You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

President Ramon Magsaysay State University


Sta. Cruz Kampus Sta. Cruz Zambales
Unang Semestre, 2022-2023

FILN3
Sinesosyedad/Pelikulang Panlipuan

Pinal na Proyekto:
Isang Pagsusuring Pampelikula sa Pelikulang
“HENERAL LUNA”

Ipinasa nina:
Renz Philip G. Edquila
Ericka Mae Morillo
(BSE-SOCIAL STUDIES-4
 

Ipinasa kay

Shiryl M. Abejon , MA.Ed


Guro

Pebrero 11,2023
PANUNURING PAMPELIKULA
I. Nilalaman ng Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula – Heneral Luna
B. Director - Jerrold Tarog
C. Mga Pangunahing Tauhan:
 Heneral Antonio Luna (John Arcilla) – Ang pangunahing tauhan sa pelikula at ipinakita
ang kagitingan sa paninindigang ang Pilipinas ay sa mga Pilipino at hindi sa Amerikano.
Siya ay isang mahusay, matapang at matalino, ngunit may madaling uminit na ulong
heneral na patuloy sa kanyang paniniwala kahit pa makalaban ang ibang mga Pilipino,
partikular na ang pangulo, na nagtaksil sa kanya sa huli.
 Pangulong Emilio Aguinaldo (Mon Confiado) – Siya ang kinikilalang unang pangulo ng
Pilipinas na namumuno nang dumating ang mga Amerikano. Pinakasinusunod siya ng
mga mabababang pinuno ng sandatahan kaya naman bahagyang nahirapan si Heneral
Luna sa kanyang mga plano. Maikukumpara rin siya sa isang ahas sa damuhan na dapat
ay kakampi ngunit patagong magtataksil sa kanyang kapwa Pilipino.
 Apolinarion Mabini (Epy Quizon) – Ang unang “prime minister” ng Pilipinas sa ilalim ni
Aguinaldo. Hindi siya makabalintuna sa mga adhikain ni Aguinaldo sapagkat pawang
mas mataas ang pangulo. Hindi rin niya nalaman ang pagkitil kay Luna bagama’t siya ay
may nararamdamang kakaiba lalo na nang makita niya ang bolong may dugo ng isa sa
mga sundalo.
 Jose Alejandrino (Alvin Anson) – Isa siya sa mga pangunahing kakampi ni Antonio Luna
sa kanilang paninindigang nararapat lumaya ang Pilipinas mula sa mga Amerikano na
siyang kapwa heneral nito.
 Col. Francisco “Paco” Roman (Joem Bascon), Cap. Eduardo Rusca (Archie Alemania),
Cap. Jose Bernal (Alex Medina) at Major Manuel Bernal (Art Acuña) – Sila ang iba pang
mga katiwa-tiwalang kasamahan ni Heneral Luna sa kanilang pakikidigma laban sa mga
Amerikano.
 Felipe Buencamino (Nonie Buencamino) at Pedro Paterno (Leo Martinez) – Silang
dalawa ay naninindigan sa debate na nararapat panatilihin ang pakikipagkalakalan sa mga
Amerikano ng mga Pilipino, kabalintuna nila Heneral Luna.
 Cap. Pedro Janolino (Ketchup Eusebio) – Siya ang kapitan ng Kawit Batallion at hindi
siya sumunod sa utos ni Luna sapagkat ayon sa kanya ay si Aguinaldo lamang ang
sinusunod niya. Siya rin ang pangunahing nagtaksil sa Pilipinas na sa utos ni Aguinaldo
ay pinatay niya at ng kanyang batalyon sina Luna at Roman.
 Gen. Arthur McArthur Jr. (Miguel Faustmann)at Gen. Elwell Otis (E.A. Rocha) – Sila
ang namumuno sa mga Amerikano sa pakikidigma sa mga Pilipino.
D. Tema ng Pelikula
Ang tema ng pelikula ay tungkol sa isang Ina na nakipagsapalaran sa bansang Hongkong upang
matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak at umasang magbago at guminhawa
ang kanilang buhay. Naglalayon ito na ipabatid na hindi madali ang kanilang nagiging buhay sa
ibang bansa at hindi sila umaalis uang takasan ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon.
Ipinahahatid lamang nito na handang gawin ng isang ina ang lahat para sa kanyang mga anak
kahit pa masakit ito sa kanyang kalooban.
E. Maiksing Balangkas
Nagsimula ang pelikula sa pagdedebate ng gabinete sa kung nararapat ba ang presensya ang mga
Amerikano sa Pilipinas kasama sina Pangulong Emilio Aguinaldo at Apolinarion Mabini.
Kabilang sina Pedro Paterno at Felipe Buencamino sa mga sumasang-ayon sa
pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga Amerikano, subalit ipinapaglaban naman nina Heneral
Luna at Jose Alejandrino ang pakikidigma tungo sa paglaya ng Pilipinas. Humingi si Luna ng
permiso sa pangulo upang masimulan nila ang pang-unang pag-atake sa mga Amerikano ngunit
tiniyak naman ni Aguinaldo na tutulong ang mga Amerikano sa paglaya ng Pilipinas mula sa
Kastila. Sa kasamaang palad, ang mga Amerikano pala ay sumugod sa mga pangunahing bayan
na nagmitsa ng posibleng digmaan laban sa kanila. Si Luna at ang kanyang mga
pinagkakatiwalaang kakampi ay nakidigma na laban sa mga Amerikano at sa gitna ng labanan ay
humingi ng dagdag pang sundalo si Luna ngunit hindi ito sinunod ni Janolino sapagkat si
Aguinaldo lamang daw ang kanyang sinusunod, bagay an ikinagalit ni Luna. Matapos iyon,
tinipon ni Luna ang 4,000 na sundalo at ipinatupad ang kilalang “Artikulo Uno” na nagsasabing
ipapapatay nang walang paglilitis ang hindi sumunod sa kanyang utos. Nagpadala ng telegrama
si Aguinaldo na nag-uutos kay Luna na tumungo sa kanya, ngunit kahit na kahina-hinala ay
tumungo pa rin siya kasama lamang sina Roman at Rusca. Nagkita sila ni Buencamino roon at
nagbatuhan ng maiinit na salita. Nang may magpaputok sa labas, tinungo ito ni Luna at doon siya
pinagbababaril ni Janolino at ng kanyang mga sundalo.

