You are on page 1of 1

Mga napapanahong isyu

1. Sa kasalukuyan, tayo ay nasa isang unitary form of government, kung saan ang
kapangrahiyan ay nakatutok lamang sa sentrelisadong pamahalaan. Sa uri ng gobyernong
ito, ang lahat ng pondo ng bansa ay napapapunta sa sentralasadong pamahalaan at
ipinamamahagi sa iba’t ibang rehiyon batay sa nakatakdang halaga.
Ang federalismo ay isang uri ng sistema ng pamahalan na kung saan ang isang bansa ay
mahahati sa estado o rehiyon, at ang bawat estado naman ay magkakaron ng kalayaan para
magkaroon ng sariling pamahalan. Sa madaling salita, ito ay sistema ng pamahalan kung
saan mas naibabahagi ang kapangyarihan, pondo at programa sa pamahalaang panrehiyon
at panlokal.

Tanong: Sang-ayon ka ba na gawing federalismo ang uri ng pamahalaan ng ating bansa? Oo o


Hindi

2. Kamakailan naglabas ng kautusan ang Kagawaran ng Edukasyon tungkol sa muling


pagbibigay-diin sa pantay na pagbibigay edukasyon sa lahat. Kasama na dito ang mga nasa
ikatlong kasariang komunidad nang walang diskriminasyon. Ngayon sang-ayon ka ba na
hayaan o payagan ang mga nasa ikatlong kasarian na maging sila o gawin ang mga bagay na
nakabatay sa kanilang piniling kasarian sa loob ng paaralan, partikular sa pagpapagupit,
kasuotan, at katawagan? Oo o Hindi Bakit.

3. Ibinalita sa Telebisyon na ang mga magsasaka ay nahihirapan sa sector ng agrikultura dahil


halos hindi na maibenta ang mga pananim nito. Ang iba ay itinatapon o ginagawang pataba
na lang ang mga ani. Ayon sa kalihim ng kagawaran ng agrikultura may kasalanan ang mga
magsasaka dahil hindi umano ng mga ito tinatansya ang panahon ng pagtatanim. Sang-ayon
ka ba dito? Oo o Hindi bakit.

4. Isa sa mga itinuturo sa paaralan ay disiplina. Ang pagsunod sa alituntunin ay simbolo ng


pagiging mabuting mag-aaral. Ipagpalagay na walang kautusan ang kagawarang edukasyon
na huwag na munang iprayoridad ang uniporme. Marapat bang magsuot ng tamang
uniporme nang may ID ang mga mag-aaral kapag pumapasok sa paaralan? Oo o Hindi.

5. Halos 2 taon din tayong pinahirapan ng pandemya kung lahat tayo tatanungin malamang
lahat tayo ay ayaw nang maulit ang mga nangyari. Bilang pag-iingat, sa kasalukuyan ba’y
marapat pa nating sundin ang mga health protocols na pinapatupad ng IATF kagaya ng social
distancing at palagiang pagsusuot ng facemask? Oo o Hindi.

6.

You might also like