You are on page 1of 63

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta-------------------------- 1


Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta-------------------------- 2
Kabanata 3: Ang mga Alamat--------------------------------- 3
Kabanata 4: Kabesang Tales--------------------------------- 4
Repleksiyon/Reaction--------------------------- 5
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero--------------- 6
Repleksiyon/Reaction--------------------------- 7
Kabanata 6: Si Basilio------------------------------------- 8
Talasalitaan at Repleksiyon/Reaction----------- 9
Kabanata 7: Si Simoun-------------------------------------- 10
Repleksiyon/Reaction--------------------------- 11
Kabanata 8: Maligayang Pasko------------------------------- 12
Kabanata 9: Ang mga Pilato--------------------------------- 13
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan----------------------- 14
Repleksiyon/Reaction-------------------------- 15
Kabanata 11: Los Baños------------------------------------- 16
Kabanata 12: Placido Penitente----------------------------- 18
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika--------------------------- 19
Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral--------------------- 20
Kabanata 15: Si Senyor Pasta------------------------------- 21
Kabanata 16: Ang Kasawian ng Isang Intsik------------------ 22
Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo--------------------------- 23
Kabanata 18: Ang mga Kadayaan------------------------------ 24
Kabanata 19: Ang Mitsa------------------------------------- 25
Repleksiyon/Reaction-------------------------- 26
Kabanata 20: Si Don Custodio-------------------------------
Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga-Maynila----------------------
Kabanata 22: Ang Palabas-----------------------------------
Kabanata 23: Isang Bangkay---------------------------------
Kabanata 24: Mga Pangarap----------------------------------
Kabanata 25: Tawanan at Iyakan-----------------------------
Kabanata 26: Mga Paskil------------------------------------
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Estudyante------------------
Kabanata 28: Pagkatakot------------------------------------
Kabanata 29: Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago-------
Kabanata 30: Si Huli---------------------------------------
Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani--------------------------
Kabanata 32: Ang Bunga ng mga Paskil-----------------------
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid----------------------------
Kabanata 34: Ang Kasal ni Paulita--------------------------
Kabanata 35: Ang Piging------------------------------------
Kabanata 36: Mga Kapighatian ni Ben Zayb-------------------
Kabanata 37: Ang Hiwagaan----------------------------------
Kabanata 38: Kasawiang-palad-------------------------------
Kabanata 39: Katapusang Kabanata---------------------------

“Sa Ibabaw ng Kubyerta”

Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng


Disyembre at patungong Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga
makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan
Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun.
Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang
maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil
naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral.
Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan
nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-
alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na
kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila.
Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa
magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya
Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang
balut na pinandidirihan niya.

TALASALITAAN
Bapor tabo – barko na hugis tabo
Patungo – papunta
Paksa – pinag-uusapan
Nagmungkahi – nagsalaysay
Himagsikan – rebelyon, pakikidigma

REPLEKSIYON/REACTION
Ang aking repleksiyon sa kabanatang ito “Sa Ibabaw ng Kubyerta”,
Bahaging ito matatagpuan ang mga mayaman at makapangyarihang pasahero ng
bapor. Mas komportable at maaliwalas kaysa sa ibabang bahagi ng kubyerta.
Dahil sa makitid ang ilog pasig, nahirapan ang bapor tabo na umabante lalo
na ng sumadsad ito sa maputik nabahagi. Ang pagsadsad na iyon ang naging
usapan ng mga tao sa ibabaw ng kubyerta. Bawat isa ay merong sariling kuru
kuro sa kung paano mapapalalim ang ilog pasig. Ngunit sa lahat ng mga
mungkahi, ang kay Simoun ang siyang may kabuluhan kaya lamang hindi
tinatanggap ng mga prayle.Naging makatotohana din ang pagtutulad ni Dr.
Rizal sa pamahalaan sa bapor tabo. Ang pamahalaan na binubuo ng lipunan ay
nahahati sa dalawa: mayaman at mahirap. Isang masakit na katotohanan ngunit
ang mga tao ay sadyang inuuri ayon sa estado sa buhay. Kaya naman sa bapor
tabo, ang mga mayayaman nasa itaas at ang mga mahihirap ay nasa ilalim

1

“Sa Ilalim ng Kubyerta”  

Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon


dahil may mga pasahero at naroon din ang mga bagahe at kargamenrto.
Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang
makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila
ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi
naging matagumpay.
Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez,
pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña.
Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni
Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw
sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang
bibili ng alahas.
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang
dalawa. Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra,
kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang
iniinom at di alak.

TALASALITAAN
Kubyerta – palapag o sahig ng barko
Tampipi – isang lalagyang gawa sa dahon ng niyog
Bakol – lalagyan o basket
Paksa – pinag-uusapan
Salapi – pera
Serbesa – alak

REPLEKSIYON/REACTION
Ang aking repleksiyon sa kabanatang ito “Sa Ilalim ng Kubyerta”,Ay
nagdudulot ng aral.Ng bumaba si Isagani sa ilalim ng kubyerta kung saan
naroroon ang mga mahihirap na kawawang nag sisiksikan sa ilalim ng
kubyerta ay nadatnan niyang pinaguusapan ng mga ito ang tungkol sa
akademya.Natuwa ako sa kaisipan ng mga mag kakaibigan na mag karoon ng
magtuturo sa kanila upang sila ay matuto at nakakatuwa rin isipin na may
kusangloob na mag bibigay ng salapi na magagamit sa mga gastusin sa pag
tuturo at ito ay si kapitan Basilio.Maganda rin ang pangaral ni Parde
Camorra kila Isagani at Basilio na huwag uminom ng serbesa.Tama naman na
tinanggihan ni Basilio at Isagani ang alok ni Simuon na paginom ng Serbesa
dahil wala itong mabuting na idudulot sa ating katawan.Mas mabuti nalang
uminom ng tubig at ito ang tunay na nagpapalakas sa ating katawan.

2

“Ang Mga Alamat”

Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang


ikuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat,
itinuturing daw na banal ng mga katutubo ang lugar at tahanan ng mga
espiritu.
Ngunit nang manirahan daw dito ang mga kriminal ay nawala ang pangamba sa
mga kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga tao.
Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima.
Nagkaroon daw ng kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa
Maynila. Sinundan daw ng babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal.
Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit sa Ilog
Pasig.
Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik
nang patayin ng isang buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng
Intsik ang santo.
Nabling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo
ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman
si Simoun.

TALASALITAAN
Prayle – pari
Pagtutol – di pagsang-ayon
Bapor – barko
Isinalaysay – ikiniwento
Tulisan – hindi sumusunod sa batas
Yungib – kweba
Arsobispo – mataas na uri ng pari
Tinugis – hinanap

REPLEKSIYON/REACTION
Ang aking Repleksiyon sa kabanatang ito “Ang mga Alamat”,Ako ay
nanghihinayang kay Simuon dahil sa kanilang paglalakbay ay hindi niya
nasilayan ang mga makasaysayang tanawin na ngayoy naging alamat dahil sa
kanilang pinagmulan. Sinasabi sa isang alamat na sa kahihintay ni Donya
Geronima sa kanyang kasintahan ay tumandang dalaga ito. Ang alamat na ito
ay nagpapakita ng katapatan ng mga Pilipina sa sinumpaang
pagmamahal.Makikita rin sa kabanatang ito ang alamat ng Malapad-na-Bato na
kung saan ay pinaniniwalaan na tinitirahan ng mga masasamang espiritu.
Kagaya ng mga paniniwala ng mga Pilipino noong unang panahon sa bansang
Pilipinas. Ngunit ng dumating ang mga espanyol sa ating bansa naniwala
sila na walang masasamang espiritu.Ipinakikita ng kabanatang ito na ang
lahat ng nangyayari sa lipunan ay may pinagmulan. Kagaya ng isang alamat
na kung saan ay may pinag-uugatan ang pag-usbong o pagsulpot ng isang
bagay o pangyayari. Matuto lamang tayong manaliksik at magmasid upang
matukoy ang mga pinagmulan ng bawat bagay. Sa pamamagitan nito matututo
tayong lumutas ng mga problema
para na rin sa ikaaayos ng ating sarili at ng ating lipunan.
3

“Kabisang Tales”

Si Tandang Selo na umampon noon sa gubat kay Basilio ay matanda na.


Ang anak nitong si Kabesang Tales ay isa nang Kabesa de Baranggay. May
tatlo itong anak, sina Lucia, Tano, at Juli. Namatay si Lucia at ang
kanyang asawa dahil sa malaria. Sina Tano at Juli na lamang ang buhay.
Yumaman na sila dahil sa tiyaga. Nakisama si Kabesang Tales sa namumuhunan
sa bukid at nang makaipon ng kaunti ay nagbungkal ng lupa sa gubat. Nang
maipagtanong na walang may-ari sa naturang lupa ay ginawa niya itong
tubuhan. Inisip din niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Juli upang
mapantay kay Basilio na kasintahan nito. Nang umunlad ang bukid ay
inangkin ito ng mga prayle at pinagbayad ng buwis si Kabesang Tales.
Tinaasan ng tinaasan ng mga pari ang buwis at nang ‘di na kinaya ng Kabesa
ay nakipag-asunto ito sa mga prayle. Dinala ni Kabesang Tales sa korte
upang maayos ang problema. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa ilalim ng
impluwensya ng mga prayle ang gobyerno. Nang tuluyan nang hindi makabayad
ng buwis si Kabesang Tales ay ipinaglaban pa rin niya ang lupa sa
pamamagitan ng pagbabantay dito. Sa kanyang pagbabantay ay nagdala siya ng
baril na kinumpiska ng prayle. Sumunod ay itak naman ang kanyang dinala
ngunit ipinagbawal itong muli ng mga pari. Sa huli ay palakol na lamang
ang dinala ng Kabesa sa pagbabantay. Sa kanyang pagbabantay ay nagdala
siya ng baril na kinumpiska ng prayle. Sumunod ay itak naman ang kanyang
dinala ngunit ipinagbawal itong muli ng mga pari. Sa huli ay palakol na
lamang ang dinala ng Kabesa sa pagbabantay. Kalaunan ay dinakip ng mga
tulisan si Kabesang Tales dahil may perang nakita sa kanya at
nakakapagbayad ng abogado para sa kaso niya. Ipinatubos naman siya sa
halagang 500. Upang may maipantubos sa ama ay ibinenta ni Juli ang kanyang
mga alahas liban sa bigay ng kanyang nobyo na isang laket na pagmamay-ari
ni Maria Clara. Nang ‘di sumapat ang perang pantubos ay namasukan siyang
katulong sa tahanan ni Hermana Penchang. Disperas noon ng Pasko kaya
kinabukasan ay maninilbihan na siya bilang isang alila. Dahil sa
pangyayaring ito ay hindi na nakapag-aral si Juli. Masalimuot naman ang
naging panaginip ng dalaga ng gabing iyon.

TALASALITAAN
Kabesa– barangay
Tumutol – di-pagsang-ayon
Nangangasiwa – nangangalaga, nagpapatakbo
Tulisan – hindi sumusonod sa batas
Gulok – itak
Agnos – kwintas

4
REPLEKSIYON/REACTION
Ang aking Repleksiyon sa kabanatang ito “Kabesang Tales”, Sa kabanatang
ito inilalarawan noong unang panahon ang kalupitan ng mga prayle sa ating
mga Pilipino. Hindi basta-bastang nakakaangkin ng lupain ang mga
tao.Kailangang mag bayad ng buwis ng sobra sobra dahil kung hindi ka mag
babayad ay kukunin nila ang lupang pinag hirapan mo.Kagaya ng pamilya ni
kabesang Tales na pinag babayad ng malaking buwis sa lupang kanilang pinag
hirapan. Ngunit sa kabila ng kanyang pagtatanggol ay walang naka isip na
tulungan siya sa halip ay marami ang binalaan siya at binantaang papatayin
at kukunin ang kanyang lupain kung hindi niya mababayaran ang buwis na
habang tumatagal ay lalong lumalaki, ngunit hindi rin naman madaling
makagugol ng napakalaking pera lalo na't mas humihina at bumababa ang bili
ng kanilang ani kaya't hindi madaling mabayaran niya ang buwis na napaka
kunti ng panahon lang ang binibigay sa kanya.Hindi nila iniisip na hindi
rin madali ang kinakaharap na sitwasyon ng pamilya lalo na't ito lang ang
kanilang pangunahing pinag kukunan ng kanilang kinabubuhay.

5

“Ang Noche Buena ng Isang Kutsero”

Gabi na noon at kasabay ng pag-uwi ni Basilio sa bayan ng San Diego


ay ang nagaganap na prusisyong pang-noche Buena. Nalimutan ng kutserong si
Sinong ang kanyang sedula kaya’t ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga
guwardiya sibil.
Pagkatapos ay napag-usapan nila ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-
matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod nito’y idinaan ang mga imahen ng
tatlong Haring Mago. Dahil dito’y naalala ni Sinong si Haring Melchor na
kayumanggi ang balat.
Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni
Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Pinaniniwalaan kasi
na hari ng mga Pilipino si Bernardo Carpio na makakapagpalaya diumano sa
bayan.
Pagkaraan ay nadaan rin nila ang ilang mga imahen, ang huli sa mga ito ay
ang imahen ng birheng Maria na tila malungkot.
Nahuli muli si Sinong dahil hindi niya namalayang namatay na ang ilaw ng
kanyang kalesa. Sa pagkakataong ito ay dinala na sa presinto ang kutsero
kaya bumaba na lamang si Basilio at naglakad.
Sa paglalakad ni Basilio ay napansin niya na wala masyadong parol ang mga
bahay at tahimik ang karamihan maliban sa bahay ni Kapitan Basilio na puno
ng kaligayahan. Nakita niya dito ang alperes, ang kura, at si Simoun.
Nakarating din si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan siya’y
binati ng mga katiwala. Ikinuwento ng mga ito kay Basilio ang tungkol sa
mga pangyayari sa bukid kung saan maraming namatay na hayop at katiwala at
sa balitang nadakip si Kabesang Tales, ang ama ng kanyang nobyang si Juli.

TALASALITAAN
Kasagsagan – kasalukuyan
Prusisyon – parada
Kutsero – drayber ng kalesa
Kwartel – tirahan ng sundalo
Sedula – tax o kasulatan ng buwis
Karitela – sasakyan na hinihila ng kabayo
Kura – pari
Alperes – batang opisyal ng militar
Pagkabihag – pagkadakip

6
REPLEKSIYON/REACTION
Ang aking Repleksiyon sa kabanatang ito “Ang Noche Buena ng Isang
Kutsero”,Ang kabanatang ito ang nagpapatunay na sadyang marami ang
pagpapahirap na dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng mga kastila. Ni
ang panahon ng kanilang pagpaparusa ay walang pinipili. Kung tutuusin, ang
noche buena ay palatandaan ng araw ng kapaskuhan at tuwing pasko, ang mga
tao ay masaya, mahinahon, mapagmahal, at puno ng pakikipagkapwa - tao.
Nakakalungkot isipin na hindi man lang nila naisip na ang kutsero na
kanilang pinarusahan ay may pamilyang umaasa na makakauwi siya ng ligtas
at masaya. Kahit man lang sana ang pagbibigay ng konsiderasyon ang tanging
regalo para sa kapaskuhan. Ngunit ang lahat ay nanatili lang na munting
hiling. Tila baga hindi alam ng mga gwardya sibil na ang pasko ay mahalaga
para sa mga Pilipino.

