You are on page 1of 4

ZYZA GRACEBETH E.

ROLUNA
MFL 208

KALIPUNAN NG IBA’T IBANG URI NG PAGSUSULIT

uri ng pagsusulit o pagtatanong kung saan ibinibigay ang mga


Multiple Choice - ito ay isang
katanungan at ang mga kasama nito ay mga pagpipilian na sagot.

1. Ito ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.


A. Pangalan B. pandiwa C. pang-abay D. pang-uri
2. Ito ay isang uri ng pasalaysay na panitikang nag-iiwan ng iisang kakintalan?
A. Maikling kwento B.Tula C. Nobela D. Dula
3. Si Anna ay nagpunta sa Batangas. Ano ang pangngalan na ginamit bilang simuno?
A. Batangas B. nagpunta C. Anna D. ay
4. Ang matanda ay tumatawid sa kalsada. Ano ang gamit ng pangngalang kalsada sa
pangungusap?
A. Tuwirang layon B. simuno C. panag-uri D. layon ng pang-ukol
5. Alin sa mga sumusunod ang pang-uri?
A. Maganda B. sapatos C. mesa D. bundok
6. Ito'y binubuo ng isa o dalawang maikling taludtod na may sukat, tugma, at may apat
hanggang labindalawang pantig.
A. Alamat B. bugtong C. palaisipan D. tula
7. Ito'y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula?
A. Paksa B. tugma C. sukat D. talinghaga
8. Ito ay sang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon.
A. Alamat B. pabula C. epiko D. maikling kwento
9. Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na saknong na kinapapalooban ng
suliraning narinig mula sa akda. Ibigay/Piliin ang mungkahing angkop na solusyon sa mga
saknong na nasa ibaba.

Diumano’y si Don Juan


Bunso niyang minamahal
Ay nililo at pinatay sa kanila
Ng dalawang tampalasan.

A. Iwasan ang maging matigas ang ulo


B. Maging matapat at mapagkakatiwalaan
C. Magsikap sa pag-aaral upang umunlad ang buhay
D. Magkaroon ng takot sa kapahamakan
10. Ano ang pangatnig na bubuo sa pangungusap? "Mabigat ang trapiko ______ nahuli ako
sa klase."
A. Upang B. kasi C. kaya D. dahil

TAMA O MALI - sang uri ng pagsusulit kung saan ibinibigay ang mga pahayag o mga tanong
at ang mga kalahok ay kailangang tukuyin kung ang bawat isa ay tama o mali. Ito ay
madalas na ginagamit sa mga paaralan bilang isang paraan upang suriin ang kaalaman ng
mga mag-aaral sa isang partikular na paksa

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kung
ito ay nagsasaad ng kasinungalingan.
1. Hindi dapat nababago ang pangunahing tauhan at tagpuan ng kuwentong bayan.
2. Ang mga kuwentong bayan ay bahagi ng panitikang dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas.
3. Kinapapalooban ng mga kababalaghan o hindi kapani-paniwalang pangyayari ang mga
kuwentong bayan.
4. Maaring  mabago ang bersiyon ng mga kuwentong bayan.
5. Ang mito ay kuwentong hango sa Banal na Kasulatan at ginagamit upang makapagturo ng
magandang asal at espiritwal.
6. Ang alamat ay kuwentong piksyon tungkol sa buhay at karanasan ng mga diyos at
diyosa.
7. Ang pabula ay kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, pook, hayop, o
pangyayari.
8. Lumaganap nang pasulat ang mga kuwentong bayan.
9. Ang pabula ay uri ng kuwentong bayan na may tauhang hayop na nagsasalita.
10. Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng isang bagay,
pook, hayop, o pangyayari.

IDENTIPIKASYON - isang uri ng pagsusulit kung saan ang mga kalahok ay hinihilingang
tukuyin ang tamang pangalan, petsa, lugar, o iba pang detalye mula sa mga ibinigay na
impormasyon. Ito ay isang paraan upang suriin ang kakayahan ng isang tao na tandaan at
tukuyin ang mga kritikal na impormasyon.

Panuto; Ibigay ang hinihinging salita o pahayag sa mga sumusunod na pangungusap.

_________ 1. Ito ay nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at


tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula o lumaganap
_________ 2. Ginagamit ang wikang filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may
iba’t ibang unang wikang kinagisnan. Ang filipino rito ay ginagamit bilang _____?
_________ 3. Sino ang nagsabi na ang wika ay isang sistema ng tunog na isinaayos sa
paraang arbitrayyo?
_________ 4. Anong bilang ng artikulo ang ipinahayag sa Sek 7 ng Saligang batas ng 1987
nz zng wikang opisyal ng pilipinas ay Filipino?
_________ 5. Ano ang wikang pambansa ng Pilipinas?
_________ 6. Ano ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon?
_________ 7. Anong wika ang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang pang-
sekundarya?
_________ 8. Sino ang nagsabi na ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid
ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
_________ 9. Sino ang ama ng wikang pambasa?
_________ Sino ang Prseidente ang naglagda ng saligang batas na nagpapatunay na nag
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino?

