You are on page 1of 20

PAGTATANGHAL NG ISANG DULA

AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa


tanghalan.
S  –  seen before heard ( makita muna bago
marinig)
T  –  talk in projection ( magsalita na may
tamang tindig)
A  –  act realistically ( Umarte nang totoo)
G  –  give your all ( Ibigay ang lahat)
E  – exaggerate ( Eksaherado)
PAG-ARTE
Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na
may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na
kanyang ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang
gagampanan. Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago
pa man siya papasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan kung
paano niya gustong lumantad lalo na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong
ang lahat ay maayos tulad ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi
mabagabag. Habang hinihintay ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino
sa entablado at huwag ding harangan ang labasan.
Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang
taong huling lalabas upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga
kausap.
Diin at Balanse sa Entablado

Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang


magtuturo sa tamang posisyon sa
entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa
pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na
posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang
taong nasa likod ang kikilos upang isaayos ang
posisyon. Iwasan na matakpan ang iba.  Bawat tauhan
ay mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng
entablado gaano man ka liit ng linyang bibitawan o
kahit na “extra” lamang.
Posisyon at Paggalaw

Posisyon at Paggalaw – walang kilos  o galaw ang


dapat na gawin na walang
dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan.
Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa
papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay
kailangang magtinginan paminsan-minsan. Tingnan
nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na
pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag
tumalikod sa mga manonood.
Linya at Palatandaan

Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang


linyang bibigkasin.Kailangan
ding malinaw, buo at malakas ang boses ng mga actor sa
pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa kagipitan
upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng
isang aktor ang linya at nawawala ang ibang
impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na hindi
pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng
pagpapakita pa rin ng pagkanatural ng usapan.Kailangang
magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o
magsisimula sa pagsasalita at huwag itong kalimutan.
 GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN

Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa


kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.

Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa


paglalakad. Kailangang nakataas ang
balikat, diretso ang katawan at diretso rin ang
pagtingin.
 GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN

Pagtawid at Pagbalik
–       Ang gitnang bahagi na entablado ay
tinatawag na “center”, ang harapan ay
“downstage” at ang likurang bahagi ay
“upstage”
 GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN

Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa


isang posisyon tungo sa ibang posisyon.
 GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN

Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng


pagkamatay o pagkahimatay ng tauhan.

Kumpas – ito ang paggalaw ng anumang bahagi


ng katawan to naghahatid ng mensahe tulad ng
pagtaas o pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng
ugali ay unang maipapakita ng mata pagkatapos
ay ng bibig, sunod ay sa mukha, pagkatapos ay
sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng
kilos ng braso, kamay at mga daliri.
Mga Kawani ng Produksyon

Direktok: Ang kanyang pangunahing layunin


ay makabuo ng magandang pagtatanghal.
Kailangan niyang madiskubri ang saysay ay
kahulugan ng buong dula. Siya rin ang
magpapaliwanag ang dulang isinulat ng
tagabuo ng iskrip at ang pipili ng babagay na
artistang gaganap sa papel ng mga tauhan sa
dula. Sa kanya nakasalalay ang tagumpay at
kabiguan ng dula.
Mga Kawani ng Produksyon

Katulong ng Direktor: Siya ay
papalit sa direktor kung ito ay wala
at magsisilbing tagapag – ugnay sa
iba pang kawani ng produksyon.
Mga Kawani ng Produksyon

Tagapagdikta – Siya ay hahawak ng


isang “prompt book” at mamarkahan
niya ang mga bagay na kailangang
tandaan ng mga actor tulad ng kumpas,
mga tunog, pagbukas o pagpatay ng ilaw
at iba pa.
Mga Kawani ng Produksyon

Tagadisenyo ng Tanghalan –
magdidisenyo ng lugar na
gaganapan ng dula, ng mga
kasuotan at mga mga ilaw sa
tanghalan.
Mga Kawani ng Produksyon

Direktor Teknikal – siya ang


magmanipula sa lahat ng mga ilaw,
musika, mga espesyal na tunog at iba
pang may kaugnayan sa kuryente. Siya
ay makikipagtulungan din sa mga
paghahandang ginagawa ng
tagadisenyo ng Tagpuan.
Mga Kawani ng Produksyon

Tagapamahala ng Entablado –
Sinisiguro niya na maayos ang
buong entablado na
pagtatanghalan. Siya rin ang
mamamahala sa likod ng entablado
sa posibleng kagipitang
mangyayari.
Mga Kawani ng Produksyon

Tagapamahala ng Tanghalan – Ang mag-


aayos ng mga upuan ng mga manonood.
 

You might also like