You are on page 1of 4

MODYUL 7

Pagtatanghal/Drama

Panimula:

Ang sining ng pagganap o sining ng pagtatanghal, ay pangkalahatang


binubuo ng isang kaganapan o palabas kung saan ang isang pangkat ng mga
tao ay nag-aaral sa isang partikular na paraan sa isa pang pangkat ng mga
tao. Sa larangan ng sayaw, ang pangkat ay karaniwang nagpupunta sa isang
entablado o tanghalan at nagsasagawa ng kanilang pagsasayaw sa harapan
ng isang pangkat ng mga taong nanonood.

Ang dula ay isinulat upang itanghal sa mga manonood, hindi upang


basahin lamang ng mahina o malakas sa silid-aralan. Ang manunulat ng dula
ay karaniwan na nagiging anino na lamang ng mga tauhan. Ang bawat salita
ng mga tauhan ay binibigkas o ipinararating sa mga manonood ng mga
nagsisipagganap. Ang pagtatanghal marahil ang isa sa mga pinakamahirap na
gawain sa dula.

Ang pagtatanghal ng dula ang magbibigay sa mga mag-aaral ng


tunay na kahulugan ng bawat salitang galing sa kahit ano pa mang wika na
nakasulat sa kanilang isip.
Kahit sino ay maaaring gumanap o maging bahagi ng isang dula. Kahit sino ay
nangangarap kahit minsan na mapag-ukulan ng pansin ng mga manonood o
nakikinig. Paano tayo makapagsimula sa pagtatanghal ng isang dula? Ano
ang paraan nating gagamitin upang mahikayat natin ang mag-aaral na
magtanghal ng dula sa silid aralan?

A. Mga Simulain sa Paghahanda at pagtatanghal


ng Isang Dulang Pamproduksyon mula sa aklat ni
Kristine Joy S. Galeon, “Sining”
Sa simula pa lamang ay kailangang tiyaking nakapili nan g isang
iskrip na gagamtin sa pagtatanghal. Huwag kalimutang isaalang-alang ang
katangiang pagkamaitatanghal ng iskrip. Simple o payak lamang ang banghay
subalit naghaharap ng maaksyon at mapanghamong mga tagpo na sukat
aantig sa mga manonood.
Hinihingi ang bukas, malaya at kritikal napag-uusap at pagpapalitang-
kuro sa pagitan ng manunulat ng iskrip at ng direktor. Kailangang mapag-
usapan nilang lahat ang mga konsepto, detalye at mga kaisipang dapat
palutangin sa kabuuan ng dula. Sa puntong ito ay matatagpo ang kaisipan at
ideya at itinuturing na dalawang pangunahing manlilikha sa larangan ng Sining
Pantanghalan.
B. Mga Tao sa loob ng Produksyon, Produksyon
Staff at mga Tungkulin
Matapos ang mayaman at masaklaw na pagpapalitan ng masining na
mga konsepto at malikhaing pananaw, sisikapin nila sa puntong ito na mabuo
ang mga taong gaganap ng kani-kanilang tungkulin bilang mga Production
Staff. At matapos matukoy kung sino-sino ang mga taong ito ay magkakaroon
muli ng isang Production Meeting na dadaluhan ng lahat ng mga nasabing
sangkot sa produksyon.
Ang bawat isa ay maglalahad ng kanikanilang plano ayon sa kung
ano ang itinakdang particular na Gawain nila. Ang Production Designer ang
madlalahad ng pangkalahatang bihis at anyo ng entablado sa bawat eksena.
Magiging katuwang niya ang mga Props Men, Wardrobe at Hair & Make-Up
Artist at maging ang Art Department Crew.
Ang lahat ng may kinalaman sa disenyo, estetika, kulay, bihis at anyo
ay kailangang mapagkasunduan at maihanda. Gayundin ang mga bumubuo
sa Technical Staff na kinapapalooban ng Lighting Director, Sound
Manager, Musical Scorer at mga Composers at Lyricists ay kinakailangang
maglahad ng kanilang mga plano kasangguni ang director at manunulat ng
iskrip. Isang Stage Manager ang kinakailangan piliin ng director upang maging
pangkalahatan niyang katuwang sa kabuuang takbo ng produksyon.

