You are on page 1of 3

2

Ang panukalang batas na ito ay isang paraan upang mas maunawaan ng mga

nanay-titser na mas natututo ang mga bata kapag sila ay nariyan upang sumuporta at

gumabay sa kanila, tumutulong upang mas mapayabong pa ang kaalaman ng mga bata.

Ang riserts na ito ay naglalaman ng mga bagay-bagay na tumatalakay sa kung

papaano ginagampanan ng isang nanay-titser ang kanyang tungkulin sa pag-aaral ng

mga bata. Pagpapahalaga at pagmamahal ang kailangan upang ang samahan ng bawat

isa ay maganda, sa mga bata nag-uumpisa ang lahat. Sa akademikong performans ng

mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng San Jose dito nakabatay ang pagkaepektibo

ng pagkakaroon ng nanay-titser sa pag-aaral ng mga bata.

Ang unang guro ay ang “nanay” at ang unang eskwelahan ay ang ating bahay.

Dito natin mas nakikilala ang mga bata at nadedebelop ang kanilang mga pag-uugali.

Paglalahad ng Suliranin

Ang riserts na ito ay isinagawa upang matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Tukuyin kung ilan sa mga mag-aaral na mayroon at walang mga nanay-

titser.

2. Ano-ano ang ginagawa ng nanay-titser para makatulong sa Akademikong

Performans ng mga mag-aaral?

3. Ano-ano ang akademikong performans ng mga mag-aaral?

4. Mayroon bang pagkakaiba sa akademikong performans ng mga mag-aaral

na mayroong nanay-titser at walang nanay-titser?


3

5. May mahalaga bang epekto ang ginagawa ng nanay-titser at ang

akademikong performans ng mga mag-aaral?

Layunin ng Riserts

Ang layunin ng riserts na ito ay upang sagutin ang mga suliraning nakalahad:

1. matukoy kung ilan ang mga mag-aaral na mayroong nanay-titser;

2. malaman ang mga ginagawa ng nanay-titser para makatulong sa Akademikong

Performans ng mga mag-aaral;

3. malaman ang akademikong performans ng mga mag-aaral.

4. matukoy ang pagkakaiba sa akademikong performans ng mga mag-aaral na

mayroong nanay-titser at walang nanay-titser.

5. malaman ang mahalagang epekto ng ginagawa ng nanay-titser at ang

akademikong performans ng mga mag-aaral.


4

Kahalagahan ng Riserts

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa:

Mga Anak. Ito’y maging repleksyon upang matuto at sumunod sa mga magulang

at guro, maunawaan ang tama sa maling gawain.

Mga Magulang. Upang magkaroon ng kaalaman ukol sa edukasyon ng mga

bata tungo sa tamang pag-aaruga, maunawaan at magkaroon ng malalim na ugnayan

sa pagitan ng magulang at guro.

Mga Mag-Aaral. Mapalawak pa ang kanilang pag-unawa at malaman ang

kahalagahan ng pamilya.

Mga Titser. Magkaroon ng malawak pang obserbasyon sa mga batang kanilang

hinahawakan dahil sila ang pangalawang ina ng mga bata sa paaralan na itinuturing na

pangalawang tahanan.

Mga Risertser. Magsisilbing sandigan o batayan ng mga susunod pang risertser

na may kaugnayan sa gagawin niyang pag-aaral.

You might also like