You are on page 1of 16

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

South La Union Campus


COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Banghay Aralin sa Filipino 8


Petsa/Linggo – Ika- 4 ng Marso, 2024

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa


kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo
sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia.
C. Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto
ng pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, at iba pa.) (F8WG- IIId
e-31)
2. Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa. (F8PT- IIIe-f-31)
3. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw ukol sa kahalagahan ng mga
salitang nagpapahayag ng konsepto ng pananaw mula sa pang-araw-araw
na pamumuhay.
4. Nakasusulat ng mga salitang nagpapahayag ng konsepto ng pananaw
batay sa binasang sanaysay.

II. Nilalaman: Mga Salitang Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw

III. Mga Kagamitang Panturo

A. Sanggunian
Filipino 8 (Kontemporaryong Panitikan tungo sa Kultura at Panitikang
Popular)
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Salitang Nagpapahayag ng Konsepto ng
Pananaw Unang Edisyon, 2021

B. Iba pang kagamitang panturo


1. Laptop at telebisyon
2. Powerpoint presentation
3. Tradisyunal na kagamitan
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

IV. Pamamaraan:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Magandang umaga, Greyd 8! Magandang umaga po, Bb. Stella

Mangyaring ayusin ang mga upuan,


pakipulot ang mga kalat, itago ang mga
kagamitang walang kaugnayan sa ating
asignatura.

Bago natin simulan ang ating talakayan


sa araw na ito, sabay-sabay nating iyuko
ang ating mga ulo at damhin ang
presensya ng ating Panginoon.
Ginoo, maaari bang pumunta ka rito sa
harapan upang pangunahan ang
panalangin? Panginoon, maraming salamat po sa
araw na ito na Inyo pong ipinagkaloob sa
amin. Patawarin po Ninyo kami sa aming
mga pagkakasala, sa isip, sa salita at sa
gawa. Gabayan Niyo po nawa kami sa
araw-araw. Amen!

Pagpalain tayo ng Diyos.


Panatilihing malinis ang inyong
puwesto hanggang matapos ang oras
ng ating talakayan.

May mga lumiban ba sa ating klase


ngayong araw? Wala po, binibini.

May takdang-aralin bang iniwan sa inyo


ang inyong guro kahapon? Opo, binibini.

Maaari bang pakihanda na lamang ito at


sa pagtatapos ng ating klase, ito ay
inyong ipapasa.

Narito naman ang mga paalala na


alituntuning pangklase:

1. Bawal gumamit ng selpon.


DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

2. Magtaas ng kamay kung may nais


sabihin, at upang mabigyang
pagkakataon din ang iba na
makapagbahagi sa klase ay bubunot
tayo sa inyong index card.
3. Ugaliing magsulat sa kuwaderno ng
ating aralin.
4. Bigyan ng “Mahusay clap” ang kamag-
aral na nakasasagot nang tama.
5. Magbibigay ng guro ng “napakahusay
card” sa mga mag-aaral na nagpamalas
ng kahusayan sa pagsagot ng mga
katanungan. Ang bawat “napakahusay
card” ay may katumbas na isang puntos.
Ang may pinakamaraming napakahusay
card ang siyang magkakaroon ng
karampatang premyo at karapat-dapat
na grado.

Naiintindihan ba ang ating alituntunin,


klas? Ngayon ay natitiyak kong handa na Opo, maa’am.
ang bawat isa sa inyo upang matuto muli
ng panibagong aralin sa araw na ito.

A. Pagbabalik-Aral

Bago tayo dumako sa bagong aralin, nais


ko munang malaman kung ano ang inyong
napag-aralan noong nakaraan nating
talakayan? Ma’am ang napag-aralan po natin noong
nakaraan ay ang mga paraan ng
pagpapahayag na kung saan tinalakay
natin ang apat na uri nito at ito ay ang
paglalarawan, paglalahad,
pangangatuwiran at pagsasalaysay po
ma’am.
Mahusay, binibini! Bigyan siya ng
“Mahusay clap”! May napakahusay card
ka.

B. Pagganyak
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Ngayon naman, magkakaroon tayo ng


maikling gawain na makatutulong sa inyo
sa pagtukla ng ating araling tatalakayin.
Handa na ba klas? Opo, maa’am.

Gawain 1: “DUGTUNGAN TAYO!”