7

“Si Basilio”

Nang sumapit ang madaling-araw ay umalis ng tahimik si Basilio sa


bahay ni Kapitan Tiyago saka nagtungo sa gubat ng mga Ibarra. Anibersaryo
kasi ng pagpanaw ng kanyang ina sa mismong gubat na iyon. Ipinagdasal niya
ang kaluluwa ng kanyang ina at inalala ang mga pangyayari labing-tatlong
taon na ang nakararaan.
Naalala niya na may isang lalaki na sugatan. Inutusan siyang maghakot ng
kahoy na ipansusunog sa kanyang ina at sa lalaki. May isa ring lalaki na
tumulong sa kanya sa paglilibing sa lalaking sugatan pati na rin sa
kanyang ina.
Pagkaraan ng mga pangyayaring iyon ay umalis na si Basilio sa gubat at
lumuwas sa Maynila.
Sa sobrang hiraap at gutom ay ninais na niyang magpasagasa sa mga
karwaheng dumadaan. Sakto namang dumaan ang karwahe ni Kapitan Tiyago na
lulan din si Tiya Isabel. Kapapasok pa lamang ni Maria Clara noon sa
kumbento at pauwi na sana nang madaanan nila si Basilio.
Isinama si Basilio ni Kapitan Tiyago at naging katulong siya sa bahay
nito. Wala siyang sweldo ngunit ang kapalit ng kanyang paninilbihan ay
pinag-aral naman ng Kapitan si Basilio sa Letran.
Sa unang taon ng kanyang pag-aaral ay wala siyang nabibigkas kundi ang
pangalan niya at ang salitang “adsum” o narito po. Minamaliit din siya
doon dahil sa kanyang luma at gulanit na kasuotan. Gayunpaman ay lagi
siyang nagsasaulo ng leksiyon.
Nagkaroon ng isang gurong Dominiko si Basilio. Minsan ay tinawag niya ang
binata upang lituhin ito sa pagtatanong ng leksyon. Subalit sinagot siya
ni Basilio nang tuloy-tuloy at walang kagatul-gatol. Dahil dito’y tinawag
siyang loro ng propesor sa gitna ng katuwaan ng klase.
Nang minsang bigyan muli ng guro si Basilio ng katanungan ay nasagot niya
muli ang mga ito. Sa pagkakataong ito ay wala ang inaasahang katatawanan.
Dahil dito’y napahiya ang Dominiko at sumama ang loob kay Basilio.
Nagkaroon pa sila ng alitan at hamunan sa labanang gagamitan ng sable at
baston.
Natutuwa namang iniharap siya ng mga mag-aaral sa kanilang propesor. Mula
noon ay nakilala na at nakatuwaan si Basilio. Siya ay nagkaroon ng markang
sobresaliente.
Dahil masikap sa pag-aaral si Basilio ay hinikayat siya ni Kapitan Tiyago
na lumpat sa Ateneo Municipal. Namumuhi kasi si Kapitan Tiyago sa mga
prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Doon ay pinili ni Basilio ang
pag-aaral ng medisina dahil ito rin naman ang kanyang hilig.
Sa kanyang ikatlong taon ay marunong nang manggamot ang binata kaya ng
makaipon ay nakapagbihis na siya nang maganda at nakapag-ipon din nang
kaunti.
Nasa huling taon na ng pag-aaral ng medisina si Basilio at kapag nakatapos
ng pag-aaral ay pakakasal na sila ni Juli.
8
TALASALITAAN
Palihim – patago
Bunton – tambak
Yumao – pumanaw
Lumisan – namatay
Gula-gulanit – sira-sira
Alila – alipin
Kumbento – simbahan
Kinamuhian – kinasuklaman
Nagpakadalubhasa – eksperto, nagpakahusay

REPLEKSIYON/REACTION
Ang aking Repleksiyon sa kabanatang ito “Si Basilio”,Siya ay isang
ulirang anak.Hindi siya nakakalimot na dalawin ang puntod ng namayapang
ina.Pagpapatunay lamang nito na hindi niya nalilimutan at pinapabayaan
kahit ito ay libingan lamang.Nag papahiwatig ito na mahal na mahal niya
ang kanyang ina.Kahanga hanga si Basilio dahil sa lahat ng kanyang pinag
daanan ay nag tagumpay siya.Ginawa niya ang lahat upang makapagtapos ng
pag aaral.Naging alipin siya ni kapitan Tiago ng walang bayad pero yun ay
tiniis niya sa kagustuhang makatapos ng pag aral hanggang siya ay maging
ganap na doctor. Ang pagpapaalala ni basilio upang makapag aral ay
nagpakita ng pagpapahalaga sa karunungan maging ang mga uri ng gawain
bastat marangal ay kailangang pasukan upang makatapos ng pag aaral at
makamit ang mga mithiin na kailangan ng pagtitiis.Pagtitiyaga, at
pagsusumigasig upang matuto tayo.

9

“Si Simoun”

Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat


at may narinig na mga yabag. Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan.
Nagtago ito at nakitang nandoon si Simoun na mag-aalahas. Inalis nito ang
kanyang salamin at nag-umpisa sa paghuhukay.Habang pinapanood ni Basilio
si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa kanya labing tatlong taon na ang
nakalipas. Siya ang tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at
kay Elias.
Nagulintang si Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang
tumulong nang makita niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun sa
paghuhukay. Nagpakikila si Basilio at sinabing tinulungan siya nito na
ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni Elias kaya’t siya naman ang
nagbigay ng tulong kay Simoun.Binalak ni Simoun na patayin si Basilio
upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang parehas lang sila ni
Basilio na nais makapaghiganti. Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang
kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila.Hiningi niyang
gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na pantay na
karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun ang mga hiling na
ito ay ang pagpawi sa kanilang pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga
naniniil.Dagdag pa niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa
di pagkakaunawaan. Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio. Aniya ang
Kastila ang siyang magbubuklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga
Pilipino sa pamahalaan.
Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio. Ani Simoun ang
wikang Kastila ay kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil
bawat bayan ay may sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian
nito.Sa huli ay hinikayat ni Simoun si Basilio na makisali sa kanyang
planong paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Kastila. Ngunit hindi
pinaunlakan ni Basilio ang panghihikayat ni Simoun dahil naniniwala ito na
walang katapusan ang karunungan. Ang galing ng tao ang siyang magiging
paraan upang maging malaya ang lahat ng tao.

TALASALITAAN
Yabag – tunog ng lakad
Nagulintang – nagulat, nabigla
Pagpawi – pagalis
Naniniil – nang-aapi
Hahantong – darating
Taliwas – kabaliktaran, hindi pagsunod
Paghihimagsik – pagsuway, pagrerebelde
Pinaunlakan – pinayagan

10
REPLEKSIYON/REACTION
Ang kabanatang ito ay tungkol sa lihim ni Ibarra na nabunyag ng
mapagtanto ni Basilio na si Simoun at Ibarra ay iisa.Sa kabila ng
natuklasang ito ni Basilio, hindi nagbago ang kanyang paggalang sapagkat
meron siyang utang na loob dito may labintatlong taon na ang nakararaan.
Kasabay ng pag amin ni Simoun na siya ay si Ibarra, isinalaysay nito na
ang pakay niya sa pagbabalik ay upang pabagsakin ang pamahalaan na
kinagisnan nila. Sadya raw niyang pinalala ang pag-iimbot at pagmamalabis
ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa
paghihimagsik.Gayun pa man, masasabi ko na ang pagkakatuklas ng totoong
katauhan ni Simoun ay magdudulot ng maraming pagbabago.Batid ng lahat na
sa oras na matuklasan ng mga prayle na buhay pa si Ibarra siya ay
tutugisin ng mga ito hanggang sa siya ay magapi. Ngunit ang pagkakaroon
niya ng panibagong katauhan bilang ang mayamang si Simoun ay hindi basta
basta masusukol ng mga prayle sapagkat sinadya niya na magkaroon ng hawak
sa mga ito. Ang mgadonasyon na ibinibigay niya sa simbahan at ang lahat ng
mga pribilehiyo ng mga paring indibidwal na natatanggap mula sa kanya ay
magdudulot sa kanila ng pagdadalawang isip kung siya ba ay uusigin o
hindi.

11

“Maligayang Pasko”

Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal


na Birhen upang alamin kung may dalawandaan at limampung piso na sa ilalim
nito.Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen kaya inaliw
na lamang niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa
tahanan ni Hermana Penchang.Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay
binibihisan nang magara ang kanilang mga anak upang magsimba at pagkatapos
ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang upang mamasko.Nagpunta sa
bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag-anak upang mamasko ngunit
nang babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang
lumabas sa kaniyang bibig.Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang
leeg at sinubukang tumawa ngunit kumibut-kibot lamang ang kanyang mga
labi. Ang ingkong ni Juli ay napipi.

TALASALITAAN
Imahen – larawan
Salapi – pera
Tampipi – lalagyang gawa sa dahon ng niyog
Natitigmak – lubhang basa, babad
Kataga – salita

REPLEKSIYON/REACTION
Ang aking Repleksiyon sa kabanatang ito “Maligayang Pasko”,Ang
masasabi ko sa kabanatang ito ay huwag mawalan ng pag asa magpakatatag at
isipin lahat ng problema ay malalampasan, katulad nalang ng ginawa ni
Juli, wala ang himalang nangyari katulad ng hiling niya sa mahal na
birhen, sinabi nalamang niya sa kanyang sarili na kahit siya ay
magpakaalila ay makakamit din niya na magtagumpay parin sa buhay.Bago pa
nga siya umalis ng bahay ay nagbilin pa siya sa kanyang lolo na sabihin sa
kanyang ama na matutupad daw ang mga pangarap nitong mag aral daw at ito
ay isang magandang paaralan at magsalita rin sa wikang Cervantes na
iniidolo niya sabi pa niya mura lang ang bayarin sa paaralang gusto niyang
pasukan at di na kaylangan mag araro ng lupa ang kanyang ama.Pero sa di
inaasahan ay napipi ang kanyang lolo.

12

Ang Mga Pilato

Naging usap-usapan sa bayan ang mga nangyari kay Tandang Selo.


Karamihan sa mga tao ay walang pakialam samantalang ang iba ay walang
habas kung pagtsismisan ang matanda.Anang ilan, kung di lamang daw umalis
si Kabaesang Tales ay baka hindi hindi daw nangyayari iyon kay Tandang
Selo. Nag-usap-usap din ang mga ito kung sino ba ang may kasalanan kaya
nangyari ang kamalasan kay Tandang Selo.Ibinunton naman ni Hermana
Penchang ang sisi sa lolo ni Juli. Aniya, parusa raw ito dahil sa
kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo ni Tandang Selo kay Juli nang
maayos.Nang mabalitaang ng Hermana na tutubusin ni Basilio ang kasintahan
ay sinabi niyang ang binata ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na
ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.Samantala, nakauwi na si Kabesang
Tales dahil sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Juli at
nautang ng dalaga kay Hermana Penchang.Nalaman din niyang nagpaupang
utusan si Juli, ang kanyang lupa ay pagmamay-ari na ng iba, at napipi ang
amang si Tandang Selo.Pinapaalis na din siya sa kanyang bahay sa utos na
rin ng hukuman at binigyan lamang ng tatlong araw para maialis ang lahat
ng kanilang gamit. Ito nama’y ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari
ng kanyang lupa.Dahil sa mga kaganapang ito ay naupo lamang sa isang tabi
ang Kabesa at nanatiling walang kibo.

TALASALITAAN

Parusa – Pahirap
Pagluwas – pagtungo sa ibang lugar
Pantubos – tawag sa bayad upang lumaya
Nangamba – pagkabahala
Nasasawi – namamatay
Pagkabihag – pagkadakip
Lisanin – lumikas, lumayo

REPLEKSIYON/REACTION
Sa kabanatang ito masasalamin ang pagkadismaya ng mga naapektuhan sa
pagkukulang ng dalagang si Juli unang una ay ng pagkukulang nya sa kanyang
lolo dahil wala man lang siyang plinanong kamustahin o batiin ito at ang
pangalawa ay ang pagkukulang nya sa kaalaman patungkol sa pagdadasal ng
Aba Ginoong Maria at Santa Maria na kahit siguro sampong taong gulang na
bata ay kaya nang memoryahin ang dasal na iyon ngunit si Juli na malapit
nang ikasal ay nagkakamali pa sa pag memorya ng dasal. Sa posisyon ng
dalaga ay maaari itong magdulot ng kahihiyan sa kanya at ikakahiya sya ng
mga tao a kanila. Ngunit sa kabila ng kanyang pagkahiya at pagdulot ng
pagkadismaya ng mga nakararami ay nakuha parin syang tubusin ni Kabesang
Tales bilang pagtubos sa kasalanan ni Juli upang matuto ito ng lubos na
kabaitan at kabanalan.

13

“Kayamanan at Karalitaan”

Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan


ng bayan ng San Diego at ng Tiyani. Naghihirap na noon si Kabesang Tales
samantalang dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at
dalawang kaban ng mga alahas. Ipinagmalaki rin niya sa Kabesa ang dala
niyang rebolber. Maya-maya pa’y nagdatingan na ang mga mamimili ng alahas.
Doon ay dumating sina Kapitan Basilio, ang anak nitong si Sinang at asawa
nito, at si Hermana Penchang na mamimili ng isang singsing na brilyante
para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng
alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan. Inilabas ni Simoun ang
mga bago niyang hiyas at doon namili si Sinang. Sinabi rin ni Simoun na
namimili rin siya ng alahas. Tinanong niya si Kabesang Tales kung may
ipagbibigli itong alahas. Iminungkahi ni Sinang ang kwintas na agad
tinawaran ni Simoun ng limandaang piso nang makilala niyang kay Maria
Clara nga iyon na kanyang kasintahan na nagmongha. Ngunit ayon kay Hermana
Penchang ay hindi daw dapat iyon ipagbili ni Kabesang Tales dahil minabitu
pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isangguni raw muna ni Kabesang
Tales sa anak ang bagay na iyon na sinang-ayunan naman ni Simoun. Nang
lumabas ng bahay si Kabesang Tales ay natanawan niya ang prayle at ang
bagong may-ari ng kanyang lupa. Kinabukasan, wala na si Kabesang Tales sa
kanyang tirahan. Nawawala rin ang rebolber ni Simoun at ang naroroon
lamang ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si
Kabesang Tales sa pagkuha niya ng baril ng mag-aalahas dahil kinailangan
niyang sumapi sa mga tulisan. Pinagbilinan din niya si Simoun na mag-ingat
sa mga tulisan dahil mapahamak ang mga ito. Si Tandang Selo ay hinuli ng
mga gwardiya sibil. Natuwa naman si Simoun dahil sa wakas ay natagpuan na
niya ang taong kanyang kailangan, isang pangahas ngunit marunong tumupad
sa mga pangako. Samatala, tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing
iyon: ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito na
putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay
may papel na may nakasulat na “Tales” na isinulat ng daliring isinawsaw sa
dugo.

