You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

TARLAC STATE UNIVERSITY


COLLEGE OF EDUCATION
Lucinda Campus, Tarlac City

Ang
Munisipalidad
Ng
Bamban
(PAGPAPAKITANG-TURO)

Inihanda ni:

Ms. Ajenth Jacel R. Aro


Mr. Jhon Karlo T. Dacanay
BEED 2-1 Eve

Iniwasto ni:

Mr. CRISTIAN G. LINGAD


Course Instructor

March 2024
Ikalawang Semestre
I. Layunin:
a. Natutukoy ang mga makasaysayang pook at pangyayaring nagbigay ng
kontribusyon sa mayamang kultura at buhay ng mga mamamayan sa bayang
Bamban
b. Napahahalagahan ang mayamang kultura at tradisyon ng mga
mamamayan sa munisipalidad ng Bamban sa pamamagitan ng pagkilala sa
kasaysayan at pinagmulan ng bayan
c. Nakabubuo ng isang palaisipan na may reyalistikong imahe na
nagpapakita ng pagpapahalaga at pagtangkilik sa napaka yamang bayan ng
Bamban

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Ang Munisipalidad ng Bamban
b. Kagamitan: TV, Palaisipan na Larawan, Jumping Explosion Box, atbp.
c. Sanggunian: Municipality of Bamban, Province of Tarlac Attractions
https://www.bambantarlac.gov.ph/attractions/
d. MELCs: AP3KLR- IId-3 – Naiuugnay sa kasalukuyang pamumuhay ng
mga tao ang kwento ng mga makasaysayang pook o pangyayaring
nagpapakilala sa sariling lalawigan at ibang panglalawigan ng
kinabibilangang rehiyon
e. Pagpapahalaga: “Nabibigyang diwa ang kahalagahan ng mayamang
kultura at tradisyon ng isa sa munisipalidad ng Tarlac ang Bamban sa
pamamagitan ng pag tuklas sa mga makasaysayang lugar at pangyayari
tungo sa ikauunlad ng bansa.”

III. Pamamaraan: Paglinang ng Gawain – Pangkatang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paunang Gawain

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng lumiban at
hindi lumiban
d. Pagkuha ng takdang aralin
B. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa ating susunod na


paksa, magkakaroon muna tayo ng isang
gawain patungkol sa ating nakaraang
talakayan.

Sa nakaraan nating pag-aaral ay natalakay


natin ang bayan ng Anao.

Ngayon, nais kong tukuyin ninyo ang iba’t ka


larawan na may kinalaman sa bayan ng
Anao.

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang


angkop na sagot sa bawat larawan na may
Anao Ylang-ylang Center
kinalaman sa bayan ng Anao.
Pista ng Ylang-ylang
(Ang guro ay magtatawag ng mga
boluntaryong mag-aaral na magdidikit ng Langis ng Ylang-ylang
tamang sagot sa bawat larawan).
Pabango ng Ylang-ylang

Puno ng Ylang-ylang

Bulaklak ng Ylang-ylang

Ang bayan ng Anao ay kilala sa mabangong


bulaklak ng Ylang-ylang kaya ito ay tinawag
na Ylang-ylang Capital of Tarlac.

Ako ay nagagalak sapagkat pamilyar at


kilala na ninyo ang bayan ng Anao dahil jan
bigyan ang sarili ng tatlong palakpak at
mahigpit na yakap.
C. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating bagong aralin,


ako ay magtatawag ng limang (5)
boluntaryong mag-aaral na nais
maghanap ng mga nakatagong salita sa
tulay na nasa ating harapan.

Bigyan ng limang (5) palakpak ang inyong


mga kamag-aral.

Ngayon basahin natin ng sabay sabay ang


Farm, Resort, Hotel, Holy Place,
mga nahanap ng inyong mga kamag-aral
na salita mula sa tulay. Church, Spring, River, Falls, Mountain,
Volcano, Bridge, Cave, Museum,
Product, Food
Magaling!

Ang mga salitang ito ay may kaugnayan sa


munisipalidad ng Bamban.

Ang bayan ng Bamban ay isa sa labing-


pitong(17) munisipalidad sa lalawigan ng
Tarlac.

Unang nanirahan sa Bamban ang mga


Aeta o negrito.

Alam nyo ba na ang bayan ng Bamban


noon ay tinatawag na Cambambanan o
Mabamban.

Ano nga ulit ang tawag sa bayan ng


Bamban noon?
Cambambanan o Mabamban po!

