You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY


Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

COLLEGE OF EDUCATION

Masusing Banghay Aralin sa ESP IV


I. MGA LAYUNIN
a) Naiisa- isa kung ano – ano ang mga suliranin , Isyu at Hamon ang hinarap ni
panngulong Manuel A. Roxas matapos ang ikalawang digmaang pandaigdigan.
b) Natatalakay ang mga batas at mga hindi pantay na kasunduan sa pagitan ng
Pilipinas at Estados Unidos sa administrasyong Manuel A. Roxas.
c) Napapahalagahan kung bakit dapat tangkilikin ang sariling produkto, sa pag-
unlad ng bansa.

II.PAKSA
Pamagat/Paksa:Ikatlong Republika(Manuel A. Roxas)
Sanggunian:Curriculum guide A.P 6, Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul
1: Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon sa Kasarinlan
ng Bansa (1946-1972). Pahina 4- 9
Mga Kagamitang Pangturo: Mga Larawan,Powepoint presentation.

III. ESTRATEHIYA
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Mga Gawain Bago ang Klase
 Panalangin
“ Ngayon mga bata, simulan natin
ang ating araw sa pagpapasalamat
sa Panginoon”

“ Ngayon iyuko lahat ang mga ulo


at sabayan akong manalangin”
(iyuyuko ng mga bata ang kanilang ulo at
taimtim mananalangin)
“Sa ngalan ng Ama, Anak at
Espirito Santo Amen, Panginoon
maraming salamat sa lahat ng
biyayang inyong binibigay para sa
amin.Sana po ay wag kayong
magsawang gabayan kami sa
aming araw-araw na buhay, higit
sa lahat gabayan nyo po ang mga
batang ito sa kanilang pag-aaral,
upang matupad ni lahat ang
kaninilang pangarap.Amen.”

“Amen”
 Pagbati
“Magandang araw mga bata”
“Magandang araw din po ma’am”
“kamusta naman kayo?”

“Ayos naman po”


 Pagsasaayos ng silid Aralan
“Bago tayo magsimula maari bang
paki ayos ang inyong mga
bangkuan at paki pulot ang mga
papel na nasa ilalim nito,
maraming salamat

“Keep excellence burning.”

Contact No. (044) 463-0226


Transforming Communities through Science and Technology Email: neustcoed.sumacab@gmail
coed@neust.edu.ph
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

COLLEGE OF EDUCATION

(Ang mga bata ay aayusin ang kanilang


upuan at pupulutin ang kalat sa ilalim
nito).

 Pagtatala ng Lumiban
“At ngayon nga magtatala muna
tayo ng lumiban sa ating klase,
kapag tinawag ko ang inyong
pangalan paki sabihin
ang”MABUHAY” upang
malaman ko na kayo ay narito sa
aking klase, malinaw?” “Opo, Ma’am”

“Sisimulan ko na ang pagtawag ng


inyong pangalan, kaya naman
pakinggan itong mabuti”

“Lea?”
“MABUHAY!”
“Noel?”
“MABUHAY!’
“Kate?”
“MABUHAY!”

“Magaling mga bata walang


lumiban sa ating klase ngayon,
dahil walang lumiban sa ating
klase ngayong araw maaari bang
bigyan natin ang ating sarili
ng”MABUHAY CLAP”
1,2,3 Ang galing galing MABUHAY!

1.Pamukaw-sigla
“OK! Bago natin simulan ang talakayan sa
araw nito, tayo muna ay sasayaw.

“Alam nyo ba ang awiting “ kung ikaw ay


Masaya pumalakpak ka”?

“Opo”

“Kung ganun magsitayo ang lahat at sabayan


ninyo akong kumanta”
Kung Ikaw Ay Masaya
Kung ikaw ay Masaya, tumawa ka! Ha ha ha !kung
ikaw ay Masaya, tumawa ka! Ha ha ha! Kung ikaw ay
Masaya, buhay mo ay sisigla. Kung ikaw ay
masasaya, tumawa ka! Ha ha ha
Kung ikaw ay Masaya, pumalakpak! Kung ikaw ay
Masaya, pumalakpak! Kung ikaw ay Masaya, buhay
mo ay sisigla, pumalakpak!
Kung ikaw ay Masaya, tumawa ka! Ha ha ha !kung
ikaw ay Masaya, tumawa ka! Ha ha ha! Kung ikaw ay (Aawit ang mga bata na may kasamang
Masaya, buhay mo ay sisigla. Kung ikaw ay
masasaya, tumawa ka! Ha ha ha
galaw, kasama ang kanilang Guro)

“Keep excellence burning.”

