You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay sa Araling Panlipunan 6

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-


unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo
gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong
ng nasyonalismong Pilipino.

Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa


kontribosyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

Cognitive: Natatalakay ang pagtatag ng Katipunan.

Affective: Nabibigyan ng pagpapahalaga ang kalayaan ng Inang Bayan bunga ng


pagtatalaga ng Katipunan.

Psychomotor: Naipapakita ang dahilan kung bakit itinatag ang samahan ng Katipunan
sa pamamagitan ng pag-arte.

II. NILALAMAN

Paksa: Paghihimagsikan
Sanggunian: K-12 CG p.117
Kagamitan: cartolina, larawan, activity cards, video clips at thinking maps
Values Integration: Pagpapahalaga sa kalayaan ng bansa.

III. PAMAMARAAN (Explicit Teaching Method)


Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral
A. Panlinang na Gawain

1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa isang
panalangin.
Sa ngalan ng Ama, ng anak at ng Espiritu
Santo. Panginoon, maraming salamat po sa
araw na ito. Sayo lang namin itinataas ang
lahat ng ito. Sayo ang lahat ng kaluwalhatian,
papuri at pagsamba. Ito ang aming dalangin.
Sa pangalan ng inyong anak na si Jesus.
Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyo, mga bata.
Magandang umaga din po sayo, titser!

3. Pampasiglang Awit
Ating awitin ang kantang “Ako’y Isang
Komunidad”.
Ako, ako, ako’y isang komunidad.
Ako, ako, ako’y isang komunidad.
Ako, ako, ako’y isang komunidad.
Ako’y isang komunidad.
La la la
Sumayaw-sayaw at umindak-indak.
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat.

Sumayaw-sayaw at umindak-indak.
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat.

- Ikaw
- Tayo
-Ako, ikaw, tayo
Maaari na kayong magsiupo.

4. Pagtatala ng Pagliban
Mayroon bang nagliban ng klase sa
inyo?
Wala po, titser!
Mabuti kung ganoon.

5. Pag-aalala sa Pamantayan sa Klase


Mga bata, ating alalahanin ang mga
iba’t ibang paalala tuwing tayo ay may aralin.

a. Umupo nang maayos.


b. Makinig sa guro.
c. Itaas ang kamay kung may nais
itanong o gustong sabihin.

B. Panlinang na Gawain

1. Balik-aral
Ating balikan ang nakaraang aralin
tungkol sa kilusang propaganda sa
pamamagitan ng “4 Pics 1 Word”.

Suriin ang mga larawan at ibigay ang


salitang maaaring gamitin para sa kanila.

RIZAL
ESPANYA

PILIPINAS

GOMBURZA

DEL PILAR
C. Pagganyak
Tayo ay magkakaroon ng isang
pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa
dalawang pangkat.

(Ipakita ang circle map.)

Katipunan

Ito ay isang circle map. Sa maliit na bilog


nakalagay ang isang paksa.

Sa malaking bilog naman ilalagay ang


pangngalan o pang-uri na maaari nating gamitin
sa paksa.

Isulat ninyo sa malaking bilog ang mga salitang


maaaring iugnay sa salitang Katipunan.
(Isasagawa ng mga mag-aaral ang gawain.)
Ating suriin ang inyong mga likha.

D. Paglalahad
Mula sa impormasyong nailagay sa mga
circle map, nakita natin na may nalalaman kayo
tungkol sa Katipunan. Ngayon ay aaralin natin
kung paano naitatag ang Katipunan.

E. Pagtatalakay
(Ngayon ay ipakita ang isang video clip mula sa
Knowledge Channel tungkol sa paghihimagsik
ng Katipunan.)

A.High Five (Makipag-apir)


Ngayon ay humarap sa inyong mga
katabi at makipag-apir.

Ang bawat pares ay bibigyan ko ng


Anticipation Guide. Ito ay naglalaman ng iba’t
ibang pangungusap na may kinalaman sa video
clip na inyong mapapanood.
Sagutan niyo ang kaliwang bahagi nito
bago natin panoorin ang mga video clips.

Si Partner A ang sasagot ng bilang 1, 3


at 5. Si Partner B naman ay para sa bilang 2 at
4.
(Sasagutan ng mga mag-aaral ang
Anticipation Guide.)
Anticipated Guide

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon kung ang


pangungusap ay nababagay sa tama o mali.

Bago Habang
ipalabas ipinapalabas
ang video ang video
clip clip

Tama Mali Tama Mali

1. Tinawag ng
Katipunan ang
Pilipinas bilang
Inang Bayan
upang ipaalala
sa mga Pilipino
na ang bansa
ang ating ina,
ang mga
Pilipino ang
kanyang mga
anak.

2. Naging
matagumpay
ang paglaban
ng Katipunan
tungo sa
kalayaan ng
Inang Bayan
bunga ng
paglikom ng
mga kasapi
mula sa iba’t
ibang bahagi
ng bansa.
3. Isang
dahilan ng
tagumpay ng
Katipunan ay
ang pagbibigay
ng sariling
pahayagan sa
mga kasapi na
naging dahilan
ng pag-usbong
ng kaisipan at
gawaing
rebolusyonaryo
ng samahan.

4. Si Emilio
Jacinto ang
tinaguriang
“Utak ng
Katipunan”.

5. Si Andres
Bonifacio ang
tinaguriang
Supremo o ang
may
pinakamataas
na posisyon sa
Katipunan.

Ngayon ay ating panoorin ang mga video clips


mula sa Knowledge Channel.
(Ang mga mag-aaral ay manonood ng video.)
(Ipasagot sa mga mag-aaral ang kanang
bahagi ng Anticipation Guide pagkatapos
mapanood ang bawat video clip.)