Tama!
D. Talasaysayan

Grotto – Ang groto o gruta ay anumang uri ng Bukal – Ang bukal ay isang daloy ng
likas o artipisyal na mga yungib na kaugnay ng
moderno, makasaysayan at prehistorikong tubig na umaagos mula sa ilalim ng lupa
gawain ng mga tao. o pinagmumulan ng bato at bumubulusok
Lalawigan – Ang lalawigan o probinsiya sa ibabaw.
ay isang sakop na kalimitan ay
kumakatawan sa mga sinasakupan ng Muwebles – Ang mga muwebles ay mga
isang bansa. kasangkapan o kagamitan sa bahay na
katulad ng mesa, sopa, at kabinet.

E. Pagtatalakay

Ngayong kayo ay mayroon nang ideya sa


munisipalidad ng Bamban, nais nyo bang
samahan ako sa pagtuklas ng kayamanan
sa bayan ng Bamban?

Kung tayo ay nagmula sa lalawigan ng


Pampanga isa sa paraan upang tayo ay
nakapunta sa lalawigan ng Tarlac ay ang
pagdaan sa isang tulay.

Ang tawag sa tulay na ito ay?


Bamban Bridge po!

Magaling! Bamban Bridge.

Isa ito sa palatandaan na nasa probinsiya


na tayo ng Tarlac.

Basahin ang kasaysayan ng Bamban Ginawa ang tulay taong 1996 at natapos
Bridge. ito taong 1998. Malaking tulong ang tulay
sa mga motorista noong 90’s dahil sa Mt.
Pinatubo eruption noong 1991 kung saan
pahirapan ang makadaan sa Bamban
river.
1991 noong pumutok ang Mt. Pinatubo
naapektuhan ang mga lalawigan ng
Zambales, Pampanga at Tarlac.
Maraming kabahayan at estruktura ang
nabaon sa lahar dahil sa pagdaloy nito at
pagapaw ng Sacobia at Marimla Rivers
patungo sa Bamban River at mahigpit 800
tao ang nasawi. Ang nasa larawan ay mga
bata na nasa bubong ng isang paaralan sa
Bamban, Tarlac.

Ngayon tayo ay nakatawid na sa Bamban


Bridge handa na ba kayong makita ang isa Opo guro!
sa kayamanan ng Bamban?

Isa sa mga kayamanan ng bayan ay ang


Grotto. Ang Grotto of our Lady of Lourdes of
Bamban ay matatagpuan sa Brgy.
Lourdes, Anupul, Bamba, Tarlac. Ito ay
ipinatayo sa panahon ni gobernador
Basahin ang kasaysayan ng Grotto. Arsenio Lugay taong 1950.

Makikita din sa Bamban ang Holy Land of


Tarlac.

Ang Holy Land of Tarlac ay nasa taas ng


Sino nais magbasa?
bundok sa San Vicente, Bamban Tarlac.
Makikita dito ang crucifixion ni Jesus
Christ na may taas na 40 feet. Sa baba ng
malaking krus makikita ang “The Skull”.
Galing ito sa bundok ng Galghota kung
saan napako sa krus si Hesu Kristo.

Ilan naman sa mga kilalang simbahan sa


Bamban ay ang Sto Nino Parish Church.

Ang St. Michael the Archangel Parish


Church sa Anupul, Bamban, Tarlac

At ang kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa lokal


ng Bamban.
Ang susunod na kayamanan ng Bamban
ay ang Japanese Cave.

Basahin ang kasaysayan.


Ang Japanese Cave o Onishi Tunnel ay
ginawang headquarters ng mga Japanese
Imperial Army noong WWII ito ay
matatagpuan sa kambal na bundok sa
Bamban, Tarlac.

Maaari ring pasyalan ang Bamban WWII


Museum sa 22 Rizal Ave, Clark Freeport,
Bamban, Tarlac.

Alamin natin kung ano ang makikita sa Ang Bamban WWII Museum ay
pagmamay-ari ni Mr. Rhonie dela Cruz –
Bamban WWII Museum, sino nais
Museum curator and Historian. Makikita
magbasa? dito ang iba’t ibang kagamitan at larawan
noong WWII.

Ang susunod na kayamanan ng bayan ng


Bamban na ating tatalakayin ay ang
Calbutan Spring Pool at ang Sikwako
Falls.
Unahin natin ang Calbutan Spring Pool. Ang Calbutan Spring Pool ay makikita sa
Basahin ang paglalarawan nito. San Vicente, Bamban, Tarlac. Malamig
ang tubig dahil galing sa sibul at presko
ang lugar dahil napapalibutan ng mga
puno, lalo na ng mga kawayan.

Susunod naman ang Sikwako Falls. Ang Sikwako Falls ay matatagpuan sa


Basahin ang paglalarawan. Barangay Sto. Nino Bamban, Tarlac.
Malamig ang tubig na umaagos sa falls
tahimik din ang lugar ngunit mahirap
puntahan dahil sa mabato nitong daan.

Buksan na natin ang pang-apat na


kayamanan ng Bamban, ito ay ang Bella
Montana Farm at ang Tanawan.

