You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa


Marawoy, Lipa City
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

MASUSING BANGHAY ARALIN SA SINING 3


 Content Standards: The learner demonstrates understanding of lines, texture,
shapes and depth, contrast (size, texture) through drawing.
 Performance Standards: The learner creates an artwork of people in the
province/region. On-the-spot sketching of plants trees, or buildings and
geometric line designs shows a work of art based on close observation of
natural objects in his/her surrounding noting its size, shape and texture.
 Grade Level Standards: The learner has acquired the basic and fundamental
processes through performing, creating, listening and observing, and
responding, towards the development of appreciation of music and art, and
the acquisition of basic knowledge and skills.
I. Layunin
At the end of the lesson, the pupils are able to:
 sketches and colors and view of the province/region with houses and buildings
indicating the foreground, middle ground and background by the size of the
objects A3PR-Ii
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagguhit ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali
Sanggunian: Music, Art, Physical Education and Health Teksbuk sa baitang
tatlo nina Music— Amelia M. Ilagan, Maria Elena D. Digo, Mary Grace V.
Cinco, Fely A. Batiloy, Josepina D. Villareal, Ma. Teresa P. Borbor, Fe V.
Enguero, Josephine Chonie M. Obseñares, Arthur M. Julian; Art— Cynthia T.
Montañez, Adulfo S. Amit, Benjamin M. Castro, Vi-Cherry C. Ledesma, Larry
Canor, Nelson Lasagas; PE.— Voltair V. Asildo, Rhodora V. Peña, Genia V.
Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G.
Crisostomo, Virgina T. Mahinay, Sonny F. Meneses Jr; Health— Rizaldy R.
Cristo, Minerva C. David, Aidena Nuesca, Jennifer E. Quinto, Gezyl G. Ramos,
Emerson O. Sabadlab, pahina 137-139
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, mga larawan
III. Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
"Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng
espiritu santo. Amen."
"Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na
isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa amin
sa pagtatagumpay sa buhay na ito.
Amen."

 Pagbati
"Magandang araw mga bata!"
"Magandang araw din po."
"Kamusta kayong lahat?"
"Mabuti naman po."
"Magaling! Ako ay natutuwa dahil lahat
kayo ay nasa mabuti."

 Pagsasaayos ng Silid
"Mga bata, narito naman ang ilan sa
mga alituntunin na dapat ninyong
sundin habang tayo ay nagsasagawa
ng klase."
1. Makinig ng mabuti sa guro.
2. Sumunod sa mga panuto.
3. Panatilihin ang kaayusan at
katahimikan.
"Naunawaan ba ninyo ang mga ito, mga
bata?"
"Opo, nauunawaan po namin."
"Mahusay!"
 Pagtatala ng Liban
"Sekretarya ng klase, sino-sino ang liban
sa araw na ito?"
"Wala pong liban sa araw na ito."
"Maraming Salamat! Ako ay natutuwa
sapagkat lahat kayo ay nakadalo sa
ating klase."

 Pagganyak na Gawain
"Mayroon akong mga kaibigan,
nakikilala ba ninyo kung sino sila?"
"Sila po ay sina Dora at Boots."
"Tama! Sila ay sina Dora at Boots."
"Si Dora ay mayroong problema.
Kailangan niyang maibalik ang hiniram
niyang mga libro bago magsara ang
library."

"Kaya samahan natin sina Dora at Boots


sa paglalakbay patungo sa library."
"Handa na ba kayong maglakbay
kasama sina Dora at Boots?"
"Magaling!" "Opo."
"Narito ang mapa patungo sa library."

"Sa mapa ay makikita natin ang hardin


ni Isa, tulay, chocolate tree, malaking
bato at ang library."
"Ngunit, hindi magiging madali ang
ating paglalakbay dahil sa bawat
daaranan natin ay mayroong mga
pagsubok na kailangang lampasan."
"Handa na ba kayong tulungan sina
Dora at Boots?"
"Opo."
"Mabuti naman! Sina Dora at Boots ay
masaya dahil handa ninyo silang
tulungan."
"Ngayon ay dadako na tayo sa unang
destinasyon. Tayo ay dadaan mula sa
hardin ni Isa."

"Subalit mayroong problema. Upang


makadaan tayo sa hardin ni Isa,
kailangan muna nating buuin ang
jigsaw puzzle na kanyang inihanda."
"Halina at buuin natin ito!"

"Bubuuin ng mga mag-aaral ang


puzzle."