Panuto: Sa loob ng mahiwagang kahon.
Pipili ang mag-aaral ng speech balloon at
kung ano ang nakasulat sa loob nito ay
kanila itong durugtangan at ipapahayag.
Ang may pinakamahusay magpamalas ng
kaniyang angking kahusayan ang
mabibigyan ng karampatang puntos.
(Napakahusay Card)

1. Sa aking pananaw, mas


magiging maayos ang
Sa aking pananaw, aming klase kung hindi
________________ namin pinapairal ang
________________ katigasan ng aming mga
_____________.
ulo.

2. Sa kabilang dako, nakikinig


naman ang iba naming
Sa kabilang dako, kaklase kung kaya’t sila ay
_________________ nakakukuha ng mataas na
_________________
marka.
___________.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

3. Ayon sa aming guro, ang


bawat isa sa amin ay may
angking galing at talino
Ayon sa, kaya’t marapat lamang na
_________________ amin itong ibahagi at
_________________ ipagmalaki.
___________.

4. Sang-ayon sa naging
Sang-ayon sa, pagpupulong ang aming
_________________ pangulo at kapwa mag-
_________________ aaral na ipagbawal ang
___________. paggamit ng telepnono sa
oras ng aming klase.

5. Batay sa mga
napagkasunduan ng aming
president at kaklase ay
Batay sa, magkakaroon kami ng
_________________ maayos at epektibong
_________________ pagkatuto.
___________.

Magaling! maraming salamat sa


pagbabahagi ng inyong mga kasagutan,
klas.

C. Paglinang ng Aralin
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Batay sa paunang gawain, ano ang


nahihinuha o ideya ninyo na ating
tatalakayin sa araw na ito? Ma’am mga salita o ekspresyong
nagpapahayag ng pananaw.
Magaling! pag-aaralan natin ang mga
iba’t ibang salita o ekspresyong
nagpapahayag ng pananaw.

Sa pamamagitan ng mga salitang ito mas


napalilinaw ang ating mga mensaheng
nais iparating sa ating mga kausap.

D. Pagtatalakay
Klas, maaari ko bang malaman kung ano
ang sarili niyong pagpapakahulugan sa
Pananaw? Ang pananaw ay ang opinyon, saloobin,
kuro-kuro ng isang tao o grupo ng tao
tungkol sa isang bagay o paksa.
Magaling! ang ating pananaw ay ang
ating opinyon, kuro-kuro mula sa isang
tao, bagay o paksa.
Maaari mo bang basahin nang malakas
ang nasa screen, Ginoo. Ang mga salitang nagpapahayag ng
konsepto ng pananaw ay naghuhudyat
ng mga ekspresyong iniisip, sinasabi o
pinaniniwalaan ng isang tao? Masasabing
ito ay paraan ng pagtanaw ng
manunulat sa kaniyang akda. Sa
pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng
mambabasa ang nilikha ng naglalahad at
ng pangyayaring inilalahad at kung
gaano ang nalalaman ng naglalahad.
Maraming Salamat sa pagbabasa!
Batay sa pagpapakahulugan, ito ay mga
konsepto ng pananaw na kung saan
ginagamit natin upang mas mailahad o
maihayag natin ng mas malinaw ang
ating mga sinasabi at para maiwasan ang
anomang kaguluhan at kalituhan sa
pakikipagtalastasan. Nauunawaan ba
klas? Opo, ma’am.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Narito ang ilang dagdag na kaalaman


upang lubos nating maunawaan kung
ano ang tinatawag na mga Salitang
Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw.
Ginoo, pakibasa nang malakas at klaro
ang nasa screen. 1. May mga ekspresyong nagpapahayag
ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito
ang ayon / batay / para / sang-ayon
sa/kay, ganoon din sa paniniwala /
pananaw / akala ko / ni / ng, at iba pa.
Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang
iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng
isang tao.
Magaling, Binibini. Ang mga salitang ito
gaya ng ayon / batay / para / sang-ayon
sa/kay, ganoon din sa paniniwala /
pananaw / akala ko / ni / ng, at iba pa
ay ginagamit natin upang mas
mabigyang-diin at linaw ang ating
pagpapakahulugan o konsepto sa isang
bagay, tao at sitwasyon. Narito ang mga
halimbawa basahin nang sabay-sabay. • Ayon / Batay / Sang-ayon sa
1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang
Filipino ang pambansang wika at isa sa
mga opisyal na wika ng komunikasyon at
sistema ng edukasyon.

