You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa


Marawoy, Lipa City
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

MASUSING BANGHAY ARALIN SA SINING 3

 Content Standards: The learner demonstrates understanding of lines, texture,


shapes and depth, contrast (size, texture) through drawing.

 Performance Standards: The learner creates an artwork of people in the


province/region. On-the-spot sketching of plants trees, or buildings and geometric
line designs shows a work of art based on close observation of natural objects in
his/her surrounding noting its size, shape and texture.

 Grade Level Standards: The learner has acquired the basic and fundamental
processes through performing, creating, listening and observing, and responding,
towards the development of appreciation of music and art, and the acquisition of
basic knowledge and skills.

I. Layunin
At the end of the lesson, the pupils are able to:
 sketches and colors and view of the province/region with houses and buildings
indicating the foreground, middle ground and background by the size of the
objects A3PR-Ii

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagguhit ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali
Sanggunian: Music, Art, Physical Education and Health Teksbuk sa baitang
tatlo nina Music— Amelia M. Ilagan, Maria Elena D. Digo, Mary Grace V.
Cinco, Fely A. Batiloy, Josepina D. Villareal, Ma. Teresa P. Borbor, Fe V.
Enguero, Josephine Chonie M. Obseñares, Arthur M. Julian; Art— Cynthia T.
Montañez, Adulfo S. Amit, Benjamin M. Castro, Vi-Cherry C. Ledesma, Larry
Canor, Nelson Lasagas; PE.— Voltair V. Asildo, Rhodora V. Peña, Genia V.
Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G.
Crisostomo, Virgina T. Mahinay, Sonny F. Meneses Jr; Health— Rizaldy R.
Cristo, Minerva C. David, Aidena Nuesca, Jennifer E. Quinto, Gezyl G.
Ramos, Emerson O. Sabadlab, pahina 137-139
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, mga larawan

III. Proseso ng Pagkatuto


Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
"Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng
espiritu santo. Amen."

"Panginoon, maraming salamat po sa


ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na
isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa amin
sa pagtatagumpay sa buhay na ito.
Amen."

 Pagbati
"Magandang araw mga bata!"
"Magandang araw din po."
"Kamusta kayong lahat?"
"Mabuti naman po."
"Magaling! Ako ay natutuwa dahil lahat
kayo ay nasa mabuti."

 Pagsasaayos ng Silid
"Mga bata, narito naman ang ilan sa mga
alituntunin na dapat ninyong sundin
habang tayo ay nagsasagawa ng klase."

1. Makinig ng mabuti sa guro.


2. Sumunod sa mga panuto.
3. Panatilihin ang kaayusan at
katahimikan.

"Naunawaan ba ninyo ang mga ito, mga


bata?"
"Opo, nauunawaan po namin."
"Mahusay!"

 Pagtatala ng Liban
"Sekretarya ng klase, sino-sino ang liban
sa araw na ito?"
"Wala pong liban sa araw na ito."
"Maraming Salamat! Ako ay natutuwa
sapagkat lahat kayo ay nakadalo sa ating
klase."

 Pagganyak na Gawain

"Mayroon akong mga kaibigan, nakikilala


ba ninyo kung sino sila?"

"Sila po ay sina Dora at Boots."

"Tama! Sila ay sina Dora at Boots."


"Si Dora ay mayroong problema.
Kailangan niyang maibalik ang hiniram
niyang mga libro bago magsara ang
library."

"Kaya samahan natin sina Dora at Boots


sa paglalakbay patungo sa library."

"Handa na ba kayong maglakbay kasama


sina Dora at Boots?" "Opo."

"Magaling!"

"Narito ang mapa patungo sa library."

"Sa mapa ay makikita natin ang hardin ni


Isa, tulay, chocolate tree, malaking bato
at ang library."

"Ngunit, hindi magiging madali ang ating


paglalakbay dahil sa bawat daaranan
natin ay mayroong mga pagsubok na
kailangang lampasan."
"Opo."
"Handa na ba kayong tulungan sina Dora
at Boots?"

"Mabuti naman! Sina Dora at Boots ay


masaya dahil handa ninyo silang
tulungan."

"Ngayon ay dadako na tayo sa unang


destinasyon. Tayo ay dadaan mula sa
hardin ni Isa."
"Subalit mayroong problema. Upang
makadaan tayo sa hardin ni Isa,
kailangan muna nating buuin ang jigsaw
puzzle na kanyang inihanda."

"Halina at buuin natin ito!"

"Bubuuin ng mga mag-aaral ang


puzzle."

"Magaling! Dahil nabuo ninyo ang jigsaw


puzzle, tayo ay makakadaan na sa hardin
ni Isa."