Sa utos ni Aguinaldo ay nilibing si Luna at Roman nang may mataas na sundalong karangalan.
Marami ang naghinala kabilang na si Mabini, subalit itinanggi ni Aguinaldo ang kasamaang
kanya namang tunay na pinangunahan.
B. Istilo ng Paglalahad – Pagsasalaysay at Paglalarawan
Ang Heneral Luna ay pelikulang pantalambuhay mula sa Pilipinas tungkol kay Antonio Luna na
nagsilbing heneral ng hukbong Pilipino noong Himagsikang Pilipino at Digmaang Pilipino-
Amerikano.
C. Mga Tayutay o Simbolismo
1. Mga Halimbawa
1.Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa
kahit na anong bagay.” – Inuugnay sa aspeto ng pagkakasalungat at hindi pagkakakintindihan
ng mga grupo ng tao.
D. Sariling Reaksyon
1. Mga pansin at puna
a. Mga Tauhan/ Pagganap ng mga Artista
b. Ang Tagpuan
c. Iskrip /Istilo ng manunulat/ Istilo ng direktor/ Balangkas o galaw
a. Mga Tauhan/ Pagganap ng mga Artista
Hindi matatawaran ang pagganap ng mga artista sa kabilang mga karakter sapahkat naipakita at
nabigyan nila ng hustisya ang bawat personalidad at linya na kabilang binibitawan. Tunay ngang
mapupukaw ang ating pagka Pilipino sa pelikulang ito.
b. Ang tagpuan
Ang tagpuan ng pelikula ay maganda,halatang pinaghandaan nila ito at ginastosan ng malaking
halaga para maging maayos ang kinalabasan nito.
c. Iskrip /Istilo ng manunulat/ Istilo ng direktor/ Balangkas o galaw
ng mga pangyayari
Tunay nga na napagaling ang pagkaka sulat ng iskrip. Madaming linya ang tumatak ng husto sa
aking isip at mas lalo ko minahal ang ating kultura at nais na may gawing paraan para umunlad
na may pagkakaisa. Naipakita sa mga dialogo na ang salita ay sadyang makapangyarihan sa lahat
at kaya nitong bumuo ng pag babago para sa lahat mabuti man o masama.
Nakaka mangha ang pag didirehe ng director sapagkat naisabuhay niya ang mga pangyayaring
naganap sa panahon ni Antonio Luna. Lahat ng karakter na napili para sa pelikulang ito ay
napaka galing at pasok sa diskripsyon batay sa mga kasulatan. Ang emosyon ng bawat karakter
ay isang malaking puntos sa kagalingan ng pelikulang isinasagawa.
2. Mga Aspektong Teknikal o Sinematograpiya at Kabuuang Produksyon
a. Musika/ Kagamitan o Props/ Pag-iilaw o Lightings/ Pag-eedit/
SINEMATOGRAPIYA- Ito ay katotohan tungkol sa ating kasaysayan na ang ilan ay hindi natin
inakala .Hindi man kasing galing tulad ng mga ‘’Hollywood films’’, hindi natin maipagkakaila
na maganda at maayos ang pag kakagawa ng pelikula mula sa pag kuha ng mga videos at pag
lalapat ng mga effects. Sa pamamagitan nito ay maayos na naisakatuparan ang mga ekesenang
hinahangad ng mga gumawa ng pelikula.