• Sa paniniwala / akala / pananaw/


paningin / tingin / palagay ni / ng
Pangulong Quezon, mas mabuti ang
mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino
kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
Klas, kung ating papansinin ang mga
salitang ito na nagpapahayag ng mga
pananaw mula sa iba’t ibang bagay o
sitwasyon na ating pinapaniwalaan. Ito
ay may malaking gampanin upang
mabatid natin ng wasto at husto ang
bawat pahayag na ating inilalahad.
Nauunawaan ba klas? Opo, ma’am.

Magaling! Ngayon ay magbubunot tayo sa


inyong index card at kung sino ang
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

mabubunot ang magbibigay ng kaniyang


sariling halimbawa. • Inaakala / Pinaniniwalaan /
Iniisip kong hindi makabubuti kanino at
kailanman ang kanilang planong
paghihiganti.
Mahusay, binibini.
Sino pa ang nais magbigay ng kaniyang
halimbawa? • Sa ganang akin / Sa tingin /
akala / palagay ko, wala nang mas
gaganda pa sa lugar na ito.
Mahusay, Ginoo!
Naunawaan na? Inihuhudyat nito ang
mga ekspresyong iniisip, sinasabi o
pinaniniwalaan ng isang tao. Opo, Ma’am.

Dumako na tayo sa pangalawa. Pakibasa


ang nasa screen. 2. May mga ekspresyong
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-
iiba ng paksa at/o pananaw, tulad ng
sumusunod na halimbawa.
Gayonpaman, mapapansing ‘di tulad ng
naunang mga halimbawa na tumitiyak
kung sino ang pinagmumulan ng
pananaw, nagpapahiwatig lamang ng
pangkalahatang pananaw ang
sumusunod na halimbawa:

• Sa isang banda / sa kabilang dako,


mabuti na rin sigurong nangyari iyon
upang matauhan ang mga
nagtutulog-tulugan.
• Samantala, makabubuti sigurong
magpahinga ka muna para makapag-
isip ka nang husto.
Kung mapapansin natin klas na ang mga
konseptong ito ay nagpapahiwatig o
nagbibigay pakahulugan sa
pangkalahatang pananaw at hindi
tumitiyak sa kung saan o sino ang
pinagmulan ng pananaw.

Naiintindihan ba ang mga salitang


nagpapahayag ng konsepto ng pananaw
klas? Opo, ma’am.
May mga katanungan ba mula sa ating
naging talakayan? Wala po, ma’am.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Magaling! Kung gayon ay handa na


kayong sagutin ang ating gawain at
sagutan ang aking mga inihandang
katanungan.

E. Paglalahat
Sa ginawang talakayan, nalaman natin
ang mga salitang nagpapahayag ng
konsepto ng pananaw.
Tingnan natin kung may natutuhan kayo
ukol dito. Narito ang ating gawain upang
makita ko kung talaga nga bang nakinig
kayo! Pabilisang tutukuyin ang mga
sumusunod na katanungan. Ang mga
mananalong kalahok ay
mabibigyan ng karagdagang puntos o
“Napakahusay card”

Gawain 2: “TSEK o EKIS!”


Panuto: Lagyan ng (/) ang pangungusap na
nagsasaad ng konsepto o pananaw at (x)
kung ang pangungusap ay hindi nagsasaad
ng konsepto o pananaw. Pagkatapos ay
sabihin ang ginamit na ekspresyon o salita
kung tsek ang naging kasagutan.

(ekis)
_____1. Pag-isipang mabuti ang mga
bagay bago ito gawin upang maiwasan
ang pagkakamali. (tsek)
___ 2. Sa aking pananaw, ang buhay ay
nakabatay sa mga bagay na iyong
pinipili o pinaniniwalaan.
(ekis)
___ 3. Sino ang dapat sisihin sa mga
kabiguang dumarating sa buhay ng isang
tao?
___ 4. Sa ganang akin, ang lahat ng (tsek)
bagay ay nakaplano sa kamay ng
Panginoon.
___ 5. Ayon sa larawan, tinatanaw na (tsek)
niya ang liwanag ngunit parang may
pumipigil sa kanya upang iwanan ang
nakasanayang lugar.