"Magaling! Dahil nabuo ninyo ang


jigsaw puzzle, tayo ay makakadaan na
sa hardin ni Isa."
B. Aktibiti
"Tayo ay dadako na sa pangalawang
destinasyon. Tayo ay dadaan mula sa
isang tulay. Subalit narito si Mr. Grumpy
at mayroon siyang inihandang
pagsubok."
"Upang makadaan sina Dora at Boots
sa tulay, kailangan ninyong sagutin ang
mga katanungan ni Mr. Grumpy tungkol
sa larawang ating nabuo kanina."
"Handa na ba kayong sagutin ang mga
katanungan ni Mr. Grumpy?
"Opo, handa na po kaming sagutin
ang mga ito."
"Nais itanong ni Mr. Grumpy kung
pamilyar ba kayo sa lugar na ito at kung
nakapunta na kayo rito?"

"Opo, ang nasa larawan po ay ang


Taal Basilica na matatagpuan sa
Taal Batangas."
"Magaling, tama ang inyong
kasagutan."
"Pagmasdan ang larawan. Ano-ano ang
inyong mapapansin?"
"Napansin po namin ang malaking
simbahan ng Taal Basilica, mga puno
at bahay sa likod ng simbahan, at
ang bundok sa malayong bahagi ng
larawan."
"Mahusay! Makikita sa larawan ang
malaking simbahan ng Taal Basilica
gayundin ang mga kabahayan at puno
sa bahaging likod nito at ang bundok sa
malayong tanawin."
" Sa inyong palagay, ano ang makikita
sa foreground?"
"Makikita po sa foreground ang
malaking simbahan ng Taal Basilica."
"Mahusay, tama ang inyong kasagutan."
"Sa middle ground, ano-ano kaya ang
inyong makikita?"
"Makikita po sa middle ground ang
mga kabahayan at puno sa likod ng
simbahan ng Taal."
"Mahusay, tama ang inyong sagot."
"Sa background, ano ang inyong
makikita o mapapansin?"
"Makikita po sa background ang
bundok na nasa malayong tanawin.
"Mahusay! Tama ang inyong mga
naging kasagutan."
"Dahil nasagot ninyo ang lahat ng mga
katanungan ni Mr. Grumpy,
makakadaan na sa tulay sina Dora at
Boots."
C. Analisis
" Narito na tayo sa ikatlong destinasyon.
Tayo ay nasa "Puno ng karunungan."
"Upang makalampas sina Dora at Boots
sa Puno ng Karunungan, kailangan
nating makinig ng aralin mula sa isang
chocolate tree."

"Ihanda ninyo ang inyong mga tenga


upang makinig ng bagong aralin
gayundin ang papel at panulat upang
isulat ang mga mahahalagang
impormasyon na dapat ninyong
matutunan."
"Handa na ba kayong matuto ng
bagong aralin?"
"Opo, handa na po kaming matuto ng
bagong aralin."
"Sa araw na ito, pag-aaralan natin ang
tungkol sa Aralin 8: Pagguhit ng
Makasaysayang Bahay o Gusali."
"Sa pagguhit, mahalaga ang iba't ibang
uri ng linya at hugis sa pagbuo ng
makakabuluhang larawan. Kailangan
ding tandaan ang paggamit ng
foreground, middle ground, at
background."
"Ngunit, ano nga ba ang foreground,
middle ground at background?"
"Ang foreground ay ang unahang
bahagi ng larawan. Malapit ito sa
tumitingin kaya ang mga bagay na
nakalagay dito ay mukhang malaki."
"Paano natin malalaman kung ang
isang bagay sa larawan ay nasa
foreground?"
"Kapag ang bagay sa larawan ay
nasa unahang bahagi."
"Bakit kaya ang mga bagay na nasa
foreground ay mukhang malaki?"
"Malapit ito sa tumitingin kaya ang
mga bagay na nakalagay dito ay
mukhang malaki."
"Mahusay!"
"Ang middle ground ay makikita sa
pagitan ng foreground at background
ng tanawin."
"Paano natin malalaman kung ang
isang bagay sa larawan ay nasa middle
ground?
"Malalaman natin na ang mga bagay
sa isang larawan ay nasa middle
ground kung ito ay makikita sa
pagitan ng foreground at
background."
"Ang background naman ay ang
bahaging likuran ng isang larawan."
"Paano naman natin malalaman kung
ang mga bagay sa isang larawan ay
nasa background ?"
"Malalaman natin na ang isang
bagay ay nasa background kapag
ito ay makikita sa bahaging likuran
ng isang larawan."
"Magaling!"
"Sa inyong palagay, magiging maganda
ba ang larawang ating iguguhit kung
walang mga linya at hugis na may
foreground, background at middle
ground? Bakit?"
"Hindi po. Mahalaga po ang iba't
ibang linya at hugis na may
foreground, middle ground at
background upang higit na maging
maganda at makabuluhan ang
larawang ating iguguhit."
"Mahusay!"
"Tandaan, makaguguhit tayo ng isang
larawan ng makasaysayang bahay o
gusali gamit ang iba't ibang linya at
hugis na may foreground, middle
ground at background upang higit na
maging maganda ang ating iginuhit na
larawan."
"Naunawaan ba ninyo ang mga ito, mga
bata?"
"Opo."
"Magaling!"
"Natutuwa ang chocolate tree sapagkat
marami kayong natutunan mula sa
kanya."
D. Abstraksyon
"Ngayon ay dadako na tayo sa
malaking bato. Upang makatawid sina
Dora at Boots, kailangan ninyong
sagutin ang mga katanungan."