DISENYO- Ang disenyong pamproduksiyon ng pelikula ay naayon lamang sa tema na
makaluma. Dahil dito, mas nadama ng mga manonood ang makalumang tema ng pelikula.
Nakamamangha rin ang kanilang disenyong produksiyon dahil akmang akma siya sa mga dapat
na nasa pelikula tulad ng pananamit, gamit, lugar at iba pa.
EDITING- Ang editing ng pelikula ay mahusay na pagkagawa. Napaganda lalo ang pelikula
dahil sa mahusay na pag-edit. Napakita rin nito ang pag-iiba ng eksena ng pelikula at
napapaganda pa ito lalo. Dahil rin dito, namamangha ang mga manonood ng pelikula.
MUSIKA- Ang tunog at musika sa heneral luna ay naaayon sa totoong pangyayari sa bawat
tagpo. Nakatutulong ito upang pukawin ang damdamin ng mga manonood na kung saan
nadarama ang mga eksenang ipinapakita. Sa pamamagitan ng musika nabigyang hustisya ang
kaganapan sa palabas.
TOGRAPIYAAng pelikulang Heneral Luna ay nag lalaman ng mga
b. Kabuuang Komento sa Pelikula
Simple lang naman ang gusto ni Heneral Luna, ang paggamit ng makabagong estratehiyang
militar sa ilalim ng implementasyon ng mataas na disiplina ng bawat isa na natutunan pa niya
mula pa sa Europa upang makasabay at makalaban sa mga Amerikano sa ilalim ng iisang
rebolusyon. Ganoong kasimple lang. Bakit hindi na lamang sundin ang adhikaing ito tutal naman
ang lahat ng pinaglalaban nila ay para sa inang bayan? Nakakalungkot lang isipin na habang
naghahangad tayo ng kasarinlan, habang binubuo pa lamang ang ating republika, habang
humuhubog pa lamang tayo ng sariling identidad na ipagmamalaki sa buong mundo,
naghihilahan na tayo pababa upang tugunan ang mga gawaing makapag-aangat ng sariling
interes imbis na interes para sa bayan. Pero, alam mo ba ang mas nakakalungkot? Ito ay ang
pagkakaroon pa rin ng ganitong mentalidad sa ating mga Pilipino. Oo, ikaw, siya, sila, at ako,
tayong mga Pilipino, parang walang natututunan sa kasaysayan. Kaya nga siguro naimbento ang
kasaysayan at ang kakayahan ng taong lingunin ang nakaraan ay para may mapulutan siya ng
aral para hindi siya magmukhang isang mangmang na haharap sa kinabukasan.
Disiplina. Noon pa man ay problema na ito. Hindi pa ba tayo natututo? Hindi na dapat pahabain
pa ang paliwanag o kuru-kuro sa aspektong ito. Nakakasawa na.
Mensahe
Ang mensahe ng pelikulang Heneral Luna ay natutungkol sa kabayanihan a kagitingan ng ating
bansa sa digmaan. Na nararapat lamang nating ipagtanggol kung ano ang alam nating atin. Na
huwag dapa matakot at mangamba at huwag magpapadaig o magpapadala sa kasinungalingan ng
iba. Ito rin ay nagbibigay sa atin ng aral sa mga naganap na digmaan sa ating bansa noon.

You might also like