You are on page 1of 1

Pitogo Community High School

Brgy. Dulong Bayan Pitogo, Quezon

Marianne Andrea H. Leonsame Nobyembre 10, 2022


Baitang 7 – Chastity Bb. Diosa P. Olase

REPLEKSYON NG NATUTUHAN SA FILIPINO


(Unang Markahan)

Para sa akin ang asignaturang Filipino ay parang napakadali noong ako’y nasa
elementarya pa lamang, ngayong nasa hayskul na ako ay parang nahihirapan na ako dahil sa
mga wikang kung minsa’y hindi ko maintindihan bukod dito ay isa pang dahilan kung bakit
nahihirapan ako ngayon sa asignaturang ito sapagkat hindi pa ganoon kataas o napauunlad
ang aking tiwala sa sarili na siyang isa sa mga kinakailangan para magtagumpay sa
asignaturang ito.

Gayunpaman sa kasalukuyan ay nakatutulong sa akin ang aking guro sa Filipino para


unti-unti ay maunawaan ko ito. Sa tulong ni Bb. Diosa P. Olase, guro ko sa Filipino ay
nadaragdagan ang aking kaalaman sa wika at panitikan. Ang aking natutunan sa unang
markahan ay ang iba’t ibang uri ng panitikan gaya ng awit, tula, epiko, pabula, nobela, dula,
kwentong-bayan, maikling-kwento mayroon pa akong mga natutunan isa pa rito ang
paggawa ng brochure, pagbuo ng mga taglines at ilang impormasyon tungkol sa
pananaliksik. Ayon sa aming pinag-aralan ang pananaliksik o imbestigasyon ay ang
sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari at iba pa

Ang mga natutuhan ko ngayon ay maaari ko din maibahagi sa aking mga kapatid o sa
ibang mga batang kailangan din ito isa pa ay maaaring ko din itong magamit kung may isang
taong magtatanong paano ko ba ito gagawin o paano ko ba mahanap ito paano ba
manaliksik maaari ko sa kanya mapaliwanag kung paaano o ano ba ito. Sana ay sa mga
susunod pang markahan mas madagdagan pa ang aking alam sa tulong ng aking guro.

You might also like