B. Aktibiti

"Tayo ay dadako na sa pangalawang


destinasyon. Tayo ay dadaan mula sa
isang tulay. Subalit narito si Mr. Grumpy
at mayroon siyang inihandang pagsubok."

"Upang makadaan sina Dora at Boots sa


tulay, kailangan ninyong sagutin ang mga
katanungan ni Mr. Grumpy tungkol sa
larawang ating nabuo kanina."
"Opo, handa na po kaming sagutin ang
"Handa na ba kayong sagutin ang mga mga ito."
katanungan ni Mr. Grumpy?

"Nais itanong ni Mr. Grumpy kung


pamilyar ba kayo sa lugar na ito at kung
nakapunta na kayo rito?"

"Opo, ang nasa larawan po ay ang


Taal Basilica na matatagpuan sa Taal
Batangas."

"Magaling, tama ang inyong kasagutan."

"Pagmasdan ang larawan. Ano-ano ang "Napansin po namin ang malaking


inyong mapapansin?" simbahan ng Taal Basilica, mga puno
at bahay sa likod ng simbahan, at ang
bundok sa malayong bahagi ng
larawan."

"Mahusay! Makikita sa larawan ang


malaking simbahan ng Taal Basilica
gayundin ang mga kabahayan at puno sa
bahaging likod nito at ang bundok sa
malayong tanawin."
"Makikita po sa foreground ang
" Sa inyong palagay, ano ang makikita sa
malaking simbahan ng Taal Basilica."
foreground?"

"Mahusay, tama ang inyong kasagutan."


"Makikita po sa middle ground ang
"Sa middle ground, ano-ano kaya ang
mga kabahayan at puno sa likod ng
inyong makikita?"
simbahan ng Taal."

"Mahusay, tama ang inyong sagot."


"Makikita po sa background ang
"Sa background, ano ang inyong makikita
bundok na nasa malayong tanawin.
o mapapansin?"

"Mahusay! Tama ang inyong mga naging


kasagutan."

"Dahil nasagot ninyo ang lahat ng mga


katanungan ni Mr. Grumpy, makakadaan
na sa tulay sina Dora at Boots."

C. Analisis
" Narito na tayo sa ikatlong destinasyon.
Tayo ay nasa "Puno ng karunungan."

"Upang makalampas sina Dora at Boots


sa Puno ng Karunungan, kailangan nating
makinig ng aralin mula sa isang chocolate
tree."

"Ihanda ninyo ang inyong mga tenga


upang makinig ng bagong aralin gayundin
ang papel at panulat upang isulat ang
mga mahahalagang impormasyon na
dapat ninyong matutunan."

"Handa na ba kayong matuto ng bagong


"Opo, handa na po kaming matuto ng
aralin?"
bagong aralin."

"Sa araw na ito, pag-aaralan natin ang


tungkol sa Aralin 8: Pagguhit ng
Makasaysayang Bahay o Gusali."

"Sa pagguhit, mahalaga ang iba't ibang


uri ng linya at hugis sa pagbuo ng
makakabuluhang larawan. Kailangan ding
tandaan ang paggamit ng foreground,
middle ground, at background."

"Ngunit, ano nga ba ang foreground,


middle ground at background?"

"Ang foreground ay ang unahang bahagi


ng larawan. Malapit ito sa tumitingin kaya
ang mga bagay na nakalagay dito ay
mukhang malaki."

"Paano natin malalaman kung ang isang


bagay sa larawan ay nasa foreground?" "Kapag ang bagay sa larawan ay nasa
unahang bahagi."
"Bakit kaya ang mga bagay na nasa
foreground ay mukhang malaki?" "Malapit ito sa tumitingin kaya ang
mga bagay na nakalagay dito ay
mukhang malaki."

"Mahusay!"

"Ang middle ground ay makikita sa


pagitan ng foreground at background ng
tanawin."

"Paano natin malalaman kung ang isang


bagay sa larawan ay nasa middle
"Malalaman natin na ang mga bagay
ground?
sa isang larawan ay nasa middle
ground kung ito ay makikita sa
pagitan ng foreground at background."

"Ang background naman ay ang


bahaging likuran ng isang larawan."

"Paano naman natin malalaman kung ang


"Malalaman natin na ang isang bagay
mga bagay sa isang larawan ay nasa
ay nasa background kapag ito ay
background ?"
makikita sa bahaging likuran ng isang
larawan."

"Magaling!"

"Sa inyong palagay, magiging maganda


ba ang larawang ating iguguhit kung
walang mga linya at hugis na may "Hindi po. Mahalaga po ang iba't ibang
foreground, background at middle linya at hugis na may foreground,
ground? Bakit?" middle ground at background upang
higit na maging maganda at
makabuluhan ang larawang ating
iguguhit."