" Ano-ano ang pagkakaiba ng


foreground, middle ground at
background?"
"Ang foreground ay ang unahang
bahagi ng larawan. Malapit ito sa
tumitingin kaya ang mga bagay na
nakalagay dito ay mukhang malaki."
"Ang middle ground ay makikita sa
pagitan ng foreground at
background ng tanawin." Ang
background naman ay ang bahaging
likuran ng isang larawan."
"Mahusay!"
"Bilang isang mag-aaral, ano ang
kalahagahan ng ating naging aralin sa
inyong buhay?" "Bilang isang mag-aaral, mahalaga
na matutunan ang pagguhit ng
makasaysayang bahay at gusali
gamit ang foreground, background,
at middle ground dahil maari itong
maging gabay sa pagguhit ng isang
makabuluhan at magandang
larawan."
"Magaling!"
"Dahil mayroong kinalaman ang ating
aralin sa mga makasaysayang bahay at
gusali, sa paanong paraan ninyo
maipakikita ang pagpapahalaga sa
mga ito?"
"Sa pamamagitan po ng
pagpapanatili ng kalinisan ng mga
makasaysayang lugar sa tuwing
kami ay bibisita o pupunta rito."
"Mahusay ang inyong mga naging
kasagutan."
"Ngayon ay makakalampas na sina
Dora at Boots sa malaking bato."
E. Aplikasyon
"Unti-unti na nating natatanaw ang
library. Subalit mayroon pang isang
problema."

"Narito si Swiper the fox upang


mapigilan sina Dora at Boots na
maibalik ang mga libro."
"Upang mapaalis si Swiper, kailangang
ipamalas ninyo ang inyong angking
kagalingan sa pagguhit ng isang
makasaysayang bahay o gusali gamit
ang foreground, middle ground at
background."
GAWAIN
Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o
Gusali
Mga Kagamitan: krayola, lapis, bond
paper
Pamamaraan:
1. Pumili ka ng isang makasaysayang
bahay o gusali sa inyong probinsiya o
lugar.
2. lguhit ang napiling makasaysayang
bahay o gusal gamit ang iba't ibang uri
ng linya at hugis.
3. Dagdagan ng kakaibang istraktura
ang iyong disenyo.
4. Gumuhit ng mga bagay na gusto
mong ilagay sa foreground, middle
ground, at background.
5. Lagyan ito ng kulay ot ipaskil sa
pisara.

"Mga bata, nauunawaan ba ninyo ang "Opo."


mga ito?"
"Magaling! Mayroon lamang kayong
limang minuto upang matapos ang
gawain."
(Ipapakita at ilalahad ng mga mag-
aaral ang kanilang mga nilikha)

"Mahusay, maganda ang inyong mga


nilikhang larawan."
"Sa pamamagitan ng inyong tulong, si
Swiper ay napaalis nina Dora at Boots
at nakarating sila sa library sa tamang
oras."
"Ngayon ay naibalik na nina Dora ang
mga libro na kanyang hiniram."

"Lubos na nagpapasalamat sa inyo sina


Dora at Boots. Dahil sa inyong
nagawang tulong, nag iwan sila ng
isang kahon ng regalo. Ito ay
naglalaman ng mga kendi at tsokolate."
IV. Pagtataya
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang FG kung ang
tinutukoy ng pahayag ay foreground, MG kung ito ay middleground, at BG kung ito
ay background. Isulat ang iyong kasagutan sa patlang bago ang bilang.

_____1. Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito ay mukhang
malaki.
_____2. Ito ay makikita sa pagitan ng foreground.
_____3. Ito ay ang unahang bahagi ng larawan.
_____4. Ito ay ang bahaging likuran ng isang larawan

Susi sa Pagwawasto:
1. FG
2. MG
3. FG
4. BG

V. Takdang Aralin
Gumuhit ng isang larawan gamit ang mga linya at hugis na may foreground,
background at middleground. Kulayan ito at gawin sa isang buong bond paper.

Prepared by:

Ruselle Jane P. Viñas

Checked By:

Josierene V. Abel
Instructor, BEM 114

You might also like