You are on page 1of 1

1. Matulungin na bata si Gabriel.

2. Ang mga bata ay hindi pinapayagan lumabas ng bahay.


3. Sina Lolo at Lola ay bibisita sa bahay sa darating na Linggo.
4. Si Lesley ay isang matalino at masipag na mag-aaral.
5. Ang pagsisinungaling ay hindi mabuting gawain.

A. Piliin ang titik ng tamang sagot na naglalarawan sa mga salita o pariralang may salungguhit bilang
pampalawak ng pangungusap.

1. Maraming kabataan ang nasasangkot sa droga dahil sila ay nagkukulang sa gabay ng kanilang mga
magulang.
a. komplemento/kaganapan(sanhi) c. atribusyon o modipikasyon

2. Sinikap ni Anna na makapagtapos ng pag-aaral upang maiahon niya sa hirap ang kaniyang pamilya.

a. komplemento/kaganapan(tagatanggap) b. komplemento/kaganapan (layon)


c. komplemento/Kaganapan (tagaganap) d. komplemento/Kaganapan (kagamitan)

3. Si Amelie ay naging biktima lamang ng mapaniil na pamahalaan.


a. komplemento/kaganapan (layon) b. pang-abay
c. ingklitik d. komplemento/kaganapan (sanhi)

4. Inayos ng mga tao ang nasalantang paaralan sa kanilang lugar nang dumating ang malakas na
bagyo.
a. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari b. pang-abay
c. komplemento/kaganapan (ganapan) d. pariralang Lokatibo o Panlunan

5. Namitas ng bayabas sila Juan at Jojo para sa kanilang mga magulang.


a. komplemento/kaganapan(layon) b. komplemento/kaganapan (tagatanggap)
c. komplemento/Kaganapan (tagaganap) d. komplemento/Kaganapan (sanhi)

B. Salungguhitan ang mga salitang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Gawing gabay ang
ginamit na pampalawak sa loob ng panaklong.

6. Dumito ka muna habang nakalockdown pa sa Maynila. (paningit/ingklitik)


7. Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng Berlin Wall. (pang-abay)
8. Tuwing araw ng Linggo, ang buong pamilya ni Joseph ay pumupunta sa Dipolog City boulevard
upang masulit ang araw na sila ay magkakasama. (komplemento/kaganapan – direksyunal)
9. Tumakbo si Allen papasok sa paaralan dahil siya ay mahuhuli na sa kanyang klase.
(komplemento/kaganapan – direksyunal)
10. Nakaalis na pala. Hintayin na lang natin. (paningit/ingklitik)

You might also like