You are on page 1of 37

MTB 2

Q3-WEEK 8- DAY 2
Angkop na Paraan ng
Pakikipag-usap ayon sa
Pakay, Kausap, at Paksa
BALIK-ARAL

Paano tayo nakikipag-


usap sa mga
nakatatanda?
PAGGANYAK

Sino-sino ang madalas mong


kausap? Bakit mo ito
ginagawa at ano ang
madalas ninyong pag-
usapan?
PAGLALAHAD

Magandang
umaga po, Bb.
Reyes.
PAGLALAHAD

Magandang umaga din


naman sa inyo, Sandra at
Alex. Ano ang inyong
pakay at naririto kayo?
PAGLALAHAD

Kami po sana ay magtatanong


tungkol sa gaganaping Buwan ng
Wika. Maaari po ba kaming
magpalista ng aming pangalan
para sa mga sasali ng
patimpalak?
PAGLALAHAD

Opo naman,
pwedeng pwede
ano ba ang
inyong
sasalihan?
PAGLALAHAD

Nais ko po
sanang sumali sa
pag-awit.
PAGLALAHAD

Ako naman po ay
sa pagtula.
PAGLALAHAD

Maganda ang inyong mga


napili upang maipakita at
maipagmalaki ninyo ang
inyong mga talento. Oh!
Sige, mag-ensayo kayong
mabuti para sa darating na
pagdiriwang.
PAGLALAHAD

Opo, maraming
salamat po.
PAGLALAHAD

Naibahagi ba ng maayos ang


pakay ng dalawang mag-
aaral?
PAGLALAHAD

Sa paanong paraan
nakikipag-usap sina Alex at
Sandra?
PAGTALAKAY SA ARALIN

Ang pakikipag-usap ay paraan


ng paghahatid at pagtanggap ng
mensahe. Ito ay maaaring
pasalita, pasulat o sa paraang
kilos.
PAGTALAKAY SA ARALIN

Mahalaga ang pakikipag-


ugnayan sa kapwa. Ang
pakikipag-usap ay susi sa
pagkakaunawaan.
PAGTALAKAY SA ARALIN

Sa pagpaparating mo sa
kapwa ng iyong naiisip o nais
sabihin, magiging malinaw ang
mensahe. Magkakaroon kayo
nang maayos na pagsasamahan.
PAGTALAKAY SA ARALIN

Iba’t ibang uri ng tao ang iyong nakakausap. Ilan


sa mga ito ay ang sumusunod:
PAGTALAKAY SA ARALIN

Nakilala mo ba kung sino-sino sila?


PAGTALAKAY SA ARALIN

Sila ang iyong nanay, tatay, kapatid, guro, taong


may kapansanan, namamalimos, kaibigan, at
kamag-aral.
PAGTALAKAY SA ARALIN

Paano ka nga ba nakikipag-usap sa kanila?


PAGTALAKAY SA ARALIN
PAGTALAKAY SA ARALIN
PAGTALAKAY SA ARALIN

-Nagbabago rin ang nabanggit depende sa


paksang pinag-uusapan.
-Halimbawa, kung ang usapan ay tungkol
sa mga aralin na itinuturo ng guro o
magulang.
-Mas pormal ang paraang ginagamit. Kung
tungkol naman sa mga hiig ang pinag-
uusapan, malamang na masaya kayong
nagbibiruan.
PAGPAPAUNLAD

Pangkat 1:

Isasadula ang pag-uusap ng


pamilya tungkol sa gawaing
bahay.
PAGPAPAUNLAD

Pangkat 2:

Isasadula ang pag-uusap ng


guro at ng mga mag-aaral
tungkol sa proyekto.
PAGPAPAUNLAD

Pangkat 3:

Isasadula ang pag-uusap ng


magkakaibigan tungkol sa
pagpaplano para sa darating na
bakasyon.
PAGLALAPAT

Lagyan ng tsek (✓) kung ang


pahayag ay isa sa mga layunin
ng pakikipag-usap. Lagyan
naman ng ekis (X) kung hindi..
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
PAGLALAPAT

_______ 1. Magbigay ng impormasyon o


magbahagi ng kaalaman.
_______ 2. Makahanap ng kakwentuhan
upang pag-usapan ang ibang tao.
_______ 3. Magbigay ng maling
impormasyon sa kausap.
_______ 4. Mangalap ng impormasyon o
magkaroon ng bagong kaalaman.
_______ 5. Mangalap ng kaalaman tungkol sa
isang tao at ipagkalat sa ibang tao.
PAGLALAHAT

Ang pakikipag-usap ay paraan


ng paghahatid at pagtanggap ng
mensahe. Ito ay
maaaring pasalita, pasulat o sa
paraang kilos.
PAGTATAYA

Piliin ang titik ng wastong sagot.


1. Nais mong malaman ang mensahe ng tito mong
naghahanap sa iyong tatay. Ano
ang iyong itatanong?

a.Bakit mo siya kailangan?


b.Ano ang sasabihin mo sa kanya?
c.Maaari ko po bang malaman ang inyong
mensahe sa aking tatay?
PAGTATAYA

Piliin ang titik ng wastong sagot.


2. Tumunog ang inyong telepono. Paano mo ito
sasagutin?

a.Hello! Sino ka!


b.Hello po! Magandang araw po. Sino po sila
c.Bakit ka tumawag!
PAGTATAYA

Piliin ang titik ng wastong sagot.


3. Ano ang iyong sasabihin kapag wala ang
taong nais kausapin ng taong naghahanap?

a.Ikinalulungkot ko po, wala po siya dito.


b.Umalis siya.
c.Bumalik ka na lang.
PAGTATAYA

Piliin ang titik ng wastong sagot.


4. Ano ang sasabihin mo pagkatapos mong
makuha ang mensahe?

a.Okey!
b. Paumanhin po.
c. Maraming salamat po.
PAGTATAYA

Piliin ang titik ng wastong sagot.


5. Bilang pangwakas o panapos sa iyong
pakikipag-usap, ano ang sasabihin mo?

a. Sa uulitin!
b. Kumusta ka!
c. Sige!
TAKDANG ARALIN

Isulat ang ilang pag-uusap ninyo


sa bahay na nagpapakita ng
wastong paraan ng pakikipag-
usap.

You might also like