You are on page 1of 2

“Edukasyon ay Ginto”

Ang edukasyon ay isang kayamanang hinding hindi mananakaw o makukuha saatin


kailanman. Ito ay importante sa bawat tao sa bawat sulok ng mundo dahil halos dito
umiikot ang takbo ng ating buhay. Napakaraming mga tao lalo na’t mga kabataan sa
ating henerasyon ang hindi nabibigyan ng pagkakataon upang sila ay makapag aral
dahil sila ay kapos sa buhay. Wala silang ibang magagawa kundi magtarabaho na
lamang agad upang makatulong sakanilang mga pamilya at kakalimutan ang
pangarap na gusto nilang matupad. Kaya’t kailangan nating mapagtanto na sobrang
halaga ng pag aaral sa ating buhay at wag natin sayangin ang pagkakataon na
ipinagkaloob saatin upag matuto. 

Sa labing dalawang taon na ginugol ko sa pag aaral, masasabi ko na napakarami


kong natutunan hindi lamang sa akademiko kundi pati na rin sa buhay. Sa paaralan
ko mas nakita kung ano ba talaga ako bilang isang tao. Napakaraming karanasan
ang nagmulat saakin sa realidad ng buhay. Tandang tanda ko pa nung ako ay nasa
elementarya, hindi ko masyado iniisip ang aking pag aaral. Nakatutok sa paglalaro at
pagliwaliw ang aking pag iisip sa ganon na edad. Bilang nag aaral sa isang
pribadong paaralan ay isang malaking karangalan dahil nagsusumikap na
magtrabaho ang aking mga magulang upang makapasok lang ako sa isang
prestihiyosong Unibersidad. Nung akoý tumatanda na, dun ko na napagtanto kung
gaano dapat pahalagahan ang Pag aaral hindi lamang dahi napakalaki ang pera na
gagastusin kundi pati na rin dahil ito ay ang pundasyon ng ating buhay. Doon ko
naisip na kailangan kong magsumikap at mag aral ng mabuti para mabayaran ko
lahat ng sakripisyo sa akin ng aking mga magulang. Para kung akoý nakahanap na
ng trabaho ay hindi na nila kailangang maghirap na magtrabaho para sa akin. Iyon
yung natatanging karanasan ko na dahil sa mga mababang marka ko nung
elementarya ay mas nagsumikap ako nung akoý tumungtong sa Junior High at
Senior High School dahil ngayon naiintindihan ko na kung gaano kahirap ang buhay
at minulat na ako ng karanasan na ito sa realidad.

Ika nga nila, ang kabataan ang pag asa ng bayan. Kaya’t dapat nating pahalagahan
ang pag aaral. Magsumikap at abutin natin ang ating mga pangarap upang maka
tulong sa bayan at higit sa lahat, saating pamilya. 
PLESING
Nina:Eloisa Coronacion at Raquel Sanchez

“Umabsent ka na naman”, “Bakit wala ka kahapon?”


Ilan lamang iyan sa mga tanong na lumalabas sa bibig ng mga guro sa tuwing
lumiliban sa klase ang kanilang mag- aaral. Pero ano nga ba ang ugat ng kanilang
madalas na pagliban?

Sa tuwing sasapit ang panahon ng amihanin, pabawas nang pabawas ang bilang ng
mga mag- aaral na pumapasok. Dahil ba ang mga kabataan ang asin ng sanlibutan
kaya sa tuwing nagtatag- ulan ay natutunaw ang mga bata? O dahil kumukulo ang
dagat na nagiging dahilan ng pagkulo rin ng kanilang mga tiyan?

Matapos man ang amihanin marami pa ring kabataan ang hindi nakababalik sa
paaralan, dahil sa mga bangkang paparating, sa mga palakaya na may kargang
tone- toneladang mga isda na hinuli ng mga nangigisda sa laot na kanilang tanging
alam at kinagisnang hanapbuhay. Ang mga batang dapat ay nasa silong ng
paaralan ay matamang naghihintay sa pagdaong ng bangka, upang
makapamlesing. Plesing, ito ang nakitang paraan ng mga batang kapos at hindi
kayang tugunan ng mga magulang ang mga pangangailangan sa paaralan, upang
mairaos nila ang kanilang pantawid- gutom at pambaon na rin sa eskwelahan.
Kahit malamig ang tubig ng dagat ay tinitiis nila ito,nagkukunwaring
nagtatampisaw o naliligo sa dagat. Sinasalubong at inaabangan ang pagbagsak ng
styro foam na puno ng isda, at habang abala ang mga naghuhurnal ay patago
silang kumukuha o nabawas sa pangarga nito. Kapag nakadiskarte na ay babalik na
sila sa pampang at diretso na sa bagsakan o pagbenta ng mga naplesing na isda.
Makakauwi na sila sa kanilang
tahanan, may pambili na sila ng kanilang pagkain,may pambaon na rin sila
patungong eskwelahan.

Hindi man nila makompleto ang pagpasok sa paaralan, alam nilang sila’y
makakaraos din. Matatapos din nila ang kanilang pag-aaral, yun nga laang mababa
ang makukuha nilang marka. Kung minsan pa’y ito rin ang nagiging sanhi nang
tuluyan nilang pagtigil o paghinto sa pag-aaral.

Nawiwili silang mamlesing hanggang sa hindi nila namalayan na nakalipas na pala


ang buong taon na dapat ay nararanasan nilang mamuhay nang maayos, mga
batang may sapat na kaalaman, mga batang nakauniporme, may hawak na panulat
at papel, nagbabasa ng libro at nakupo sa loob ng silid-aralan.

You might also like