You are on page 1of 2

ACTIVITI 2

Mula sa lekturang Elemento ng Pelikula. Sumulat ng paglalarawan sa mga


elementong taglay ng isang pelikulang mapipili. Gamiting pormat ang nasa ibaba:

Pamagat ng Pelikula: HENERAL LUNA

Taong Ipinalabas at Direktor:

Noong Setyembre 5, 2015 ay ipinalabas sa


mga sinehan ang pelikulang Heneral Luna sa
direksyon ni Jerrold Tarog.

Pangunahing-Tauhan at Paglalarawan sa
kanilang Ginampanan (Limitahan sa 1-3
tauhan):

Heneral Antonio Luna (John Arcilla)

Ang pangunahing tauhan sa pelikula at


ipinakita ang kagitingan sa paninindigang ang
Pilipinas ay sa mga Pilipino at hindi sa
Amerikano. Siya ay isang mahusay,
matapang at matalino, ngunit may madaling
uminit na ulong heneral na patuloy sa
kanyang paniniwala kahit pa makalaban ang
ibang mga Pilipino, partikular na ang pangulo,
na nagtaksil sa kanya sa huli.
Pangulong Emilio Aguinaldo (Mon
Confiado)

Siya ang kinikilalang unang pangulo


ng Pilipinas na namumuno nang dumating
ang mga Amerikano. Pinakasinusunod siya
ng mga mabababang pinuno ng
sandatahan kaya naman bahagyang
nahirapan si Heneral Luna sa kanyang
mga plano. Maikukumpara rin siya sa
isang ahas sa damuhan na dapat ay
kakampi ngunit patagong magtataksil sa
kanyang kapwa Pilipino.

Cap. Pedro Janolino (Ketchup Eusebio)

Siya ang kapitan ng Kawit Batallion at


hindi siya sumunod sa utos ni Luna sapagkat
ayon sa kanya ay si Aguinaldo lamang ang
sinusunod niya. Siya rin ang pangunahing
nagtaksil sa Pilipinas na sa utos ni Aguinaldo ay
pinatay niya at ng kanyang batalyon sina Luna at
Roman.

SANGGUNIAN:

https://worldoflivingquill.wordpress.com/2019/03/08/heneral-luna-revyung-pampelikula/
https://pdfcoffee.com/heneral-luna-pdf-free.html
https://emilioaguinaldo2016.wordpress.com/2016/09/28/rebyu-ng-pelikulang-heneral-
luna/

You might also like