Contact No. (044) 463-0226


Transforming Communities through Science and Technology Email: neustcoed.sumacab@gmail
coed@neust.edu.ph
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

COLLEGE OF EDUCATION

“Magaling mga bata, dahil dyan bigyan


ninyo nga ang inyong mga sarili ng isang
Mahusay clap”

1,2,3 Ang Galing, Galing Mahusay!


“Sige mga bata maraming salamat maaari na
kayong umupo”

2.Pagsasanay
“Ngayon naman mga bata, bago tayo
magsimula sa ating talakayan para sa araw na
ito ay magkakaroon muna kayo ng saglit ng
isang laro at ang laro na ito ay “ Jumbled
letter”

“Ang inyong gawain lang ay huhulaan ninyo


kung ano ang salita ang mabubuo nyo sa
limang jumble letter na aking ipapakita sa
powerpoint. Malinaw”
“Opo”

“Narito nga ang unang Jumble letter”

MALENU A.____________
XOSRA

“Satingin ninyo anong salita ang mabubuo


nyo sa Jumble letter na ito?”

“Manuel A. Roxas”
“Tumpak! Ito nga ay Manuel A. Roxas”

“Narito naman ang pangalawang Jumble


Letter”

=
EDOSTAS DOSUNI
“Satingin ninyo ano namang salita ang
mabubuo ninyo rito?
“Estados Unidos”

“Tama! Ito nga ay Estados Unidos”

(Tuloy-tuloy ipapakita ng guro ang tatlo pang


jumble letter)

“Keep excellence burning.”

Contact No. (044) 463-0226


Transforming Communities through Science and Technology Email: neustcoed.sumacab@gmail
coed@neust.edu.ph
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

COLLEGE OF EDUCATION

3. Pagbabalik-Aral

“Ngayon naman mga bata bago tayo


tumungo sa ating bagong aralin magkakaroon
muna kayo ng saglit na pagbabalik aral”

“Diba si ma’am Jenna ay naituro na sa inyo


ang mga Suliraning Pangkabuhayan na
kinaharap ng Pilipinas pagkatapos ng
ikalawang digmaang pandaigdig”
“Ano- ano nga ito ulit? Maari bang pakibigay
sa amin ang mga ito”

“.……………………………………”
“Maraming salamat sa inyo!”

4. Pangganyak
“Ngayon naman mga bata, may ipapakita ako
sa inyo na isang larawan”

“Ang gagawin nyo ay tignan mabuti ang


larawan at sabihin sa akin kung ano ang
masasabi mo sa kalagayan ng Pilipinas
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig? Sa iyong palagay paano kaya
nalagpasan ng mga Pilipino ang mga hamon
na dulot ng digmaan? Base sa larawan na ito”

(Mag-aaral ……………………………)

“Magaling, makikita nga natin sa larawan na


ito na matapos nga ang ikalawang digmaang
pandaigdig ang Pilipinas ay naghirap at
maraming hanap buhay ang na wala”

B. Mga Gawain Habang isinasagawa ang


talakayan
Unang Gawain
(Pagpapakilala ng aralin)
“Ngayon naman tumungo na nga tayo sa
ating aralin para sa araw na ito, ang ating
tatalakayin sa araw na ito ang tungkol sa
Ikatlong Republika( Manuel a. Roxas na
“Keep excellence burning.”

Contact No. (044) 463-0226


Transforming Communities through Science and Technology Email: neustcoed.sumacab@gmail
coed@neust.edu.ph
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

COLLEGE OF EDUCATION
kung saan ay pag-uusapan nga natin sino sya
at ano- ano ang mga hamon na hinarap nya
matapos ang ika-lwang digmaang pandaigdig
ng sya ay nakaupo bilang pangulo ng
pilipinas”

Ikalawang Gawain
“Ngayon nga ang una nating ipapaliwanag ay
kung sino si Manuel A. Roxas”

“ Ngunit bago ko ipaliwanag kung sino sya.