Matapos maisagawa ang inisyal na para sa aspektong artistiko,


teknikal at pampproduksyon ng dula, kailangang magsagawa nan g isang
audition upang mapili kung sino ang mga gaganap sa bawat isang karakter o
tauhan, kagyat itong susundan ng isang Acting Workshop na higit pang
huhubog at lilinang sa kanilang kakayahan at kahusayan sa sining ng pag-
aarte o pagganap.
Kasunod nito ay kailangang magkaroon ng Story Conferencing ang
lahat ng mga artistang gaganap upang higit pa nilang makikila nang malalim
ang karakter na kanilang gagampanan. Susundan na rin agad ito ng tinatawag
na Throwing of Lines upang maging kampante ang mga artista sa isa’t isa at
upang masanay na ang mga magkakaeksena sa pagpapalitan nila ng diyalogo
at pagbabatuhan ng linya. Ngunit huwag kalilimutan na sa throwing of lines pa
lamang ay kinakailangang bigkasin nang wasto, malakas at malinaw ng bawat
isang artista ang kanyang diyalogo nang may wastong damdamin, tamang
gamit ng diin at intonasyon.
Ang mga sumusunod na hakbang ay ang puspusang pagsasanay at
paghahanda para sa pagtatanghal. Habang lumilipas ang mga araw ng
pagsasanay ay higit na nagiging mahusay ang mga artista sa kanikanilang
pagbibitiw ng diyalogo o linya. Gayundin, kinakailangang nasasaulo na nila
unti-unti ang kanilang mga linya o diyalodo at hindi na naghahawak ng iskrip
(drop script rehearsal) sa ginagawang pagsasanay.
Sa paglipas ng bawat araw, kailangang tumataas din ang antas at
kalidad ng performance ng bawat artista, ito ang tinatawag na Raising Up To
Performance Level. Kinakailangang ang lahat ay nakapagpapamalas ng
kahusayan sa lalong higit na mataas na antas ng pagganap. Kailangang
pumasa sa panlasa ng direktor ang ginagawa ng bawat isa at nararapat
lamang na tumutugma ang kanilang mga kilos, galaw at karakterisasyon ayon
sa hinihingi ng iskrip at eksena. Agad naman itong susundan ng Polishing
Rehearsal na higit ang magiging tutok sa delivery of lines at pagbibigay ng
wastong damdamin sa pagbigkas.
Bago ang mga nalalapit na pinal na pagsasanay, kinakailangang
sumailalim ang mga artista sa isang creative activity na kung tawagin ay One
Day in the Life Activity at Hot Seat na susubok sa lalim ng bawat pagkakilala
ng mga artista sa papel o karakter na ginagampanan at sa katauhan ng iba
pang mga karakter na nakakaeksena niya.

C. Mga Gawain Bago ang Pagtatanghal:


1. Alisin ang tension, inhibisyon, pangamba sa mga mag-aaral. Dapat alamin
ang kanilang natatanging talent. Ipadama sa mga mag-aaral na ang guro
ay tao ring katulad nila-humahalakhak, lumuluha, natutulog, kumakain, at
kung minsa ay nagagalit. Kailangang natatanto ng mga mag-aaral na ang
kanilang guro ay totoong tao, hindi tuod at hindi diktador.
2. Sa pagpili ng dulang itatanghal sa silid-aralan tiyakin natin na ito ay malapit
sa puso grupo at may kaugnayan sa paksa o tema na dapat talakayin sa
silid aralan. Ang dayalogo ay simple, at makahulugan sa bawat buhay ng
gaganap at manonood na mag-aaral. Maaring pumili ng isang simple,
malungkot o masayang dula na angkop sa pang-araw-araw na buhay ng
mag-aaral
3. Nakabubuting magtanghal ng isang dula na may isang tagpo.
4. Sa simula ay hayaang basahin ng mga mag-aaral ang dula.
5. Bilang tulong sa paghahanda ng dula, magbigay ng sapat na panahon sa
pagtalakay ng mga sumusunod na katanungan:
1. Bakit isinulat ang dula?
2. Ano ang ibig iparating ng may-akda?
3. Nais ba lamang ng may-akda na maglarawan ng buhay-buhay sa
mga lugar?

D. Paglabas sa Dulang May Isang Yugto


Kapag napili nang klase ang dulang itatanghal, maaaring isunod:
1. Pipiliin sa klase ang mga tauhang gaganap sa dula.
2. Magkakaroon ng auditon para sa bawat tauhang gaganap.
3. Pipiliin ang nararapat na mag-aaral sa bawat tauhan.
4. Itanghal ang dula na pinatnubayan ng mga pinagkasunduang istandard
upang maging mabuti ang pagganap ng mga tauhan.
5. Mga istandard sa panonood ng dula
6. Pagbabahaginan ng mga karanasan sa ginawang pagganap, pagsunod sa
mga ginawang pamantayan sa pagsusuri ng dulang itatanghal.
7. Pagkomento ng guro sa isinagawang dula sa klase.

E. Pagtatanghal ng Dulang May Isang Yugto


Ito ang pinakamahirap na bahagi ng mag-aaral. Nangangailangan ng
sapat na kaalaman tungkol sa kabuuan ng dula at kailangan din niya ang mga
kaalamang teknikal tula ng:
1. Pumili ng iba’t ibang mag-aaral na may kakayahang iarte ang mga tauhang
gaganp, mangangasiwa sa tanghalan, sa tugtugin, sa iba’t ibang tunog na
maaring kailangan sa dula, mangangasiwa sa pag-iilaw at maging ang
kabuuang direktor.
2. Bigyang-pansin ang mangangasiwa sa produksyon gaya ng make-up,
kasuotan at mga kagamitang nagpapalitaw sa panahon, tagpuan,
kapaligiran at katauhan upang maging makatotohanan ang mga
pangyayari.
3. Ang pagsasaayos ng pook na tatanghalan ng dula, kasama na rito ang
upuan at iba pang kakailanganin ng mga manonood.
4. Maaaring ilista ang mga magagastos na salapi at kapakinabangan sa dula.

You might also like