You are on page 1of 59

TAMANG

GAMIT NG
SALITA
ng at nang
may at mayroon
POP-QUIZ!
1.Kanina pa siya ikot _____ ikot.
a. nang
b. ng
2. Nagsisimula na ang programa
______ dumating ang mga panauhin.
a. ng
b. nang
3. Sa ikalima ___ Disyembre ang
kaarawan ko.
a. ng
b. nang
4.Manood tayo ____ telebisyon _____
malaman natin ang mga bagong balita.
a. nang, ng
b. ng, nang
5.____ lumabas ang guro,
kinopya ___ mga mag-aaral
ang nakasulat sa pisara.
a. nang, ng
b. ng, nang
6. Bawat tao ay _____ sari-sariling
diskarte.

a. mayroon
b. may
7. ________ ba siyang
pasalubong?

a. mayroon
b. may
8. ________ palang proyekto sa
asignaturang Filipino.

a. mayroon
b. may
9. ________ matandang
namamalimos sa parke.

a. mayroon
b. may
10. Sila ay ________ sa kanilang
probinsiya.

a. mayroon
b. may
SAGOT:

1. A 6. B
2. B 7. A
3. A 8. A
4. B 9. B
5. A 10. A
LAYUNIN
1. Natutukoy ang wastong gamit ng “ng
at nang, may at mayroon.”
2.Nasusuri ang istruktura ng mga
pangungusap batay sa wastong gamit
ng mga salita.
3.Nagagamit sa makabuluhang
pagtuturo ang mga idea tungkol sa
wastong gamit ng mga salita.
NAN
Una, ginagamit ang nang na
kasingkahulugan ng noong

Halimbawa:
 Umaga nang barilin si Rizal .
 Nang umagangiyon aylumubha ang
sakit ni Pedro.
Ikalawa, ginagamit ang nangkasingkahulugan
ng upang o “para”.

Halimbawa:
 Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si
Rizal nang matakot ang mga Filipino.
 Dinala si Pedro sa ospital nang magamot.
Ikatlo,ginagamit ang nang katumbas ng
pinagsámang na at “ng”.
Halimbawa:
 Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang
lupit ang mga Espanyol.
 Sobra nang hirap ang dinanas ni Pedro.
Ikaapat, ginagamit ang "nang" para sa
pagsasabi ng paraan o sukat.
(Pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano)
Halimbawa:
 "Binaril nang nakatalikod si
Rizal."
 Namayat nang todo si Pedro dahil
sa sakit.
Ikalima, ginagamitang nang bílang pang-
angkop ng inuulit na salita.
Halimbawa
 Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá
mamamatay sa puso ng mga kababayan.
 Ginamot nang ginamot siPedro para gumaling.
Ikaanim, para mas masarap
bigkasin ang NA.
 Ang mamatay na dahil sa’ýo.
 Ang mamatay nang dahil sa’ýo.
 Puwede na pumasok?
 Puwede nang pumasok?
NG
A. Ginagamit ang “ng” sa
mga pangngalan.
 Pumunta ng Batanes ang
 
pamilya Reyes.
 
B. Ginagamit ang “ng” kapag ang
sinusundan na salita ay pang-uri

Pinagluto ng masarap na adobo ni Aling Marta


ang mga bisita.
C. Ginagamit ang “ng” kasunod
ng mga pang-uring pamilang.

 Binigyan ng 4 na milyong piso si


Heidelyn bilang gantimpala.
.
D. Ginagamit ang “ng” upang
magsaad ng pagmamay-ari.

Ang tiwala ng tao ay mahirap


makuha kaya ingatan mo ito.
 