Sino dito ang may kilala kay Manuel A.
Roxas?”
(Magtataas ng kamay ang mga bata)

“ Si Manuel A. Roxas nga ay isang lalaking


naging pangulo ng ating bansa. Sya ay
nakaupo bilang pangulo ng ating bansa
noong July 4, 1946- April 15, 1948”
“Naging pangulo nga sya ng Pilipinas sa loob
lamang nga ng dalawang tao, sapagkat sya ay
na matay noong April 15, 1948 dahil sa sakit
sa puso.
“ Sya ay naging pangulo ng Pilipinas noong
ikatlong republika ng Pilipinas, at alam nyo
din ba na sya ang pangulong nakaupo
matapos ang ika- lawang digmaang
pandaigdig. Kaya naman maraming hamon,
problema at suliranin siyang kinaharap na
kalagayan ng Pilipinas matapos ang ika-
lawang digmaang pandaigdig”

“Tulad ng mga sumusunod”


(Ang guro ay ipapakita ito gamit ang power
point presentation)

“Keep excellence burning.”

Contact No. (044) 463-0226


Transforming Communities through Science and Technology Email: neustcoed.sumacab@gmail
coed@neust.edu.ph
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

COLLEGE OF EDUCATION

“Dahil nga sa mga problemang ito ay


napilitan si pangulong Roxas na tanggapin
ang pinansyal at iba pang tulong na inialok
ng Amerika sa Pilipinas kahit maraming
mamayan Pilipino pa tumutol rito.

“Kapalit nga ng pagtanggap ni pangulong


Roxas sa tulong mula sa Amerika, ay may
kasunduag nangyari na kung saan ito ay may
hindi patay na kasunduan sa Pilipinas at
Amerika”

“Ang kasuduang ngang ito ay ang tinatawag


na Philippine Rehabilitation Act.
“Isinasaad sa kasunduan ang pagtanggap ng
Pilipinas ng tulong mula sa Estados Unidos
kapalit ng ilang mga hindi pantay na
kasunduan”
“Philippine Rehabilitation Act ay nagsasad
ng pagbibigay ng Amerikano ng halagang
$620milyon na tulong pinansyal sa Pilipinas.
Nakasaad din sa kasunduan pagbabayad ng
Amerika nang halagang $800 milyon bilang
bayadpinsala sa mga ari-arian ng mga
sibilyang naapektuhan ng digmaan”

“Ngayon tukuyin naman natin ano ang batas


na pumalit sa Philippine Rehabilitation Act,
na batas na may hindi patay na kasunduan sa
Pilipinas at Amerika”

“ Una nga dito ay ang Bell Trade Act


Na nagsasaad na sa loob ng walong taon ay
magkakaroon ng malayang kalakalan ang
Pilipinas at Amerika mula 1946 hanggang
1954.
“ Ikalawa ay ang Parity Rights
O ang kasunduan na nagpapahayag ng
pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga
Pilipino at Amerikano na magnegosyo sa
Pilipinas at linangin ang mga likas na yaman
nito.
“Ikatlong naman ay ang Kasunduang Base
Militar na nagpapahintulot na manatili sa

“Keep excellence burning.”

Contact No. (044) 463-0226


Transforming Communities through Science and Technology Email: neustcoed.sumacab@gmail
coed@neust.edu.ph
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

COLLEGE OF EDUCATION
Pilipinas ang 23 base militar ng Amerika sa
iba’t ibang sulok ng bansa.
(Matapos ipaliwanag ng guro ang mga batas
na pumalit sa Philippine Rehabilitation ay
ipapaliwanag naman nya ito kung bakit
nasabi na ito ay kasunduang hindi pantay).

“Subalit may mga batas nga at kasuduang


naganap sa Pilipinas at Amerika ay hindi din
nito na tulungan ang Pilipinas na maka
bangon sa lugmok na ekonomiya, sapagkat
nagbunga pa ito ng matinding suliranin. Ito
ay ang pagkakaroon ng mataas na antas
ng………..
“COLONIAL MENTALKITY”
ng mga Pilipino o ang pagkahilig at
pangtakilik sa mga produktong gawa sa
ibang bansa o “stateside” na mas lalong
nagpahirap sa ekonomiya ng Pilipinas dahil
sa halip na kumita ang mga manggawang
Pilipino, ang mga dayuhang produkto ang
mas tinatangkilik ng mga Pilipino”

Pangatlong Gawain
“Tapos ko nga ipaliwanag ang ating
talakayin, magtatanong naman ako sa inyo”

“ Aking Unang tanong sino ang unang


pangulo ng ikat long republika?
“.…………………..”