TALASALITAAN

Nagtungo – nagpunta
Humanga – nagalingan
Agnos – kwintas
Isangguni – komunsulta
Takipsilim – panahong pagkatapos lumubog ang araw
Rebolber – maliit na uri ng baril
Liham – sulat
Panunulisan – pamimirata, pandarambong

14
REPLEKSIYON/REACTION

Sa dalawang mukha ng lipunan, kapwa may kabutihan at kapahamakang


dulot. Sa pagiging maralita, madaling matutukso ang tao na gumawa ng
masama upang makuha ang nais niya sa buhay. Tulad na lamang ng nangyari
kay Kabesang Tales. Matapos na makita ang lahat ng mga alahas na pagmamay
- ari ni Simoun ay naisip na ang mga alahas na iyon ay makatutulong ng
malaki upang matubos niya ang nag - iisang anak na si Huli mula sa
pagiging bayarang utusan na makapagdudulot ng kapanatagan sa kanyang amang
si Tandang Selo upang ito ay gumaling mula sa pagkakapipi nito. Gayun pa
man, ang kanyang karalitaan din ang nagtutulak sa kanya para ipaglaban ang
kanyang karapatan sa kanyang lupaing pagmamay - ari. Ito ang nagbibigay sa
kanya ng lakas para pagsikapan na maitaguyod ang kanyang pamilya at
ipaglaban ang kanyang karapatan laban sa pang - aapi at pang aangkin ng
mga taong hindi naman naghirap sa pagpapayaman ng lupaing ito. Samantala,
sa pagiging mayaman madaling gumawa ang tao ng paraan para isailalim sa
kanilang kapangyarihan ang iba. Tulad na lamang ng ginawa ni Simoun kay
Kabesang Tales na naakit niyang gawing pansamantalang tirahan at bahay
kalakalan ang tahanan nito. Dala na rin ng labis na kahirapan, pinayagan
ni Kabesang Tales si Simoun na mamalagi sa kanyang tahanan sapagkat meron
itong sapat na pagkain para sa kanilang pamilya. Ang pagiging mayaman din
ni Simoun ang nakatulong sa kanya para makabalik sa bayan ng San Diego.
Dahil sa kanyang kayamanan nagkaroon siya ng kapangyarihan na unti -
unting maisakatuparan ang kanyang mga plano ukol sa paghihimagsik. Ang
kanyang mga alahas nanaging daan niya upang magkaroon siya ng koneksyon sa
mga maimpluwensya at kilalang tao sa bayan ng San Diego na tulad ng
alperes, kapitan heneral, kura, at marami pang iba

15


“Los Baños”

Nangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-Boso ngunit wala siyang nahuli


dahil natatakot ang mga hayop sa dala niyang musiko. Ikinatuwa naman ito
ng Heneral dahil ayaw niyang malaman ng mga kasama na wala siyang alam sa
pangangaso. Kaya naman sila ay umuwi na lamang sa bahay ng Kapitan
Heneral. Sa isang bahay-aliwan sa Los Baños ay naglaro ng baraha sina
Padre Irene, Padre Sybila at ang Kapitan. Naiinis naman si Padre Camora
dahil lagi siyang talo. Hindi nagtagal ay pinalitan siya ni Simoun sa
paglalaro. Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong
ipupusta ng mga prayle ang pangakong magpapakasama sa loob ng limang araw.
Sa Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Simoun na
magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin. Dahil sa
mga kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio,
Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang Mataas na Kawani ay nagtanong
kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling. Tinugon ito ni
Simoun na para daw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang
damo. Iniisip ng mga nakarinig na kaya ganun na lamang ang kaisipan ni
Simoun ay dahil sa pagkakaharang sa kanya ng mga tulisan. Ayon naman kay
Simoun, walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang rebolber at mga
bala. Kinamusta pa nga daw ng mga ito ang Kapitan Heneral at sinabing
marami raw baril ang mga tulisan. Tumugon naman ang Heneral at sinabing
ipagbabawal niya ang mga sandata. Katwiran naman ni Simoun ay marangal daw
ang mga tulisan. Sila lamang raw ang tanging marangal na kumikita ng
ikabubuhay nila. Dagdag pa ni Simoun, “Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako
nang ‘di man lang kukunin ang aking mga alahas? Ang kasamaan ay wala sa
mga tulisan sa bundok, nasa mga tulisan sa bayan at siyudad.”
“Gaya ninyo”, ani Padre Sibylang nakatawa.
“Gaya natin”, ganti ni Simoun, “Tayo nga lamang ay mga di-hayagang
tulisan.”Kalahating oras na lamang at magtatanghalian na kaya tinigil na
ng Kapitan Heneral ang laro. Maraming suliranin pa silang pinag-usapan.
Isa na dito ang pagbabawal ng Heneral sa armas de salon. Tutol man ang
Mataas na Kawani dito ngunit wala naman siyang nagawa. Nagbigay pa ng payo
si Simoun na huwag ipagbawal ang armas de salon sa halip ay magkaroon na
lamang ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. At ito ang nasunod.
Sumunod na pinag-usapan ay ang paaralan sa Tiyani. Iminungkahi ni Don
Custodio na gawing paaralan ang sabungan kahit sa loob ng isang araw sa
isang linggo na tinutulan kaagad ng Kapitan Heneral. Ang ilang mga sa pari
ay tutol sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito’y makakaepekto sa
karapatan, isang paghihimagsikan at dapat raw ay hindi nag-aaral ang mga
Indiyo. Sumang-ayon dito si Simoun at sinabi na ito’y kahina-hinala. Kaya
naman pinutol na ng Heneral ang usapin at sinabing pag-iisipan niya ang
mga bagay na iyon. Pamaya-maya pa’y dumating ang kura ng Los Baños na
nagsabing handa na ang pagkain. Ang kawani naman ay bumulong sa Kapitan
Heneral na si Juli ay tatlong araw na pabalik-balik at nagmamakaawa na
palayain ang kanyang nuno. Sinang-ayunan naman ito ni Padre Camorra kaya
pumayag rin ang Heneral.

16

TALASALITAAN
Mangaso – manghuli
Tresilyo – sugal gamit ang braha
Lingid – lihim, sikreto
Talakayan – pagtuturo ng isang leksion
Prayle – pari

REPLEKSIYON/REACTION
Ang kabanatang ito ay nagpaunawa sa akin na ang mga indibidwal ay
walang anumang kalayaan at itinuring silang parang mga alipin noon, habang
ang mga nasa matataas na posisyon ay may kapangyarihang kontrolin sila.
Ang kaugalian ng pagsunod sa lahat ng utos at kagustuhan ng isang
makapangyarihang tao ay dapat igalang. Nagpasya si Simoun na sumama sa
tresilyo sa Los Baños at handang ipusta ang lahat ng kanyang mga
brilyantes kapalit ng pangakong dapat nilang tuparin kung siya ay manalo—
iyon ay, para sa kalinisan at kalayaan ng lupain, na wala sa kanila. 

Ang tanging magagawa lang nila ay sumunod sa mga utos dahil wala
silang kapangyarihang sabihin ang kanilang mga pagtutol.

17


“Placido Penitente”

Masama ang loob ni Placido Penitente habang patungo sa Pamantasan


ng Sto. Tomas. Dalawang beses nang sinulatan ng liham ang kanyang ina
upang sabihin na nais na niyang tumigil sa pag-aaral ngunit sinabi nitong
magtiis pa ng konti dahil malapit na itong magtapos.Habang naglalakad ay
sinalubong ito ni Juanito Pelaez na noo’y naatasan upang mangolekta ng
ambag para sa pagpapatayo ng bantayog ng isang paring Dominiko.Nang
papasok na ay may tumawag sa kaniya upang lagdaan ang isang kasulatan na
tumututol sa pagpapatayo ni Makaraeg ng akademya ng wikang Kastila.Hindi
naman ito nilagdaan ni Placido dahil wala itong panahon upang basahin ang
nasabing kasulatan. Natawag na ng propesor ang pangalan nito nung siya ay
pumasok.Upang mapansin ay nilakasan niya ang tunog ng kaniyang takong.
Tiningnan siya ng kanyang propesor na may lihim na pagbabanta.

TALASALITAAN

Liham – sulat
Mangolekta – manguha
Ambag – kontribusyon
Bantayog – kilala
Lagdaan – pirmahan

REPLEKSIYON/REACTION
Para sa kabanatang ito, napansin ko na ay abusado at gahaman sa
kapangyarihan ang pamahalaan. Sa kagustuhan ni Penitente na huminto sa
pag-aaral dahil sa pagtrato sa kanya ng mga nakatataas, nawalan siya ng
dedikasyon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, ngunit para sa kapakanan
ng kanyang ina, nagpasya siyang manatili. Sa pagkikita ng paghahambing
nina Penitente at Pelaez, masasabi kong mayroon ding favoritismo sa mga
may dugong kastila, kaya hindi ito patas para sa iba na wala nito.

18

XIII
“Ang Kalse ng Pisika”

Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa


Pisika, maluluwang ang bintana nito at narerehasan ng bakal. Sa
magkabilang tabi ng silid ay may tatlong baitang na batong natatapakan ng
kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkakasunud-
sunod ng letra ng kanilang mga apelyido.Walang palamuti ang dingding ng
silid. May mga kasangkapan nga sa pisika ngunit ito ay nakasusi sa isang
aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase
mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pari.Samantala, ang batang Dominikong
pari na si Padre Millon ang guro sa klase ng Pisika. Siya’y napabantog sa
pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Katapat ng pintuan, sa
ilalim ng larawan ni Santo Tomas de Aquino ay doon nakaupo ang
propesor.Tinawag ng propesor ang antuking estudyante na may buhok na
parang iskoba. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon
na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng
guro ang estudyante at sunod na tinawag si Pelaez. Sumenyas ito kay
Placido na tila ba sinasabing, “Makinig ka’t diktahan mo ako.” Sa
katatapak sa paa ni Placido ay napasigaw ito sa sakit. Sa kanya tuloy
nabaling ang galit ng propesor. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na
siya’y murahin at sabihang “espiritu sastre”. Nasabihan din siyang
“pakialamero” at dahil dito ay pinaupo na si Juanito at siya na ang
tinanong. Nagkandautal si Placido sa pagsagot sa mga tanong ng propesor.
Tinawag pa siya nitong Placidong Tagadikta. Wala siyang nabigkas sa mga
leksyon kaya naglagay ang propesor ng guhit kay Placido. Tumutol dito si
Placido at nagpaliwanag. Inihagis ni Placido ang hawak niyang aklat,
tumindig, hinarap ang propesor at walang-galang na umalis sa klase.
Natigilan ang klase. ‘Di nila lahat akalain na magagawa iyon ni Placido.
Nagsermon at nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya,
hudyat na tapos na ang klase.

TALASALITAAN

Bulwagan – gusaling pinagtatanghalan


Rehas – kulungan
Gabinete – tauhan sa pamahalaan
Inilalaan – pagbibigay ng oras
Nilait – pagsasabi ng negatibo o paninira

REPLEKSIYON/REACTION
Ang mga pangyayaring inilalarawan sa kabanatang ito ay maaaring
nagaganap pa rin sa mga paaralan ngayon, kasama na kung minsan ay
lumalampas sa mga hangganan habang tinatrato ang mga estudyante. Maganda
man ang intensyon, kung hindi maganda ang paraan, hindi rin mabisa. Dahil
sa diskarte ni Padre Millon sa edukasyon at disiplina, hindi maganda ang
paraan ng paghawak niya sa problema at pinalala lang ito. Mali man ang
ginawa ng propesor, ipinakita na naman nito ang walang patas na nangyayari
na walang kapangyarihan ang mga estudyante sa harap ng mga propesor.

19

XIV
“Sa Bahay Ng Mga Mag Aaral”

Ang tinitirahang bahay ni Makaraig ay malaki. Maluwag ito at puro


binata ang mga nakatira na pawang nangangasera.Mayaman si Makaraig at
kumukuha ng kursong abogasya. Siya ang pinuno ng kilusan para sa Akademya
ng wikang Kastila. Inimbitahan ni Makaraig ang mga pangunahing mag-aaral
na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez upang pag-usapan ang kanilang
pakay.Si Isagani at Sandoval ay naniniwala na maaaprubahan ang pagbukas ng
paaralang samantalang si Pecson ay nag-aalinlangan. Nagkaroon sila ng
debate sa maaring maging aksiyon sa kanilang paaralan. Si Sandoval ay
larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga
Pilipino.Isang magandang balita ang ibinahagi ni Makaraig. Si Padre Irene
umano ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang
adhikain.Dagdag pa niya, kailangan ng kanilang grupo ang pagpanig ni Don
Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig.
Dalawang tao ang maari umano nilang lapitan upang kumbinsihin si Don
Custodio na pumanig sa kanila. Ito raw ay si Ginoong Pasta na isang
manananggol at ang mananayaw na si Pepay.Napagkasunduan nila na kay
Ginoong Pasta lumapit upang maging marangal ang kapamaraanan.

TALASALITAAN

Pagsapit – pagdating
Napawi – nawala
Inanyayahan – pinapapunta
Pagsalungat – pagtutol
Manananggol – abogado
Pinangangayupapaan – kilos na tanda ng pag-sakop o pag-galang
Marangal – mabuti

REPLEKSIYON/REACTION
Muli sa kabanatang ito, ang sinimulan kong isipin ay ang pagpaplano ng
isang pag-uusap tungkol sa mga layunin ay isang magandang ugali. Kung ang
grupo ay kumilos nang sabay-sabay at bilang isa, ang layunin ay tiyak na
makakamit. Natuklasan ko na ang mga nakikitang mababa ay kadalasang
nagtataglay ng higit na potensyal at lakas kaysa sa kanilang napagtanto.
Ang karamihan sa mga matataas ay tutol sa ideya ng Academia na ituro ang
wikang Kastila dahil natatakot sila na maglantad ito ng kahinaan na
maaaring ayaw nilang malaman ng mga tao at patuloy nilang mauunawaan ang
kanilang sinasabi. 

Tulad ng alam nating lahat, kung ang mga bagay ay hindi umaayon sa gusto
natin, tayo ay mas malakas bilang isa, at dapat nating ipaglaban ang alam
nating tama.

20

XV
“Si Senyor Pasta”
Sinadya ni Isagani ang opisina ng manananggol na si Senyor Pasta,
isa sa mga may pinakamatalas na pag-iisip sa Maynila na sinasangguni ng
mga pari kung ang mga ito’y nasa gipit na kalagayan.Pinakiusapan niya ang
Senyor na kung maari ay mamagitan upang kanilang mapasang-ayon kung
sakaling sumangguni na sila kay Don Custodio.Ikinuwento ni Isagani kay
Senyor Pasta ang tungkol sa balaking kilusan. Nakinig ng mabuti ang Senyor
na tila walang alam at kunwari’y wala siyang pakialam sa gawain ng mga
kabataan. Pinakikiramdaman naman ni Isagani ang naging bisa ng kanyang mga
salita sa abogado.Nais sana ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang
nais nilang akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya
ng abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan at mas mabuting
hayaan daw na ang gobyerno ang kumilos.

