You are on page 1of 8

Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa

College of Teachers Education


BEEd 4C

LESSON PLAN 15
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3
I. Layunin
a. Nalalaman ang mga pangngalan sa pamamagitan ng pagbuo ng picture puzzle.
b. Nakapagbabahagi ng mga halimbawa ng pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar,
pangyayari)
c. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap na may gamit ng pangngalan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pangngalan
Sanggunian: Pivot 4A Learner’s Material Ikalawang Markahan Filipino G3 pahina 5-6
(F3WG-Ia-d-2)
Kagamitang Panturo: picture puzzle (Jose Rizal, Aso, Libro, Paaralan, Bagong Taon),
Sobre, Kwintas (G), Player Tag, Leaderboard, Game Ka Na Ba Chart,
Perang Papel (1,000 – Hindi tunay), Kahon (Tao, Bagay, Hayop, Lugar,
Pangyayari at Pangngalan)

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panalangin
“Tunay namang kay buti ng Panginoon
dahil sa panibagong araw na kanyang
ipinagkaloob sa ating lahat kaya naman
inaanyayahan ko ang lahat na magsitayo para
sa ating panalangin upang magpasalamat sa
ating Diyos sa magandang araw na ito”

(Mananalangin) (Ang lahat ay tatayo at mananalangin)


Pagbati
“Isang mapagpala at magandang umaga sa
inyong lahat mga bata!” “Magandang umaga din po, MABUHAY!”

Pagsasaayos ng silid-aralan
“Bago kayo tuluyang magsiupo ay suriin
muna ang ating kapaligiran, tingnan kung
may makikitang kalat, kung mayroon ay
pulutin ang mga ito at itapon sa tamang
tapunan” (Pupulutin ng mga bata ang anumang kalat
na makikita at itatapon sa tamang tapunan)

“Kung wala na at tapos na ang lahat ay


maaari na kayong magsi-upo”
(Uupo na ang mga bata)

Pagtetsek ng mga liban at hindi liban


“Nais kong tingnan niyo ang inyong mga
katabi, tingnan ang inyong mga nasa kanan,
gayundin ang katabi niyo sa kaliwa, ang tao
sa inyong likuran at unahan at batiin niyo sila (Titingnan ang kanilang mga katabi sa
ng isang magandang umaga” kanan at kaliwa, gayundin ang mga tao sa
unahan at likuran at babati ng magandang
umaga)

“Ayan. May nawawala ba kayong katabi “Wala po”


para sa araw na ito?”
“Magaling! Kumpleto tayo sa araw na ito
at maaari na tayong magsimula sa pag-aaral
natin”

B. Pagsasanay
“Para sa pagsisimula natin sa araw na ito
ay hahatiin ko muna ang klase sa dalawang
(2) pangkat. Ang unang pangkat ay ang
pangkat “MAGALING” at ang ikalawang
pangkat naman ay ang pangkat
“MAHUSAY”. Ang mga mag-aaral na nasa
aking kanan ang siyang magiging
PANGKAT MAGALING at ang mga nasa
kaliwa ko naman ang siyang magiging
PANGKAT MAHUSAY. Mayroon ako
ditong inihandang mga picture puzzle na kung
saan kailangan ninyo itong buuin dahil ito ay
may kaugnayan sa ating magiging talakayan.
Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto upang
buuin ang mga puzzle na ibibigay ko sa inyo
at kapag nabuo na ninyo ang mga ito ay
kailangan ninyong pumalakpak at isigaw ang
pangalan ng inyong pangkat bilang hudyat na “Opo sir”
kayo ay tapos na at ikakapit naman ng isang
miyembro ang nabuo nilang larawan dito sa
unahan. Maliwanag ba sa lahat?”

“Pag isinigaw ko ang salitang MABU!


MABU! MABU? Kailangan niyong isigaw
ang mga salitang HAY! HAY! HAY! “Opo sir”
MABUHAY! Bilang hudyat na handa na
kayo para sa ating gawain. Ayos ba ito sa
lahat?” “HAY! HAY! HAY! MABUHAY!”

“Ayan, praktis muna tayo. MABU!


MABU! MABU?”

“Wow! Mukhang handang handa na nga


kayo kaya naman upang makita kung paano
ito isagawa ay bibigyan ko kayo ng
halimbawa”

(Bubuuin ng guro ang isang picture puzzle,


pagkatapos buuin ay papalakpak at isisigaw “Opo sir”
ang pangalan ng pangkat at ikakapit sa
unahan ang nabuong larawan)
“HAY! HAY! HAY! MABUHAY!”
“Nakuha kung paano ito isasagawa?”

“Wag na nating patagalin. Mga bata (Binubuo ang mga picture puzzle)
MABU! MABU! MABU?”