“Tama, siya nga ay Si Pangulong Manuel A.


Roxas”

“Ano naman yung tatlong batas na pumalit sa


Philippine Rehabilitation act na naging
kasunduan ng Pilipinas na may hindi patay
ma kasunduan?”

“ Tama! Ito nga ay ang Bell Trade Act


Parity Rights, Kasunduang Base Militar”

“.………………………..”
“Huli ano ang colonial mentality?”

“.…………………………..”

“Tama, ito nga ay ……………………….”

“Keep excellence burning.”

Contact No. (044) 463-0226


Transforming Communities through Science and Technology Email: neustcoed.sumacab@gmail
coed@neust.edu.ph
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

COLLEGE OF EDUCATION
C.Mga Gawain Pagkatapos ng Talakayan
1.PAGLALAPAT
“Ok tapos na nga tayo sa ating talakayan,
ngayon naman tumungo na tayo sa inyong
mga gawain para sa araw na ito”

“Ang una nga ninyong gawain ay ito


(ipapakita ng guro ang unang gawain ng bata
gamit ang power point)

“Ang gagawin ninyo nga ay ilalagay nyo sa


bawat bone ng isda ang mga problem, isyu at
hamon na kinaharap ni panngulong Manuel
A.Roxas matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdigan. . Malinaw”
“Opo!”
“Kung ganun kumuha na ng ballpen at ½
papel upang diyan ninyo ilagay ang inyong
sagot”

“Mayroon na bang papel at bellpen ang


lahat?”

“Kung ganun maaari na kayong magsimula


at pagkatapos nga ng 10 na minuto ay tseke
natin ito upang malaman nyo kung tama nga
ba ang inyong mga sagot, para malam ko din
kung nakinig nga ba kayo”
(Ang mga bata ay sasagutan ang gawain
sa loob ng 10 minuto)

(Pagkatapos ng 10 minuto ay sasagutan na


nila ito)

2. Pagtataya
“Tumungo naman tayo sa inyong
pangalawang gawain, ang gagawin nyo
naman nga ay gagawa kayo ng maikling
sanaysay patungkol kung ano ang kalagayan
ng Pilipinas matapos ang ikalawang digmaan
pandaigdig. Na may roong itong dalawang
pangungusap. Malinaw ba?”
“Opo”
“Keep excellence burning.”

Contact No. (044) 463-0226


Transforming Communities through Science and Technology Email: neustcoed.sumacab@gmail
coed@neust.edu.ph
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

COLLEGE OF EDUCATION

“Kung ganun, maari na kayong magsimula at


sasagutan nyo nga ito sa loob ng 15 minuto”
“Isusulat nyo ito sa inyong kuwaderno na A.
P, at pagkatapos, ito ay inyong babasahin sa
harap ng klase, malinaw ba!”
“Opo”

IV.TAKDANG ARALIN
“Ngayon nga mga bata tapos na tayo sa ating
talakayin at ganun din sa inyong mga gawain
sa araw na ito, ngunit bago tayo magpaalam
sa isa’t-isa”
“Ipapaliwanag ko muna kung ano ba ang
inyong magiging Takdang Aralin”
“Eto nga ang inyong takdang aralin”
(Ipapakita ng guro ang takdang aralin ng mga
bata gamit ang powerpoint)

“ Ang Takdang aralin nga nito ay pangkatan,


na sa bawat pangkat ay mayroong tatlong
miyembro”

“Ang gagawin nyo nga dito ay pipili kayo ng


isang suliranin na kinaharap ng pilipinas
pagdating sa pangkabuhayan, matapos ang
ikalawang digmaang pandaigdig, at bibigyan
nyo ito ng sariling mungkahi kung paano ito
masolusyonana. Malinaw po ba?”

“Kung ganun, isusulat nyo ito sa manila


paper at bukas nyo ito babasahin sa harap at
ipapaliwanag ang inyong sariling mungkahi
kung paano ito masolusyonana. Yun lamang
at maraming salamat, pa alam”

“Keep excellence burning.”

Contact No. (044) 463-0226


Transforming Communities through Science and Technology Email: neustcoed.sumacab@gmail
coed@neust.edu.ph

You might also like