You are on page 1of 1

Ang Himagsikan ng 1896

Narrator: May mga nagsasabi na ang himagsikang Pilipino ang kauna-unahang


pag-aalsang naganap sa buong Asia. Ang pagkakatuklas ng lihim ng
Katipunan ang nagtulak sa mga Katipunero na simulan na ang rebolusyon.

Espanyol 1: Siyasatin ang bawat bahay at hulihin ang mga taong


pinaghihinalaan! Patayin ang mga makikitang katipunero.
(May ilang mga katipunero na mahuhuli at pagbabarilin ng mga Espanyol)

Andres Bonifacio: Ipinagpapasalamat ko at nakatakas tayo Emilio Jacinto! Buti


na lamang at kinalinga tayo ni Tandang Sora dito sa Pasong Tamo. Tayo na sa
Marikina at ipagpatuloy ang paglalakbay hanggang sa marating natin ang
Hagdang Bato.

Narrator: Agosto 30, 1896 nang salakayin ng may 800 Katipunero sa pamumuno
nina Bonifacio at Jacinto ang bodega ng pulbura ng mga Espanyol sa San
Juan del Monte.

Katipunero 1: Hindi natin sila kaya Supremo! Wala tayong kasanayan sa


pakikidigma at mahina ang ating mga armas. Matatalo tayo!

Katipunero 2: Subalit kung aatras tayo, paano naman ang balak nating
pangunguha ng mga armas?

Emilio Jacinto: Mahahabang itak, sibat na kawayan, pana, ilang paltik at


lumang mga rebolber lamang ang ating mga dala. Dumating pa ang mga
saklolo ng mga Espanyol.

Andres Bonifacio: Mga kasama, wala tayong magagawa kung hindi ang
umurong! Mahigit isandaan na ang nalalagas sa atin! Atras!

Narrator: Naging mas malupit ang mga Espanyol sa mga Pilipino. Noong
Setyembre 12, 1896, ang labintatlong pangunahing mamamayan ng Cavite ay
hinuli at pinatay sa Luneta. Sila ang Labintatlong Martir.

Pilipino 1: Nakakadurog ng puso! Nilagdaan ng mga masasamang Espanyol


ang kasulatan ng pagbitay kay Jose Rizal! Nagtatangis ang ating mga kapwa
Pilipino. Binaril nila si Jose Rizal sa Bagumbayan! Hindi! Hindi maaari!!!

Emilio Aguinaldo: Nagkaroon ng botohan sa kumbensyon sa Tejeros at ako ang


nahalal na pangulo. Subalit hindi pumapayag si Andres Bonifacio. Hindi naman
ako makapapayag na mahati ang mga maghihimagsik at muling magkagulo.
Iisa lang ang naiisip kong gawin… ito ay ang ipadakip siya at paslangin.

Narrator: Nagkaroon na nga ng labanan sa pagitan nina Bonifacio at


Aguinaldo. Sugatan ang magkapatid na Procopio at Bonifacio. Sila ay
hinatulang barilin.

You might also like