You are on page 1of 2

PANGWAKAS NA PAGTATAYA PARA SA ARALIN 1.

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat
sa sagutang papel.
A. Tauhang Lapad B. Kuwentong-bayan C. Protagonista D. Antagonista E. Tauhang Bilog
1. Sila ang lumilikha ng hakbang upang hindi magtagumpay ang pangunahing tauhan.
2. Ito ay mga salaysay na likhang-isip lamang. Lumaganap at nagpasalin-salin ang mga ito sa
iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila.
3. Sila ay hindi nagbabago ang katauhan mula simula hanggang magwakas.
4. Sila ang mga pangunahing tauhan sa isang paksa.
5. Sila ay nagbabago ang katauhan mula simula hanggang magwakas.

II. Panuto: Piliin sa pangungusap ang ginamit na pahayag/salita na nagbibigay patunay. Isulat sa
sagutang papel.
1. Tunay ngang nakababahala ang naganap na pagsabog sa isang kilalang mall ng bansa.
2. Talagang ang laki ng pagbabago ng kapaligiran sa pagpapalit ng pinuno ng pamahalaan.
3. Sadyang nakatutuwa ang mga gawaing inihanda ng mga mag-aaral kahapon.
4. Totoong dapat ipagmalaki ang kabayanihang ipinakikita ng bawat OFW.
5. Karapat-dapat na paghandaan ang bawat araw na lumilipas sapagkat hindi na ito maibabalik
muli.
6. Tunangn gang nakalulungkot ang mag-isa gaya ng naranasan ni Ina nang ang kaniyang mga
anak ay umalis na sa kaniyang piling.
7. Talagang nakababahala ang lagay ni Ina kahit pa makalabas siya ng ospital ngayon sapagkat
matanda na siya.
8. Sadyang hindi maipinta ang lungkot sa mukha ni Ina sapagkat tila nakalimutan na siya ng
kaniyang mga anak.
9. Totoong dapat nating pahalagahan ang ating magulang dahil sila ang nagbigay-buhay sa atin.
10. Sadyang nakapanlulumo kapag may sakit ang iyong ina.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA PARA SA ARALIN 1.2


I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat
sa sagutang papel.
A. Stick Puppet B. Puppeteer C. Shadow Puppet
D. Aesop E. Stick Puppet D. Shadow Puppet F. Puppet Pangkamay
1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang gumagamit ng mga hayop bilang tauhan?
2. Sino ang ama ng pabula?
3. Sila ang mga gumagalaw at nagsasalita na mga actor na sadyang nakatago mula sa paningin
ng mga manonood.
4. Ito ay maaaring yar isa papel o tela.
5. Ito ay isang uri ng pagtatanghal sa entablado sa pamamagitan ng pagpapagalaw sa mga
bagay na waring may buhay.
6. Pinagagalaw ang kamay sa pamamagitan ng nakadugtong na patpat o alambreng matigas.
7. Ito ay puppet na nasa likod ng telon na ang nakikita ay anino lamang.

II. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang tsek (/) kung ito ay
nagpapahayag ng posibilidad at ekis (x) naman kung hindi.
1. Umuulan ng malakas, marahil ay may bagyo.
2. Dahil sa pagbabago ng klima, maraming sakahan ang hindi na napakinabangan.
3. Maaari bang humingi ng tulong?
4. Posibleng yumaman ang taong may lakas ng loob na magtayo ng Negosyo.
5. Tumakbo siyang parang kuneho.
6. Siguro ay parating na ang aking hinihintay na padala.
7. Posibleng manatili ka sa trabaho kung pagbubutihin mo.
8. Pwede nang makatanggap ng pension ang mga nagsipagretiro na.
9. Marahil ay nagsisi din siya sa kanyang ginawa.
10. Maagang natapos ang palatuntunan sa paaralan.
11. Posibleng manatili ka sa trabaho kung pagbubutihin mo.
12. Mataas ang nakuhang grado ni Juan sa pagsusulit.
13. Tumunog na ang bell, sa palagay ko ay mag-uuwian na ang mga mag-aaral.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA PARA SA ARALIN 1.3


I. Panuto: Pagtukoy sa sanhi at bunga. Suriin ang nakabold na grupo ng mga salita. Isulat kung ito
ay sanhi o bunga.
1. Nakamit ni CJ ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at taus-puso ang
kanyang pag-awit.
2. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang ga hayop sa gubat kaya nasa panganib ang
buhay nila.
3. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya’t lumikas na ang mga tao mula sa
kanilang mga bahay.
4. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagka’t nais nilang masorpresa si Nanay
sa kanyang kaarawan.
5. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kaniyang kaibigan, nasaulo
niya ito.
6. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan magmaneho pauwi.
7. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.
8. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa tanong ng guro.
9. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong sapatos si tatay.
10. Sapagka’t hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.
11. Parating na ang trak ng mga basurero kung kaya’t inilabas n ani Noel ang mga bag ng
basura.
12. Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil naisa niyang bigyan ng magandang kinabukasan
ang kanyang mga anak.
13. Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya agad
namukhaan.
14. Lumubog ang malaking barko sapagka’t ang bilang ng mga pasahero ay labis sa kapasidad
nito.
15. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskwela sina Jun at Erica kasi malapit na ang
pasukan.
16. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain.
17. Uhawn a uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig.
18. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol.
19. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka’t nahimatay siya sa pagod.
20. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.

You might also like