Fill in the blanks - isang uri ng pagsusulit kung saan ang mga kalahok ay hinihilingang
punan ang mga puwang sa isang pangungusap o teksto ng mga tamang salita o detalye. Ito
ay naglalayong suriin ang kakayahan ng mga mag-aaral na buuin ang mga pangungusap o
teksto sa pamamagitan ng paggamit ng tamang mga salita o impormasyon mula sa kanilang
natutunan.

Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na salita na aayon sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
sundin sakali kumuha wakas kung
iniwan simula tunggalian bumili kasukdulan

1. ______________ ing isang basong tubig si Neth para kay Jean.


2. Pumunta ang nanay sa palengke para ___________ ng mga sariwang gulay.
3. Hahanap muna ako ng trabaho at _________ sakaling papalarin, mag-iipon ako para makapag-aral
muli.
4. Ang pamilya Reyes ay nakahanda na _______ mang dumating ang mga bisita.
5. ____________ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.
6. ___________mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong kabutihan.
7. Sa __________ nakasalalay ang pagdedesisyon ng mga mambabasa kung ipagpapatuloy ang pagbabasa o
hindi.
8. Ang _________ ay ang pagtatapos ng kwento na karaniwang nag-iiwan ng mga mensahe sa mga
mambabasa.
9. Ang _____________ ay ang pagtatalo ng mga tauhan sa kwento.
10. Ito ang pinakamataas na antas na bahagi ng maikling kwento, sa _____________ nagkakaroon ng
pagtatalo sa isip ng mambabasa kung ano ang maaring mangyari sa tauhan.

MATCHING TYPE - isang uri ng pagsusulit kung saan ang mga kalahok ay hinihilingang iugma
ang mga items sa isang listahan sa mga tamang kategorya o tugma. Ito ay isang paraan
upang suriin ang kakayahan ng mga mag-aaral na magtukoy ng relasyon o ugnayan sa
pagitan ng mga konsepto o mga bagay.

Panuto: Pag-ugnayin ang sanhi at bunga.

1. Si Lea ay huli sa klase a. kasi kaarawan niya


2. Nahulog si Juan sa kanal b. dahil sa mga masisipag na mamayan
3. Mataas ang lagnat ni Joshua c. tuloy hindi ako binigyan ng baon
4. Galit si Mommy d. kaya hindi siya pumasok ng paaralan.
5. Maganda ang sayaw nila Elie e. kaya naman binigyan sila nang masigabong palakpakan
6. Maraming natanggap na regalo si Mia f. kaya napagalitan siya ng kaniyang Guro.
7. Malinis ang kapaligiran g. kaya nakakuha siya ng mataas na marka
8. Pinag-aralan niya nang mabuti ang h. bunga nito ay nasugatan siya
kanyang leksyon kagabi i. dahil hindi nya tinitignan ang kanyang dinaraanan
9. Hindi siya natulog ng maaga j. kaya nahuli siya sa klase

PAGSUNOD-SUNOD - Isang uri ng pagsusulit kung saan ang mga kalahok ay hinihilingang
tugunan ang mga tanong o gawain sa isang serye ng mga hakbang o pagkakabanggit. Ito ay
ginagamit upang suriin ang kakayahan ng mga mag-aaral na sumunod sa lohikal at may
sistematikong pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangungusap upang makabuo ng kuwento. Isulat ang bilang ng
pagyayari sa patlang

____ Ilang araw na ang nakalipas hindi pa rin mahanap ni Aling Rosa si Pinang.
____Sa kanyang pagwawalis sa bakuran, may nakita siyang halaman.
____Minsan, nagkasakit si Aling Rosa kaya inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw.
Padabog na sumunod si Pinang.
____Sa halip na matuwa, lalong nagalit si Aling Rosa sapagka’t lahat ng kailangan ni Pinang tulad
ng sandok, bigas at kaldero ay tinatanong sa nanay.
____Dahil sa galit, nasambit ni Aling Rosa na sana ay magkaroon ng maraming mata si
Pinang.
____Hinintay ni Aling Rosa na dulutan siya ng pagkain ni Pinang ngunit di nagpakita si
Pinang sa kanya
____Marami itong mata kaya naalala niya ang sinabi niya sa kanyang anak.
____Ipinagpalagay niya na ito ang kanyang anak na si Pinang.
____Nag-iisang anak ni Aling Rosa si Pinang.

ENUMERASYON - isang uri ng pagsusulit kung saan ang mga kalahok ay hinihilingang
magbigay ng listahan ng mga tamang sagot sa ilalim ng isang partikular na tanong o
instruksyon. Ito ay naglalayong suriin ang kakayahan ng mga mag-aaral na magtukoy ng
mga kritikal na detalye at ilista ang mga ito ng maayos.

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod:

1 - 7. Ibigay ang pitong (7) pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.


3 - 10. Magbigay ng tatlong halimbawa ng kwentong bayan.

You might also like