Mahusay, greyd 8! binabati ko kayo. Ang


may pinakamaraming tamang sagot ang
magkakaroon ng puntos o “Napakahusay
card”.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

F. Paglalapat
Sa ginawang talakayan, nalaman natin
ang mga salitang nagpapahayag ng
konsepto ng papanaw. Tingnan natin
kung may natutuhan at pagpapahalaga
kayo ukol dito.

Gawain 2: “Pananaw mo, Ipahayag


mo!”
Panuto: Sa pamamagitan ng duck race
game mababatid kung sino ang sasagot
sa mga naihandang katanungan. Pumili
ng isang katanungan mula sa envelope
at ibahagi ang ideya o kasagutan sa
klase.

Tanong 1: Sa ating pang-araw araw na


pamumuhay, gaano kahalaga sayo na
maihayag mo ang iyong sariling pananaw? Tanong 1: Para po sa akin na mahalaga
po na maihayag ang ating sariling
pananaw sa maayos at tamang paraan
dahil naniniwala po akong may mga
pagkakataon po na hindi tayo
nakakapagsalita para sa sarili natin
kaya’t kung minsan ay wala nang
naniniwala at kung ano-ano na lamang
ang kanilang iniisip patungkol sa ating
sariling buhay kaya’t marapat po ma’am
na maihayag ang ating mga saloobin at
pananaw nang sa gayon ay mabigyang-
diin at linaw ang mga bagay-bagay at mas
maunawaan ng iba ang ating mga
nadarama at kung saan tayo
nanggagaling at para maiawasan din ang
hindi pagkakaunawaan.
Tanong 2: Magbahagi ng naging sitwasyon
batay sa naging personal na karanasan
mo sa pagpapahayag ng sarili mong
pananaw mula sa mga bagay o
sitwasyong kinaharap mo sa iyong buhay.
Ano ang naging resulta? Noong nagkaroon po kami ng matinding
problema sa buhay na kung saan
pinagsisihan ko po na hindi ko sinabi
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

‘yong mga pananaw o saloobin ko kaya’t


hanggang ngayon ay pinagsisihan ko ng
lubos dahil para po kasi sa akin ako ang
dahilan kung bakit nangyaring maging
broken family kami at pakiramdam ko
kasalanan ko kasi naging duwag akong
ilabas ang mga bagay na gusto kong
marinig nila mula sa akin. Kaya’t ngayon
po ay napagtanto ko po na ‘wag nating
pigilan ang ating sarili upang ipahayag
ang ating mga sariling pananaw basta’t
ito po ay tama at hindi nakasasama.
Napakahusay na kasagutan, binibini.
Klas, bigyan natin siya ng “Mahusay clap”
at magkakaroon ka pa ng “Napakahusay
card”

Mahusay, klas! Maraming salamat sa


inyong naging tugon. Patunay ang mga
naging kasagutan ninyo na kayo’y may
natutuhan at naunawaang lubos ang
ating talakayan.

F. Pagtataya
Gawain 3.1: “Punan mo!”
Panuto: Punan ng angkop na salita o
ekspresyon ang bawat pahayag upang
mabuo ang konsepto ng pananaw sa
bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.

Alinsunod sa Ayon sa
Sa palagay ko Sang-ayon sa
Sa paniniwala ko Sa tingin ko

1. _____ mga eksperto matatagalan


pa bago mawala ang Coronavirus Ayon sa
Disease o ang CoViD-19. Mananatili na
umano ito na walang pinagkaiba sa sakit
na Tuberculosis (TB) at Acquire-
Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
2. _____ kailangan ang pagkakaisa
ng mamamayan upang mapalago at
mapaunlad ang pamumuhay ng Sa palagay ko
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

indibidwal sa isang lipunang


kinagagalawan o kinabibilangan.
3. _____ kahit maraming problema Sa paniniwala ko
sa pamilya, hindi ito ang hadlang upang
makamit niya ang tagumpay sa buhay.
4. _____ dapat din namang apurahin Sa tingin ko
ng mga kinauukulan ang pagtuklas ng
bakuna laban sa COVID-19 para
nakasisigurong ligtas ang sangkatauhan.
5. _____ maraming mag-aaral, ang
tanging makapagpapaunlad sa kanilang Sang-ayon sa
pamumuhay ay ang makapagtapos ng
pag-aaral.