"Mahusay!"

"Tandaan, makaguguhit tayo ng isang


larawan ng makasaysayang bahay o
gusali gamit ang iba't ibang linya at hugis
na may foreground, middle ground at
background upang higit na maging
maganda ang ating iginuhit na larawan."
"Opo."
"Naunawaan ba ninyo ang mga ito, mga
bata?"
"Magaling!"

"Natutuwa ang chocolate tree sapagkat


marami kayong natutunan mula sa
kanya."

D. Abstraksyon
"Ngayon ay dadako na tayo sa malaking
bato. Upang makatawid sina Dora at
Boots, kailangan ninyong sagutin ang
mga katanungan."

"Ang foreground ay ang unahang


" Ano-ano ang pagkakaiba ng foreground, bahagi ng larawan. Malapit ito sa
middle ground at background?" tumitingin kaya ang mga bagay na
nakalagay dito ay mukhang malaki."
"Ang middle ground ay makikita sa
pagitan ng foreground at background
ng tanawin." Ang background naman
ay ang bahaging likuran ng isang
larawan."

"Mahusay!"

"Bilang isang mag-aaral, ano ang "Bilang isang mag-aaral, mahalaga na


kalahagahan ng ating naging aralin sa matutunan ang pagguhit ng
inyong buhay?" makasaysayang bahay at gusali gamit
ang foreground, background, at middle
ground dahil maari itong maging gabay
sa pagguhit ng isang makabuluhan at
magandang larawan."

"Magaling!"

"Dahil mayroong kinalaman ang ating


aralin sa mga makasaysayang bahay at
gusali, sa paanong paraan ninyo
"Sa pamamagitan po ng pagpapanatili
maipakikita ang pagpapahalaga sa mga
ng kalinisan ng mga makasaysayang
ito?"
lugar sa tuwing kami ay bibisita o
pupunta rito."
"Mahusay ang inyong mga naging
kasagutan."

"Ngayon ay makakalampas na sina Dora


at Boots sa malaking bato."

E. Aplikasyon
"Unti-unti na nating natatanaw ang library.
Subalit mayroon pang isang problema."

"Narito si Swiper the fox upang mapigilan


sina Dora at Boots na maibalik ang mga
libro."

"Upang mapaalis si Swiper, kailangang


ipamalas ninyo ang inyong angking
kagalingan sa pagguhit ng isang
makasaysayang bahay o gusali gamit
ang foreground, middle ground at
background."

GAWAIN
Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o
Gusali

Mga Kagamitan: krayola, lapis, bond


paper

Pamamaraan:
1. Pumili ka ng isang makasaysayang
bahay o gusali sa inyong probinsiya o
lugar.
2. lguhit ang napiling makasaysayang
bahay o gusal gamit ang iba't ibang uri ng
linya at hugis.
3. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang
iyong disenyo.
4. Gumuhit ng mga bagay na gusto mong
ilagay sa foreground, middle ground, at
background.
5. Lagyan ito ng kulay ot ipaskil sa pisara.

"Opo."

"Mga bata, nauunawaan ba ninyo ang


mga ito?"

"Magaling! Mayroon lamang kayong


limang minuto upang matapos ang
gawain."

(Ipapakita at ilalahad ng mga mag-


aaral ang kanilang mga nilikha)

"Mahusay, maganda ang inyong mga


nilikhang larawan."

"Sa pamamagitan ng inyong tulong, si


Swiper ay napaalis nina Dora at Boots at
nakarating sila sa library sa tamang oras."

"Ngayon ay naibalik na nina Dora ang


mga libro na kanyang hiniram."
"Lubos na nagpapasalamat sa inyo sina
Dora at Boots. Dahil sa inyong nagawang
tulong, nag iwan sila ng isang kahon ng
regalo. Ito ay naglalaman ng mga kendi
at tsokolate."

IV. Pagtataya

Panuto: Unawain at basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang FG kung ang
tinutukoy ng pahayag ay foreground, MG kung ito ay middleground, at BG kung ito ay
background. Isulat ang iyong kasagutan sa patlang bago ang bilang.

_____1. Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito ay mukhang
malaki.

_____2. Ito ay makikita sa pagitan ng foreground.

_____3. Ito ay ang unahang bahagi ng larawan.

_____4. Ito ay ang bahaging likuran ng isang larawan

Susi sa Pagwawasto:

1. FG

2. MG

3. FG

4. BG

V. Takdang Aralin
Gumuhit ng isang larawan gamit ang mga linya at hugis na may foreground,
background at middleground. Kulayan ito at gawin sa isang buong bond paper.

Prepared by:
Ruselle Jane P. Viñas

Checked By:

Josierene V. Abel
Instructor, BEM 114

You might also like