(Itanong ang mga sumusunod pagkatapos


mapanood ang lahat ng video cllps:)

Sino ang nagtatag ng Katipunan? Ang nagtatag ng Katipunan ay sina Andres


Bonifacio.
Mahusay. Bakit naging mahalaga sila sa
samahan ng Katipunan? Sila ay mahalaga dahil sila ang nagtatag ng
Katipunan.
2. Tableau Presentation
Ngayon ay hahatiin ko kayong muli sa
dalawang pangkat. Magkakaroon tayo ng isang
tableau presentation.

Matapos mapanood ang mga video


clips tungkol sa Katipunan, mag-isip kayo ng
isang dahilan kung bakit itinatag ang samahan
ng Katipunan.

Ipapakita ninyo ito sa pamamagitan ng isang


“Paint Me A Picture”.
(Isasagawa ng mga mag-aaral ang gawain.)
Ating suriin ang inyong mga likha.

Ngayon ay ating basahin ang isang talata


tungkol sa pagtatag sa Katipunan.
Ang Pagtatag ng Katipunan
Ang Kataas-taasang, kagalang-galang na
Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas
kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim
na samahan na itinatag ni Andres Bonifacio.
Sinimulan ito dahil sa mga sumusunod:

1. Paghuli at pagtapon kay Dr. Jose Rizal na


isa sa mga pinuno ng kilusang Propaganda.
2. Paghadlang ng Espanyol sa La Liga
Filipina na nagtataguyod ng reporma sa
mapayapang pamamaraan.
3. Nais na pantay na pagtingin sa bawat
Pilipino at Kastila sa harapan ng batas.
4. Pagnanais ng kalayaan sa matiwasay na
pagpupulong, paglathala ng pag-aabuso at
ano mang anomalya sa pamahalaan.
Matapos nating mabasa ang talata,
salungguhitan ninyo ang mga dahilan na
tumugma sa inyong ipinakita sa ating tableau
presentation.
(Magsasalungguhit ang mga mag-aaral.)
Mahusay! Paano ito naging tugma sa
inyong ipinakita kanina?
(Magbibigay ang mga mag-aaral ng kanilang
sagot.)

F. Paglalapat

1. High Five (Makipag-apir)


Humarap muli sa katabi at makipag-apir.

Ating tandaan na ang pagtatag ng Katipunan


ang naging unang hakbang tungo sa Kalayaan
ng ating Inang Bayan.

Ngayon, sasagutin ni Partner A ang tanong na


ito:

Sa anong mahalagang araw natin


ipinagdiriwang ang kalayaan ng ating Inang
Bayan?
(Magbibigay ng sagot ang mga mag-aaral.)
Sabihin ang sagot sa inyong katabi.

(Iikot ang guro upang marinig ang mga sagot ng


mga mag-aaral.)

Para kay Partner B:

Bilang isang bata, anu-ano ang maaari ninyong


gawin upang maipakita ang pagpapahalaga sa
Kalayaan ng ating Inang Bayan?
(Magbibigay ng sagot ang mga mag-aaral.)
(Iikot ang guro upang marinig ang mga sagot ng
mga mag-aaral.)

G. Paglalahat
Magbigay ng isang dahilan kung bakit
itinatag ang samahan ng Katipunan?
(Magbibigay ng sagot ang mga mag-aaral.)
Anu-ano ang maaari ninyong gawin
upang maipakita ang pagpapahalaga sa
kalayaan ng ating Inang Bayan?
(Magbibigay ng sagot ang mga mag-aaral.)

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang
pangungusap ay naglalaman ng tamang impormasyon at MALI naman kung hindi.

________________1. Si Emilio Aguinaldo ang utak ng Katipunan.

________________2. Ang paghuli kay Dr. Jose Rizal ay isang dahilan ng pagbuo ng Katipunan.

________________3. Ang pagsakop ng mga Amerikano ay naging dahilan upang mabuo ang
Katipunan.

________________4. Ang Bagong Taon ay isang pagdiriwang upang mabigyang-halaga ang


kalayaan ng Inang Bayan.

________________5. Ang pag-awit ng Pilipinas Kong Mahal ay isang paraan upang maipakita
ang pagmamahal natin sa bansa.
________________6. Hindi limitado ang pagkuha ng babaeng kasapi.

________________7. Itinuturing ang mga babae bilang kaagapay sa anumang aktibidades ng


samahan.

________________8. Walang naitulong ang mga kababaihan sa pagkamit ng kalayaan.

________________9. Ang mga Katipunera ang nagtatago ng mahahalagang dokumento ng


Katipunan.

________________10. Mahalaga ang naging partisipasyon ng mga kababaihan sa panahon ng


digmaan.

V. Kasunduan

1. Gawaing-Bahay
Panuto: Sagutan sa kuwaderno ang mga sumusunod:
A. Ano ang inyong pagkakaintindi sa sumusunod:

“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-


ibig sa sariling lupa, aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.”

B. Para sa susunod na aralin, ano sa tingin nyo ang kahalagahan ng kababaihan


sa panahon ng digmaan?

C. Pagninilay
Isulat ninyo ang inyong mga saloobin sa ating aralin sa isang papel.
Ipaskil ninyo ito sa ating freedom wall.

V.REMARKS

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

VI. REFLECTION

A. No. of learners who earned 80% in the


evaluation.
B. No. of learners who require additional
activities for remediation who scored below
80%.

C. Did the remedial lesson work?

D. No. of learners who have caught up with


the lesson.

E. No.of learners who continue to require


remediation.

You might also like