TALASALITAAN

Nagtungo – nagpunta
Hikayatin – kumbinsihin
Sumangguni – pagdulog, pagkunsulta
Napagpasyahan – napagdesisyonan
Panukala – mungkahi

REPLEKSIYON/REACTION
Sa kabanatang ito ng El Filibusterismo, ang dapat matanto ay ang
katalinuhan ng mga tao ay magagamit sa kabutihan, ngunit minsan pinipili
nilang manahimik upang hindi masangkot sa gulo. Napansin ko na magkaibang
pananaw sina G. Pasta at Isagani; silang dalawa ay may magagandang puntos,
ngunit ang isa sa aking pinakanapansin ay si Isagani; maaring mas bata pa
siya kay G. Pasta, ngunit mas may pag-asa at pananampalataya siya kaysa sa
lalaki, na gamitin ang kanyang kakayahan sa kabutihan at huwag

21

XVI
“Ang kasawian ng Isang Intsik”
Ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ay naghahangad magkaroon ng
konsulado ang kanyang bansa kaya siya ay naghandog ng isang hapunan.
Dumalo ang mga tanyag na panauhin kabilang na ang mga kilalang
mangangalakal, mga pari, mga militar, mga kawani ng pamahalaan pati na din
ang kanilang mga suki.Nang dumating si Simoun ay sinigil niya si Quiroga
sa kanyang utang na nagkakahalaga ng siyam na libong piso. Nalulugi daw
ang Intsik kaya hindi makakabayad sa mag-aalahas.Inalok siya ni Simoun na
babawasan ng dalawang libong piso ang utang kung papayag umano si Quiroga
na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating.Wala daw dapat
ipangamba ang Intsik dahil ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang
bahay na pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango.
Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitan namang sumang-ayon
si Quiroga.Samantala, ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa
komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para
sa mga sundalo.Ang grupo naman ng mga prayle ay pinag-uusapan ang tungkol
sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr.
Leeds.

TALASALITAAN

Naghandog – nagbigay
Naghahangad – nangangarap
Konsulado – isang maliit na opisyal na tangapan ng isang bansa na nasa
ibang bansa
Prayle – pari
Kawani – kabilang
Nagsisidaing – nagrereklamo
Pag-aalinlangan – pagdadalawang-isip
Pulutong – grupo
Likha – gawa
Nagtungo – nagpunta

REPLEKSIYON/REACTION
Sa kabanatang ito, natutunan ko na kahit na hindi pabor ang isa, maaari
silang maging matulungin sa oras ng pangangailangan. Kahit na may pag-
aalala, ito ay matutugunan hangga't ito ay ginawa para sa kapakinabangan
ng pangyayari. Ito ay gumana nang maayos dahil sa pamamaraan ni Simoun at
sa kanyang kakayahang kumbinsihin si Quiroga na tanggapin ang kanyang
ideya, at ang dalawa ay may kanya-kanyang pakinabang sa pangyayari:
Bagama't ang mga bagay ay maaaring mapanganib, kung maingat mong pag-
isipan kung ano ang gagawin, ito ay gagana.

22

XVII
“ANG PERIYA SA QIYAPO”

Pumunta sa peryahan sa Quiapo ang labindalawang galing sa bahay ni


Quiroga. Patungo sila sa kubol ni Mr. Leeds.Ikinatuwa ng makamundong pari
na si Padre Camorra ang mga nasasalubong nilang magagandang dalaga lalo pa
ng makita niya si Paulita Gomez na kasama ng kanyang tiya na si Donya
Victorina at ni Isagani na nobyo ng dalaga. Naiinis naman si Isagani sa
bawat tumititig kay Paulita.Dumating sila sa isang tindahan kung saan
maraming makikita na estatwang kahoy. Ang isang estatwang mukhang mulato
ay kinilala nilang si Simoun dahil sa parang pinaghalong puti at itim ito.
Wala roon ang mag-aalahas kaya’t napag-usapan nila ito. Ani Padre Camorra,
baka daw natatakot si Simoun na pagbayarin nila sa pagpasok sa peryahan.
Wika naman ni Ben Zayb, baka natakot si Simoun na matuklasan nila ang
lihim ng kanyang kaibigan na si Mr. Leeds.

TALASALITAAN

Liwasan – parke ng isang lugar na may espasyo para sa pag-aaliw


Paghanga – iniidolo o nagustuhan sa isang tao o bagay
Inukit – panlililok
Nangangamba – nag-aalala
Panlilinlang – pandaraya

REPLEKSIYON/REACTION
Ang aking pananaw mula sa kabanatang ito ay ang pagnanasa at mga
makamundong interes ay hindi pumipili ng anumang uri ng anyo o antas sa
buhay. Kung ang isang tao ay lumalaban sa pagbabago, sila ay susuko sa
kanilang masasamang kagustuhan. Sa pagsasaalang-alang sa kasuklam-suklam
na ugali ni Padre Camorra sa mga kababaihan, hindi man lang niya ito
nahiya sa kabila ng pagsaway sa kanya ni Ben Zayb dahil dito, at
nagpumilit siyang gawin ito.

23

XVIII
“Ang Mga Kadayaan”
Sa peryahan ay sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin. Isa siyang
Amerikano na magaling magsalita ng Kastila dahil sa matagal na namalagi sa
Timog-Amerika. Bago naman magsimula ang palabas ay nagsiyasat muna si Ben
Zayb at hinanap ang salamin na maaring ginagamit ni Mr. Leeds sa
pandaraya. Ito naman ay may pahintulot ng Amerikano ngunit walang
natagpuang salamin si Ben Zayb. Pagkaraan ay pumasok si Mr. Leeds sa isang
pinto at paglabas ay may dala na siyang kahong kahoy. Aniya, natagpuan daw
niya iyon sa libingang nasa piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang
kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang
salita. Kapag binigkas ang unang salita ay nabubuhay ang abo at nakakausap
ang isang ulo. Kapag ang pangalawang salita naman ang binanggit ay
bumabalik ito sa dating kinalalagyan. Maya-maya, bumigkas ng isang salita
ang Amerikano. Lumabas ang isang ulo at sinabi nitong siya si Imuthis.
Siya daw ay umuwi sa kanyang bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang
paglalakbay. Nang dumaan daw siya sa Babilonia ay nalaman niya ang isang
lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama,
isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya.
Dahil sa takot na isumbong siya kay Cambises ay binalak niyang patayin si
Imuthis sa tulong ng mga saserdoteng taga-Ehipto. Samantala, si Imuthis ay
umibig sa isang an ak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa
Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan.
Isinakdal si Imuthis, napiit, tumakas, at saka napatay. Ayon sa ulo, siya
ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig ang ulo
kay Padre Salvi habang nagsasalita ito kaya dahil sa takot ay hinimatay
ang pari. Kinabukasan ay naglabas ng utos ang Gobernador na nagbabawal sa
palabas ni Mr. Leeds ngunit huli na dahil wala na ang Amerikano at
nagpunta na sa Hongkong dala ang kanyang lihim.

TALASALITAAN

· Prayle – pari
· Pahintulot – pagpayag
· Pagsisiyasat – pagmamanman
· Pirimide – pyramid
· Papiro – isang halamang tubig
· Kinatatalaan – kinasusulatan
· Espinghe – isang halimaw na may katawan ng leon at ulo ng tao
· Nakatuon – nakatutok, nakatitig

REPLEKSIYON/REACTION
Matapos tapusin ang kabanatang ito, nagsimula akong maniwala na ang mga
taong may limitadong pag-iisip at pang-unawa ay mas malamang na
malinlang kaysa sa iba. Palaging maging mapanuri at maunawain.Bago ka
mahiwala ay siyasatin muna kung ito ba talaga ay makatotohana o
hindi.Huwag basta maniniwala dahil walang mandaraya kung walang mag
papadaya.kung ito naman ay para sa mga palabas lamang na mga mahika ay
ayus lang naman dahil ang adhikain naman nila talaga ay mapasaya lang ang
kanilang mga manonood at mapaniwalang parang mga totoo ang lahat ng
kanilang ginagawa.
24

XIX
“Ang Mitsa”
Galit na galit na lumabas sa klase si Placido Penitente. Halos hindi
na siya makapagtimpi at nais na gumawa ng isang libo’t isang paghihiganti.
Nakita niyang nagdaan lulan ng isang sasakyan si Padre Sibyla at Don
Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog. Nang mapadaan
naman sa Escolta ay may nadaanan siyang dalawang Agustino sa pinto ng
basar ni Quiroga. Ibig niya sanang pag-uundayan ng suntok ang mga ito
ngunit nagpigil si Placido. Nadaanan din niya ang dalawang kadete na
nakikipag-usap sa isang kawani saka sinagasa mga ito. Sa kanyang
tinutuluyan ay dumating si Kabesang Andang na kanyang inang taga-Batangas.
Naghinagpis ang ina nang magpaalam si Placido na hindi na mag-aaral. Ilang
sandali pa ay umalis na si Placido at nilibot ang Sibakong, Tundo, San
Nicolas, at Sto. Kristo. Mainit ang ulo ni Placido. Maya-maya’y nakaramdam
siya ng gutom at naisipang umuwi. Inisip niya na wala na sa kanyang
tinutuluyan ang ina at nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi.
Ngunit mali siya ng akala dahil naroon pa ang ina at naghihintay sa kanya.
Pinakiusapan daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang
suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ngunit matigas si Placido.
Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli.
Muling nagsermon ang ina tungkol sa pagtitiis. Hindi na lang kumain si
Placido at saka muling umalis. Pumunta siya sa daungan ng bapor. Doon ay
naisip niya na magpunta ng Hongkong upang magpayaman at kalabanin ang mga
pari sa kanyang pagbabalik. Gabi na at dahil sa walang natagpuang kaibigan
ay nagtungo siya sa perya. Doon niya nakita si Simoun. Ikinuwento niya
dito ang nangyari sa kanya at ang planong magpunta sa Hongkong. Isinama ni
Simoun si Placido sa kanyang karwahe. Nakita nila sina Isagani at Paulita
na magkasama. Nainggit naman si Placido kina Isagani at Simoun. Pagkaraan
ay muling nagpatuloy sa paglalakbay ang dalawa. Nakarating sila sa isang
bahay na pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San
Diego.Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo
ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Anang guro ay di pa sila
handa.
Ngunit ayon kay Simoun ay sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging
kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal dahil kung ipagpapaliban pa
raw nila ang plano ay baka patay na si Maria Clara.
Dalawang oras din na nag-usap sa bahay ni Simoun at ang binata bago umuwi
sa kaserahan si Placido.Kinabukasan ay nakikinig na sa pangaral ng kanyang
ina si Placido. Hindi na rin siya tumutol sa mga payo nito. Pagkaraan ay
pinauwi na niya ang ina sa Batangas dahil baka malaman pa daw ng
prokurador na naroon siya at hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

TALASALITAAN

Poot – galit
Liham – sulat
Kabesa – pinuno, kapitan
Nag-usisa – pagtatanong
Lansangan – kalye, kalsada
Daungan – pantalan o tigilan ng barko
Puksain – alisin

25

REPLEKSIYON/REACTION
Mahalagang isaisip sa kabanatang ito na ang Oras ay hindi na maibabalik
kapag ito ay nawala maliban na lamang kung may oras pa upang samantalahin
ito upang makapagtapos. Napagtanto ni Placido kung ano ang nais niyang
maisakatuparan nang mangyari ang oras nila ni Simoun.Ito rin ay nalkinig
sa mga pangaral ng kaibigan.naliwanagan din ang kanyang pag iisip.Dahil
ang pagkakamali at pag sisi ay laging nasahuli.Pag isipan mo ng mabuti ang
mga hakbang na gagawin at huwag agadagad na padadala sa sobrang
galit.Makinig sa payo ng ating mga magulang dahil sila ang maslalong may
alam para sa ating kabutihan.Dahil walang mga magulang ang gustong
mapahamak ang kanilang mga anak.

26

XX
“Si Don Custodio”
Ang pagdedesisyon sa akademya ng wikang Kastila ay nasa mga kamay ni
Don Custodio. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ay
tanyag sa lipunan ng Maynila. Bawat kilos niya ay pinapansin ng mga
mamahayag. Tinagurian siyang Buena Tinta. Bata palang siya nang dumating
siya sa Maynila. Siya ay nakapag-asawa ng isang maganda at mayamang
mestisa. Aktibo siya at nahirang sa maraming posisyon sa pamahalaan.
Kabaliktaran naman ang sinapit nito nang bumalik siya sa Espanya. Walang
pumapansin dito ni hindi siya makahalubiho sa mga mayayaman dahil sa
kakulangan sa pag-aral. Wala pang isang taon ay napagpasyahan nitong
bumalik sa Pilipinas. Mahigit labinlimang araw na niyang sinusuri ang
kasulatan. Nang usisain ng mataas na kawani ang lagay ng mga balak ng mag-
aaral, sumagot si Don Custodio ng may kasamang pag-aalinlangan, bagama’t
ibig ipakilalang natapos na niya.

TALASALITAAN

Tanyag – kilala
Mamamahayag – namamahagi ng balita
Tinagurian – binansagan
Makahalubilo – makasama
Sinusuri – inaalam
Kawani – kasapi
Pag-aalinlangan – pagdadalawang-isip

REPLEKSIYON/REACTION
Lahat ng tao ay may mga kahinaan at minsan ang kahinaan ng mga lalaki ay
ang mga babaeng kanilang iniirog. Ang kilalang mahusay at iginagalang na
tagahatol na si Don Custodio’y kasali sa mga lalaking iyon. Siya’y
nahuhumaling sa mananayaw na si Petra nang palihim at lingid sa kaalaman
ng lahat. Ngunit kapag ika’y umibig talaga’y nakakabulag at nakakabaliw,
alam ng babae ang pagtingin sa kaniya ng Don kaya kanyang ginamit ang
opurtunidad na ito at pinagana ang utak ginamit niya ang pagtingin na ito
para sa kanyang pinansyal na interes at mga pabor na nais niyang makuha.
Likas na rin na sa ating mga pilipino ang pagtanaw ang utang na loob sa
mga taong ginawan tayo ng mabubuti. Dahil dito sobra ang pagpuri ng
tagapagpayahayag na si Ben Zayb sa Don ngunit nang bumalik na sa Espanya
upang mapgpalakas si Don Custodio, kabaliktaran ang trato sa kaniya roon
kahit kaniya itong mga kalahi sa kadahilanang hindi siya nakapagtapos ng
kanyang pagaaral. Natalakay din sa kabanatang ito ang tungkol sa mga
koneksyon at palakasan, dahil kilalang tao at may dugong kastila si Don
Custodio na kahit hindi siya nakatapos sa kurso at walang alam tungkol sa
mga usaping medisina siya’y naluluklok sa pwesto. Base sa aking
obserbasyon, ito’y laganap parin sa panahon ngayon. May mga opisyal paring
nakakaupo sa pwestong kailangan ng kaalam at karanasan ang pwesto, nang
walang kahirap-hirap dahil sila’y may pera, may koneksyon, at mga kadugo
sa itaas. 