“Maaari niyo ng simulan ang pagbubuo ng


ating mga picture puzzle”

PICTURE PUZZLE
“Binabati ko kayong lahat dahil nabuo “Opo sir”
ninyo ang mga picture puzzle na ibinigay ko
sa inyo kaya naman para sa inyong premyo ay
may ibibigay ako sa inyo at nais kong itago
ninyo itong mabuti dahil ito ay kakailanganin
natin mamaya, maliwanag ba sa lahat?”

(Ibibigay ang player tag)

C. Balik-Aral
“Bago natin tuluyang tunguhin ang ating
bagong paksang pagtatalakayan sa araw na ito
ay magkakaroon muna tayo ng pagbabalik “Opo sir”
tanaw sa naging talakayan natin tungkol sa
mga salitang magkatugma. May babasahin “HAY! HAY! HAY! MABUHAY!”
ako ditong mga pangungusap at nais kong
sabihin niyo sa akin ang salitang magkatugma
na ginamit sa bawat pangungusap, maliwanag 1. ama – apa
ba sa lahat?”
“MABU! MABU! MABU?” 2. damit – pag-awit

1. Bumili ang aking ama ng madaming apa


para sa sorbetes. 3. kahon – dahoon

2. Maganda ang kanyang damit noong sumali


siya sa paligsahan ng pag-awit. 4. sako – buko

3. Inilagay ko sa isang kahon ang makukulay


na dahon. 5. kahel - papel

4. Nakita ko ang isang malaking sako na puno


ng buko.

5. Nagustuhan ko ang kulay kahel na


eroplanong papel.

“Mahusay mga bata, sa nakikita ko ay


lubusan niyo ng naunawaan ang naging aralin
natin tungkol sa mga salitang magkatugma
kaya naman nais ko kayong batiin sa inyong
ipinakitang kahusayan sa pagtukoy ng mga
salitang magkatugma at bilang premyo ay
tanggapin ninyo ang ibibigay ko sa inyo”

(Ibibigay ang kwintas na may letter G)

D. Pagganyak
“Sa puntong ito mga bata ay nais kong
makinig kayong mabuti sa sasabihin ko.
Kanina ay may natanggap kayong player tag
at ang kwintas na may nakalagay na letrang
G. Nais kong ipaalam sa inyo na kayo ay
magiging kalahok sa magiging laro natin
ngayon na GAME KA NA BA”

“Magandang araw sa inyong lahat,


nakatutok na naman kayo sa larong susubok
sa inyong kaalaman at kahusayan sa pag-iisip,
ako ang inyong nag-iisang gwapitong host sa
araw na ito, ako si Christian Catapang at ito
ang GAME KA NA BA!”

(Tutugtog ang GKNB music) “Game na!”


“Kilalanin na natin ang mga kalahok para
sa araw na ito. (Babanggitin ang pangalan ng
mga estudyante). Sila ay mga mag-aaral mula
sa ikatlong baitang at papatunayan nilang sila
ay mahuhusay at magagaling pagdating sa
pagsagot ng mga katanungan. Kaya naman
wag na nating patagalin. Players! GAME NA
BA KAYO?”

(Ikakapit ang Game Ka Na Ba Chart at


Leaderboard)
TA BAG HAY LUG PANGYA
O AY OP AR YARI
50 50 50 50 50
100 100 100 100 100
150 150 150 150 150

“Para sa larong ito ay makikita niyo ang


ating Game Ka Na Ba Chart. Mayroon tayo
ditong limang (5) kategorya kung saan ito ay
ang tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
Bawat kategorya ay may nakalagay na mga
numero. Sa loob ng bawat numero ay may
mga katanungan at kapag nasagot ninyo ng “Game Na”
tama ang tanong ay makukuha ninyo ang
puntos na katumbas nito. Ang mga kalahok ay
dapat nakalagay ang kanang kamay sa dibdib
at dapat magsabi ng buzz kapag nais sumagot.
Ang kalahok na makakaipon ng maraming
puntos ang siyang aabante sa ating Jackpot
Round at maaaring manalo ng Php 10,000
(perang papel – hindi tunay).”

“Kaya naman players! Game Na Ba


Kayo!?”

(Pipili ng kategorya)

TAO
*50 – Siya ang ating Pambansang Bayani.
*100 – Ano ang tawag sa mga taong
nagtuturo sa paaralan?
*150 – Ano ang kumpleto kong pangalan?

BAGAY
*50 – Isang kahon na naglalaman ng iba’t
ibang kulay.
*100 – Gadget na sikat na sikat sa mga bata.
*150 – Kung ang ama ang haligi ng tahanan,
ang ina naman ang _____ ng tahanan.

HAYOP
*50 – Itinuturing na matalik na kaibigan ng
tao.
*100 – Pambansang hayop ng Pilipinas.
*150 – Tinaguriang hari ng kagubatan.

LUGAR
*50 – Dito tayo pumupunta upang matuto at
magkaroon ng magandang kinabukasan.
*100- Saan matatagpuan ang hayop na dikya
o jellyfish?
*150 – Lugar ng pagsamba o pananalangin.

