon sa pag-iibigan ni Feliza Reyes,
isang Pilipina, at ni Celso Ressureccion, isang mestisong sundalo sa pwersa
ng mga Kastila. Pilit nilang inililihim ang kanilang pag-iibigan sapagkat ang ama
ni Feliza, si Nanding, ay sukdulan ang galit sa mga Kastila sa pagkakahalay sa
kanyang kapatid ng isang sundalong Kastila. Nang atakihin ng mga Pilipinong
rebolusyonaryo o mga insurrectos ang base ng mga sundalong Kastila, ang
huli ay mga nagsipagtakbo at nagtago sa loob ng Simbahan. Pinalibutan ng
mga sundalong Pilipino ang Simbahan samantalang ang mga sundalong
Kastila ay magtatago sa loob ng Simbahan sa loob ng 338 araw sa pag-
aakalang hindi pa natatalo ang Espaa sa digmaan at may mga darating pang
tulong mula sa Maynila.

E.Direksyon
Mala -action ang pagkuha ng direktor sa bawat eksena. Natural din ang
pagkakadirekta, at mahusay ang takbo ng direksyon. Para sa akin, 4/5 ang
ibibigay kung iskor sa pagdidirekta at thumbs up sa director!
III. Aspektong Teknikal

A. Musika
Nagustuhan ko yung kanta na ginamit nila. Ngayon, bukas at
kailanman ay kinanta ni Sarah Geronimo at Louie Ocampo. Bumagay ang
kanta sa tema ng pelikula, kaya pagkatapos kung manood ng Baler gusto
ko narin ang kantang Ngayon, bukat at kailanman.Magaling din ang
pagkaedit ng mga background music at mga tunog.
B. Tunog
Malinaw ang tunog. Walang salita ang hindi ko naintindihan. Hindi
masyadong malakas ang tunog ngunit hindi naman masyadong masyadong
mahina. Walang kakaibang tunog na narinig. Katamtaman lang ang lakas ng
sound effects at ang boses ng mga artista. Walang mali at perpekto lahat
ang pagkakasabi ng mga karakter.
C. Sinematograpiya
Ang angullo ng camera ay nasa tamang position kaya maayos ang
pagkakuha nito at malinaw. Ang kulay naman ay tumugma sa panahon na
kinalalagyan nila,classic ang kulay at natural. Ang visual effects naman ay
magandang nai-edit dahil kuhang-kuha nito ang dapat na visualize para
maging makatotohanan.
IV. EDITING
Maayos naman ang pagkakasunod ng mga eksena, gustong-gusto ko talaga
yung may nilalagay sila na kalian ito nangyari,ilang araw na sila nabilanggo, at
mga importanteng detalye. Gusto ko sanang palitan ang wakas na kuwento ,
sana nabuhay nalang si Celso para maging kumpleto ang pamilya ng anak nila
ni Feliza. Mahirap kaya lumaki ng walang ama. Napaiyak nalamang ako nung
ipinakita na nakaluhod si Celso na niyakap ni Feliza. Wala na talaga akong
masasabi, magaling ang pagkaka-edit at pagkakadirekta.5/5 ito para sa akin.
V. Konklusyon/Rekomendasyon:
Para sa akin, ang pelikulang Baler ay nagkaroon ng epekto sa aking isipan
at damdamin. Ako ay hindi masyadong panatiko ng mga komersyal na
pelikulang Pilipino lalo na kapag ito ay may tema ng pag-ibig, ngunit lumutang
sa pelikulang ito ang pagbasag sa istiryotipikal na paglalahad ng kasaysayan
ng pag-ibig sa pelikulang Pilipino. Nang dahil sa ito ay nakaugat sa kasaysayan
ng Pilipinas, nagkaroon ng maraming mukha ang istorya at hindi lamang
nakatuon sa bawal na pag-iibigan ni Celso at Feliza. Masasabi kong sa
naghihingalong industriya ng Pilipinas, naging tagasalba ang pelikulang ito sa
paglalarawan ng sining, kamulatan, at pagbibigay edukasyon. Isa itong
napakaganda at napakamakabuluhang obra maestra.
MGA KARAGDAGANG KAALAMAN :

You might also like