Nakakalungkot lang na ito’y nanatili na sa atin at naging sakit ng


lipunan. Nabanggit din na mataas ang tingin ng Don sa sarili dahil para sa
kanya ay limitado lang ang kahusayan nating mga Pilipino at hindi
posibleng maging mahusay ibang bagay lalo na sa pilosopiya at
medisina.Siguro nga’y totoo ang sabi-sabi “mananakit ang mga taong
nasaktan”... nabanggit kanina na bumalik sa Pilipinas ang Don galing sa sa
bansa ng kaniyang mga kalahi dahil siya’y minamaliit kaya siguro’y
pinapakita niya ito sa mga Pilipino dahil sa tingin niya’ymay karapatan
siya dahil sa pwesto at impluwensiya.
“Mga Anyo ng Taga-Maynila”

Magdaraos ng ikaunang palabas ang samahan ng operang Pranses ni Mr.


Jouy sa dulaang Variedades. Ikapito’t kalahati palang ng gabi ay wala nang
mabiling tiket. Sa ikawalo’y malaking halaga na ang itinatawad sa mangisa-
ngisang nabibiling tiket. Ngunit may isang Kastila ang nararahuyo sa
gayung kaguluhan, siya si Camaroncocido. Lumapit naman ang isang matandang
na katumbalikan nito, siya si Tiyo Kiko. Ayon sa nauna, ang pagkapuno ng
dulaan ay utang sa mga prayle. Ang pagbabawal na manood ay mas lalong
nakakaakit upang manood ng palabas. Akala naman ng iba ay may itinuturo
ang palabas kung kaya’t pinagbabawal ng mga pari ang panonood. Nahati ang
Maynila sa dalawa dahil sa nasabing palabas. Tutol ang mga prayle, ang mga
babaing may asawa’t kasintahan, samantalang ang mga pinuno ng hukbo, mga
marino, kawani at maraming matataas na tao ay nagtanggol dito. Sa pag-iisa
ni Camaroncocido ay marami itong napuna sa kaniyang pagmamatyag. May
narinig siyang “ang palatandaan ay isang putok” ngunit hindi niya ito
pinansin.

TALASALITAAN

Magdaraos – magdiriwang
Dulaan – aktingan
Mangisa-ngisa – paunti-unti
Nararahuyo – maakit
Katumbalikan – kaagapay
Nakakaakit – nagagandahan
Pagmamatyag – tumitingin tingin

REPLEKSIYON/REACTION
Ipinakita ng kabanatang ito ang isa sa mga sakit ng ibang tao na
pagiging makasarili at pagsawalang bahala sa mga bulok na pamamalakad at
krimen na ginagawa ng mga nasa itaas kahit na alam nilang makakapinsala sa
iba sa kadahilanang hindi nila nais masangkot sa kahit ano mang gulong
posibleng mangyari at dahil hindi naman sila direktang naaabala ng mga ito
sa pamamagitan ng katauhan ni Camarroncido na ganon rin ang ginawa sa
kabanatang ito. Hindi naman masama na unahing isipin ang sariling
kapakanan ngunit hindi ba’y mas mabuting isipin din ang iba? Lalo na ang
ating inang bayan na unti-unting sinisira. Hanggang ngayon ay nanatili sa
atin ito, hindi tayo papakinggan dahil hindi naman ito nakakaabala sa
kanila dahil hindi sila naaapektuhan dahil hindi nila kailangan
magkandakuba sa pagtatrabaho para lang may maihain sa hapag. Naipakita rin
ang pagkakahati ng saloobin at opinyon ng mamamayan sa bayan ng San Diego
patungkol sa palabas na Les Cloches de Corneville. Nahati ito sa mga taong
hindi pabor sa pagpapalabas nito sapagkat ito raw ay masagwa, habang ang
kabilang panig naman ay sinasabing dapat itong ipalabas upang sila mismo
ang magsabi kung hindi karapat dapat suportahan ang palabas at sa
kagustuhang malaman kung bakit ito ipinagbawal sa publiko. Magaling
magisip ang mga taong napiling panoorin muna ang palabas para malaman kung
ano nga ba ang nilalaman nito bago sila humusga, minsan kasi’y naniniwala
tayo kaagad sa mga sabi-sabi. Ang pagtatanghal na ito ay dapat lamang
mapanood ng mga taong may bukas na isip hindi pwede sa mga taong lubos na
konserbatibo at may pinal na opinyon na kaagad. Kung ika’y manonood na mga
palabas na katulad ng nabanggit na palabas sa kabanata ay dapat ang
layunin mo ay nais mong may malaman na bagong bagay na sa tingin mo’y
mahalaga  o makatutulong sa’yo at dapat may limitasyon ito dahil kapag
ito’y iyong nasobrahan ay posibleng makaapekto sa iyo at mga taong iyong
nasa paligid, siguraduhing bukas ang isip at tenga. Ngunit naiintindihan
ko naman kung bakit may mga hindi sumang-ayon, konserbatibo ang ating
bayan noon pa man hanggang sa kasalukuyan at pinapahalagahang mabuti ang
ating mga kapurihan.

XXII
“Ang Palabas”
Punong-puno ng tao ang dulaan. Huli na ng labinlimang minuto bago
nagsimula ang palabas dahilan bakit di na napigilang mag-ingay ng mga tao.
Ang mga mag-aaral ay nakapuwesto sa palkong katapat ng kinalalagyan ni
Pepay. Ipinuwesto din malapit dito si Don Custodio upang mapasang-ayon
ito. Nang hapon ding iyon ay sumulat si Pepay at tinipan si Don Custodio,
kaya hindi naiwasan nitong di dumalo sa dulaan.

Masaya ang lahat maliban kay Isagani sapagkat nakita niya si Paulita na
kasama si Juanito Pelaez. Habang nagpapatuloy ang palabas ay patuloy ding
sinasalin ni Tadeo sa Kastila ang mga salitang Pranses. Ganun din si
Pelaez sa magtiyahing kasama niya.

Sinang-ayunan na ni Padre Irene ang kahilingan ng mga mag-aaral na magtayo


ng akademya ngunit sasailalim pa ito sa isang korporasyon kung sakaling
hindi iibigin ng mga Dominikanong masama ang akademya sa Unibersidad.
Kakasimula palang ng ikalawang bahagi ng palabas nang nagtayuan at lumabas
ang mga mag-aaral.

TALASALITAAN

Palko – itaas na bahagi ng tanghalan o teatro


Ipinuwesto – inilagay
Sinang-ayunan – pumayag
Sasailalim – dadaan sa proseso
REPLEKSIYON/REACTION
Aking napansin na ang mga iginagalang na mga opisyal ay dumating sa
teatro nang huli na sa sinabing oras ng palabas dahil siguro sa kagustuhan
nilang magkaroon ng engrandeng pagpasok at nasa kanila ang buong atensyon.
Paespesyal kung baga dahil sila’y may pwesto sa itaas. Dahil rito’y
kailangan ayusin muli ang oras ng pagsisimula. Sa makatuwid, galing ang
“Pilipinong Oras” sa mga espanyol na gustong magpaespesyal na ngayo’y atin
na ring naisaguli sa araw araw nating buhay. May ilang manonood na dapat
ay hindi na nandooon dahil ang tanging nakikita lamang nila ay ang mga
parteng may kakulangan at pagkakamali at iyong na lamang ang kanilang
kabuoang pagsusuri. Para sa akin nais ipakita ni Rizal ang pananamantala
ng mga mananakop sa katauhan ni Juanito Palaez dahil ang binata na kahit
hindi maalam sa wikang pranses ay nagkunwaring naiintindihan ang wika ng
palabas sa ginang at dalaga upang magmukhang magaling o maalam sa paningin
nila, may mga tao, noon man hanggang ngayon na nanamantala upang makontrol
ang isang lahi o grupo. Nagbibigay ng ibang kahulugan sa mga sulatin, at
dahil hindi maalam sa wikang iyon ang taumbayan ay wala silang magagawa
kundi ang sumang-ayon at sumunod na lamang. Kaya lubos na importante ang
pagkakaroon ng  sariling wika, hindi lang dahil ito’y isang karapatan
bagkus ay kalayaan para sa sambayanan. Labis akong naaawa sa ginang at
dalaga dahil hinayaan nilang sila’y malinlang ng binata ngunit sa kabilang
banda hindi natin sila masisi dahil nakakahanga nga naman kapag may taong
nagsalin at nakakaintindi ng isang wikang hindi mo maunawaan.

Habang ang mga estudyante naman ay nalungkot dahil ang akademyang nais
nilang patayuin ay mapupunta sa kontrol ng mga dominiko na kilala sa
mahinang kalidad ng edukasyon, para sa mga magaaral ay kapag nasa kamay ng
mga prayle’y mawawalan ng saysay ang pagtatayo ng akademya dahil
siguradong sila na naman ang kawawa at aping-api. 
XXIII
“Isang Bangkay”

Sa ikapito ng gabi ay naroon na si Simoun. Naroong umalis at bumalik


nang makalawa sa kaniyang bahay na may kasamang ibang tao. Naroong may
binabantayan sa isang daang kalapit ng kumbento ng Sta. Clara at naroong
nakita si Camaroncocido sa dulaan na may kausap na mag-aaral.

Tapat ang hangarin ni Basilio na mapagaling ang kaniyang tagapag-ampon.


Ngunit ipinagtataka nito kung bakit sa kaniyang panggagaling sa ospital ay
dinaratnan niya si Kapitan Tiago na tulog, naglalaway, at namumutlang
parang isang patay. Hindi niya malaman kung sino ang nagbibigay ng apyan
gayung si Simoun at Padre Irene lamang ang dumadalaw dito. Nang gabing
iyon ay nagsadyaa si Simoun sa bahay ni Basilio upang ipaalam ang gagawing
himagsikan noong gabing iyon. Nais ni Simoun na pangunahan ang isang
pulutong ng manggigiba ng pinto ng kumbento upang makuha si Maria Clara.

Subalit huli na ang lahat dahil si Maria Clara ay namatay ng hapon ding
iyon. Sa una ay di makapaniwala si Simoun ngunit naniwala lang ito nang
may ipadala si Padre Salvi kay Padre Irene upang ipaalam kay Kapitan Tiago
ang pagkamatay ng dalaga. Halos sumabog ang puso ni Simoun sa balitang
natanggap dahil ito ang dahilan ng kaniyang paghihimagsik. Samantala’y
naiwan si Basiliong awang-awa kay Simoun.

TALASALITAAN

Kumbento – simbahan
Dulaan – aktingan
Ipinagtataka – ikinamamangha, naguguluhan
Dinaratnan – naabutan
Apyan – isang uri ng halaman
Himagsikan – rebelyon, pag aalsa
REPLEKSIYON/REACTION
Natalakay rin ang pagtanaw ng utang na loob ni Basilio kay kapitan
tiyagong umampon, nag-alaga at nagpaaral. Nagtiyaga ang binatang suklian
ang pagaalaga nito sa kaniya kapag ito’y nasosobrahan sa paggamit ng opyo
na nakakapekto sa ugali ng kapitan. Kagaya ng unti-unting pagkonsumo ng
opyo sa katawan ng kapitan ay siya ring malapit nang pagkamatay ng
Pilipinas nating mahal dahil sa korapsyon na hindi mawawala dahil mismong
mga nasa itaas ang pumipigil puksain ito dahil mawawalan sila ng
kapangyarihan at kontrol. Hindi kaduwagan ang pagtalikod sa laban na
walang katiyakan kung ito’y magtatagumpay ba o hindi, namili lamang ang
isa at napili niyang huwag sumama. Naging matalino siya at naging matapang
sa pagdedesisyon. Sa kabilang banda naman ay hindi rin masama ang pagsama
sa labang walang katiyakan dahil nakipaglaban ka kahit hindi mo tiyak ang
kalalabasan at naging matapang ka. Katulad ng pakikipaglaban sa kahit ano
mang anyo ng kalayaan maari mo itong makamit o hindi, maari kang makisali
sa mismong pakikipaglaban, tahimik na humiling na sana’y makamit natin ito
dahil hind lang naman itak ang maaring maging armas sa laban. Ako’y
humanga rin sa pagiibigan ni Simoun at Maria Clara, na kahit
makipaghimagsikan ang ginoong umiibig para lang mailigtas ang dalaga’y
gagawin niya upang makapiling nilang muli ang bawat isa, kahit walang
tiyak na kalalabasan ngunit may mga pagibigan na magtatagal hanggang sa
huling hininga at ang iba naman ay magiging ala-ala na lamang, mahirap
mawalan ng tao man o pangarap ngunit sana ay hindi tayo mawalan ng ganang
magpatuloy san buhay kapag ito’y nawala sa atin. Mayroon ka bago ang mga
ito kaya kaya mong magpatuloy pagkatapos ng mga ito. Masasaktan ka ngunit
hindi dito natatapos ang misyon mo. 

XXIV
“Mga Pangarap”

Kinabukasan, bago magtakipsilim ay naglalakad si Isagani patungo sa


Malecon upang kitain si Paulita. Inaasahan ng binata na pag-uusapan nila
ang nangyari sa dulaan.
Sa kaniyang paghihintay ay naalalang muli ni Isagani ang sari-saring
gunita ng kanilang maliligayang sandali. Naisumpa niya tuloy ang dulaan at
ang nakikipag-tunggalian na si Juanito Pelaez.

TALASALITAAN

Magtakipsilim – palubog na ang araw


Nakikipagtunggalian – nakikipaglaban
Sumagi – naalala
Karwahe – sasakyang hila hila ng kabayo
Lulan – nakasakay
Makaniig – makapagsarilinan
Nagpahayag – nagsabi
Manumbat – manlait
Napadako – napunta

REPLEKSIYON/REACTION
Marami na ang sumagi sa isip ni Isagani at unti-unti naring dumidilim.
Nang lumingon ay nakita niya ang karwaheng dumarating lulan si Paulita,
ang kaibigang kasama niya sa dulaan, at si Donya Victorina. Lumapit si
Donya Victorina kay Isagani upang makibalita sa nawawala nitong asawa,
subalit hindi maituro ng binata sapagkat sa tahanan ng kaniyang amain
nagtatago. Nang magkaniig na ang magkasintahan, si Paulita ang unang
nagpahayag ng kanyang nararamdaman. Hindi man lang daw siya pinansin ni
Isagani dahil sa mga mananayaw nakatitig. Sa halip na si Isagani ang
manumbat ay siya pa ang nagpaliwanag. Sinabi din ni Paulita na si Donya
Victorina ang umiibig kay Pelaez at hindi siya. Napadako ang usapan sa
bayan ni Isagani.

Umaasa ang binata sa pag-unlad ng kanilang bayan. Pinapangarap din niya


magkaroon ng pagawaan sa bawat pook, mga daungan, at ng tanggulang bansa.
Nag-aalinlangan si Paulita sa mga pangarap na ito ni Isagani. Ngunit di
naman mawawala ang pananalig na ito ng binata. Kahit ang nag-iisang buhay
niya ay handa niyang isugal para makamit ang karapatang hinihingi ng
bayan.