 
E. Pang-ukol na tagaganap ng
pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa:
 Hinuli ng tanod ang mga
tambay.
 Balintiyak- kapag ang salitang
tagaganap ng kilos o galaw ay
hindi ginagamit na simuno at ang
nasabing tagaganap ay nasa
hulihan ng pandiwa.
MAY
Ang "may" ay ginagamit kung
ito'y sinusundan ng mga sumusunod
na mga bahagi ng pananalita:
Pangngalan
Pandiwa
Pang-uri
Panghalip na paari
Pang-ukol na sa
Pangtukoy na mga
1. Kung ito'y sinusundan
pangngalang pambalana

May aso akong nakita sa labas


ng bahay.
2. Kapag sinusundan ng
pandiwa at pang-uri

Halimbawa:
 May tumatakbo sa labas.
 May magaling siyang anak.
3. Kung ito'y sinusundan ng
pantukoy na mga

 May mga batang naglalaro sa


parke.
4. Kung ito'y sinusundan ng
pang-ukol na sa

Halimbawa:
 May sa-ahas pala ang kaibigan
mo.
5. Kapag sinusundan ng
panghalip na panao sa
kaukulang paari.

 Ang mga anak nina Mang Juan ay


may kani-kaniyang pamilya na.
MAYRO
ON
Samantalang ang "mayroon"
naman ay ginagamit kung ito'y
sinusundan ng isang kataga o
ingklitik.
Ang mga sumusunod ay halimbawa
ng ingklitik:
Ay, pa, kaya, naman, man, aba, naku,
rin, din, hala, hoy, aray, na, e, ala,
sana, ha, ba, pala, yata, daw/raw, at
marami pang iba.
Mga halimbawa:
 Mayroon nga siyang kalaguyo.
 Mayroon na siyang bagong minamahal.
 Mayroon daw bagong nagpapatibok ng
puso niya.
 Mayroon pala siyang ibang tinatangi.
Kapag sinusundan ng panghalip palagyo
 Mayroon akong ipagtatapat
sa iyo.
 Siya ay mayroong bagong sasakyan.
Ginagamit din ang mayroon bilang
panagot sa tanong.
Halimbawa:
 “May pera ka ba?”
“Mayroon”
Kung nangangahulugang
maykaya o mayaman.

Ang pamilya Fuentes ay


mayroon sa bayan ng Balatan.
POP-QUIZ!
1.Bumili si Rex ______ apat na tinapay
para sa anak niya.
a. ng
b. nang
2. Igalang mo ang iyong sarili _____
igalang ka rin ng iba.
a. ng
b. nang
3. Ang mga pagkaing de-lata ay
ibibigay sa mga taong nasalanta
______malakas na bagyo.
a. ng
b. nang
4. Takbo ______takbo ang bata sa
parke sa sobrang kaligayang
naramdaman niya.
a. ng
b. nang
5. Madalas nauubusan ____pera si
Demetrio sapagkat siya ay yung tipong
bigay ____ bigay sa ibang tao.
a. ng, nang
b. nang, ng
6. ___ mga taong laki sa layaw.

a. mayroon
b. may
7. _______ daga sa ilalim ng kama.

a. mayroon
b. may
8. _______ siyang lagnat.

a. mayroon
b. may
9. Si Rico ay ______ ding
magandang katangian.

a. mayroon
b. may
10. Bawat tao ay _____ kaniya-
kaniyang diskarte.

a. mayroon
b. may
SAGOT:

1. A. ng 6. B may
2. B. nang 7. B. may
3. A. ng 8. A. mayroon
4. B. nang 9. A. mayroon
5. A. ng, nang 10. B. may
Maraming
Salamat sa
Pakikinig!
HANGGANG SA MULI!
SANGGUNIAN:
HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/GROUPS/1585655348401004/POSTS/2700895866876941/?
__CFT__[0]=AZWJA7XYTLQNPY3R1I8JULYOIP_Gsqtc59dsd9rjqyapcpogc237ov3-
v1w3im5joendmpiem3mxuda2ionqxap_-OOJ-DJQD3DRN0TIDNVHS5HL2HFGSOGT2T-
QBRUDFZYSYWEZN8IWPPQ8TOH-IXDLVUHZV9U6LR9BF4TGXSAUKQ&__TN__=-UK-R

https://web.facebook.com/103689631050247/posts/wastong-gamit-ng-mga-salita-arii-muli-akong-
nagbabalik-upang-bahagian-kayo-ng-il/326254918793716/?_rdc=1&_rdr

You might also like