You are on page 1of 1

Ang Mga Propagandista

Narrator: Lalong lumala ang kalagayan ng mga Pilipino pagkaraan ng pag-


aalsa sa Cavite noong 1872 dahil sa patuloy na pang-aabuso ng mga Espanyol.
Ang mga Pilipinong marurunong at nakakaangat sa buhay ay nagtungo sa
ibang lugar upang mag-aral.

Jose Rizal: Tayo nang magkaisa at magtatag ng mapayapang kampanya na


humihingi ng reporma at pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol.
Tatawagin natin itong “Kilusang Propaganda”

Graciano Lopez-Jaena: Tama! Hangarin natin ang pagkakapantay-pantay ng


mga Pilipino at Espanyol. Pati na ang panunumbalik ng ating kalayaan sa
pamamahayag.

Narrator: Noong 1882, itinatag ang Circulo Hispano-Filipino o Kapisanang
Espanyol-Pilipino) naglathala sila ng isang pahayagan, ang Revista del Circulo
Hispano-Filipino)upang ipaabot sa mga makapangyarihang mga Espanyol ang
kanilang mithiin.

Marcelo H. del Pilar: Dito sa Barcelona ay ating itatag ang La Solidaridad.


Iparating natin sa mga kinauukulan dito ang mga katiwaliang nagaganap sa
Pilipinas.
Antonio Luna: Ipaglaban natin ang katarungan at kaunlaran, humingi tayo ng
pagbabago at ipalaganap ang diwa ng demokrasya.

Narrator: Nanguna sa pagpapalaganap ng mga mithiing Pilipino sa Espanya


sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce,
Antonio Luna, Juan Luna, Dr. Pedro Paterno, at iba pa. Sa kasamaang palad,
natigil ang paglathala ng La Solidaridad dahil sa kakulangan ng panustos dito.

Jose Rizal: Aking isinulat ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
noong 1887 at 1891 upang maipabatid ang kasamaan ng mga Espanyol. Nais
ko ring punahin ang paniniwala ng mga Pilipino sa pamahiin at kakulangan nial
sa pagsisikap. Dito sa Tondo ay nagtatag ako ng samahan ng mga Pilipino. Ang
La Liga Filipina

Mamamayan 1: Mas mabuti sigurong labanan natin ang mga Espanyol sa


pamamagitan ng isang himagsikan!
Jose Rizal: Hindi karahasan ang sagot!

Kawal 1: Jose Rizal! Dinadakip ka namin dahil sa iyong kataksilan! Ikaw ay


ikukulong sa Fort Santiago at ipapatapon sa Dapitan, Mindanao!

Andres Bonifacio: Bigo ang mga propagandista sa kanilang layunin. Hindi nila
nakamit ang pagbabago na kanilang hinihingi sa mga Espanyol. Iisa lamang
ang nakikita kong paraan… HIMAGSIKAN!

You might also like