Gawain 3.2: “Matchy-Matchy tayo”


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang angkop
na salita na nagpapahayag ng konsepto
ng pananaw sa bawat pangungusap na
nasa Hanay A. Isulat sa sagutang papel
ang titik at salita ng tamang sagot.

HANAY A
1. _____ mga eksperto, ang pananaw sa Ayon sa
pagiging makabayan, nagbabago sa
paglipas ng panahon.
2. ____ pag-aaral ng UNESCO, isasagawa Batay sa
ang online class sa mga universities,
colleges, at iba pang paaralan bilang
alternatibo sa face-to-face class.
3. “Natitiyak kong magugustuhan ng Sang-ayon kay
mga estudyante ang blended learning
na ipapatupad sa pagbubukas ng klase,
_____ DepEd Secretary Leonor
Briones.”
4. _____ hindi dapat na isisi ng lahat sa Samantala
gobyerno ang sinapit na kasawian ng
marami nating kababayan.
5. _____ makabubuting suriin mo rin ang Sa kabilang dako
iyong sarili, mayroon ka ring
pagkukulang sa paghahanda sa mga 1.
kalamidad. 2. P
o
HANAY B s
A. Ayon sa i
B. Batay sa t
C. Sa kabilang banda i
D. Hinggil kay b
E. Sang-ayon kay o
n
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

F. Samantala g
p
Gawain 4: Hanap-Salita a
Panuto: Punan ang mga patlang ng h
angkop na ekspresyon sa pagpapahayag 3.
ng konsepto ng pananaw upang
makabuo ng mga pangungusap. Hanapin
sa kahon at isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

B L L W A A A P M G
G F K A Y L S A H H
Q G J A O I A N H J
W H H S A Y O N S A
E J G Y A A A N L L
R K F A P A R A S A
T L D T O A G W H N
Y M S A S P H N A O
A N A B A A U I S P
A B P L P N S L C Q
A S L I G G N I H R
B P I L A B A G S A

1. _____ Bombo Radyo News, Ayon sa


nagsisisi na raw si Police Staff Sergeant
Jonel Nuezca sa kaniyang pagpatay sa
mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio
sa Paniqui, Tarlac. Hinggil sa
2. May balak silang maglunsad ng
proyekto _____ drug adiksyon. Batay sa
3. _____ pag-aaral ng mga sikologo,
ang mainam na kagalingan ay
nagmumula sa pamumuhay na may
sapat na balanse sa pagitan ng mga
bagay na nagbibigay sa iyo ng
kasiyahan, mga nakakamit mong
tagumpay at pagiging malapit sa iyong
mga minamahal.
4. Naku! Hindi puwede _____ Labag sa
kalooban ko ang payagan kang lumabas
ng bahay lalo na sa panahon ng
pandemya. Para sa
5. Bibili ako ng mga regalo _____ 4.
mga nasalanta ng bagyo. 5.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

6.
G. Takdang-aralin 7. a
“Pananaw Ko, Mahalaga!” y
Panuto: Basahin ang sanaysay na a
“Medyo Malungkot: Pasko ng mga g
International Students. Pagkatapos, ay 8.
sagutin ang gabay na tanong. Ilagay ang 9.
iyong sagot sa sagutang papel. 10.
11.
12. 3
.
P
o
s
i
t
i
b
o
n
g

V. Remarks/Puna
________________________________________________________________________
__
________________________________________________________________________
__
________________________________________________________________________
__
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

________________________________________________________________________
__
________________________________________________________________________
__

VI. Pagninilay

________________________________________________________________________
__
________________________________________________________________________
__
________________________________________________________________________
__
________________________________________________________________________
__

Inihanda ni:

STELLA MARIE D. BORJA


Gurong Nagsasanay

Inihanda para kay:

Gng. MARY ANN B. LALEO


Suring-Guro
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Tanong 1:
Sa ating pang-araw araw na
pamumuhay, gaano kahalaga
sayo na maihayag mo ang
iyong sariling pananaw?

Tanong 2:
Magbahagi ng naging
sitwasyon batay sa naging
personal na karanasan mo sa
pagpapahayag ng sarili mong
pananaw mula sa mga bagay o
sitwasyong kinaharap mo sa
iyong buhay. Ano ang naging
resulta?

You might also like