You are on page 1of 3

PRETEST FOR GRADE 5

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Ibigay ang kahulugan ng mga 'di pamilyar na salita'  ayon sa pangungusap. Isulat ang tiktik ng tamang sagot.

1. Alipugha
Halimbawa: Siya ay tinuring ng kanyang mga magulang na tila isang prinsesa kaya't siya ay lumaking alipugha.

a. isang magalang taob. isang iresponsableng tao c. isang mabait na tao

2. Talipandas
Halimbawa: Si Aling Terry ay tinuring ni Mang Badong na parang isa tunay na kapatid ngunit dahil siya ay
talipandas, hindi niya ito pinahalagahan.

a.mapagmahal na anak b.kapatid c. Makapal ang mukha

3. Piging
Halimbawa: Siya ay nasasabik na dumalo sa piging sapagkat kaarawan ng kanyang iniirog. 

a.mapagmahal na anak b.isang uri ng ugali c. isang uri ng handaan.

4. Miktinig
Halimbawa: Nag-iisa lamang ang miktinig ng karaoke kaya't kami ay nag-uunahan sa paggamit nito upang
kumanta.

a. mikropono o 'microphone' sa igles b.pamalo c. libro

5. Pang-ulong hatinig
Halimbawa: Si Marco ay mahilig makinig ng musika kaya't lagi niyang gamit ang pang-ulong hatinig.

a. mikropono o 'microphone' sa igles b.ito ay cellphone sa ingles c. Ito ay ang 'headset' sa ingles.

6.Talipandas

Halimbawa: Ang mga talipandas ay pumunta sa handaan kahit hindi inimbita.

a.mapagmahal na anak b.Mahiyain c. Makapal ang mukha

7. Tsubibo

Halimbawa: Natupad na ang pangarap kong makasakay sa tsubibo noong nakaraang pista.

a.Octopus b.Carousel c. Ferris Wheel


8. Salumpuwit

Halimbawa: Matibay ang salumpuwit na inuupuan ni Nene.

a. upuan b.hagdan c. kama

9. Salipawpaw

Halimbawa: Sumakay si Maria sa salipawpaw patungong Hong Kong.

a. Bus b.Barko c. Eroplano

10.. Mapaniil

Halimbawa: Ang mga kamag-aral ni Jose ay mapaniil.

a. Abusado b.Nangopya c. Naglakad

A.Ibigay ang kahulugan ng mga 'pamilyar na salita'  ayon sa pangungusap.

1. Kasambahay - katulong o mga manggagawa.


Halimbawa: Siya ay isang kasambahay.

2. natakot - isang uri ng emosyon


Halimbawa: Pinanuod nya ang pelikula at siya ay natakot.

3. Aklat
Halimbawa: Siya ay nag dadala ng aklat.

4. Hangos na hangos
Halimbawa: Hangos na hangos siya ng dumating dahil muntik na siyang mahuli sa kanyang klase.

5. panuto .
Halimbawa: Binasa niya ng mabuti ang mga panuto sa pagsusulit.

B. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod

6. Palikuran- 
 7. Silid tulugan o pahingahan -
 8. Pamingganan -
 9. Mag aaral -  
 10. Damit -
Gamit ng mga Pangngalan

Tukuyin ang gamit ng pangngalan na may salungguhit. Isulat ang sagot sa patlang gamit ang mga titik na
sumusunod: S (simuno o paksa), KP (kaganapang pansimuno), PM (pamuno)

Kakayahan: Natutukoy kung ano ang gamit ng pangngalan sa pangungusap

____ 1. Si G. Teodoro ay kawani sa munisipyo ng kanyang siyudad.

____ 2. Si Maricel, ang panganay ni Gng. Romeo, ay magtatapos sa susunod na taon.

_____3. Sina Carmina at Shiela ay sasama sa ating paglalakbay.

_____4. Kumakain ng matatamis na mangga ang mga bata.

_____5. Ang aking ama, si G. Gregorio Martin, ay nagpapasalamat sa inyong walang humpay na pagsuporta.

_____6. Si Jonas ay mag-aaral sa ika-anim na baitang.

_____7.Ang mga mamamayan ay aktibo sa mga gawaing panlipunan.

Panuto:

Tukuyin kung ang panghalip na nasa panaklong ay panghalip panao, pananong, panaklaw o pamatlig. Piliin ang
titik ng tamang sagot

1.Para (kanino) ang mga bulaklak na ito?

a. pamatlig b. panao c. pananong d. panaklaw

2.Ano ang binili (ninyong) panregalo kay Melo?

a. pamatlig b. panao c. pananong d. panaklaw

3.(Diyan) kami nagtayo ng kuwadra noong nakaraang pista.

a. pamatlig b. panao c. pananong d. panaklaw

4.Para sa (amin) ang pinadalang ulam ni Horace?

a. pamatlig b. panao c. pananong d. panaklaw

5.Tiniis niya ang lahat (gaanuman) kabigat ang kanyang paghihirap

You might also like