You are on page 1of 9

Malayang Baryabol: Antas ng Kakayahan sa Pagbasa ng Maikling Kwento

“Si Binibining Phatuphats”

ni: Juan Crisostomo Caballa Sotto

Si Binibining Yeyeng ay isang babaeng puno ng kalorete ang mukha siya, ay isang
Pilipinang Kapampangan na kitang-kita kanyang mukha ang pagka Pilipino. Siya ay
nabibilang sa mahirap na pamilya kaya naman ang kanyang hanapbuhay ay ang
paglalako ng bitso-bitso sa mga nagsusugal at madalas din siyang nakikitang
nagsusunog ng ginataan. Sa pagwakas ng himagsikan at nagbukas ang paaralan ang
mga Amerikano namili sila ng mga guro na maaring magturo. Si Miss yeyeng ay
nagkaroon ng suki na sundalo at siya ay kinukumbinsi nito na mag-aaral upang sila ay
magkaunawan sa pagsasalita. Makalipas ang walong buwan na pag-aaral ay si Miss
Yeyeng ay nagsasalita na ng wikang Ingles kaya naman pinadala siya sa isang
lalawigan upang magturo. Ang lahat ng kanyang tinuturuan ay namamangha dahil sa
kanyang husay sa pagsasalita ng wikang Ingles hanggang sa dumaan ang maraming
taon ay hindi na siya nakapagsasalita ng wikang Kapampangan dahil ayon sa kanya ay
nakalimutan na niya ito at ang Kapampangan daw ay matigas at nasisilo ang kanyang
dila. Marami sa kanyang kababayan ang nakarinig nito kaya naman simula noon ay
pinalitan na nila ang kanyang pangalan bilang si Miss Phathupats dahil sa kanyang
malapad na balakang na pilit niyang inipit sa corset na ubod ng higpi.

Sa pagdaan ng mga tao, si Miss Phathupats ay dumalo ng isang pista na kung saan ay
may nakita siyang pahayag sa wikang Kapampangan bigla siyang sumimangot at
nagsalita "Mi no entiende Kapampangan”. Ginaya ng isang pilyong tao ang kanyang
sinabi at ang tono ng kanyang pananalita doon nagsimula ang pagpapahiya sa kanya at
tinawanan siya ng mga taumbayan hanggang sa nainis siya at nakapagsalita ng wikang
Kapampangan dahil narin sa galit imbis na humupa ang kutyaan ay mas lumakas pa
ang pangungutya sa kanya dahil sa kanyang pagpapanggap at hanggang sa di niya
kinaya ay umalis sa pista.

Napakaraming Miss Phathupats sa atin ngayon, mga taong kinakahiya ang sariling wika
dahil lamang sa mas tinatangkilik na nila ang iba pang wika.
Pag-unawa: Pag-uunawa sa mga salita ayon sa kwentong binasa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong batay sa iyong binasang kwento.
Piliin ang titik ng iyong sagot.