Ang mensaheng nais iparating ng kabanatang ito ay mga sakripisyo at


pakikipaglaban ng mga tao upang makamit ang kanilang mga pangarap. May
ilang kailangan pang magsakrisipyo ng maraming bagay upang makuha lang ito
ngunit nakakalungkot mang isipin, ang iba’y kailangan lang ng koneksyon.
Lahat tayo ay may isinasakripisyo para makamit lang ang ating inaasam na
pangarap o kinabuksan maaring ibang tao, kalinisan, relasyon,
pagkakaibigan, sa pamamagitan man ng sariling sikap, paghawak sa patalim o
kahit ano pa man yan, ang katotohanang kaya mong sumugal para sa pangarap
ay nakakahanga na. Alin man sa mga ito ang iyong ginawa ay may pangarap
kang nais mong makamit. Walang libre sa ating mundo halos ata lahat ay may
kapalit maaring buhay mo man o kayamanan, kailangan mong magsikap. Ito ang
araw araw nating ginagawa noon man o ngayon, may mga nagbubuwis ng buhay
at may pinagsasamantalahan dahil inaasam nila ang pagbabago at kalayaan.
Ang isa pang nais iparating ng kabanta ay ang pagtatago ng sikreto, dahil
sa lubos na kagalakan ng umiibig na si Isagani ay kaniyang nasabi ang
lihim na nasa kanilang pangangalaga ang hinahnap na asawa ni Donya
Victorina na si Don Tiburcio na tiyahin at tiyuhin ng iniibig niyang si
paulita. Madalas sa atin ay gumagawa ng aksyon ayon sa ating damdamin at
kapag nahimasmasan tayo ay magugulat na lamang tayong nasabi natin ang mga
katagang iyon. Oo at magkasintahan ang dalawa ngunit ang lihim ay lihim,
ang mga salita ay salita.

XXV
“Tawanan at Iyakan”

Labing-apat na binata ang nagsama-sama sa bulwagan ng Pansiteria


Macanista de Buen Gusto. Dito magdadaos ng piging na iminungkahi ni Padre
Irene alang-alang sa kapasiyahang iginawad ni Don Custodio tungkol sa
akademya ng wikang Kastila.

Naghalong tawanan at iyakan ang naramdaman ng mga binata. Nagtatawanan at


nagbibiruan sila ngunit ito ay pilit lamang sapagkat dinaramdam nila ng
labis ang kapasyahan ginawa ni Don Custodio. Sinang-ayunan nga ang
pagtatayo ng akademya ngunit ito ay ipapasailalim ng korporasyon, at ang
mga mag-aaral ay gagawin lamang tagapaningil ng mga ambagan at abuloy.

Ang mga nakahandang ulam ay may pinatutungkulan. Ang pansit lang ay kay
Don Custodio, lumpiyang Intsik kay Padre Irene, ang tortang alimango sa
mga prayle, at ang pansit gisado ay sa pamahalaan at sa bayan. Nagkaroon
ng talumpatian dahilan kung bakit may mga lumapit sa durungawan at nanood
sa kanila. Napansin ng mga mag-aaral na may nagmamanman na binata kasama
ang isang taong di-kilala na lumulan sa sa isang sasakyang naghihintay.
Ang sasakyan ay kay Simou.

TALASALITAAN

Bulwagan – gusaling pinagtatanghalan


Iminungkahi – opinyon, kuro kuro
Iginawad – pinagkaloob
Sinang-ayunan – pumayag
Pinatutungkulan – pinamumunuan
Nagmamanman – nagmamasid

REPLEKSIYON/REACTION
Dahil sa pasyang nasa kontrol ng mga prayle ang akademya ay naging
mapusok ang mga binata, naging pabigla-bigla ang kanilang mga desisyon,
inayon pa nila ang mga hinandang pagkain ayon sa tingin nila’y nararapat
sa pagkatao nito. Naipakita na naman muli ni Rizal ang isa sa mga sakit ng
mga Pilipino na pagsasalita ng hindi mabubuting bagay. Ang pinakanaiwan sa
akin na hinanda nilang pagkain sa mga bisita ay ang ikatlo na “tortang
alimango” na inialay nila sa nga prayle dahil daw sa kanilang “pagka-
alimango”. . . . Isa rin ito sa mga naiwan na pagiisip sa ating mga
pilipino, ang paghila ng kapwa mo sa iyo paibaba dahil ayaw nilang sila’y
maungusan mo, nagiging banta ka para sa kanilang pagunlad o kapangyarihan
na mayroon sila. Dahil napapangunahan ng emosyon ang mga mag-aaral ay
sinaagad na nila ang pagpapapakita ng kanilang saloobin sa mga taong nasa
Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa talumpati ng magaaral ay sinabi
niyang nabubuhay lamang ang mga pari upang maipasok ang mga mayayaman at
maimpluwensiyang tao sa langit dahil sila’y may kayang gawin at ialay sa
mga pari gamit ang kanilang mga yaman habang ang mga normal na taong
katulad nila ay inaalipin at minamaliit, kailangan pang magmakaawa,
sobrang daming proseso upang sila’y mapayagan lamang sa mga hangarin. Nang
dahil sa paglabas ng kanilang saloobin ay hindi nga sila nagkamali sa
tingin nila sa mga prayle, sila’y paparusahan. Wala nga talaga silang
kalayaan sa paglabas ng saloobin. Kontrolado ang lahat ng kanilang
sasabihin at galaw. Inaalipin tayo at wala tayong magagawa dahil maliit
tayo sa mga paningin nila, walang kumikinang na ginto, walang tumutunog na
mga pilak at alahas sa ating mga bulsa. Para sakin isa rin ito sa mga
nanatiling sakit ng mga namumuno, habang wala tayong kayang ibigay sa
kanila ay hindi nila papansinin ang ating hinain.

XXVI
“Mga Paskil”
Maagang bumangon si Basilio dahil sa marami siyang nakatakdang gawin
sa araw na iyon. Dadalaw siya sa kaniyang mga maysakit, tutungo sa
Pamantasan para sa kaniyang lisensyura, at makikipagkita kay Makaraeg
upang manghiram ng salapi para sa kanyang pagtatapos. Ang malaking bahagi
ng kanyang naimpok ay pinantubos kay Juli at pinambili ng isang maliit na
dampa para sa kanilang maglolo. Nang makarating si Basilio sa San Juan de
Dios at tanungin ng kaniyang mga kaibigan tungkol sa paghihimagsik ay
napalundag si Basilio at naalala ang binalak ni Simoun na hindi natuloy
dahil sa sakunang nangyari dito. Nalaman ni Basilio na maraming mag-aaral
ang nasasangkot. Lumayo ito sa mga nag-uusap. Sa kaniyang paglalakad ay
may nakasalubong siyang isang propesor sa Klinika. Tinanong ang binata
kung kasali ba ito sa piging at kung kasama ba ito sa kapisanan ng mga
mag-aaral. Pinayuhan ito ng propesor na iligpit ang anumang papel na
maaaring magdala dito sa panganib. Nalaman nitong ang dahilan ay ang
pagkakalagay ng mga paskin na may mga masasamang sinasabi sa pamahalaan.
Ang pinaghihinalaang may kagagawan ay ang mga mag-aaral. Nang nagtungo si
Basilio sa Pamantasan ay nakita niyang itinataboy ng gwardiya sibil ang
mga estudyanteng lumalabas sa paaralan. Tumuloy si Basilio sa loob ng
Pamantasan. Nagtungo ito sa bahay ni Makaraeg upang manghiram ng salapi
nang matapos pumunta sa Pamantasan. Sa kanyang pagpasok ay may sumalubong
na dalawang gwardiya sibil at tinanong ang kaniyang pakay. Nang malamang
siya’y si Basilio ay dinakip ito kasama ni Makaraeg.

TALASALITAAN

Paskin – isang limbag na tumutuligsa sa pamahalaan


Pamantasan – paaralan
Salapi – pera
Naimpok – naipon
Pinaghihimagsik – pagrerebelde sa awtoridad
Dampa – bahay kubo
Nasasangkot – nasasama
Piging – handaan
Pinaghihinalaan – sinosospetsa
Kapisanan – samahan
Nagtungo – nagpunta
Itinataboy – pinapaalis
Dinakip – hinuli

REPLEKSIYON/REACTION
Mapaglaro ang tadhana minsan ang akala mo’y mapagkakatiwalaan at
itinuturing mong kabigan ang mismong maghahatid sayo sa panganib. Ang mga
gwardiya sibil ay itinataboy ang mga magaaral dahil sa paglalagay ng mga
paskin na nagtatawag sa katotohanan sa mga pangaapi ng mga kastila sa mga
Pilipino dahil mailalabas ang kabahuan nila at kabulukan ng mga nasa
posisyon sa pamamalakad. Sa kabila ng kaguluhang nangyayari at kabang
nararamdaman ay hindi nagpatinag si Isagani sa pagiging matapang. Sinabi
niyang dapat ay hindi sila pumayag na maging dahilan ang kasamaan ng mga
pari upang mabuwag ang kanilang prinsipyo at pangarap, sinabi niyang
marami na noon ang iniipit, inaapi at ang mga nakipaglaban noon ay
nagsikap upang iwagayway ang watawat kaya meron pa sila upang ituloy ang
laban para sa Pilipinas. Dapat ay gawin nila itong inspirasyon upang hindi
magpaapi at mabuting ito ang kanyang ginawa dahil sa mga panahon na ganoon
ay kailangan ng pagkakaisa lalo na at iisa lang ang inyong hangarin kaya
walang saysay kung sila’y magaaway-away. Dapat ay huwag tayong matakot
lalo na kung nasa panig tayo ng katotohanan. Kailangan kung ikaw ay
nagdesisyon kung saan ka papanig ay dapat maging matapang ka at doon ka
lamang papanig hanggang sa huli o oras ng kagipitan. Ang bawat tao ay
isang pag-asa, naging kabataan ang lahat ngunit hindi dahil sila’y tumanda
na ay hindi na sila kailangan upang maging pag-asa. Lahat tayo ay may
kayang gawin kaya’t huwag tayong matitinag sa ating pinaglalaban, habang
may mga mapagsamantala ay hindi imposibleng may mga pagasa at nais bumuwag
sa masasamang hangarin ng mga ito. 

XXVII
“Ang Prayle at ang Estudyante”

Inuusig ng paring si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si


Isagani. Nagtalumpati raw kasi si Isagani sa harap ng mga mag-aaral na
nakasama niya sa hapunan.Nagtapat naman si Isagni na hinangaan ng mga
pari. Karaniwan daw kasing tatanggi ang mga mag-aaral kapag inuusig. Sabi
naman ni Isagani na dahil sa mga pari ang kanilang magandang ugali.Pero
inisa-isa rin ni Isagani ang mga problema ng mga pari bilang guro. Kasama
na rito ang panlalamang ng mga pari sa mga Pilipino upang maging
komportable ang kanilang buhay.Wala nang nagawa ang pari at di makasagot.
Sa unang pagkakataon, walang masabi ang isang pari laban sa isang
estudyanteng Pilipino.

TALASALITAAN

Dinatnan – naabutan
Tumindig – tumayo
Itinatwa – itinanggi
Prayle – pari
Panghulo – pagkaintindi
Nakasalamuha – nakasama
Pinupulaan – pinipintasan
Pagbabalatkayo – mapagkunwari
Makapaglahad – makapagsabi
Pag-uusig – pagsisiyasat, pinaghahanap
Ninanasa – inaasam
Nangahas – naglakas loob
Hinadlangan – pinigilan
Mangmang – walang alam
Pagpapatiwakal – pagpapakamatay

REPLEKSIYON/REACTION

XXVIII
“Pagkatakot”

Naibalita sa pahayagang El Grito ang nagkatotoong hula ni Ben Zayb


na makakasama ang ang pag-aaral sa Kapuluan ng Pilipinas.Ang balita
tungkol sa pagkuha ng mga paskin sa pinto ng Pamantasan ay ikinatakot ng
mga Intsik maging ang Heneral. Maging ang mga prayle na pumupunta sa
tindahan ni Quiroga ay hindi nagsiputan. Malas naman si Quiroga dahil
napataong natanggap niya ang bagong bahay.Nagtungo ito sa bahay ni Simoun
dahil sa pag-aakalang iyon na ang oras upang gamitin ang mga armas na nasa
kaniyang bodega. Ngunit ayaw makipagkita ni Simoun kaninuman. Sunod itong
pumunta kay Don Custodio upang itanong kung dapat ba nitong balutihan ang
kaniyang tindahan.Katulad ni Simoun, ayaw ding makipagkita ni Don Custodio
kahit kanino. Pinili nitong tumuloy sa bahay ni Ben Zayb upang doon
makibalita. Dinatnan niya itong nakabaluti mula ulo hanggang paa, at ang
ginagamit na pabigat sa mga papel ay dalawang rebolber.Dali-dali itong
umuwi, nahiga at nagdahilang maysakit. Patuloy parin sa pagkalat ang
balitang magtutulong ang mga mag-aaral at ang mga tulisan. May mga
kumakalat ding nagtungo sa Malakanyang ang mag-aaral upang magpahayag ng
pagkamaka-Kastila.Ibinalita ni Padre Irene kay Kapitan Tiago na may ilang
nag-uudyok sa Heneral na barilin ang ilan upang bigyan ng aral ang mga
binata. Ang pagkahuli kay Basilio at ang pagkahalughog sa mga akalat at
papel nito ay lalong nagpalubha kay Kapitan Tiago.Samut’saring patayan ang
nangyari dahil sa maling akala. Marami ang pinagkamalan at pinaghinalaan.
Nagkaroon ng usapin kung sino ang may kagagawan ng mga paskin.Ayon sa
platero’y si Padre Salvi ang may kagagawan. Para naman sa iba ay si
Quiroga ang may gawa.Kinabukasan, habang naglalakad ay may natagpuang
bangkay na babae si Ben Zayb sa Luneta.

TALASALITAAN

Paskin – isang limbag na tumutuligsa sa pamahalaan


Prayle – pari
Nagsiputan – nagdatingan bigla
Tagapamahala – nangangalaga,
Palatuntunan – schedule, program
Naghihingalo – nag-aagaw buhay
Tulisan – rebelde

REPLEKSIYON/REACTION
XXIX
“Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago”

Nagkaroon ng maringal na libing si Kapitan Tiago.Bagaman may ilang


pari ang pumuna sa kanya dahil ito ay hindi nakapagkumpisal bago ito
mamatay, pinagtanggol naman ito ni Padre Irene. Ayon sa pari, ang
paghihigpit ay ginagawa lamang sa mga hindi nagbabayad.Si Padre Irene ang
inatasan na maging tagapamahala ng huling habilin ni Kapitan Tiago.
Ipinamana sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, sa mga korporasyon ng mga
pare, at ang dalawampung piso para sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral.
Ang dalawampu’t limang piso na sana’y pamana kay Basilio ay napunta sa
bulsa ni Padre Irene.Kinabukasan, sa bahay ni kapitan Tiago ay pinag-
uusapan ang himala. Nagpakita raw si Kapitan Tiago sa mga mongha ng Sta.
Clara nung ito’y kasalukuyang naghihingalo.Tatlong pari ang lumapit sa
inilibing. Lahat ng magagawang palatuntunan ay ginawa.Si Donya
Patrociniong na siyang kalaban ni Kapitan Tiago sa paghahandog sa simbahan
ay naghangad na mamatay na din ito kinabukasan, upang malaluan ang libing
ng yumao.