Ating tuklasin ang ganda ng Bella Montana Ang Bella Montana Farm ay matatagpuan
sa San Vicente, Bamban Tarlac.
Farm. Basahin natin ng sabay-sabay ang
Matatanaw dito ang ganda ng Mt. Arayat.
paglalarawan. Ito ay parang little Batanes at may sea of
clouds gaya ng Baguio.
Ngayon pasyalan naman natin ang Mapapa-wow talaga sa napaka gandang
Tanawan Mountain, Basahin. tanawin sa Tanawan Mountain na
matatagpuan sa Sitio Mano, San Roque,
Bamban. Kitang-kita ang Mt. Arayat, New
Clark City, Capas National Shrine,
Bamban View at ang Pampanga.

Buksan na natin ang susunod na


kayamanan na ating tutuklasin sa bayan
ng Bamban.

Ito ay ang Goshen Resort and Hotel.


Ang Goshen Resort and Hotel ay dinarayo
Basahin ang paglalarawan. dahil sa mala Roman inspired nilang
atraksyon dito. Ito ay nasa Sitio Gumain,
Bamban, Tarlac.

Alamin naman natin ang pinagmamalaking


pista sa bayan ng Bamban, ito ay ang
Bamban Festival. Tampok dito ang mga
pinagmamalaking produkto, tradisyon at
kultura sa bayan ng Bamban Tarlac.
Bamban Bamboo Furniture

Bamban Bamboo Bahay Kubo

Bamban Farmer Hat

Bamban Carabao Parade

Alam kong napagod na kayo sa pagsama


sakin sa pagtuklas ng mga kayamanan sa
bayan na ito at tiyak kong kayo ay gutom
na, ngayon ay buksan na natin ang huling
kayamanan ng Bamban. Ito ay ang iba’t
ibang pagkain na kilala sa bayan na ito.

Isa-isahin natin ang mga ito mga bata.

Basahin ninyo ang tawag sa mga pagkaing


ito mga bata.

Kapit Rolls

Goto
Overload

Basig/
Bamban
Sisig

Ilan lamang ang mga yan sa kilalang lutuin


sa Bayan ng Bamban.

Nasiyahan ba kayo sa ating ginawang


pagtuklas ng mga kayamanan sa bayan ng
Bamban mga bata?

Ngayon nais kong luminya kayo nang


inyong masilayan ng malapitan ang mga
kayamanan ng bayan ng Bamban.
F. Pangwakas na gawain

a. Paglalahat
Panuto: Ayusin ang palaisipan na may reyalistikong imahe na
nagpapakita ng pagpapahalaga at pagtangkilik sa napaka yamang bayan
ng Bamban. (Apat na pangkat: 5 minuto)

b. Pagpapahalaga

“Nabibigyang diwa ang kahalagahan ng mayamang kultura at tradisyon ng isa sa


munisipalidad ng Tarlac ang Bamban sa pamamagitan ng pag tuklas sa mga
makasaysayang lugar at pangyayari tungo sa ikauunlad ng bansa.”
Paano makatutulong ang iyong kaalaman sa
Ang aking kaalaman sa kultura at tradisyon
kultura at tradisyon ng isang bayan sa pang
ng isang bayan ay maaaring makatulong sa
araw-araw na pamumuhay?
pang-araw-araw na pamumuhay sa
pamamagitan ng pagbibigay ng malalim na
pag-unawa at paggalang sa mga kaugalian
at pagpapahalaga ng mga tao sa isang
bayan.
Magaling!

Makatutulong po ang aking kaalaman sa


kultura at tradisyon ng isang bayan sa
pamamagitan ng magprepreserba sa mga
makasaysayang lugar at nang maipasa pa sa
susunod na henerasyon ang mga
makasaysayang pangyayaring sa mga lugar
na ito na nagbigay ng malaking ambag sa
buhay ng bawat isa sa atin.
Mahusay!

Dahil jan bigyan ninyo ang inyong sarili ng


tatlong palakpak at mahigpit na yakap.
IV. Pagtataya

Panuto: Paliin sa kahon ang wastong sagot bawat bilang. (1punto)


Grotto of our Lady of Lourdes Bagis/Bamban Sisig
Onishi Tunnel Bamban WWII Museum
Kapit Rolls Bella Montana Farm
Calbutan Spring Pool Holy Land of Tarlac
Goshen Resort and Hotel Sto Nino Parish Church

______________1. ______________6.

______________2. ______________7.

______________3. ______________8.

______________4. ______________9.

______________5. _____________10.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Sa isang short bond paper gumuhit ng isang payak na tanawin, produkto o
tradisyon na may koneksyon sa bayan ng Bamban.

Sanggunian: Municipality of Bamban, Province of Tarlac Attractions


https://www.bambantarlac.gov.ph/attractions/

You might also like