1. Batay sa kwentong iyong nabasa, paano mo mailalarawan si Bb. Phatuphats?


a. Isang dalagang Amerikana
b. Isang dalagang Kapampangan napunong-puno ng kolorete ang mukha
c. Pinagmamalaki ang pagiging Kapampangan
d. Bihasa magsalita ng wikang Ingles
2. Bakit binansagan siyang Bb. Phatuphats?
a. Masyado siyang mapagmataas at tinalikuran ang sariling wika
b. Dahil nababaluktot ang kanyang dila sa wikang Kapampangan
c. Magaling magsalita sa wikang banyaga
d. Dahil sa malapad niyang balakang na pilit iniipit sa pahang mahigpit na
ginamit niya.
3. Batay sa akda, paano nabago ang buhay ni Bb. Phatuphats?
a. May suki si Yeyeng na sundalo na kinumbinsi siyang mag-aral para
magkaintindihan sila
b. Sa pagtitinda ng ginataan at bitso-bitso sa sugalan
c. Sa pakikipagsapalaran
d. Sa pag-aasawa ng amerikano
4. Bakit pinadala si Bb. Yeyeng sa lalawigan?
a. Para magbakasyon
b. Pinapunta siya ng gurong kawal sa isang bayan upang magturo
c. Pinapaalis ng amerikano
d. Tinaboy dahil sa kanyang ugali
5. Ano ang nangyari sa pananalita niya ng Kapampangan?
a. Pinagmalaki niya ito
b. Ginamit niya sa pagtuturo
c. Kung magsalita man ay di tuwid at nauutal
d. Ginagamit niya ito sa pang araw-araw na pakikipag komunikasyon
6. Ano ang reaksyon ng taumbayan sa kanya?
a. Namangha ang mga tao sa pagkabihasa niya sa wikang Ingles
b. Nagulat dahil alam nilang nagsisinungaling sa Bb. Phatuphats
c. Nainis ang mga tao
d. Natuwa sa kaniyang pinakitang ugali
7. Ano ang ginawa ng taumbayan?
a. Pinapaalis si Bb. Phatuphats sa pista
b. Humanga sa kaniyang kagalingan magsalita
c. Hindi siya pinansin
d. Pinagtatawanan nila si Miss Phatuphats.
8. Ano ang reaksyon ni Bb. Phatuphats?
a. Humahalakhak ito
b. Binalewala lang ang mga taumbayan
c. Nagmura siya ng Kapampangan
d. Umalis nalang ito
9. Anong rason ang paglagay ng kolorete sa kanyang mukha?
a. Para mahalina ang mga amerikano
b. Para pagsabihan siya ng maganda
c. Para pagsibahan na siyay amerikana at dayuhan
d. Dahil kulubot na ang kanyang mukha.
10. Ano ang aplikasyon sa panahon ngayon?
a. Maraming Bb. Phatuphats ngayon na mapagpanggap
b. Marami na ang umangkin sa wikang banyaga
c. Kinalimutang ang wikang kinaroroonan
d. Lahat ng nabanggit

Pagpapakahulugan: Pagbibigay kahulugan sa mga matalinghagang pahayag.

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik na ang angkop na
pagpapakahulugan sa bawat bilang.

1. “Ang kanyang hanapbuhay ay paglalako ng bitos-bitso”.


a. Pagbubuhat
b. Pagtitinda
c. Paggawa
d. Pagluluto
2. “Sa pagwakas ng himagsikan at nagbukas ang paaralan ang mga Amerikano”.
a. Hukbo
b. Paghihiganti
c. Rebolusyon
d. Pagtutulungan
3. “Binansagan siyang Bb. Phatuphats”.
a. Mapagpanggap
b. Mapagkunwari
c. Mapagmataas
d. Mapagmagaling
4. “Si Bb. Yeyeng ay pinadala sa isang lalawigan”.
a. Siyudad
b. Rehiyon
c. Bansa
d. Probinsya
5. “Ang lahat ng kanyang tinuturuan ay namamangha dahil sa kanyang husay sa
wikang Ingles”.
a. Nagulat
b. Nag aalinglangan
c. Nabilib
d. Natakot
6. “Pilit niyang iniipit sa corset na ubod ng higpi”.
a. Saksakan
b. Nakakahalina
c. Halimuyak
d. Nakakairita
7. “Si Bb. Phatuphats ay dumalo sa pista”.
a. Sumali
b. Nakikikain
c. Pumunta
d. Nakikisalo
8. “May nakita siyang pahayag sa wikang Kapampangan bigla siyang
sumimangot”.
a. Naiinis
b. Malungkot
c. Walang gana
d. Nanghihinayang
9. “Nainis siya at nakapagsalita ng wikang Kapampangan dahil na rin sa galit na
humupa”.
a. Mawala
b. Umurong
c. Lumiit
d. Huminto
10. “Lumakas pa ang pangungutya sa kanya dahil sa kanyang pagpapanggap”.
a. Katatawanan
b. Pang-aasar
c. Pangangapi
d. Panlalait

Paghihinuha: Hinuha sa sitwasyon ayon sa akdang binasa.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at ibigay ang angkop na hinuha sa
palagay. Isulat ang titik lamang.