TALASALITAAN

Maringal – engrade, kahanga hanga


Nakipagkumpisal – pagpapahayag ng kasalanan
Naghihingalo – nag-aagaw buhay
Palatuntunan – program
Naghangad – nagnais
Yumao – namatay
REPLEKSIYON/REACTION

XXX
“Si Huli”

Marami ang hindi naniniwala sa mga paskin at paghihimagsik. Sa


palagay ng ilan ito ay paghihiganti ng mga prayle dahil sa pagkakatubos
kay Huli na anak ng tulisang mahigpit na kalaban ng isang korporasyon.Ayon
kay Hermana Penchang ay mabuti’t pinaalis na nito si Huli dahil ayaw
niyang magalit ang mga prayle sa kanya; gayong dinamdam naman talaga niya
ang pagkakatubos sa dalaga.Sa simula’y di makapaniwala si Huli sa balita
ni Hermana Bali na patay na si Kapitan Tiago. Ngunit nang malaman ang
totoo ay nahimatay ang dalaga.Dahil wala na si Kapitan Tiago ay wala nang
tagatangkilik ang binata. Naging malungkutin si Huli simula noon. Binalak
nitong magpatiwakal ngunit hindi natuloy dahil sa takot na sa impyerno ito
mapunta.Nagbigay ng abuloy ang mga kamag-anak ni Basilio ngunit kulang
parin ito upang mailigtas ang binata. Kung kaya’t umisip si Hermana Bali
ng mas mabuting paraan.Sumangguni sila sa tagasulat ng bayan ngunit wala
itong nagawa kundi ituro sila sa Hukom. Ang Hukom naman ay ipinayong
sadyain si Padre Camorra.Habang nasa daan ay tumanggi si Huli na dumaan sa
kumbento. Minsan na itong tumanggi sa mga prayle nung nangangailanagn ang
kaniyang magulang. Kung ngayon ay lalapit sya sa prayle dahil kay Basilio
ay tiyak na marami ang kukutya sa kaniya.Tiniis pa rin ni Huli ang mga
sisi ng kamag-anak na hindi nakakabatid ng mga nangyari sa kanila ni Padre
Camorra. Nang gabing iyon ay bahagyang nakatulog si Huli. Ngunit ito ay
pagising gising dahil sa masasamang panaginip.Kung hindi lang sana gabi at
madilim sa labas ay tumakbo na ito sa kumbento. Dumaan ang maraming araw
ay hindi parin nagtungo si Huli sa prayle.Isang araw ay dumating ang
balitang si Basilio nalang ang nabibilanggo. Doon ay hindi na ito nag-
atubiling hanapin si Hermana Bali upang magpasama sa kumbento.Nang sumapit
na sa pinto ng kumbento ay ayaw nang pumasok ni Huli. Kailangan pa itong
batakin at itulak papasok.Kinagabihan ay may balitang isang dalaga ang
tumalon mula sa bintana ng kumbento. Kasabay noon, isang matandang babae
ang lumabas na nagsisisigaw na parang isang baliw.Sa kabilang dako, si
Tandang Selo ay galit na pumunta sa kumbento, ngunit ito ay pinaalis doon
sa pamamagitan ng mga palo at tulak.Bumalik ang matanda sa nayon na
umiiyak na parang isang bata. Kinabukasan ay nawala si Tandang Selo dala
ang kaniyang gamit sa pangangaso.

TALASALITAAN

Paghihimagsik – pagrerebelde sa awtoridad


Pagkakatubos – pagkalaya
Tulisan – rebelde
Tagatangkilik – tagapangalaga
Magpatiwakal – magpakamatay
Sumangguni – pagkonsulta
Kukutya – aasar
Nag-atubili – nagdalawang-isip

REPLEKSIYON/REACTION
XXXI
“Ang Mataas na Kawani”
Ang pahayagan sa Maynila ay patungkol lang sa nabunyag na patayan sa
Europa, pagbibigay karangalan sa mga predikador sa Maynila at sa tagumpay
ng operatang Pranses. Wala man lang nabalita tungkol sa nangyari kay
Huli.Balita din ang pag-alis sa bayang iyon ni Padre Camorra upang
manirahan sa kumbento ng Maynila. Dahil sa pagsisikap ng mga kamag-anak ng
mga bilanggo ay unti-unti silang nakalaya.Sunud-sunod na nakalaya ang mga
mag-aaral, sina Makaraeg, at Isagani. Hindi parin nakakalaya si Basilio
dahil sa kasalanang pagkakaroon ng mga aklat na bawal.Ipinagtanggol ng
mataas na kawani si Basilio ngunit lalo iyong nakasama nang malaman ng
Kapitan Heneral na ito’y naging utusan lamang.Pinangatawan ng mataas na
kawani ang pagtatanggol kay Basilio. Dahil dito, higit naging malubha ang
alitan sa pagitan ng mataas na kawani at ng Kapitan Heneral.

TALASALITAAN

Nabunyag – nalaman
Predikador – taga hatid ng mensahe sa simbahan o preacher
Pagsisikap – pagpursige
Kawani – taong kabilang sa nagtatrabaho sa loob ng isang institusyon
Malubha – malala
Alitan – pagaaway

REPLEKSIYON/REACTION

XXXII
“Ang Bunga ng mga Paskil”

Dahil sa mga sunud-sunod na nangyayari, maraming magulang ang


napilitang patigilin ang kanilang mga anak sa pag-aaral, sa halip ay
harapin na lamang ang pagsasaka. Kasama sa mga tumigil sina Pecson, Tadeo,
at Pelaez.Sinigaan ni Tadeo ang kanilang aklat. Habang si Pelaez ay
namahala sa tindahan ng ama. Si Makaraeg ay napunta sa Europa at si
Isagani nama’y sa asignatura lang ni Padre Fernandez nakasulit.Dahil sa
husay sa pagtatalumpati ay nakapasa si Salvador. Si Basilio ay
nananatiling nakabilanggo. Habang si Sinong naman ang nagbalita dito ng
pagkamatay ni Huli at pagkawala ni Tandang Selo.Si Simoun naman ay
gumaling na. Ayon kay Ben Zayb, ito ay hindi na mag-uusig sa halip ay
magdaraos ng isang handaan bilang pasasalamat sa kaniyang paggaling.Naging
maswerte naman ang kapalaran ni Pelaez. Nakabili ito ng bahay na walang
bayad, malaki ang kinita ng kanilang tindahan, nakasama sa pangangalakal
si Simoun, at higit sa lahat ay makakasal sa babaeng ninanasa ng lahat na
si Paulita.Ang pag-ibig ni Paulita para kay Isagani ay naglaho na simula
nang masangkot ito sa paskin at nabilanggo. Walang ibang pinagkakabalahan
ang Maynila kundi ang maghanda upang maanyayahan sa pistang idaraos ni Don
Timoteo Pelaez para sa kasal ng anak.Si Simoun ang nakaatang na mamahala
sa lahat. Samantalang ang Kapitan Heneral naman ang magiging inaama ng
ikakasal.

TALASALITAAN

Napilitan – puwersahin
Sinigaan – sinunog
Namahala – namuno
Pagtatalumpati – pagsasalita sa entablado
Nakabilanggo – nakakulong

REPLEKSIYON/REACTION

XXXIII
“Ang Huling Matuwid”

Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw


magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang papapasukin kapag dumating
ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata. Laking gulat ni
Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at
tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.Agad na ipinarating ni
Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at sumama sa mga plano
nito na dati ay tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa niya
naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na yumao.Natuwa naman si
Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang
pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan. Tila isang
ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si
Simoun na magkita sila ni Basilio sa tapat ng parokya ng San Sebastian
para sa huling pagpaplano.

TALASALITAAN

Hiyas – mamahaling alahas


Inapi – inaway
Kahambal-hambal – kaawa-awa
Ipinagkait – ipinagdamot
Napawi – nawala
Inilantad – sinabi, isiniwalat
Sisidlan – lalagyan
Nitrogliserina – likwido na maaaring sumabog
Maniniil – mapang-api
Nagkukubli – nagtatago
Kiosko – istructurang maliit na maaaring bukas ang harapan o iba pang
bahagi nito
Arabal – nayon
Rebolber – maliit na uri ng baril
Siyasatin – maghanap, mag-imbestiga

REPLEKSIYON/REACTION
Habang binabasa ang kabanatang ito ay mapapansin mo na ang mga tao ay
madalas na gumagawa ng mga bagay na itinuturing na masama sa moral upang
makamit ang isang matuwid na layunin, ang mga tao ay gagawin ang lahat
upang makamit ang kanilang layunin sa buhay at nagreresulta eto sa
karahasan at pagkawasak at karaniwan ang mga tao na gumagawa dito ay dahil
sa kanilang kalunos-lunos na nakaraan upang maipaghiganti ang mga mahal
nila tulad ni Simoun na gustong maghiganti sa mga Espanyol at ipaghiganti
ang kanyang ama na si "Don Rafael" na napatay sa bilangguan matapos ang
isang aksidente na nagresulta sa pagkamatay ng isang Spanish Tax Collector
na nambugbog sa isang maliit na bata. Ang isa pang gustong maghiganti ay
si Basilio dahil sa kalunos-lunos na nangyari sakanya noong siya ay bata
lamang dahil sa kanyang nakababatang kapatid na si "Crispin" na maling
inakusahan ng pagnanakaw kahit hindi niya nagnakaw at pinatay siya ng
sakristan mayor at ang kanyang ina na Si "Sisa ” na nabaliw matapos mawala
at mamatay ang kanyang mga anak.

Minsan sa buhay may mga problema tayo na mahirap lagpasan pero wag na wag
tayong magdaranas ng karahasan at humanap ng ibang paraan para
masolusyunan ang problema, hindi tayo dapat mabulag sa paghihiganti at wag
hayaang daigin tayo ng ating mga emosyon dahil baka gumawa tayo ng bagay
na magdudulot ng malawakang pagkawasak at makakaapekto sa mga inosenteng
tao sa paligid natin tulad ng plano ni Simoun na may pasabog na papatay ng
maraming inosenteng tao sa paligid. Naiintindihan ko na ang dahilan ng
paghihiganti nina Basilio at Simoun dahil sa nakaraan si Basilio ang
kanyang nakababatang kapatid na si Crispin ay inakusahan at pinatay kahit
na siya ay inosente at pagkatapos ang kanyang ina ay nabaliw at namatay,
ang karanasang iyon ay siguro magiging trauma para sa isang tao ngunit ang
paghihiganti at pagpatay ng mga tao ay hindi ang tamang gawin.

XXXIV
“Ang Kasal ni Paulita”
Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang
makituloy. Ngunit wala ang kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di
umuwi. Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at
kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara.Nakita niyang
bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag
siya para sa kaibigang si Isagani. Inisip niyang ayain ito sa himagsikan
ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang pasakit na
naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi
na rin siya makapaghintay sa mangyayaring pagsabog. Dumating na rin si
Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging. Dala nito
ang lamparang mayroong pampasabog. Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga
panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang
bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.

TALASALITAAN

Lampara – isang sisidlan o lalagyan na nagbibigay ng liwanag


Karuwahe – sasakyang hila-hila ng kabayo
itbit – dala-dala
Kutsero – drayber ng karuwahe
Orkestra – tawag sa banda na tumutugtog

REPLEKSIYON/REACTION

Ipinakikita ng kabanata na tayong mga tao ay gagawa ng mga bagay para sa


kapakanan ng iba maging sa mga namatay na. Tayong mga tao ay
nagdadalamhati at kung minsan ay gagawin natin ang lahat upang
maipaghiganti ang ating mga mahal sa buhay kung sila ay namatay nang hindi
makatwiran tulad ng nangyari kay “Crispin” ni Basilio at sa kanyang ina na
si “Sisa” na kapwa mabubuti at mababait na tao ngunit namatay dahil sa
ibang masamang tao. May mga napanood at nabasa akong mga ganitong sandali
kung saan ang karakter sa kwento ay may tragic na nakaraan tulad ng kung
saan namatay ang isang tauhan dahil sa ibang tao at gagawin nila ang lahat
para mahanap at mahuli ang mga taong pumatay sa kanilang pamilya at
gumamit ng karahasan at papatayin ang mga tao na ito sa para ipaghiganti
ang kanilang pamilya. Sa huli ay naghihiganti sila sa kanilang pamilya
ngunit gumagawa ng isang bagay na imoral at makasalanan na "pagpatay".
Si Simoun ay ganoon din ang karakter at ganoon din si Basilio kaya naman
nakiisa siya sa kanyang planong ipaghiganti ang kanyang ina na si Sisa at
ang nakababatang kapatid na si Crispin ngunit ang pampasabog sa tao ay may
mataas na tsansa na magdulot ng mas maraming pinsala at masangkot ang mga
inosenteng tao at masaktan sa pagkawasak at siguro naisip rin nito ni
Basilio at gusto rin niyang sabihin sa kanyang kaibigan na si Isagani na
magrebelde din ngunit alam niyang hindi siya papayag dahil wala siyang
masasakit na buhay. Alam kong may masakit na nakaraan si Basilio at
kailangang maparusahan ang mga taong gumawa noon pero imoral na kasalanan
pa rin ang pagpatay sa mga tao pero naaawa pa rin ako sa nangyari sa kanya
ngunit di ako sangayon sa paraan niya. Sa palagay ko ay hindi natin dapat
hayaang madaig tayo ng paghihiganti dahil baka makagawa tayo ng masama
para makamit ito 
 

XXXV
“Ang Piging”
Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang
bagong kasal kasama si Donya Victorina..Nakita na rin ni Basilio si Simoun
dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang pananaw
ni Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang
pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa madungis
niyang anyo. Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-
daling umalis ang binata mula sa usapan dahil naisip si Paulita. Habang
nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may nakasulat na “MANE
THACEL PAHRES JUAN CRISOSTOMO IBARRA.”. Sinabi ni Don Custodio na baka
lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa
pagkain.Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawa
nang pumasok naman si Isagani at kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog
mula sa asotea.

TALASALITAAN

Nagsiklab – nagsimulang lumaganap


Karwahe – sasakyang hila-hila ng kabayo
Pumanhik – pumunta
Umiral – pag-sipot, pagdating
Nangatal – nanginig
Nangahas – nagtangka
Nangungulimlim – humihina, dumidilim
Sinunggaban – biglang kinuha
Nakalundag – nakatalon

REPLEKSIYON/REACTION
Puno ng kaba ang Kabanata na ito pero nakakagaan ng ginhawa ang wakas.
Buti na lang at may konsensya pa si Basilio na iligtas ang mga inosenteng
tao na madadamay at nagbago ang isip niya bago pa maging huli ang lahat at
buti na lang at nandoon si Isagani dahil kung hindi, hindi papasukin si
Basilio dahil sa maruming itsura niya at hindi niya mapigilan ang plano ni
Simoun. Naiintindihan ko na may nagaganap na kasal doon ngunit gusto
niyang iligtas ang mga inosenteng tao doon. Buti nalang ay nasa paligid si
Isagani at nakuha ang lampara at itinapon ito sa ilog upang maiwasan ang
pagkaaksidente at pagkamatay ng mga inosenteng tao. 
Ang Kabanatang ito ay nagpapakita na ang mga tao ay may konsensya at alam
kung kailan dapat pigilan ang kanilang mga sarili sa paggawa ng mga maling
bagay tulad ni Basilio na nabulag sa paghihiganti sa kanyang ina at
nakababatang kapatid ngunit napansin niyang mali ang kanyang ginagawa at
dahil sa kanyang mga aksyon ay naligtas ang mga inosenteng tao. ngunit
iba-iba ang mga tao at ang ilan sa kanila ay gagawa ng kung ano kahit 
mabuti o mali tulad ni Simoun na nabulag din dahil sa paghihiganti at
galit at siya ang nagplano sa pasabog  at ilagay sa panganib ang buhay ng
mga inosenteng tao. Ang pagkaiba sakanila ay si Basilio ay alam niyang
mali ang kanyang ginagawa at alam niyang madadamay din sa panganib ang mga
inosenteng tao, kung saan handang gawin ni Simoun ang anumang bagay tulad
ng paggamit ng karahasan upang makaganti sa mga Espanyol. Sa tingin ko
dapat tayong lahat ay matulad kay Basilio na kahit na ang mga taong
nagkasala sa kanya na hindi pinarusahan ay hindi niya hinayaang lamunin
siya ng paghihiganti at galit at sinubukan pang protektahan ang mga nasa
paligid at dahil sa kanyang mga aksyon at si Isagani ay naligtas ang buhay
ng mga inosenteng tao.