PANGYAYARI
*50 – Pagdiriwang na nadadagdagan kayo ng
1 taon sa inyong edad.
*100 – Kailan mo maririnig ang maiingay na
paputok at fireworks?
*150 – Araw ng kapanganakan ni Jesus Christ

JACKPOT ROUND
? ? ? ? ? ? ? ? ? ? “Opo”

“Para sa Jackpot Round, kailangan mong


sagutin ng tama ang 10 katanungan para “Game na!”
umuwing panalo at maiuwi mo ang
tumataginting na Php 10, 000.”

“Sa loob ng tatlong minuto ay kailangan


mong masagot ang mga katanungang
babasahin ko sa iyo. Kung hindi ka sigurado
at hindi mo pa alam ang sagot pwede kang
magpass at babalikan natin ito pagkatapos
nating mabasa ang katanungan. Kung sa
tingin mo naman ay sigurado ka na sa sagot
mo ay sasabihin mo ang salitang sure na.
Maliwanag ba?”

“_______________ (Pangalan ng nanalo)


Game Ka Na Ba?”

MGA TANONG
1. Letrang kasunod ng O?
2. Unang letra ng alpabetong Filipino
3. Letra sa pagitan ng M at O.
4. Inisyal na letra ng salitang Gagamba. “PANGNGALAN”
5. Nanay, Nestor, Nike, sang letra ako
nagsisimula?
6. Letra sa pagitan ng F at H “Ang pangngalan po ay tumutukoy sa
7. Ako ang letra bago ang titik B ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
8. Kumpletuhin ang salitang __ anggam. pangyayari”
Anong letra ang kulang sa akin?
9. Ako, Ate, Atis, saang letra ako
nagsisimula?
10. Ako ang ikalabing apat na letra sa
alpabetong Filipino

E. Paglalahad
“Matapos masagot lahat ng katanungan ay
may nabuo tayong isang mahalagang salita at
ito ay ang salitang? Basahin nga ninyong
lahat”

“Mahusay! Ang salitang pangngalan. Ano (Magbibigay ng halimbawa ng ngalan ng


kaya sa tingin niyo ang salitang ito?” tao)

“Magaling! Ang pangngalan mga bata ay


bahagi ng pananalita na kung saan ito ay
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, (Magbibigay ng halimbawa ng ngalan ng
lugar at pangyayari. Ang mga ibinigay niyong bagay)
kasagutan kanina sa laro ay tinatawag nating
pangngalan

PANGNGALAN
TAO – (Dr. Jose P. Rizal, Guro, Christian A.
Catapang) (Magbibigay ng halimbawa ng ngalan ng
hayop)
(Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na magbahagi ng halimbawa ng ngalan
ng tao)
(Magbibigay ng halimbawa ng ngalan ng
BAGAY – (Krayola, Cellphone, Ilaw) lugar)

(Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-


aaral na magbahagi ng halimbawa ng ngalan
ng bagay)

HAYOP – (Aso, Kalabaw, Leon) (Magbibigay ng halimbawa ng ngalan ng


pangyayari)
(Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na magbahagi ng halimbawa ng ngalan “Opo sir”
ng hayop)

LUGAR – (Paaralan, Karagatan, Simbahan) “Tungkol po sa Pangngalan sir”

(Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-


aaral na magbahagi ng halimbawa ng ngalan “Ito po ay tumutukoy sa ngalan ng ttao,
ng lugar) bagay, hayop, lugar at pangyayari”

PANGYAYARI – (Kaarawan, Bagong Taon,


Pasko) “Wala na po sir”

(Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-


aaral na magbahagi ng halimbawa ng ngalan
ng pangyayari)

“Maliwanag ba ito sa lahat?”

Paglalahat
“Tungkol saan nga ang tinalakay natin
ngayong araw?”

“Mahusay! At kapag sinabi nating


pangngalan, ano nga ito?”

“Magaling!”
“May katanungan pa bang nais linawin o
detalyeng nais idagdag?”

Paglalapat
“Opo sir”
Panuto: Ihulog ang mga salita sa wasto
nitong kahon.
“Wala na po sir”

TAO BAGAY HAYOP

PANGYA
LUGAR YARI

Pagpapahalaga
“Mas madali nating matutukoy ang tawag
sa isang bagay kung ito ay may pangalan.
Kagaya na lamang ng pangalan natin.
Masasabi nating mahalaga na may pangalan
tayo upang mas madali tayong makilala ng
iba. Maliwanag ba sa lahat?”

“Katanungang nais linawin o detalyeng


nais idagdag?”

IV. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng limang (5) payak na pangungusap na may gamit ng pangngalan. Isulat ang
sagot sa isang malinis na papel.

V. Takdang-Aralin
Pag-aralan ang tungkol sa uri at kayarian ng pangngalan.

Inihanda ni:
CATAPANG, CHRISTIAN A.
BEEd 4C

You might also like