1. “Si Bb. Yeyeng ay puno ng kolorete sa mukha, siya ay isang Pilipinang


Kapampangan na kitang-kita ang kanyang pagkapilipino”.
a. Dahil sa kanyang kulay at pananalita
b. Ayon sa kanyang kilos o galaw
c. Taglay na kagandahan
d. Taglay na kabaitan
2. “Si Bb. Yeyeng ay naglalako ng bitso-bitso”.
a. Ito’y kanyang libangan
b. Dahil sa kakapusan
c. Walang maggawa sa bahay
d. Ito ang kanilang hanapbuhay
3. “Sa pagwakas ng himagsikan at nagbukas ng paaralan ang mga Amerikano”.
a. Upang marami ang matuto
b. Upang mas mapalago ang wikang Ingles
c. Para may pag-aralan ang mga Pilipino
d. Para maging kasapi sa kanilang samahan
4. “Si Bb. Yeyeng ay Kapampangan kaya naman pinag-igi niya ang pag-aaral ng
Ingles”.
a. Upang magkaunawaan sa Pananalita
b. Para maging isang guro
c. Upang maging bihasa sa wikang banyaga
d. Para may maipagmayabang
5. “Tuluyan na niyang hindi ginagamit ang salitang Kapampangan”.
a. Nakalimutan na
b. Kinakahiya niya ito
c. Dahil mahirap na raw itong bigkasin
d. Simula ng marunong na siyang magsalita ng Ingles
6. “Pinalitan na nila ang kanyang pangalan bilang Bb. Phatuphats”.
a. Dahil sa malapad na balakang
b. Dahil sa ugaling mapagpanggap
c. Dahil isa siyang sinungaling
d. Dahil sa kanyang taglay na kagalingan sa pagsasalita ng Ingles
7. “Napahalakhak ng malakas ang mga manood”.
a. Dahil sa kamalian ng pananalita at gramar
b. Dahil sa mga biro nito
c. Dahil sa kanyang mukha na puno ng kolorete
d. Dahil sa kilos ni Bb. Yeyeng
8. “Nagalit sa Bb. Phatuphats”.
a. Dahilan sa pagpapahiya kay Bb. Phatuphats
b. Binabalewala ang kanyang mga sinasabi
c. Dahil tinutukso at pinagtatawanan siya ng mga tao
d. Dahil ito’y hindi pinapansin
9. “Nainis siya at nakapagsalita ng wikang Kapampangan”.
a. Resulta ng galit at poot
b. Upang humupa ang kutyaan
c. Dahil sa kanyang pagpapanggap
d. Dahil sa pagpapahiya sa kanya
10. “Napakaraming Bb. Phatuphats sa atin ngayon”.
a. Siguro sa Pagpapanggap
b. Dahil sa tinatangkilik ang ibang wika
c. Dahil sa pagiging ambisyosa
d. Dahil sa pagiging pakialamera at sinungaling

ANSWER KEY:

Pag-unawa

1. b

2. d

3. a

4. b

5. c
6. a

7. d

8. c

9. c

10. d

Pagpapakahulugan

1. b
2. c
3. a
4. a
5. c
6. a
7. c
8. b
9. d
10. b

Paghihinuha

1. b
2. c
3. a
4. a
5. c
6. a
7. c
8. b
9. d
10. b

Di-Malayang Baryabol: Kakayahan sa Pagsulat ng Tekstong Naratibo


PANUTO: Mula sa kwentong nabasa isalaysay ang buhay ni Binibining Phatuphats
batay sa mga larawang magkasunod sunod. Gawing gabay ang pamantayan.

1.
2.

3.

PAMANTAYAN Puntos
Kaisahan
- Isang ideya lamang ang tinatalakay 10
sa loob ng talata.

Kohirens
-Magkakaugnay ang pangungusap o 10
ideya sa loob ng talata.

Empasis
-Ang talata ay may angkop na diin sa 10
datos na binigyang-talakay.

KABUUAN 30 Puntos

You might also like