You are on page 1of 4

MOTHER TONGUE 2

Q3-MODULE 5

Ang pakikipag-usap sa ibang tao ay nakalilinang ng ating kakayahan sa pakikipagtalastasan. Gumagamit


tayo ng mga salitang angkop sa taong kausap natin.
Ang paggamit ng mga angkop na salita ay nagpapakita ng paggalang. Sinoman ang kausap mo, kasing-edad o
nakatatanda sa iyo ay dapat pumili ng angkop na salitang gagamitin upang magkaroon ng maayos na ugnayan.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang mga angkop na salitang maaari mong magamit sa iba’t ibang sitwasyon
at paksa tulad ng pakikipag-usap sa telepono.

Panuto: Sagutan ang krosword puzzle. Isulat ang tamang sagot sa KWADERNO.

Pababa
1. kabaligtaran ng mali
2. lugar kung saan tinuturuan ng mga magulang ng mabuting asal ang mga anak
3. kasingkahulugan ng ugali, madalas idugtong sa kabutihang-_ _ _ _

Pahalang
4. tawag sa batang gumagamit ng po at opo
5. dapat gawin sa di-tamang gawain
6. po at _ _ _ ang ginagamit sa pakikipag-usap sa nakatatanda
Basahin ang kuwento.
Mensahe ng Pagkakaisa
Ni Essel E. Reyes

Maagang umalis ang Nanay at Tatay ni Rosa papuntang palengke. Naiwan siyang nagwawalis sa
kanilang bakuran nang tumawag sa tarangkahan nila ang kapitan ng kanilang barangay.

Rosa: Magandang umaga po Kapitan.


Kapitan Nelson: Magandang umaga rin Rosa. Nariyan ba ang iyong Nanay at Tatay?
Rosa: Ikinalulungkot ko po pero wala po sila. Pumunta po sila sa palengke. Maaari ko po bang malaman ang
inyong mensahe para sa kanila?
Kapitan Nelson: Pakisabi sa kanila na iniimbitahan ko sila sa Barangay Hall bukas, ikawalo ng umaga.
Magkakaroon kami ng paglulunsad ng programang 4K’s.
Rosa: Ano po ang 4K’s Kapitan?
Kapitan Nelson: Ito ay “Kalinga Ko Kalikasan Ko”, pagpapaganda ng ating barangay sa pamamagitan ng
paglilinis at pagtatanim. Kaya maaari na rin silang magdala ng mga gamit na maaaring magamit bukas.
Rosa: Sige po, makararating po ang inyong mensahe sa aking mga magulang, Kapitan.
Kapitan Nelson: Maraming salamat sa iyo Rosa. Paalam!
Rosa: Wala pong anuman, Kapitan. Paalam po!

Pagdating ng kanyang mga magulang ay agad na nagmano si Rosa at sinabi ang mensahe ni Kapitan Nelson
para sa kanila.

Tatay: Salamat anak, hayaan mo at kami ay makikiisa bukas.


Rosa: Walang anuman po. Maaari po ba akong sumama sa 4K’s?
Nanay at Tatay: Aba! Siyempre naman.
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sa KWADERNO ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang bata sa kuwento?
a. Rica b. Rosa c. Riza d. Rina
2. Ano ang ibig sabihin ng 4K’s?
a. Kalinisan ng Kalikasan Ko
b. Kaibigan Ko Kalikasan Ko
c. Kalikasan Ko Kasama Ko
d. Kalinga Ko Kalikasan Ko
3. Paano naintindihan ni Rosa ang ilang mga bagay na nais niyang maunawaan?
a. nagalit siya c. nagtanong siya
b. umalis siya d. binalewala niya
4. Naihatid niya ba nang tama at maayos ang mensahe sa kaniyang mga magulang?
a. opo c. siguro po
b. hindi po d. ewan ko po
5. Kung ikaw si Rosa, makikiisa ka rin ba sa mga programa ng pamayanan? Bakit?
a. Opo, kapag sinabi ng magulang ko
b. Opo, dahil mahalaga po ang makiisa
c. Hindi po, dahil bata pa ako
d. Hindi po, dahil mahirap iyon

Ang mga magagalang na pananalita tulad ng nakapaloob sa kuwento ay mahalagang matutuhan


mo sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan.
Sa pagtanggap at paghahatid ng mensahe, gumagamit din tayo ng magagalang na pananalita tulad ng
paggamit ng “po at opo” at pagbati ayon sa sitwasyon tulad ng “magandang umaga”, “magandang
tanghali” at “magandang gabi”.
Mahalagang maintindihan ang paksa na hindi malinaw sa iyo upang maihatid mo nang tama ang
mensahe. Maaaring magtanong sa ilang paksa na hindi pamilyar para sa higit mong pagkaunawa.
Ang mga magagalang na pananalitang ito ay maaari mo ring
magamit sa pakikipag-usap sa telepono. Ang mga salitang “salamat”,
“walang anuman” at “paalam” ay magagamit mo sa
pakikipagtalastasan sa sinomang kausap.
Ang paggalang ay hindi lamang maipapakita sa mga matatanda
kundi maging sa kasing-edad mo rin.

Naunawaan mo ba ang ating aralin? Halina at subukan mo itong sagutan.


Panuto: Isulat sa KWADERNO ang tsek () kung ang bawat bata sa larawan ay gumamit ng angkop
na salita sa kanyang kausap at ekis (X) naman kung hindi.
Halina’t umawit naman tayo.
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita mula sa kahon at isulat ito sa KWADERNO
Awitin ito sa tono ng “Are you Sleeping?” Ulit-ulitin ito at lapatan ng kilos upang iyong matandaan.

You might also like