XXXVI
“Mga Kapighatian ni Ben Zayb”
Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at hindi
makatulog. Dito ay nakaisip na naman niyang gumawa ng balita na bayani raw
ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at Irene, at si Don Custodio.
Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben dahil
ipinagbawal daw ng heneral ang pag-alala sa anumang nangyari noong gabing
iyon. Natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan daw ng
mga naghimagsik.. May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong
kasama sila sa pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat dawn g paglusob
nila ang pagputok na nangyari. Di naniniwala ang mga nag-aklas na si
Simoun ang pinuno nila. Ngunit nawawala na si Simoun at wala na rin ang
mga armas doon.

TALASALITAAN

Dali-dali – kaagad
Papuri – ipinagbubunyi, ipinagmamalaki
Nailathala – naisapubliko, naipabalita
Umaalingawngaw – umiingay, dumadagundong
Tulisan – hindi sumusunod sa batas
Kumbento – simbahan
Nasamsam – nakuha
Nililinlang – niloloko
Nasumpungan – nakita
Panukala – mungkahi, pahayag

REPLEKSIYON/REACTION
Ang kabanatang ito ay nagpapakita na ang mga balita na gawa-gawa mula sa
ibang tao ay maaaring lumala dahil sa maling impormasyon sa mga patalastas
o pahayagan dahil sa mga manunulat ng balita tulad ni Ben Zayb na isang
publisher ng pahayagan at nagbabalak na maglagay ng maling patalastas sa
kanyang pahayagan sa pamamagitan ng paggawa sa mga prayle, at mga padre
bilang mga bayani sa nangyari noong nakaraang araw kahit na sina Isagani
at Basilio ang mga bayaning nagligtas ng buhay ng mga tao noong panahong
iyon sa pamamagitan ng paghahagis ng paputok na lampara sa ilog. Minsan sa
buhay ang mga tao ay nakakalat ng tsismis at ito ay mabilis na kumalat,
ang iba ay maaaring magmukhang masama at ang iba ay nagpapaganda ng iba
ngunit mahalagang suriin ang mga katotohanan at pangunahing pinagmumulan
at huwag maniwala kaagad sa mga tsismis na ito. Nalalapat din ito sa mga
patalastas tulad ng mga nagsasabing "Ang Pinakamasarap na Pagkaing
Kailanman!" ang mga patalastas na ito ay halatang ginagamit upang
hikayatin ang mambabasa na bilhin ang produkto ngunit dapat tayo ay hindi
madaling maniwala sa mga patalastas na ito, nalalapat din ito sa mga
pahayagan kung saan nakikita nating kailangang suriin kung ang impormasyon
na nakasulat sa mga ito ay maaasahan upang hindi tayo madaling mauto sa
kanila dahil kung madali tayong maniwala sa mga bagay na ito ay mali ang
ating kaalaman at ito ay maaaring magdulot sa mga problema o maaari tayong
ma-scam kung tayo ay bibili ng mga produkto dahil sa mga maling
advertisement. Kaya dapat lagi tayong gumamit ng mapagkakatiwalaang source
kapag naghahanap ng impormasyon para hindi tayo madaling maloko at maging
aware sa mga nangyayari sa ating paligid. Sa tingin ko rin, dapat na mas
maaasahan at tumpak na impormasyon ang inilalagay ni Ben Zayb sa kanyang
mga pahayagan at hindi maling impormasyon dahil dito ay magiging mali ang
kaalaman ng mga tao at hindi malalaman kung sino ang mga tunay na bayani
tulad nina Basilio at Isagani.

XXXVII
“Ang Hiwagaan”

K
  ahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa rin ang
balita sa mga mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pagkalat ng balita ay si
Chikoy na nagdala ng alahas kay Paulita. Kaniya-kaniya nang hula ang mga
tao sa kung sino ang maysala. May nagsasabi na si Don Timoteo o si Isagani
na kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng
tinutuluyan ngunit di ito nakinig. Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa
pagsabog. Lumakas ang hinala ng mga naroon nang maisip nila si Simoun.
Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan. Sila rin
umano ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat. May mga
nagsabi naman na baka mga prayle ang nagpasabog. Ngunit buo na sa isip
nila na si Simoun dahil kasalukuyan na ring nawawala ito at pinaghahanap
na ng mga sundalo.

TALASALITAAN

Nililihim – tinatago
Kiosko – istrukturang maliit
Dumalo – pumunta
Batid – alam
Namamahala – namumuno
Piging – salu-salo, handaan
Prayle – pari

REPLEKSIYON/REACTION
Ipinapakita ng Kabanatang ito na madaling kumalat ang tsismis at
impormasyon. Ang mga tao ay may posibilidad na magkwento at impormasyon na
maaaring totoo o hindi. Ang mga tao sa kuwento ay naghuhulaan kung sino
ang may kasalanan tungkol sa paputok na lampara at ang mga tao ay
nagsimulang maghinala at mag-isip kung sino ang nagplano ng mapanganib ang
buhay ng mga tao na nandoon. Ang mga tao ay naghihinala sa isa't isa tulad
ng sabi ng ilang tao na si Don Timoteo o si Isagani ang gumawa nito kahit
na dahil kay Isagani at Basilio naiwasan ang krisis na muntikan mangyari.
Naniniwala din ang ilan na ang mga prayle ang nagpasimula ng pagsabog.
Alam ko na  ang mga prayle ay nakagawa na ng ilang imoral na mga bagay
noon tulad ng panggagahasa ni Padre Damaso sa Ina ni Maria Clara na si
“Dona Pia” at pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Pilipino tulad ni
Ibarra at ng kanyang Ama na si “Don Rafael” ngunit hindi ko akalain na
aabot sila sa punto na gumawa ng isang pasabog at ipanganib ang buhay ng
mga ibang tao na malapit sa kasal.
Ipinapakita ng Kabanatang ito na marami sa ating mga Pilipino ang tsismoso
at tsismoso at madali tayong magkalat ng impormasyon kahit walang
ebidensya. Alam kong ayos lang ang pagtalakay sa mga impormasyon na
katotohanan ngunit kailangan nating maging maingat sa pagpapakalat ng
impormasyon lalo na kung wala tayong pagpapatunay sa mga iyon, alam kong
si Simoun ang tunay na may nagplano sa nangyari ngunit may mga taong
innocente at mababait na nagligtas ng mga buhay tulad ni Isagani ay
pinaghihinalaan na siyang nagplano sa lahat ng ito. Ito ang dahilan kung
bakit kailangan nating maging maingat sa pagpapakalat ng impormasyon at
tulad ng sinabi sa repleksyon ng kabanata 36 ay dapat lagi nating suriin
ang mga mapagkakatiwalaang sources at huwag magbigay ng mali o hindi tiyak
na impormasyon dahil ito ay maaaring maging sanhi ng ilang sa mga
inosenteng tao na magmukhang masama kahit na wala silang ginawang mali.

XXXVIII
“Kasawiang-palad”
Pinagdadakip ng pamahalaan ang pinaghihinalaang tulisan upang mawala
ang kanilang mga kinatatakutan. Ang mag dinadakip ay pinahihirapan ng mga
sibil na Pilipino. Iginagapos ang mga ito at pinalalakad ng tanghali.
Ginagawa nila nang walang anumang pananggalang sa init sa tanghali ng
Mayo. Nagwika si Mautang na isang Pilipinong guwardiya sibil na may
karapatan silang pahirapan ang mga nakapiit dahil pare-parehas naman
silang mga Pilipino. Maya-maya pa ay may mga tulisang sumugod at
pinaulanan sila ng bala. Nasawi si Mautang at ang ilan pang mga sibil. May
nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas na itinataas ang
kaniyang baril ngunit di niya ito makita nang maayos dahil tirik ang araw.
Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang iyon ang
kaniyang Lolo Selo. Tumuturo ito sa talampas na ilang sandali lang ay
nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwala si Carolino na mapapatay niya ang
kaniyang lolo.

TALASALITAAN

Naghasik – nagkalat
Lagim – mapait na pangyayari
Kabyawan – pakinisan o tistisan ng mga tubo
Pininsala – sinira
Nadakip – nakuha
Bilanggo – nakulong o preso
Tutop – takip
Kabo – korporal
Punglo – bala
Lumusob – sumugod
Ikinukumpay – iwinawasiwas
Bayoneta – kutsilyong nakakabit sa dulo ng baril

REPLEKSIYON/REACTION
Ang Kabanatang ito ay nagpapakita na ang mga tao ay gumagamit ng
karahasan at hindi ito nagtatapos ng maayos na nagreresulta sa maraming
kaswalti at maaaring maging sanhi ng ibang tao na masangkot at masaktan
direkta man o hindi tulad ng kung paano aksidenteng binaril at napatay ni
Carolino ang kanyang Lolo Selo. Hindi siya makapaniwalang pinatay niya ang
sarili niyang lolo. Kahit ito ay isang aksidente o hindi, siya pa rin ang
pumatay sa kanyang lolo at kung ito ay kanyang lolo o hindi, ang kanyang
ginawa ay itinuturing pa rin na kasalanan. Alam ko na hindi sinasadya ni
Carolino na mangyari iyon pero kahit na ibang tao yun ay may napatay pa
rin siya. Hindi tayo dapat palaging magresulta sa karahasan at subukang
nating ayusin ang mga bagay nang mapayapa dahil ang karahasan ay
nagreresulta sa mas maraming masamang bagay tulad ng nangyari kay Carolino
at sa kanyang lolo na si Selo. Minsan tayong mga tao ay nasa mga sitwasyon
kung saan mahirap magdesisyon kung ano ang gagawin ngunit dapat nating
laging subukan na humanap ng ibang paraan na hindi magreresulta sa
karahasan at hindi gawin ang ginawa ni Simoun o Carolino.
 Isa pa sa itinuturo ng Kabanatang ito ay kahit na ang mga tao ay
ipinanganak sa iisang lahi, tayo ay nananakit at nag-aaway pa rin sa isa't
isa tulad ng nangyari nang arestuhin ng gobyerno ang mga pinaghihinalaan
at ang mga sibilyang Pilipino at inaabusado ng ilang guwardiya na Pilipino
at si Mautang sinabi na may karapatan silang abusuhin sila dahil Pilipino
sila. For One, hindi magandang dahilan iyon dahil lang sa Pilipino ka ay
hindi nangangahulugan na may karapatan kang abusuhin ang ibang Pilipino, 
katulad ka lang ng mga Kastila noong Unang Panahon kung saan inabuso,  at
minamaltrato din nila ang mga Pilipino. Pangalawa, ang pang-aabuso ay mali
pa rin kahit sino man ito. Ang bawat tao'y iba-iba ngunit lahat tayo ay
tao kaya dapat pantay-pantay ang pakikitungo natin sa isa't isa at huwag
mag-away sa isa’t isa.

XXXIX
“Katapusang Kabanata”

Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil akala ay siya ang


pinadadakip na Kastila. Ngunit ang tinutukoy ay si Simoun na nasa puder ni
Don Florentino. Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng
alahero na nakuha niya ang sugat sa isang aksidente. Naghihinala naman ang
pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si Simoun ng mabasa ang
telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni Simoun na mag-alaga
sa kaniya. Tumigil sa pagtugtog ng kanyang harmonya ang pari. Naisip kasi
nito ang pakutyang pag-ngiti ni Simoun. Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni
Simoun—ang pagpapalaya ni Simoun kay Isagani sa piitan at ang paggawa nito
ng paraan upang makasal sina Paulita at Juanito. Agad na pinuntahan ng
pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila nanghihina na ang
alahero, tila may malubhang sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at
uminom ng lason. Dinasalan ng pari ang binata hanggang nalagutan ng
hininga.

TALASALITAAN

Darakpin – huhulihin
Telegrama – uri ng sulat
Sanhi – dahilan
Pakutya – nang-aasar
Natuklasan – nalaman
Lunas – gamot
Lihim – sikreto
Salaysay – kwento
Namalagi -tumira
Salapi – pera
Kasangkapan – kagamitan
Adhikain – layunin, plano
Tumungo – nagpunta
REPLEKSIYON/REACTION

Ito ang huling kabanata ng nobela ng ating bayani na si Jose Rizal na


isa sa kanyang mga obra maestra na ang “El Filibusterismo”. Ang Kabanatang
ito ay nagpapakita na tayong mga tao ay nag-iisip na kamatayan ang
solusyon upang matapos ang ating mga problema at pagdurusa sa mundo, tulad
ng ginawa ni Simoun sa kanyang sarili sa huli sa pamamagitan ng
pagpapakamatay gamit ang lason dahil nalaman niyang malapit na siyang
maaresto. Siguro pinagsisihan ni Simoun ang ilan sa kanyang mga ginawa at
kaya niya nasabi kay Padre Florentino ang kanyang tunay na pagkakakilanlan
na siya ay si Crisostomo Ibarra at ikinuwento niya ang kanyang buhay bago
magpakamatay. Sa aking palagay, naisip siguro ni Ibarra na mas gugustuhin
niyang magpakamatay kaysa hulihin at posibleng patayin sa kulungan tulad
ng nangyari sa kanyang Tatay na si Don Rafael, kaya nilason niya ang
kanyang sarili.
Tayong mga tao ay dumaan sa ilang mga problema na napakahirap lagpasan at
minsan dumadating tayo sa punto na nagpasya tayong magpakamatay para
matapos na ang ating paghihirap. Ang ilang mga taong na may depresyon ay
nakakaranas nito ngunit sa kabila ng mga problemang ito ay hindi natin
dapat piliin na tapusin ang ating buhay upang malutas ang ating mga
problema. Dapat tayong humingi ng tulong sa ibang tao sa halip na patayin
ang ating sarili. Nararanasan natin ang sakit at pagdurusa at mga problema
na maaaring hindi na matatapos ngunit hindi tayo dapat sumuko kasi ang
sakit at pagdurusa na nararanasan ay maipapasa lamang sa ibang tao tulad
ng iyong pamilya. Ipinapakita rin ng Kabanatang ito na ang mga motibo na
dulot sa  paghihiganti at galit ay hindi magdudulot ng anumang kabutihan
tulad ng nangyari kay Ibarra na nagdulot ng maraming pagkasira. Ito ang
dahilan kung bakit dapat nating laging subukang ayusin ang mga problema ng
mapayapa.
 

You might also like