You are on page 1of 15

MGA SANGKAP NG ISANG

DULA
1. TAGPUAN - panahon at pook
kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula
2. TAUHAN -ang mga kumikilos at
nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari;
ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula
ETIKETA SA PAGTATANGHAL
PAGPASOK
-dito kailangang maipakita ng aktor na siya
ay mula sa tiyak na lugar na
may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-
iisip dahil ang unang impresyon na kanyang
ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang
susi sa papel na kanyang gagampanan.
Diin at Balanse sa Entablado
-ang direktor ang magtuturo sa tamang
posisyon sa
entablado ngunit ang actor ay maaring
tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa
kanyang dapat na posisyon.
Posisyon at Paggalaw
– walang kilos o galaw ang dapat na gawin
na walang dahilan. Ang bawat kilos o
galaw ay may kahulugan. Ang pag-upo o
pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa papel
na ginagampanan.
Linya at Palatandaan
– Dapat kabisado o saulado ang linyang
bibigkasin.Kailangan ding malinaw, buo at
malakas ang boses ng mga actor sa pag-
uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa
kagipitan upang maiwasan ang katahimikan
GALAW NG KATAWAN AT MGA
ALITUNTUNIN

Tindig
– Ito ay mahalaga hindi lamang sa
kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.
Paglakad
– panatilihin ang magandang tindig sa
paglalakad. Kailangang nakataas ang balikat,
diretso ang katawan at diretso rin ang
pagtingin.
Pag-upo
– panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga
kamay ay nakalukbay(relax).

Pagtawid at Pagbalik
– Ang gitnang bahagi na entablado ay tinatawag
na “center”, ang harapan ay “downstage” at ang
likurang bahagi ay “upstage”
Pagtawid
– ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang
posisyon tungo sa ibang posisyon.
(A) (B) (C)
Up Right Stage Up Center Stage Up Left Stage
(D) (E) (F)
Right Center Stage Center Stage Left Center Stage

(G) (H) (I)


Down Right Stage Down Center Stage Left Center Stage
Pagbagsak
– ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o
pagkahimatay ng tauhan.

Kumpas
– ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng
katawan to naghahatid ng mensahe tulad ng
pagtaas o pagbaba ng kilay.
3.Sulyap sa suliranin
– bawat dula ay may suliranin, walang
dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysay ang dula kung wala itong
suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga
pangyayari; maaaring magkaroon ng higit
na isang suliranin ang isang dula
4.Saglit na kasiglahan
– saglit na paglayo o pagtakas ng mga
tauhan sa suliraning nararanasan
Walang sayo Nicole . Akin lang asawa ko .
- Masaya

My brother is not a pig , my brother is not a


pig . Ang kapatid ko ay tao. Hindi baboy
damo .
- Takot

You might also like